Bekitaktakan: Normal ba ang pagiging bakla?


Originally posted on The Pinoy Babbler:

A new viral video about being LGBT is going viral in the Philippines. It stars Jayvhot Galang, who rose to fame via Maxxie The Musical, the theater adaptation of the critically-acclaimed independent film “Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros (The Blossoming of Maximo Oliveros).”

The video answers stereotypical questions about being LGBT and Jayvhot answers them sarcastically but providing a clearer perspective afterwards.

According to TLF Share’s website, “This video uses a mixture of evidence, human rights, and bekinese humor to answer frequently asked questions about lesbians, gays, bisexuals, and transgenders and to introduce the complex issues around sexual orientation and gender identity. ”

TLF Share is a non-profit and non-governmental organization of sexual health advocates in the Philippines.

To know more about TLF Share, visit their website at http://www.tlfshare.org/

View original

UPDATE: Been busy because of Typhoon Yolanda


I’ve been getting a few questions as to when the next chapter will be posted.

I know I’ve made a promise to post last week and I apologize for not doing so.

I have been heavily involved in the relief efforts the company I’m working for is doing for the areas affected by Typhoon Yolanda.

I hope you all understand. And I hope that all of you are safe.

Kismet: Chapter 8


kismet

And finally! Natapos ko din ‘tong chapter na ‘to! Ilang beses ko din ‘tong inedit.

Sana matuwa kayo dito :)

Enjoy!!

_________________________________________________

Previously on Chapter 7

“I’m gay,” tugon ni Jeric.

“Oh, okay,” tila gulat na reaksyon ni Tristan.

Pareho silang natahimik matapos nito.

“Sana hindi ka galit dahil hindi ko sinabi agad,” pagbasag ni Jeric sa katahimikan.

Tumingin si Tristan kay Jeric, “Ano ka ba? Okay lang. I understand. I just didn’t expect it. But I’m totally cool with it.”

“Talaga? Salamat.” Nakahinga ng maluwag si Jeric. At least ngayon ay hindi na niya kailangan pang itago iyon kay Tristan.

“Totally,” pagtatapos ni Tristan sa kanilang pag-uusap.

Lingid sa kaalaman ni Jeric ay kinabahan si Tristan nang malaman nitong bading si Jeric. “I’m doomed,” wika nito sa sarili.

——

“Hey, Tristan, we’re eating na,” aya ni Andrea.

Magkatabing nakaupo sa dalampasigan sina Tristan at Jeric habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw.

“Oo, susunod kami,” tugon ni Andrea. Nang makalayo na sa kanila si Andrea ay muling nag-usap ang dalawa.

“Ano ‘yun?”

“Hindi nila pwedeng malaman ang tungkol sa nangyari kanina,” patuloy ni Jeric.

“Bakit hindi?” nagtatakang tanong ni Tristan.

10 Hours Ago

“Huy, Jeric, gising na! Nag-aalmusal na silang lahat,” wika ni Tristan habang inaalog ang kama ni Jeric.

Silang dalawa ang magkasama sa kwarto kahit na may nakareserbang kwarto para lang kay Tristan. Naisip nito na baka ma-out-of-place si Jeric kapag hindi niya ito sinamahan dahil wala naman ito masyadong kakilala sa mga kasama.

“Ummmm…” nakapikit pa ring tugon ni Jeric.

“Bahala ka, uubusan ka namin ng pagkain,” pang-aasar ni Tristan.

Nag-inat si Jeric at dahan-dahang minulat ang mga mata. “Ito na nga, gigising na! Bakit ang aaga n’yo nagising?”

“Sanay kami ng walang tulog. Dali maghilamos ka na para makasabay tayo sa kanila.

Nag-inat pa ng kaunti si Jeric bago ito bumangon at magtungo sa banyo upang maghilamos at magsipilyo.

Paglabas ni Jeric ng banya ay bahagya itong nangiti nang makita si Tristan na nakatanaw sa bintana. Hindi nito alam kung natutuwa siya dahil sa itsura ni Tristan habang nakatitig sa bintana o dahil sa hinintay siya nito.

“Ready?” tanong ni Tristan.

“Yup,” tugon ni Jeric.

Halos tumalon si Tristan ng tumayo ito. “Great. Let’s eat! I’m starving!”

Pagdating nila sa mess hall ay nagkukwentuhan ang lahat habang nag-aalmusal. Umupo sila sa tabi ni Andrea na abalang kausap ang ilang cast ng Kismet.

Tahimik na inubos ni Jeric ang almusal niya. Maging si Tristan ay hindi gaanong nakikipag-usap sa mga katabi. Abala ito sa pag-ubos ng kanyang pagkain

“Why are you so quiet?” bulong ni Tristan kay Jeric.

“Wala naman kasi akong kakilala dito. Pero don’t mind me, okay lang ako,” tugon ni Jeric.

Nang marinig ang sagot ni Jeric ay agad na tumayo si Tristan.

“Where are you going?” tanong ni Andrea nang mapansing nakatayo si Tristan.

“Second round lang. Halika Jeric, sama ka,” aya ni Tristan.

“Okay na ako sa kinuha ko,” ani Jeric.

“Basta sumama ka na lang,” pilit ni Tristan.

Tumayo si Jeric at nahihiyang nagpaalam sa mga kasama sa mesa.

“Busog na nga ako, Tristan,” bahagyang inis na wika ni Jeric.

“Sorry. I didn’t mean to offend you. Ang tahimik mo lang kasi sobra. Naguilty naman ako dahil ako nagpilit sa’yo na sumama dito tapos parang hindi ka naman nag-eenjoy,” paliwanag ni Tristan.

“Okay lang, ano ba. Medyo inaantok pa din kasi ako,” sagot ni Jeric.

“Doon na lang tayo sa may cottage sa labas kumain. Parang gusto ko din magpahangin e,” aya ni Tristan.

Bagama’t nagtataka ay hindi na nagtanong si Jeric. Sumunod na lang siya kay Tristan sa pagpunta sa cottage.

“Tahimik ka din kaya doon kanina,” panimula ni Jeric pag-upo nila sa cottage.

“Hindi naman kasi talaga ako close sa kanila. Alam mo na, may suplado image na kailangang pangalagaan,” wika ni Tristan na ikinatawa nilang dalawa.

“Ano ba pakiramdam ng sikat?” tanong ni Jeric habang patuloy silang kumakain ni Tristan.

“Nakakasakal. Parang wala na akong sariling buhay. I can’t live my life the way I really want to. Although, I must admit na it does have its perks. Banggitin lang namin ‘yung brand ng damit and we get them for free,” tugon ni Tristan. “Which is kind of weird, actually. ‘Yung mga may pero naman pambili, sila pa ‘yung nakakalibre. That’s why I don’t endorse any clothing apparel. I know it is not my fault but I can’t help but feel guilty na nakukuha ko sila for free.”

“Wow. Ang lalim,” pang-aasar ni Jeric.

Bahagya siyang sinuntok ni Tristan sa braso. “You’re crazy. Ikaw ‘tong nagtatanong.”

“Bakit nga pala hindi natin kasama ‘yung manager mo?” usisa ni Jeric.

“Si Mommy Krista? Oo nga, eh. Medyo matagal ko na rin siyang hindi nakakasama. I miss Mommy Krista kahit na alam kong puro sakit ng ulo binibigay ko sa kanya,” ani Tristan. “Hindi lang kasi talaga siya mahilig sumama sa mga ganito,” tugon ni Tristan sa tanong ni Jeric.

“Bakit?”

“I’m not the right person to answer that question, Jeric,” tugon ni Tristan. “Wanna swim?” pag-iiba niya ng usapan.

“Sige ikaw na lang muna, baka malamig pa ‘yung tubig, e” tugon ni Jeric.

“Okay ka lang maiwan muna dito?” usisa ni Tristan.

“Oo naman,” nakangiting tugon ni Jeric.

“Alright. Just wave your hand if you need anything, ha,” wika ni Tristan at tumayo.

Napangiti si Jeric dahil ramdam nito ang pag-aalala sa kanya ni Tristan. Ibang iba sa una niyang akala na ugali ng artista. Bagama’t hindi pa rin ganoon kalinaw sa kanya kung bakit baligtad ang tingin ng mga tao sa ugali ni Tristan.

Naputol ang pag-iisip ni Jeric nang mapansin niyang hinuhubad ni Tristan ang pang-itaas niyang damit.

Ngayon lang nakita ni Jeric si Tristan na walang pang-itaas at namangha siya sa ganda ng katawan nito. Kahit anong pilit niyang huwag tumingin ay nakapako na talaga ang mga mata niya rito. Bagama’t sikat na artista si Tristan ay ni minsan ay hindi pa ito naghubad sa kanyang mga palabas maging sa mga advertisements nito kaya talagang nagulat si Jeric.

“Baka matunaw ako niyan,” mapang-asar na wika ni Tristan.

Patay na! Nahuli nito si Jeric na nakatitig sa kanya. Ramdam ni Jeric ang pamumula ng mukha niya at hindi rin niya alam kung saan nito ibabaling ang tingin. Parang gusto niyang lamunin ng lupa dahil sa kahihiyan.

“Just kidding. Mag-swim na ako,” nakangiti pa ring wika ni Tristan sabay takbo papunta sa dagat.

“Tanga! Tanga! Tanga!” wika ni Jeric sa sarili. “Ngayon alam na niya na bading ka!”

Gustuhin man niyang umalis na sa kinauupuan ang magmukmok na lang sa kwarto ay ayaw naman ni Jeric na isipi ni Tristan na napikon siya sa pang-aasar nito kaya sinubukan na lang niyang kalmahin ang sarili.

Tahimik lang niyang pinagmamasdan si Tristan habang lumalangoy ito nang mapansin niya na parang iba na ang galaw ni Tristan. Naghihikahos ito na makalutong. Nang mapagtanto ni Jeric na nalulunod si Tristan ay agad itong tumayo at tumakbo upang sumaklolo.

Ang bilis ng tibok ng puso Jeric habang lumalangoy ito papalapit kay Tristan. nang mahawak na niya ang kamay ni Tristan ay agad niiya itong inakay pabalik sa pampang.

“Tristan! Tristan, gising!” humahangos na tawag ni Jeric.

Ng hindi tumugon si Tristan ay hindi na nagdalawang-isip pa si Jeric at nilapit na niya ang bibig niya kay Tristan at ginawan ito ng CPR.

Dalawang beses niya itong ginawa bago nagkamalay si Tristan.

“Buti naman at nagising ka na.” Nakahinga ng maluwag si Jeric.

Umuubo pa si Tristan at nilalabas ang mga nainom na tubig. “Thanks, Jeric.”

Inalalayan ni Jeric si Tristan sa pagtayo at dahan-dahan silang naglakad pabalik sa kanilang kwarto.

“Thank you,” mahinang wika ni Tristan.

“Okay lang, buti nga nakita kita,” tugon naman ni Jeric nang nakaupo na sila sa kama sa loob ng kwarto nila.

“Bigla kasi akong pinulikat,” paliwanag ni Tristan.

“Mahiga ka na lang muna diyan at magpahinga. Kukuha lang ako ng pamalit mong damit,” wika ni Jeric. Akma na itong tatayo ng hinili siya ni Tristan na dahilan upang mapaupo si Jeric sa tabi nito.

Hindi pa nakakapagsalita si Jeric nang bigla na lamang siyang halikan ni Tristan sa labi. Hindi nakagalaw si Jeric dahil sa nangyari. Gulat na gulat ito.

Malambot ang mga labi ni Tristan na bahagyang malamig dahil na rin siguro kagagaling lang nito sa tubig. Hindi makapaniwala si Jeric sa nangyayari.

Hinahalikan siya ni Tristan!

Malumanay ang paghalik sa kanya ni Tristan ngunit hindi niya magawang gantihan ang halik nito dala pa rin ng gulat.

Nang magkaroon na ito ng lakas ng loob ay pinutol ni Jeric ang paghalik ni Tristan sa kanya. Agad itong tumayo palayo kay Jeric.

“Kukunin ko lang ‘yung damit mo para makapagpahinga ka na,” wika nito. Hindi na niya hinintay ang sagot ni Tristan at tumuloy na ito sa kwarto kung nasaan ang mga gamit nila.

Pagbalik niya sa kama ay inabot ni Jeric kay Tristan ang damit.

“Lalabas na lang ako para makapagpalit ka,” wika nito.

“Jeric,” mahinang tugon ni Tristan.

“Babalik ako pag nakapagpalit ka na,” wika ni Jeric at naglakad palabas ng kwarto. Ni hindi niya matingnan sa mata si Tristan.

Nainis sa sarili si Jeric sa inasal. Hindi niya mawari kung bakit ganun ang naging reaksiyon niya. May gusto siya kay Tristan at sa ginawa nito kanina ay mukhang gusto rin siya nito. Pero bakit hindi niya magawang maging masaya?

Sa loob naman ng kwarto ay sising-sisi si Tristan sa ginawa.

Bagama’t inamin na ni Jeric kay Tristan na bading ito ay hindi pa rin sigurado ang huli kung may gusto ito sa kanya.

“Baka mali ang akala ko,” isip ni . Ngunit ng hindi kumilos si Jeric ng hinalikan niya ito ay nagdalawang-isip si Tristan. At ngayon nga ay mukhang iniiwasan na siya nito.

Pagpasok ni Jeric sa kwarto ay tulog na si Tristan.

Tinitigan lang niya ito at inisip kung ano ang tunay na dahilan kung bakit siya hinalikan nito.

“Jeric,” mahinang wika ni Tristan.

Nakatulog si Jeric sa upuan sa loob ng kwarto. Halos ala una na nang magising si Tristan at nakita niyang nakatulog rin si Jeric.

Bahagya niya itong tinapik upang gisingin. Nang magising na ito ay umupo si Tristan sa tabi nito.

“Sorry, nakatulog din pala ako,” wika ni Jeric.

“Can we talk about what happened earlier?” tanong ni Tristan.

“Tristan.”

“Pinutol ni Tristan ang pagsasalita ni Jeric. “I hope I didn’t offend you earlier when I — when I kissed you.”

“Okay lang ‘yun. Baka wala ka lang sa sarili mo kanina dahil sa nangyari sa ‘yo. Hindi pa maganda pakiramdam mo kanina, ‘di ba? I’m sure ‘yun ang dahilan nun” pilit na pagtanggi ni Jeric sa katotohanan.

Hindi alam ni Tristan kung sasabihin na ba niya ang totoo o sasang-ayunan na lang niya ang sinabi ni Jeric.

“Bahala na,” isip ni Tristan.

“I’m gay. I’ve known for a long time. Hindi ko lang inaamin publicly kasi wala din namang nagtatanong ang alam ko na makakasira sa career ko kapag nalaman ng tao ‘yun,” wika ni Tristan.

“So, ‘yung kanina?” tanong ni Jeric.

“I kissed you because I like you. At first I only see you as a friend. Someone I can be close with. Pero nung matagal na tayong magkakilala, I can’t help but admire you, how much you care for your family and Rain, and how nice and thoughtful you are.”

Hindi makasagot si Jeric sa mga narinig. Halos mamula ito sa mga mabubuting salita na sinasabi ni Tristan. At totoo ba ang narinig niya? Gusto siya nito?

“Huy, Jeric, magsalita ka naman,” wika ni Tristan.

Bahagyang natuwa si Jeric nang makitang tila nahihiya si Tristan sa kanya. Kaya sa halip na sumagot kay Tristan ay ginawa ni Jeric ang hindi niya nagawa kanina.

Inilapit niya ang mukha niya kay Tristan at marahan itong hinalikan.

Naramdaman ni Jeric ang pagngiti ni Tristan habang matamis nitong sinasagot ang halik niya.

Wala pang sampung segundo ang halik ngunit pakiramdam nina Tristan at Jeric ay ang tagal nang magkalapat ng kanilang mga labi.

Nang maghiwalay na ang kanilang mga labi ay pareho lang silang ngumiti sa isa’t isa.

Dahil na rin sa pagod dala ng insidente kanina sa dagat ay nagpasya silang dalawa na matulog muli — nang magkatibi sa kama.

Bandang alas singko ng hapon nang magising si Jeric at nakita nitong mahimbing pa rin ang tulog ni Tristan. Lumabas ito saglit ng kwarto upang kumuha ng tubig.

Dahil ayaw niyang maistorbo si Tristan ay umupo ito sa sofa sa sala at binuksan ang TV.

“May ikukwento ako sa’yo pagbalik namin ng Manila,” text ni Jeric kay Rain.

Showbiz talk show ang palabas at napukaw ang atensyon ni Jeric dito nang marinig ang pangalan ni Mommy Krista.

Manager ni Tristan na si Mommy Krista, may AIDS?

Nagulat si Jeric sa narinig. Base sa balita ay naconfine si Mommy Krista sa isang ospital dahil sa pneumonia at bagama’t nasa mabuti na itong lagay at nakausap na ng media ay hindi na rin nito itinago sa lahat ang tunay niyang kondisyon.

“Alam kong marami nang nagsasabi ng mga haka-haka at alam kong sooner or later ay lalabas na rin ito kaya aaminin ko na. Yes, may AIDS ako,” wika ni Mommy Krista sa nag-interview sa kanya.

Hindi alam ni Jeric kung sasabihin niya ito kay Tristan. Inisip niya na maaaring alam na rin ito ni Tristan at ito ang sinasabing dahilan ni Tristan kung bakit hindi siya makaalis sa showbiz dahil kailangan siya ni Mommy Krista.

“Ano ‘yang pinapanood mo?” wika ni Tristan.

Sa lalim ng iniisip ay hindi na namalayan ni Jeric na nagising na pala si Tristan.

“Tristan, naospital si Mommy Krista. Ipinakita kanina sa TV,” wika ni Jeric.

Nanlaki ang mata ni Tristan. Agad itong bumalik sa kwarto upang kunin ang cellphone niya. Halos mahulog sa kamay ni Tristan ang telepono dahilsa magkahalong kaba at diin ng pagpindot dito ni Tristan.

“Mommy! Bakit hindi mo ako tinawagan agad? Babalik na kami ni Jeric ng Manila ngayon din,” wika ni Tristan sa kausap sa telepono.

“Sure ka? Baka mamaya nagsisinungaling ka lang sa akin para hindi na ako mag-alala.”

“Mag-promise ka, Mommy! Dali. Or else I’m really going back to Manila,” tugon ni Tristan sa kausap.

“O sige. Basta keep me posted, okay?”

Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Mommy Krista, umupo si Tristan sa tabi ni Jeric.

“Kamusta na daw siya?” tanong ni Jeric.

“Okay na daw. Stable naman na daw ‘yung condition niya. I just can’t believe na hindi na niya ako sinabihan agad. Ako pa ang huling nakaalam,” wika ni Tristan. Bakas na bakas sa tinig nito ang kalungkutan.

Kitang kita ni Jeric ang pag-aalala ni Tristan kay Mommy Krista. Ramdam na ramdam niya na mahal na mahal ni Tristan ang manager nito. At bigla siyang nag-alala.

“Lakad tayo sa labas,” aya ni Jeric.

“Okay, so that I calm myself as well,” wika ni Tristan.

Tumuloy sila sa dalampasigan. Ang ganda nitong pagmasdan. Ang liwanag ng buwan at ang daming bituin sa langit.

Tahimik lang ang dalawa habang naglalakad. Nag-aalala pa rin si Tristan kay Mommy Krista. Nag-aalala rin si Jeric, ngunit tungkol sa ibang bagay.

“Mahal mo talaga si Mommy Krista, ano?” tanong ni Jeric kay Tristan.

“Oo. After losing my mom, he’s the closest I have to a family. And he really cares for me,” wika ni Tristan.

Mas lalong bumigat ang pakiramdam ni Jeric sa narinig.

“Upo muna tayo dito. Medyo napagod ako,” ani Tristan.

Muling natahimik ang dalawa habang parehong pingmamasdan ang kagandahan ng langit.

“Hey, Tristan, we’re eating na,” aya ni Andrea.

Magkatabing nakaupo sa dalampasigan sina Tristan at Jeric habang pinagmamasdan ang buwan.

“Oo, susunod kami,” tugon ni Andrea. Nang makalayo na sa kanila si Andrea ay muling nag-usap ang dalawa.

“Hindi nila pwedeng malaman,” wika ni Jeric.

“Ano ‘yun?”

“Hindi nila pwedeng malaman ang tungkol sa nangyari kanina,” patuloy ni Jeric.

“Bakit hindi?” nagtatakang tanong ni Tristan.

“Hindi ba nga sabi mo kanina sa akin nakapag nalaman nila ‘yung tungkol sa’yo, masisira ang career mo. Kailangan ka ni Mommy Krista ngayon at kapag nawalan ka ng trabaho, mawawalan rin siya ng trabaho. Paano na lang niya maaalagaan ang sarili niya kung wala na siyang kikitain?” ani Jeric.

Hindi makapaniwala si Tristan sa narinig. Kung kailan akala niya ay may pagkakaintindihan na sila ni Jeric ay biglang nag-iba ang isip nito.

Hindi na napigilan ni Jeric ang pagtulo ng kanyang mga luha. Mabigat sa loob niya ang naging desisyon pero hindi niya kayang maging makasarili lalo na’t alam niyang buhay ng ibang tao ang maaaring maapektuhan kapag ipinagpatuloy nila ito ni Tristan.

“I’m sorry,” wika ni Jeric kay Tristan. “I’m sorry.”