After All 14: Birthday


Ng mismong araw ng birthday ko ay Nagising ako ng maaga sa pag-aakalang maaga darting si Jeff. Tinext ko siya kung nasaan na siya pero hindi siya sumagot. Inisip ko nab aka nahimbing ang tulog at hindi pa gumigising.

Samantala, tumawag namaan si Mike sa telepono.

“Happy birthday Bry!”

“Salamat. Punta ka mamaya ah.”

“Oo naman. Gusto mo ngayon na eh.”

“Haha. Pasaway ka.”

“Text mo nga pala sa akin yung directions. Baka maligaw pa ko.”

“O sige.”

“Sige bye. Happy birthday ulit.”

“Thanks.”

Dumating si Mike ng mga bandang 10 am. Siya ang unang bisitang dumating. Nagluluto pa lang si mama. Tinatawagan at tinetext ko si Jeff pero hindi pa rin sumasagot.

Tumulong na muna si Mike sa pagluluto habang inaasikaso ko naman ang mga dumadating kong kamag-anak at ilang kaibigan nina mama.

“Asan si Jeff?” tanong ni Mike.

“Hindi ko nga alam, eh. Dapat kanina pa siya andito. Hindi naman niya sinasagot tawag ko.”

Hapon na pero wala pa rin si Jeff. Tinwagan ko ulit siya ng sinagot ni Manang ang tawag ko.

“Hello si Bryan.”

“Manang andyan po ba si Jeff?”

“Ay naku sir umalis po kanina pang umaga. Naiwan nga po niya yung telepono niya dito eh.”

“Nasabi ho ba kung san siya pupunta?”

“May school project daw po. Bakit po sir, may lakad po ba kayo?”

“Ay wala manang. Sige salamat.”

“Nasan na daw?” tanong ulit ni Mike.

“May school project daw.”

“Baka naman…” hindi na natapos ni Mike ang sasabihin niya.

“Wag naman sana” tugon ko.

Sinusubukan kong kalimutan ang nangyari dati pero hindi ganun kadali. Sa twuing gagabihin siya o hindi makakarating sa usapan namin ay nagdududa na agad ako. Hindi na talaga bumalik ang buo kong tiwala sa kanya. Nag-iba na talaga.

Gabi na at umuwi na ang mga bisita maliban kay Mike. Tinulungan niya kami ni mama sa pagliligpit ng mga kalat. Matapos namin mag-ayos ay umakyat kami ni Mike at nagpunta sa balkonahe.

“Hindi ko pa pala nabibigay sayo yung regalo ko,” sabi ni Mike sabay abot sa akin ng isang maliit na kahon.

Binuksan ko ang kahon at may laman itong susi. “Para saan tong susi na to Mike?”

“Sa pangarap natin.”

“Ano? Hindi kita maintindihan.”

“May unit yung tita ko sa isang commercial complex sa Makati. Umalis na yung dati niyang tenant kayo ako yung umupa.”

“Ano naman gagawin mo dun? Tsaka bakit sakin mo binigay yung susi?”

“Diba nga gusto natin magkaron ng toy shop. Ayan, may lugar na tayo. Kelangan na lang natin punuin yun ng laruan. May mga konti na kong nabili para ilagay dun pero syempre kulang pa yun,” nakangiting sabi ni Mike.

“Wow. Talagang may toy shop na tayo? Hindi ba mahal ang renta dun? Tsaka san mo kinuha yung pambili mo ng mga laruan?” tanong ko.

“Syempre tumawad ako sa Tita ko. Nag-ipon ako. Simula pa lang nung napag-usapan natin yun eh nag-umpisa na kong mag ipon,” sagot ni Mike.

“Grabe. Talaga palang sineseryoso mo mga pinag-uusapan natin.”

“Oo naman. Kasi ikaw,” tugon niya.

“Anong ako?”

“Kasi ikaw yan.”

“Anong ako nga?”

“Kasi ikaw si Bry. Yung best friend ko.”

“Naks naman. Thank…” Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil nagsalit ulit si Mike.

“Yung taong mahal ko.”

“Eh mahal din nam…

Hinawakan ni Mike ang balikat ko at iniharap ako sa kanya.

“Mahal kita Bry. Noon pa. College pa lang. Hindi ko lang masabi sayo dahil hindi pa ko handa aminin sa sarili ko na ganito ako. Na nagkakagusto ako sa lalaki.”

Hindi ako makapgsalita. Gulat na gulat ako sa sinabi ni Mike.

“Noon pa man. Matagal na kita mahal. Pero nakilala mo si Jeff. Mas una pa kitang minahal kesa kay Jeff. Nung naging magkaibigan kayo, nag-umpisa akong magselos. Natakot ako nab aka magkagusto ka sa kanya. Wala naman akong panama sa kanya eh. Gwapo siya, magaling sumayaw, matalino, mayaman. Kaya pilit kitang inilalayo sa kanya dati. Pero wala rin eh. Naging kayo rin. Kaya lumayo ako para hindi na ko masaktan at para hindi na ko makagulo sa inyo. Nung nakagraduate na ko, natuwa ako dahil sabi ko makakalimutan din kita. Pero mali pala ako. Tuwing tumatawag ka at nagtetext, gusting-gusto ko sumagot pero sabi ko sa sarili ko, kung gusto ko makalimutan ko, kelangna ko magtiis. Malapit na eh. Malapit ko ng makalimutang mahal kita. Pero nakita ulit kita at parang walang nangyari. Hindi ko rin napigilan sarili ko. Bumalik lahat ng nararamdaman ko para sa yo. Kaya galit na galit ako ka y Jeff ng nalaman kong niloko ka nya because you did not deserve it. Wala siyang karapatang lokohin ka.”

Natahimik ako sa sinabi ni Mike. Totoo bang mahal niya ko? Pero best friends ko siya. At boyfriend ko pa rin si Jeff.

Nang mapansin niyang hindi kao nagsasalita ay hinawakan niya ang kamay ko.

“Pero siyempre kahit ano gawin ko, alam naman nating si Jeff talaga ang mahal mo. Tanggap ko na yun. Kaya nga ang gusto ko na lang ay maging best friend mo. Yung taong laging andyan para sa yo. Huy magsalit ka naman.”

“Bakit ngayon mo lang sinabi yan?”

“Natakot ako noon. Pero simula ng niloko ka nya. Ala kong hindi ka dapat ginaganun ng taong mahal mo at gusto kong malaman mo na hindi lang siya ang lalaki para sayo. Na andito ako nagmamahal sayo.”

“Pero may boyfriend pa ko.”

“Hindi naman na ako nageexpect na mahalin mo. Gusto ko lang malaman mo na may iba pang nagmamahal at nagpapahalaga sayo.”

“Naguguluhan ako.”

“I’m so sorry. Hindi yun ang intension ko.”

“No I know. Hindi na rin talaga ako sure sa nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung mahal ko pa talaga si Jeff o nasanay na lang talaga ako na kasama siya kay hindi ko siya maiwan.”

“Ikaw lang makakasagot nan. Pero masaya ka pa ba sa kanya?” tanong ni Mike.

“Oo pero kapag ikaw naman ang kasama ko, parang bumabalik yung dating ako. Yung Bryan na hindi nahihiyang tumawa ng malakas. Yung Bryan na tatagal ng ilang oras sa isang toy store. Kapag kasama kita naaalala ko yung iba pang mga bagay na mahal ako at mahalaga sa akin. Simula ng makita kita ulit, naalala ko yung dating ako. Pero hindi pwede Mike. Kami pa rin ni Jeff. I’m trying to make our relationship work.”

“Pero pano kapag ikaw na lang ang sumusubok? Pano pag hindi ka na niya tinutulungan.”

“Hindi ko alam Mike. Hindi ko na talaga alam.”

“Look Bry. Hindi lang siya ang may kayang magmahal sayo.”

“Ako na lang ang inaasahan ni Jeff. Wala na siyang ibang makakasama.”

“Hindi mo siya responsibilidad.”

“Hindi ko alam. Naguguluhan ako.”

“Pag-isipan mo mabuti Bry. You are entitled to your happiness. Tandaan mo yan.’

Pag-alis ni Mike ay hindi na ko tumigil sa pag-iisip. Mahal ko pa nga ba si Jeff? Mahal ko nga ba si Mike? Noong college pa kami, inamin ko naman sa sarili ko na kung hindi ko naging kaibigan si Mike ay talagang magkakagusto ako sa kanya. Natakot lang ako noon na masira ang pagkakaibigan namin. Siguro nga ay mahal ko rin siya noon pa. Nakalimutan ko lang ang nararamdaman kong yun para sakanya ng makilala ko si Jeff. Si Jeff. Ang taong nagpabago sakin. Mahal ko pa ba talaga siya o natatakot lang ako malaman kung ano mangyari kapag naghiwalay kami? Hindi ko na kilala yung dating ako. Natatakot ako na kapag naghiwalay kami, wala ng tumanggap sa akin, sa kung ano ako. Mahal ko nga ba si Mike? Mahal ko pa nga ba si Jeff? Hindi ko alam. Naguguluhan ako.

Ilang araw ko ng hindi nakakausap si Jeff. Simula pa noong birthday ko ay hindi na siya nagparamdam kaya nagpasya akong puntahan siya sa bahay nila.

Pag akyat ko sa kwarto niya ay nadatnan ko siyang naliligo kaya naghintay muna ako. Binuksan ko ang computer niya par asana maginternet habang naghihintay.

Automatic na nagsisign in ang messenger ni Jeff kapag binubuksan ang computer. Nagulat ako ng may nag PM sa kanya.

john_83: last night was terrific babe.

Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya kaya nagkunwari akong si Jeff para malaman kung ano ang ibig niyang sabihin.

jeff: yes. I had a great time as well

john_83: I;m so excited too see you again later.

jeff: oh yes I almost forgot we had to meet.

john_83: haha. Buti na lang pinaalala ko. I want to suck your cock and fuck you hard again babe.

Nagulat ako sa nabasa ko. Hindi tama ‘to. Inulit na naman niya. Niloko na naman niya ko. Sinara ko agad yung chat box at dali-daling umalis.

Ilang minuto pa ay lumabas na si Jeff. Pinuntahan siya ni Manang.

“Nagusap ba kayo ni Bryan? Nagmamadaling umalis eh”

“Nandito si Bry? Bakit daw umalis?”

“Hindi ko alam eh.”

Napansin ni Jeff na bukas ang computer niya at nalaman na niya ang dahilan ng pag-alis ni Bryan ng may nagPM ulit sa kanya.

john_83: still there? Anyway, see you later babe.

Habang nasa taxi ay tumawag si Jeff.

“Ang kapal ng mukha mo. Niloko mo ulit ako.”

“I’m sorry Bry. Asan ka? Pupuntahan kita sa bahay niyo. Pag-usapan natin to.”

“Wag na wag kang makapunta sa bahay. Wala na tayong dapat pag-usapan. Niloko mo ko. Tapos na tayo.” Binaba ko na ang telepono.

Makailangb eses din pumunta si Jeff sa bahay. Madalas ay nasa opisina ako at kung minsan namang nasa bahay ako ay sinabihan ko si mama na sabihing wala ako doon. Ilang beses din niya kong pinuntahan sa opisina pero hindi ko na talaga siya kayang harapin. Text siya ng text sa akin

Jeff: Bry please forgive me. Kausapin mo naman ako.

Jeff: Sorry na. Mahal na mahal kita.

Jeff: Please kauspain mo ko. Let me explain.

Para sa akin, hindi na kelangan ng eksplanasyon ng ginawa niya. Tama na ang lokohan. Tanga lang ako para maniwalang hindi na iya uulitin ang ginawa niya. Tanga lang ako para isipin na mababalik pa namin sa dati ang relsyon namin.

Tatlong buwan na ang nakalipas pero hindi pa rin ako tinatantanan ni Jeff. Tawag pa rin siya ng tawag at text ng text. Hindi na siya pumupunta sa bahay. Marahil ay busy na rin ang gago dahil sa thesis niya.

Isang araw ay nakareceive ako ng text mula sa kanya, inaaya nya ko pumunta sa isang lugar.

Jeff: Bryan, pupunta ako ng Ilocos para sa thesis ko. Gusto ko kasama kita. Please. Alam kong mahal mo pa ko. At kung talagang mahal mo pa ko, magkita tayo sa Greenbelt bukas 3pm. Please. I love you.

Makalipas ang isang oras ay nakatanggap naman ako ng text kay Mike

Mike:Musta ka na Bry? I haven’t heard from you since your birthday. I just want to know if you’re doing fine. Anyway. Bukas na yung opening ng toy shop. I want you there.

Mukhang dumating na ko sap unto kung saan kelangan ko mamili. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko. Hindi ko alam kung kayak o pa bang pumili kung sino sa kanilang dalawa. Yung taong nagmahal at nagbago ng kung sino ako o yung taong laging andyan at tanggap kung ano ako? Kelangan ko ba talagang pumili? Siguro nga.

3 thoughts on “After All 14: Birthday

  1. Anonymous

    sayang aganda sana kzo bitin..,pro prng alamko kxunod eh kc prng story to ng frnd ko n gay..,tpos prng kami lng jaja lol

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s