After All 10: Graduation


“Bryan, hindi ako makakapunta sa graduation mo. May emergency sa bahay,” sabi sa akin ni Jeff ng tawagan niya ako isang oras bago mag-umpisa ang graduation namin.

“Bakit? Ano nangyari?”

“Si dad inatake sa puso. Nandito ako ngayon sa hospital,” malungkot na tugon niya.

“My God Jeff, I’m sorry to hear that. Ok ka lang ba? Gusto mo pumunta ako diyan?” Nag-aalala ako sa kanya. Wala siyang kasama dun.

“Ano ka ba? Graduation mo yan, hindi ka pwedeng mawala diyan. Magagalit magulang mo. And I’m fine here, hinihintay ko lang naman mastabilize yung condition ni dad. Enjoy your graduation Bryan, ok?”

“Yes. I love you so much Jeff. Your dad will be fine.”

“Thank you Bryan. I love you too, and congratulations. I am so proud of you.”

“Thanks. Update me, ok?”

Hindi na ko nakarinig kay Jeff hanggang hapon. Pagtapos ng graduation namin ay nagpaalam ako sa mga magulang ko napupuntahan si Jeff. Mabuti na lang at pumayag sila.

Hindi ko macontact cellphone ni Jeff. Kaya tumawag ako sa bahay nila at tinanong kay manang kung saan naka-confine dad ni Jeff.

Pagdating ko sa ospital ay nakita ko si Jeff na nasa labas ng ICU. Dagli ko siyang nilapitan at niyakap.

“Why are you here? Diba may family dinner kayo?” Halata ko ang lungkot at pagod sa mukha ni Jeff.

“Nagpaalam ako. Sinabi ko sa kanila ang nangyari. Kumain ka na ba?”

“Kaninang umaga,” mahina niyang sagot.

“Gusto mo bang pati ikaw maospital? Teka, bibilhan kita ng dinner kahit sa canteen lang.”

Pagbalik ko ay wala na si Jeff sa tapat ng ICU. Sinilip ko din yung room at wala ng tao roon. Tinanong ko sa desk kung nasaan na ang pasyente, ang sabi ay ibinalik daw sa operating room.

Tumakbo ako papunta sa operating room at nakita ko si Jeff na nakaupong umiiyak.

“Inatake na naman si dad. He’s undergoing an open-heart surgery. Bryan I don’t know if he can make it,” humihikbing yumakap sa akin si Jeff.

“Just pray Jeff. All we can do now is pray.”

Mga isang oras na ang nakakalipas ng makita naming may ipinapasok na machine sa operating room. Pamilyar sa amin ang machine nay un dahil sa mga movies na napanood namin. Yun yung ginagamit para irevive ang isang pasyente. Patakbong pumasok si Jeff sa operating room pero pinigilan siya ng mga nurses.

Ilang minute pa ay lumabas na ang doctor at kinausap si Jeff.

“I’m sorry Mr. Santos but your dad did not make it. We tried to revive him several times. We’re very sorry.”

Hindi na nakasagot si Jeff. Napaupo na lang siya at natulala. Ako naman ay tumabi sa kanya at niyakap siya.

1 year later…

Ayun na nga ang nanyari kung paano kami nagkakilala. Isang taon na ang nakakalipas mula ng aking graduation at pagpanaw ng dad ni Jeff. Isang kamag-anak nina Jeff ang nagtake-over sa business nila. Walang naiwan kay Jeff kundi ang bahay nila at ang trust fund na inipon ng kanyang mga magulang para kanya. Hindi napaghanddan ng dad ni Jeff ang paggawa ng last will and testament kaya naabuso si Jeff ng mga kamag-anak niya. Hindi na inpinaglaban pa ni Jeff ang business nila. Sabi niya, hindi rin naman niya kaya patakbuhin ang negosyo nila at baka ipalugi niya pa ito kaya mas mabuti na lang din na sa iba na mapunta ito.

Ang ginamit na pangtustos sa pag-aaral ni Jeff ay ang trust fund niya. Mabuti na lang at nasa tamang edad na siya para makuha iyon. Ngunit bukod pa dito ay kumuha siya ng part-time job para hindi agad na maubos ang pera niya. Pumasok siya bilang barista sa isang coffee shop sa Tri Noma.

Ako naman ay isang copywriter sa malaking advertising agency. Noon pa man ay ito na ang pangarap ko, ang makapagtrabaho sa isang kilalang ad agency. Medyo mahirap ang ganitong trabaho madalas ay ginagabi nak ami sa opisina para matapos lang ang presentations sa mga kliyente. Madalas din ay hindi na kami nakakapag-day-off dahil sa dami ng ginagawa. Dahil dito ay madalang na kaming magkita ni Jeff. Kung kaya ko pa ay pinupuntahan ko siya sa school niya sa tuwing maaga ako natatapos sa aking trabho o di kaya nama’y pinupuntahan ko siya sa bahay nila. Paminsan din naman ay siya ang bumibisita sa opisina kapag wala siyang pasok pero hindi ko siya gaano maasikaso dahil nga sa dami ng ginagawa. Madalas ay Linggo lang kami nagkikita dahil wala akong pasok sa araw na iyon at siya rin ay walang pasok sa eskwela at trabaho.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s