Kismet: Chapter 10


  

Previously on Kismet: Chapter 9:

“Does it look like I care? Ruin my career if that will make you sleep at night. I can even pay you for it! And don’t you think people won’t think bad of you for forcing me to say that I’m disgusted with Mommy Krista’s illness? I’m not! I will never be disgusted. At kung kailangan pa na ako ang mag-alaga sa kanya araw-araw, I’ll do it rather than wasting my time talking to people like you!”

TRISTAN, BINASTOS SI LADY GOMEZ SA SARILING SHOW! Bastos!

“Mommy Krista, I have to go. Pinapatawag daw kami ni Andrea ng management,” wika ni Tristan pagbalik niya sa kwarto.

“Tungkol daw saan?” pag-alala ni Mommy Krista. Medyo nakokonsensya na rin siya dahil hindi na niya matutukan ang careern ng mga alaga niya mula nang maconfine ito sa ospital.

Napansin ni Jeric na balisa si Tristan habang papunta sila sa FBN-8.

“Alam mo na kung ano pag-uusapan niyo, ano?” tanong ni Jeric.

“Ang dami daw nagpull-out na advertisers sa Kismet dahil sa ginawa ko sa Push!. Nagwoworry mga bosses na baka bumaba din ratings,” tugon ni Tristan.

___

“So I heard you’re the headline again,” wika ni Andrea nang magkasabay sila ni Tristan sa elevator papunta sa meeting room.

“I’m not in the mood, Andrea,” supladong tugon ni Tristan.

“Are you really that mean to women?” inis na tanong ni Andrea.

Biglang natauhan si Tristan. Walang ginagawa sa kanya si Andrea at alam niyang nais lang nitong tumulong.

“I’m sorry. I didn’t mean to offend you,” paghingi ng tawad ni Tristan.
“Kamusta si Mommy Krista? I plan on visiting her tomorrow sana,” wika ni Andrea.

“She’s doing okay. Medyo mahina pa rin katawan pero at least natreat na ‘yung penumonia niya.”

Pagpasok nila sa meeting room ay nandoon na ang bosses ng FBN-8 pati ang producers ng Kismet.

“We called both of you here today because our advertisers pulled out of your show,” paunang sabi ni Victor Cabral, Associate Vice President for Entertainment ng FBN-8 at siyang namamahala sa lahat ng entertainment shows ng istasyon. “We need to do something about it before our ratings go down.”

“It’s my fault. I’m sorry,” wika ni Tristan kahit na naniniwala siyang wala siyang ginawang mali. Alam nito na sa huli, mga boss pa rin niya ang kaharap niya at hindi makakatulong kung pati ang mga ito ay susuwayin niya.

“We understand what you did. We know how important Mommy Krista is to you,” patuloy ni Victor. “But we want to put an end to this as early as possible. Especially because Kismet and Push! are both FBN-8 shows. Hindi maganda tingnan na mismong mga talents natin ang magkakaaway.”

“I think, Sir Victor, you also need to talk to the Push! people,” kumento ni Andrea. “Tristan is not the only person to blame. Nasaktan siya sa ginawa sa kanya and he only reacted. I understand that Lady is trying to peg this as a verbal abuse against women. I’m willing to be interviewed and show my support from Tristan,” patuloy nito.

Tumingin si Tristan kay Andrea at binigyan ito ng ngiti tanda ng pasasalamat.

“That’s great, Andrea! I’m sure that will put an end to this,” tugon ng director ng Kismet na si Pancho.

“I agree. And don’t worry, we also set up a meeting with Lady and the staff of Push!,” tugon ni Victor.

“Since we’re all here,” wika ni Tristan, “I want to let you all know that Kismet will be my last show for now.”
Nagulat at natahimik lahat ng nasa kwarto.

“What are you saying, Tristan?” tanong ni Victor.

“I’ll take a rest first and take care of Mommy Krista. I also need the time to think of some personal decisions I have to make,” patuloy ni Tristan.

“You do understand that you are still under contract with FBN-8, right?” tanong ni Victor. “You are bound by the contract.”

“I know. The contract also states that I have the liberty to select shows as I see fit for my career. Sir Victor, I’ve never declined any of the projects you gave me. I’m just asking you this one time to allow me to take a break.”

“Alam ba ‘to ni Mommy Krista?” tanong ni Victor.

“She’s sick. I don’t want to bother her with my problems. I represent myself for now.”

Natapos ang meeting nila at nakumbinsi ni Tristan ang mga bosses niya na pagpahingahin muna siya.

Pagpasok niya ng sasakyan ay nakatingin laman sa kanya si Jeric.

“Kamusta? Ano napag-usapan niyo?” tanong ni Jeric.

“Kismet muna ang last show ko then I’ll take a break first to take care of mommy and decide on some things,” tugon ni Tristan.

Napabuntung hininga na lamang si Jeric sa narinig. Alam niya ang limitasyon niya at ayaw niyang mangialam sa mga desisyon ni Tristan.

“Balik na tayong ospital?” tanong ni Jeric kay Tristan.

“Yup. After you’ve dropped me off, pwede ka nang umuwi. Magpahinga ka na muna,” ani Tristan.

“Paano kung may mga pupuntahan ka? Okay lang naman ako. Nakakapagpahinga naman ako habang hinihintay kita.”

“One thing I’ve learned from the passing of my mother and with what’s happening with Mommy Krista now is that you can never have enough time to be with your family,” wika ni Tristan habang nakatingin kay Jeric.

Bakas na bakas sa mga mata ni Tristan ang lungkot na nadarama. Naiinis si Jeric dahil tila wala siyang magawa upang matulungan si Tristan. Lagi na lang niyang nakikitang malungkot ang taong importante sa kanya ngunit hindi naman niya alam kung ano ba talaga ang dapat niyang gawin upang kahit papano ay maibsan ang nararamdamang nitong lungkot.

Tahimik lang ang dalawa sa loob ng sasakyan habang pabalik sila sa ospital. Pareho silang tila may malalim na iniisip.

Si Jeric ay iniisip kung paano niya tutugunan ang nararamdaman niya kay Tristan. Sa dami ng problema at dinadala nito ngayon ay ayaw na niyang makadagdag pa dito. Pero habang mas tumatagal silang magkasama at mas lalo niya itong nakikilala ay mas lalo itong napapalapit sa kanya.

Si Tristan naman ay iniisip pa rin si Mommy Krista. Idagdag mo pa dito ang Kuya Patrick niya. At si Jeric. Alam niyang ayaw lang ni Jeric makadagdag sa mga inaalala niya pero hindi niya alam kung paano ipaparating dito na siya na lang ang nakakapagpalimot sa kanya kahit papaano ng mga problema niya.

Pagbaba ni Tristan ng sasakyan ay agad na tinawagan ni Jeric ang best friend niyang si Rain.

“Uy, nasan ka?” tanong ni Jeric.

“Nandito sa Buy More. Naextend shift ko e. Magclosing ako ngayon. Bakit?”

“Si Tristan.”

“Nabalitaan ko nga yung pagtataray niya. Ilang araw na kitang hindi nakikita. Inaalipin ka na ba niyan?”

“Hindi. Ano ka ba? Madami lang talaga siyang ginagawa. Ayaw ko din namang iwan. Pinilit na nga lang niya akong mag-off ngayon. Hindi ka ba talaga pwedeng umalis nang maaga diyan?”

“Tingnan ko kung may makakasalo ng shift ko. Text kita,” tugon ni Rain.

Hindi agad umalis si Jeric sa parking lot ng ospital. Gusto muna nitong hintayin ang sagot ni Rain para doon na lang siya didiretso kung nagkataon.

Nagpasya rin siya na maghintay na lang din doon kung sakaling kailanganin ulit siya ni Tristan.

Nakakuha ng text si Jeric kay Rain kaya umalis na siya sa ospital at dumiretso sa Buy More.

Medyo naipit pa sa traffic si Jeric kaya imbes na kalahating oras lang ang biyahe niya ay halos naging isang oras na ito.
Nadatnan niya si Rain na naghihintay sa entrance sa parking area ng department store.

“May nagbanggaan na naman ba sa EDSA?” tanong ni Rain pagpasok niya ng sasakyan.

“Wala, traffic lang talaga. Naabutan ako ng rush hour, e,” tugon ni Jeric.

“Kamusta na si Tristan?” tanong ni Rain.

“Malungkot pa din dahil kay Mommy Krista. Balak niyang magpahinga muna pagkatapos ng Kismet para maalagaan niya si Mommy Krista.”

“E kamusta kayo?” usisa ni Rain. Alam nito ang naging desisyon ni Jeric na wag ipagpatuloy ang kung anumang meron sila ni Tristan dahil ayaw nitong masira ang career ng huli.

“Wala na ‘yon. Hindi naman talaga pwede. Tsaka baka nangulila lang si Tristan dahil wala na ang mama niya tapos si may sakit pa si Mommy Krista. Ako lang din kasi ang palagi niyang kasama,” paliwanag ni Jeric.

“Pero inamin niyang bading siya at hinalikan ka niya. Malamang may gusto din yun sa’yo.”

“Ayokong masira career niya,” dahilan ko.

“Ang problema sa’yo Jeric, ikaw ang nagdedesisyon para sa buhay ng ibang tao. Matanda naman na si Tristan. Hayaan mo siyang magpasya kung ano gusto niyang gawin. Hindi naman bobo ‘yung tao,” kontra ni Rain na ikinabigla ni Jeric.

“Wow, ang lalim ng hugot. Saan mo napulot ‘yan?” biro ni Jeric.

“Seryoso kasi ako, Jeric. Ngayong may matinong tao na nagkakagusto sa’yo, ikaw naman ‘tong lumalayo. Ano ba talaga gusto mo, ‘yung mga gago lang?”

“Hindi naman sa ganun, Rain. Pero kasi, wrong timing talaga.”

Nagpunta sila sa isang fast food chain malapit sa ospital para maghapunan. Dun din sila dumiretso para kung sakaling kailanganin ni Tristan si Jeric ay mabilis niya itong mapupuntahan.

Pero halos maghahatinggabi na ay hindi pa siya tinatawagan o tinetext ni Tristan kaya nagpasya na silang umuwi ni Rain.

Kinabukasan ay nagising si Jeric sa mabangong amoy ng ulam na nagmumula sa kusina nila. Pupungas-pungas pa itong bumaba ng hagdan
nang salubungin siya ng mama niya.
“May bisita tayo, anak!” tila tarantang bungad ng nanay niya.

Napansin din niya na tila ang daming taong nakatanghod sa bakuran nila na tila may inaabangan. Dumiretso si Jeric sa kanilang kusina at tila nabuhusan ito ng malamig na tubig nang makita kung sino ang nagluluto sa bahay nila.

“Good morning!” bati nito sa kanya.

“Tristan, anong ginagawa mo dito?” gulat pa ring tugon ni Jeric.

“Dun ako sa hospital ni Mommy Krista nakatulog, ayoko namang umuwi sa bahay dahil mag-isa lang ako dun kaya dito na muna ako dumiretso. I hope you don’t mind,” nakangiting paliwanag ni Tristan habang abala sa pagluluto.

“Ah…eh…okay lang naman. Nagulat lang ako,” tila nahimasmasang tugon ni Jeric.
Bumaba ang nanay ni Jeric na may dalang kurtina at dali-daling nilagay sa bintana nila. “Baka kasi pati pagnguya n’yo, sir e panoorin ng mga kapitbahay namin. Nakakahiya naman.”

Natawa si Jeric sa sinabi ng mama niya. Hindi na siya nahihiya kay Tristan dahil alam nitong mabait naman talaga itong tao at hindi mapanghusga.

Nag-umpisa nang maghain si Tristan at tinulangan na ito ni Jeric. Habang naglalatag ng plato sa mesa ay bumuong si Tristan kay Jeric, “have you brushed your teeth? Or nagmumog ka man lang ba at least?”

Namula si Jeric sa hiya. “Ay sorry, nakalimutan ko. Ginulat mo kasi ako.”

“What if I decide to kiss you? I don’t want to taste your morning breath,” pabulong pa ring tugon ni Tristan na mas lalong nagpapula sa nahihiya nang si Jeric.

Nanlaki ang mata ni Jeric at hindi na nakasagot. Dali-dali na lang itong pumunta sa banyo. Natawa si Tristan sa itsura ni Jeric.

Pagbalik ni Jeric sa hapagkainan ay nakaupo na ang mama niya at si Tristan. Bago sila mag-umpisa kumain ay nagdasal muna si Jeric at mama nito.

“Maraming salamat Panginoon sa biyaya ninyong pagkain na pagsasaluhan namin ngayon. At maraming salamat din po dahil binigyan N’yo ng bagong kaibigan si Jeric na nakakapagpasaya sa kanya ngayon…” dasal ng mama ni Jeric.

Nagkatinginan sina Jeric at Tristan nang marining ang dasal. Nakangiti lang si Tristan habang nakakatitig ito sa taong naging karamay niya sa ilan sa mga mabibigat na pagsubok sa buhay niya kamakailan.

“Nawa ay pareho N’yo silang gabayan upang mas mapabuti pa ang kanilang buhay. Maraming salamat, po. Amen.”

“Amen,” wika nina Jeric at Tristan.

“Kain na tayo. Mukhang masarap itong luto mo, hijo,” wika ng mama ni Jeric habang sumasandok ng kanin.

Naging masaya at magaan ang usapan ng tatlo habang kumakain. Magkasundo si Tristan at mama ni Jeric habang pareho nilang inaasar ang huli. 

Hindi mapigilan ni Jeric na matuwa sa nangyayari. Kung sana ay iba lang ang sitwasyon nilang dalawa ni Tristan.
Matapos nilang kumain ay inihanda na ni Tristan ang niluto niyang agahan para sa tatay ni Jeric.

“Salamat, Tristan ha. Ngayon ko na lang ulit nakitang tumawa ng ganun kalakas si mama,” wika ni Jeric.

“My pleasure. Spending time with you and your family makes me happy. Thank you for letting me be with you kahit this morning lang,” tugon ni Tristan. “After this, can we go out for a bit? I want to tell you something.”

Napaisip si Jeric kung ano ang nais sabihin ni Tristan sa kanya.

“I’ve made up my mind and I have Mommy Krista’s approval so you can’t do anything about it anymore.”

Kinabahan si Jeric sa narinig. Ano nga kaya ang gustong sabihin sa kanya ni Tristan?

#Finally: LoveYourself Brings FREE HIV Testing


finally

In celebration of National HIV Testing Week (May 11-17, 2015), non-profit organization LoveYourself is organizing #Finally: Free HIV Testing for Me on May 17, 2015 at Victoria Court Malate.

The event is absolutely FREE and open to for all ages and genders. Clients younger than 18 will have to bring their parents for consent.

To sign up, visit go.loveyourself.ph/finally to secure a slot for May 17.

To know more on what to do and what to expect, visit LoveYourself’s website: http://www.loveyourself.ph/2015/05/loveyourself-free-hiv-screening-day-what-to-do-expect.html

Recently, Philippines’ King of Talk Boy Abunda reveals the result of his HIV test on his primetime TV show “Aquino & Abunda Tonight.”

Abunda said during the episode, “”Because knowing is power… hihiramin ko po ito sa isang NGO, the most important thing is LoveYourself.”

After All: The Missing Chapter


After All

Tatlong buwan na ang nakalipas pero hindi pa rin ako tinatantanan ni Jeff. Tawag pa rin siya ng tawag at text ng text. Hindi siya pumupunta sa bahay. Marahil ay busy na rin ang gago dahil sa thesis niya.

Isang araw ay nakareceive ako ng text mula sa kanya, inaaya niya ko pumunta sa isang lugar.

Jeff: Bryan, pupunta ako ng Ilocos para sa thesis ko. Gusto ko kasama kita. Please. Alam kong mahal mo pa ako. At kung talagang mahal mo pa ako, magkita tayo sa Greenbelt bukas 3pm. Please. I love you.

Makalipas ang isang oras ay nakatanggap naman ako ng text kay Mike.

Mike: Musta ka na Bry? I haven’t heard from you since your birthday. I just want to know if you’re doing fine. Anyway. Bukas na yung opening ng toy shop. I want you there.

 

Mukhang dumating na ako sa punto kung saan kailangan ko mamili. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang pumili kung sino sa kanilang dalawa. Yung taong nagmahal at nagbago ng kung sino ako o yung taong laging andiyan at tanggap kung ano ako? Kailangan ko ba talagang pumili? Siguro nga.

“Ma?” kumatok ako sa kwarto nina mama. Nadatnan ko siyang nagtutupi ng mga damit.

“O bakit anak?”

“Nalilito na ako,” ani ko.

“Tungkol saan?” tanong ni mama.

“Sobra akong nasaktan sa ginawa sa akin ni Jeff, pero hindi ko na maaalis yung ilan taon naming relasyon. Mahal ko pa rin siya…”

“Pero?”

“Si Mike. Hindi ko ‘to nasabi sa inyo noon pero nung birthday ko, nung hindi pumunta si Jeff, inamin sa akin ni Mike na mahal niya ako.”

“Alam mo ‘yang si Mike, mabait na bata ‘yan. Matagal mo na siyang kaibigan, hindi ba?”

“Opo. Kaya nga ako nalilito e,” wari ko.

“Alam mo kung ano ang posisyon ko pagdating kay Jeff. Ilang beses ka na niyang sinaktan. Ilang beses mo na rin siyang pinagbigyan. Masaya ka pa ba sa kanya?”

“Umaasa pa rin kasi ako kahit papaano na magbago siya.”

Totoo, umaasa pa rin ako. Umaasa ako na magbago si Jeff at marealize niya kung gaano ko siya kamahal.

“Minsan anak, hindi na sapat na mahal mo ang isang tao. Aanhin mo ang pagmamahal kung wala ka nang tiwala sa kanya? Buong buhay ka na lang bang magdududa na baka niloloko ka niya? Hindi ako nanghihimasok sa relasyon n’yo, pero nasasaktan ako sa tuwing nakikita kitang umiiyak at malungkot. Nagtatanong na rin ang papa mo. Kapag malaman niya ang dahilan, tiyak akong magagalit iyon kay Jeff.”

“Mahal na mahal ka namin anak. Ang gusto lang namin, maging masaya ka. Sana gustuhin mo rin ‘yun para sa sarili mo,” pagpapatuloy ni mama.

Tama nga kaya si mama? Hindi na nga ba sapat na mahal ko si Jeff? Kaya ko pa ba talaga siyang pagkatiwalaan? Maniniwala pa ba ako sa tuwing sinasabi niyang mahal niya ako?

Hindi ako halos nakatulog kakaisip sa kung ano ang dapat kong gawin. Halos alas singko na ng madaling araw nang makatulog ako. Pero alas siyete pa lang ng umaga ay nagising na ako.

 

“Hello? Buti napatawag ka.”

“Jeff, pwede ba tayong magkita nang mas maaga?” tanong ko kay Jeff.

“O sige. Saan?”

Hindi ko alam kung tama ‘tong gagawin ko. Sana tama ‘tong gagawin ko.

 

“Bryan,” bungad ni Jeff pagkaupo ko sa coffee shop.

“Jeff, we need to talk.”

“I missed you so much. Thank you at nakipagkita ka na ulit sa akin.”

“I can’t come with you sa Ilocos,” diretsa kong sabi sa kanya.

“Busy ka? That’s fine. Okay na sa aking nakipagkita ka,” sagot ni Jeff.

“No, Jeff. I can’t be with you anymore.” Mahina kong sabi. Hindi ako sigurado kung narinig ba ako ni Jeff.

“Wait, hindi ko maintindihan. I thought you have forgiven me. Bryan, what I did, I promise I’ll never do it again,” ani Jeff.

“Jeff, ilang beses mo na ‘yang sinabi sa akin and you keep on doing the same thing.”

“This time, it’s different, Bryan.”

“How can I know that you’re telling the truth?”

“Bryan, don’t you love me anymore?”

“I don’t trust you, Jeff. That’s the problem. Hindi ko alam kung paano pa ako maniniwala sa mga sasabihin mo sa akin.”

“Please, Bryan. Don’t do this to me. I love you. I need you.”

“I just wish you have thought of that bago mo gawin ‘yung mga ginawa mo.”

“I love you, Bryan.”

Nakita kong tumutulo na ang luha ni Jeff. Halos bawiin ko lahat ng sinabi ko nang makita ko siyang umiiyak. Pero panahon na para sarili ko naman ang isipin ko. Gusto ko nang sumaya sa taong mahal ko.

“Hoy Pogi, musta ka na? Bongga may ganito ka nang pinagkakaabalahan ah!”

“Buti na lang nakapunta ka. Asan na yung iba?”

“Ayun nag CR lang.”

“Ah ok. Sige upo ka muna.”

“Asan si Bryan?”

“May binili lang. Pabalik na din ‘yun.”

*****

“Hoy Alvin, buti naman at nakapunta kayo,” bati ko kay Alvin.

“Malamang. Namiss kita gaga,” sagot ni Alvin sabay yakap sa akin.

“Nasaan sina Sarah?” tanong ko.

“Andyan lang ‘yun sa tabi-tabi. Ang tagal n’y na rin ‘no? Akalain mo ‘yun,” pang-aasar ni Alvin.

“One year,” tugon ko.

“Hay naku, Noon pa kita nilalandi tapos kay Bryan ka lang pala babagsak. Sa bagay gwapo din ‘yang si Bryan.”

“Pasaway ka talaga Alvin kahit kalian,” patawa kong sabi.

“O siya sige Bryan. I concede. After all these years, give up na ako. Sayong sayo na ang Papa Mike ko.”

Kismet: Chapter 9


kismet

Previously on Kismet: Chapter 8:

“Hindi nila pwedeng malaman ang tungkol sa nangyari kanina,” patuloy ni Jeric.

“Bakit hindi?” nagtatakang tanong ni Tristan.

“Hindi ba nga sabi mo kanina sa akin nakapag nalaman nila ‘yung tungkol sa’yo, masisira ang career mo. Kailangan ka ni Mommy Krista ngayon at kapag nawalan ka ng trabaho, mawawalan rin siya ng trabaho. Paano na lang niya maaalagaan ang sarili niya kung wala na siyang kikitain?” ani Jeric.

Hindi makapaniwala si Tristan sa narinig. Kung kailan akala niya ay may pagkakaintindihan na sila ni Jeric ay biglang nag-iba ang isip nito.

Hindi na napigilan ni Jeric ang pagtulo ng kanyang mga luha. Mabigat sa loob niya ang naging desisyon pero hindi niya kayang maging makasarili lalo na’t alam niyang buhay ng ibang tao ang maaaring maapektuhan kapag ipinagpatuloy nila ito ni Tristan.

“I’m sorry,” wika ni Jeric kay Tristan. “I’m sorry.”

– – –

 

“Tristan, what was your reaction when you found out that Mommy Krista has AIDS,” tanong ni Lady Gomez, host ng showbiz-oriented talk show na Push!.

“I cried. Mommy Krista is like a second mother to me. I called her and assured her that I will support her in whatever way I can,” tugon ni Tristan.

“Is that all you felt?” usisa pa ni Lady.

Biglang nag-iba ang timpla ng mukha ni Tristan. Halatang hindi nito nagustuhan ang tanong ng kausap. “What do you want me to feel? Disgusted? Mommy Krista is a decent person. Her illness does not and will never define who she is. No one can ever discredit her in her contributions to my career and to this industry,” galit na tugon ni Tristan.

“And besides, she’s more decent than you who have nothing better to do than spread rumors and senseless controversies to make artists fight so you’ll have even more rumors to tell every Sunday.”

Kitang kita sa mukha ni Lady ang gulat at pamumula dahil sa narinig. Biglang nag-cut to commercial ang programa. Sa studio naman ay biglang tumayo si Tristan at naglakad papalapit kay Lady.

“You can say whatever you want against me, but don’t you dare destroy Mommy’s reputation,” banta nito kay Lady.

“Tristan, babae ako. And you just humiliated me on national TV,” matapang na depensa ni Lady.

“Does it look like I care? Ruin my career if that will make you sleep at night. I can even pay you for it! And don’t you think people won’t think bad of you for forcing me to say that I’m disgusted with Mommy Krista’s illness? I’m not! I will never be disgusted. At kung kailangan pa na ako ang mag-alaga sa kanya araw-araw, I’ll do it rather than wasting my time talking to people like you!”

 

TRISTAN, BINASTOS SI LADY GOMEZ SA SARILING SHOW! Bastos!

 

“Tristan…” wika ni Mommy Krista pagkabasa ng headline ng isang tablog habang nakahiga sa kama. Nakacheck-in pa rin ito sa ospital dahil hindi pa lumalabas lahat ng test results nito at kailangan pa rin itong obserbahan.

“I know Mommy. I snapped,” wika ni Tristan habang nakaupo sa kama ni Mommy Krista.

“Anak naman kasi, lalong masisira career mo. And ayoko na ako pa ang maging dahilan,” tugon ni Mommy Krista.

“Pagod na talaga ako Mommy. I can pay for all your treatments and medicine. I have enough money. Ayoko nang mag-showbiz,” pagmamakaawa ni Tristan.

“Alam mo namang dito ako masaya, sa pagmamanage ng careers ng mga alaga ko. At ikaw ang success story ko.”

“But these people…it’s like even hell thought they were too evil and decided to kick them out and forced them here,” wika ni Tristan na ikinatawa ni Mommy Krista.

“Let’s change the topic, Mommy. I want to tell you something,” patuloy ni Tristan.

“Don’t tell me it’s about Patrick,” wika ni Mommy Krista. “I never approved of your set-up. It is too much of a scandal kapag lumabas ‘yan sa media.”

“Kaya nga. I’m ending it. And this time, totoo na ‘to,” tugon ni Tristan.

“Diyos ko. Mabuti naman, Tristan. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinoproblema nang dahil diyan.”

“I’m sorry. But there’s something else,” ani Tristan. “I think I like someone.”

“Sino?”

Bago pa makasagot si Tristan ay bumukas ang pintuan ng kwarto.

“Tristan, naiwan mo ‘yung isa mong telepono sa sasakyan, eh may tumatawag, si Andrea yata,” ani Jeric.

“Wait lang mommy, kailangan ko lang ‘tong sagutin,” wika ni Tristan. Kinuha nito ang telepono kay Jeric at lumabas ng kwarto. “Pakitingnan muna si Mommy.”

Umupo si Jeric sa sofa sa loob ng kwarto.

“Kamusta naman ang pakikisama sa’yo ng anak ko?” tanong ni Mommy Krista kay Jeric.

“Okay naman po. Nagulat nga ako na hindi naman pala siya ganun kasama,” tugon ni Jeric. “Medyo lang.”

Natawa si Mommy Krista sa sagot ni Jeric. “Mabait naman talaga ‘yang si Tristan. May wall lang talaga siya na ang hirap buwagin. I don’t know if you’ve noticed but aside sa akin at sa’yo, sobrang bait niyan  sa mga kasambahay nila pati na rin sa mga fans niya. Kaya nga ginagawa ko lahat para maipagtanggol siya sa media dahil alam ko naman talaga na mabait siya. Masyado lang siyang batang naging jaded.”

Hindi alam mo Jeric ang isasagot kaya tumahimik na lang ito.

“Tristan told me that he likes someone. May madalas ba siyang kitain?” usisa ni Mommy Krista na nagpapula ng mukha ni Jeric.

“Ah…eh…” hindi masagot ni Jeric ang tanong ni Mommy Krista.

“Mommy Krista, I have to go. Pinapatawag daw kami ni Andrea ng management,” wika ni Tristan pagbalik niya sa kwarto.

“Tungkol daw saan?” pag-alala ni Mommy Krista. Medyo nakokonsensya na rin siya dahil hindi na niya matutukan ang careern ng mga alaga niya mula nang maconfine ito sa ospital.

“Not sure, eh. I’ll let you know agad pag nalaman ko na,” tugon ni Tristan. Binigyan nito ng halik si Mommy Krista noo. “Call me if you need anything, okay? Babalik agad ako dito pagkatapos ng meeting.”

Napansin ni Jeric na balisa si Tristan habang papunta sila sa FBN-8.

“Alam mo na kung ano pag-uusapan niyo, ano?” tanong ni Jeric.

“Ang dami daw nagpull-out na advertisers sa Kismet dahil sa ginawa ko sa Push!. Nagwoworry mga bosses na baka bumaba din ratings,” tugon ni Tristan.

“Ano balak niyong gawin?”

“Damage control, as usual. Malamang magbabalak na naman sila ng publicity stunt para mapakita na Andrea and I are okay, still dating. Just to change the story from me being a verbal abuser, to a leading man head over heels in love,” paliwanag ni Tristan.

“‘Yun naman pala. Bakit parang balisa ka pa rin?” ulit na tanong ni Jeric.

“Dahil ayoko na ng ganun, Jeric. I’m so tired of pretending. This work has brought nothing but stress and misery sa buhay ko,” sagot ni Tristan.

“Pero si Mommy Krista,” ani Jeric.

“I have a plan for her. Hindi ko siya pababayaan,” wika ni Tristan. “Jeric…”

Mabuti na lang at naka pula ang stop light kaya nakatingin si Jeric kay Tristan. Nakita muli nito ang lungkot sa mga mata ni Tristan.

Alam niyang hindi makakabuti kay Tristan na ipagpatuloy nila ang kung anumang nararamdaman nila para sa isa’t isa. Ngunit sa pagkakataong iyon ay alam niyang kailangan ni Tristan ng kaibigang masasandalan.

Hinawakan ni Jeric ang mga kamay ni Tristan at hinila ito sa isang yakap. Bagaman nagulat ng una ay hinigpitan na rin ni Tristan ang yakap nito kay Jeric. Iyon ang kailangan niya ng oras na iyon.

Namalayan na lang nila na matagal na silang magkayakap nang bumusina na ang mga sasakyan sa likod nila.

“Thanks,” wika ni Tristan kay Jeric.