After All 11: Monthsary


July 25 na ngayon. Monthsary namin ni Jeff. Dapat ay may pasok ako ngayon pero nagpalit ako ng day-off ko ngayong lingo para lang makasama ko siya. Napag-usapan naming magkikita na lamang sa bahay nila. Siya daw ang magluluto kaya ang ginawa ko na lang ay nagdala ako ng mga DVD para naman may mapanood kami.

Ako: Hey, mga what time mo ako gusto pumunta sa bahay niyo?

Jeff: May meeting kami ng groupmates ko Bryan. Text kita later kung mga what time  ako makakauwi ng bahay.

Ako: Ok sige, andito lang naman ako sa bahay eh.

Jeff: Wala ka bang pasok ngayon?

Ako: Wala. Nagpalipat ako ng day-off ko.

Jeff: Oh ok. Sige. I’ll just text you later. Magmimeet na kasi kami eh.

Ako: Ok sige. I love you. Happy monthsary!

Jeff: I love you, too. Happy monthsary! See you later.

Makalipas ang isang oras ay nagpasya akong umalis na ng bahay at tumambay muna sa mall malapit sa kanila para kapag nagtext siya na pauwi na siya ay makakapunta na agad ako sa kanila.

Pagdating ko sa mall ay naglibut-libot muna ako. May nakita akong magandang shirt na alam kong bagay kay Jeff. Hindi namin nakasanayan na magbigay ng regalo sa isa’s isa tuwing monthsary. Nagreregalo lang kami pag anniversary namin. Pero binili ko pa din yung shirt dahil alam kong bagay talaga sa kanya yun.

Nag-ikot pa ko sa mall ng medyo mapagod ako at umupo muna sa isa sa mga benches doon. Nilabas ko din yung MP3 player ko at nakinig na lang muna ng music habang nagpapahinga.

“Hey Bryan.” Nagulat ako ng may taong nakayo sa harapan ko at tinapik ang balikat ko. Nakayukko kasi ako habang nakaupo. Hindi ko siya narinig kaya tiningnan ko kung sino siya.

“Musta ka na Bryan? I haven’t heard from you since we graduated,” sabi niya.

“Mike? Ikaw ba yan?”

Umupo siya sa tabi ko at hinugot ang ear phones sa tenga ko.

“Yup ako nga. Isang taon mo lang tayo hindi nagkita, eh hindi mo na agad ako kilala,” sabi ni Mike ng nakangiti.

“Syempre naaalala kita. Hindi lang ako sanay na ganyan suot mo. Masyadong pormal.” Tuwang tuwa ako na makita ko ulit ang bestfriend ko. Mula kasi ng malaman niya na kami ni Jeff ay unti-unti na niya kong nilayuan hanggang sa tuluyan na nga kaming hindi nag-usap. Kahit noon na kasama namin mga kaibigan namin ay hindi na niya talaga ako pinapansin. Matapos naming grumaduate ay sinubukan ko siyan kontakin ulit pero ayaw talaga niya sumagot hanngang isang araw ay hindi na gumagana ang numero niya at nawalan na kami ng komunikasyon.

“Ah. Nagtatrabaho kasi ako as a corporate communications officer kaya kelangan ganto lagi suot. Ikaw ano na trabaho mo?” Iba ang aura ni Mike. Mukha siyang masayang masaya. Masaya din naman ako na nagkita kami ulit.

“Ito sa advertising. Masaya pero nakakapagod. Teka nag-iba ka ban g number? Hindi ko na macontact yung dati mong number eh.”

“Ah oo. Nawala kasi yung dati kong phone. Naiwan ko ata nung nagbakasyon kami ng family ko sa Australia.” Kinuha ni Mike ang wallet niya at bingyan ako ng calling card niya. “Yan na bago kong number and dyan na rin ako nagwowork. Malapit lang yan dito. Teka ano ginagawa mo dito?”

“Magkikita kami ni Jeff mamaya. Eh kaso may ginagawa pa siya sa school kaya dito muna ako pumunta,” tugon ko.

“So kayo pa rin pala. Nice at least nagtagal kayo,” medyo humina ang boses ni Mike. Nakangiti pa rin siya pero alam kong hindi na siya ganun kasaya di tulad kanina.

“Yup. Ikaw, may girlfriend ka na ba?”

“Ako? Wala. Di na yata ako magkakaron. Alam mo naniniwala pa rin akong may isang tao lang na nakatakda para sa isa pang tao. Yung sa akin ata tuluyan ng naiba ng landas. Di na kami magkikita nun,” patawang sabi ni Mike. Kahit nakatawa siya ay medyo ramdam ko ang kalungkutan sa sinabi niyang iyon.

“Sus. Ang nega mo naman. Bata ka pa, magkikita rin kayo nun.”

“Sana nga.” Tumayo na si Mike at nagpaalam. “O siya una na ko. May pasok pa ko eh. Break ko lang kaya ako nandito. So pano, text mo na lang ako. It was really nice to see you again Bry.”

“Sige. Ngayon ko lang narealize namiss din pala kita. Ikaw kasi eh, bigla ka na lang hindi nagparamdam.”

“Yeah I missed you, too. Sige, I have to go.”

Mga 3 pm ng tinawagan ako ni Jeff.

“Hey Bryan. Hindi pa tapos meeting namin and nagdecide groupmates ko na umpisahan na rin agad yung projet namin so hindi pa ko makakaalis dito. I’m so sorry. Asan ka na ba? I’ll try na makaalis agad dito then puntahan na lang kita sa inyo.”

“Ah ganun ba. O sige ok lang, tapusin nyo na muna yan. Wag mo na ko puntahan ano ka ba. Baka gabi ka na makaalis dyan eh. May pasok ka pa bukas kaya wag ka na masyado magpuyat. Pagtapos mo diyan, umuwi ka na agad at magpahinga.”

“Are you sure it’s fine with you?”

“Oo naman. I understand.”

“Ok sige. I’ll make it up to you ok?”

“Ok. Bye. I love you.

“Bye. Love you.”

Binaba na nya ang phone.

Syempre nalungkot ako na hindi kami magkikita ni Jeff pero kelangan kong intindihin yung sitwasyon. Noon pa man alam na naming mahihirapan kami dahil sa trabaho namin at sa pag-aaral niya.

Ayoko pang umuwi dahil kahit papano ay umaasa pa rin akong magtetext si Jeff at sabihing pauwi na siya at pinapupunta ako sa bahay nila. Naglakad lakad ako sa mall at ng wala ng magawa ay nagpunta sa Timezone.

Ang tagal ko ng hindi nakakapaglaro. Hindi kasi mahilig si Jeff maglaro ng arcade games. Bumili ako ng Powercard at niloadan ito ng 500.

Sa loob ng ilang buwan ay muli kong sinubukan maglaro ng Dance Revolution. Natatawa na lang ako sa sarili kong makailang beses ko ding hindi natapos nag laro.

“You really suck at that now?”

Nainis ako sa nagsalitang yun kaya tiningnan ko siya ng masama. Nagulat ako ng makita ko si Mike.

“Bakit ka nandito? Di ba may pasok ka?”

“You see the good thing about my job is I get to tell them that I have to meet someone outside as part of my job.”

“So you’re a slack employee?” pagbibiro ko sa kanya.

“Of course not. You know how I work,” mayabang nyang sagot. “Now let me show you how to play this game.”

Umalis ako sa platform at hinayaan si Mike na maglaro. Nakalimutan ko na kung gaano siya kagaling sumayaw. Hataw na hataw siya at kung paminsan ay tumitingan sa akin at ngumingiti. Ang gwapo pa rin talaga nitong mokong na ‘to. Kaya nga nagtataka ako kung bakit wala pa rin siyang nagugustuhan. Natapos niya yung tatlong kanta.

“Ano Bry, naalala mo na kung pano to laruin?” Nang-aasar na naman tong si Mike. “Halika sabay tayo.” Hinila niya ko sa platform.

Nakailang laro din kami ni Mike. Naubos nga niya yung laman ng Powercard ko.

“Grabe ang bantot na natin,” sabi ko.

“Wala pa naman akong dalang extra shirt,” tugon ni Mike. “Samahan mo ko. Bibili lang ako ng shirt pamalit.”

Naghanap kami ng shirt na bibilhin niya. Pumasok kami sa store kung saan ko binili yung shirt para kay Jeff.

“Ito Bry maganda ba?”

Hawak-hawak ni Mike yung shirt na binili ko kay Jeff.

“Wag yan,” sabi ko.

“Bakit? Mukha namang bagay sa akin ah.”

“Hindi yan bagay sa ‘yo for sure. Marami pa namang maganda dyan.” Kumuha ako ng isang shirt at inabot yun sa kanya. Sinukat niya yung shirt na inabot ko.

“Naks Bry, galing mo ah. Bagay nga to sakin. Sige ito na bibilhin ko.”

Hindi na hinubad ni Mike yung shirt at binayaran na lang ito sa counter.

“Nga pala Bry, akala ko ba magkikita kayo ni Jeff?”

“Ah oo, medyo marami silang ginagawa sa school kaya hindi na kami magkikita ngayon,” tugon ko.

“Bakit? Eh monthsary niyo di ba?”

“Paano mo nalaman?” nagulat akong alam ni Mike kung kelang monthsary namin.

“Syempre naman alam ko. Diba nagkita tayo nung December 26 then you told me na kayo na ni Jeff the day before. Tsaka ang dali tandaan ng date nyo kasi nga Christmas,” sagot niya.

“Ay oo nga pala. Yun din yung dahilan kaya bigla kang umiwas,” sagot ko.

“Alin? Yung naging kayo? Eh syempre ayoko naman pagselosin yung tao ‘no.”

“Di mo naman kelangan gawin yun Mike eh. Alam naman ni Jeff na bestfriend kita,” medyo naiinis kong sagot ko sa kanya.

“Sus tama na nga. Matagal na yun eh. So pano yan? San na lakad mo?”

“Uuwi na lang siguro ako. Gabi na rin eh. May pasok pa ko bukas,” sagot ko.

“Oh. Hatid na kita gusto mo?”

“Bakit may kotse ka na?”

“Oo naman. Ako pa,” mayabang na sagot ni Mike.

“Naks. Big time na ah. Thanks pero wag na lang, nakakahiya.”

“Ok sige. Ikaw bahala. So pano, see you when I see you,” sabi ni Mike habang nakaakbay sa akin.

“Sige. Bye Mike.” Naghiwalay na kami ni Mike. Magkasalungat kasi yung pupuntahan namin. Biglang akong tinawag ni Mike.

“Ikaw!” sigaw ni Mike.

“Ano?” tugon ko.

“Wala. Sabi ko ingat ka,” nakangiting sabi ni Mike.

“Ingat ka rin.”

Makalipas ang ilang buwan ay mas madalang na kaming magkita ni Jeff. Lalo na nung patapos na nung sem niya. Graduating na siya sa susunod na sem kaya pukpukan na sa requirements. Inuumpisahan na din niya yung thesis niya kaya sobrang busy na niya. Kelangan pa niyang pumasok sa trabaho para magkapera. Ilang beses ko na siyang sinasabihan na ako na lang muna magbibigay ng allowance sa kanya total naman ilang buwan na lang naman siya papasok eh. Pero ayaw talaga niya eh.

Nang tapos naman na yung finals niya at bakasyon na nila ay ako naman ang naging abala sa trabaho. Nadagdagan kami ng tatlong kliyente kaya sobrang dami naming ginagawa. Nagkikita lang kami kapag break ko sa tanghali at sabay kaming naglulunch malapit sa opisina namin. At kung maaga matapos yung trabaho ko ay sumasaglit ako sa bahay nila. Minsan nga para lang makasama ko siya ng matagal ay doon na ko sa kanila natutulog.

“Miss na miss na kita Jeff,” sabi kosa kanya habang nakahiga ng minsang dun ako sa kanila natulog.

“Ikaw kasi eh, ang dami mo laging ginagawa sa trabaho,” sagot niya.

“Alam mo namang mahirap yung trabaho ko diba?”

“Alam ko naman.”

“Ang hirap ng nangyayari satin Jeff.”

“Sinabi mo naman na sa akin dati na ganto mangyayari diba? Kayanin na lang natin to Bry,” sabi niya.

“Bry? Ngayon mo lang ata ako hindi tinawag sa buo kong pangalan ah.”

“Talaga? Ok lang yan. Alam mo namang ikaw pa rin naman kausap ko diba?” patawang sabi ni Jeff habang nakayakap sa akin. Marahan niyang hinalikan batok ko at dahan-dahan niyangh inalikan leeg ko hanggang sa pumunta ang labi niya sa mga labi ko. Ang sarap pa rin ng mga halik niya. Nakayakap ako sa kanya ng maramdaman kong binubuksan niya ang pantaloon ko.

Napatayo ako. “Jeff. Alam mo namang hindi pa ko handa di ba?”

“Hanggang ngayon ba?” tanong niya.

Humiga ako ulit sa tabi niya at niyakap siya. “I’m so sorry. Hindi pa lang talaga ako handa.”

“Sige. Tulog na lang tayo. May pasok ka pa bukas.”

“Good night Jeff. I love you so much.”

“Good night. I love you. Sige, pahinga ka na.”

Isa yan sa mga isyung madalas naming pag-awayan. Hindi ko alam pero hindi pa talaga ako handa. Siguro dahil hindi ko pa nagagawa yun kahit kelan kaya takot ako. Gustung gusto ko gawin yun kay Jeff pero lagi akong nauunahan ng takot ko.

Ganyan nag naging set-up namin ni Jeff. Sa kanila kao natutulog kung gusto ko siyang makasama ng matagal.

Isang araw ay nawalan ako ng phone. Marahil ay nalaglag ito sa taxi ng pumasok ako sa opisina. Hindi ko macontact si Jeff kaya minabuti ko na lang na dumiretso sa kanila.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s