After All 02: Day 1


WEEK 1 DAY 1

Pag kagising ko, naisip ko agad yung mangyayari mamaya sa amin ni Jeff. Baka asarin lang ako ng asarin nun. Alas otso na ng umaga at 8:30 ang first class ko kaya dali dali akong naligo at umalis.

Dumaan ng mabilis ang mga oras. Busy din kasi sa mga classes ko sa araw na ‘to. Tapos na last class ko ng maalala ko yung tungkol sa practice naming. Nakalabas na ko ng building. Itetext ko na sana s Jeff para itanong kung saan kami magkikita ng biglang may tumawag sa pangalan ko. Si Jeff, naghihintay at kumakain sa mayfishbolan sa tapat ng building namin. Nilapitan ko siya kahit naiilang ako.

“Ang tagal naman matapos ng class mo. Nagutom tuloy ako,” reklamo ni Jeff habang sumusubo ng fishball na binili niya. Sa totoo lang, hindi bagay kay Jeff na may hawak na fishball. Halatang halata mo kasi sa pananamit niya na mayaman siya. Ewan ko nga kung bakit yung ugali niya eh parang pangkanto. Pero minsan narinig ko siya makipag-usap sa kaibigan niya, muntik na kong magkacrush sa kanyadahil ang galing niya mag-English. Bihasang bihasa din pala siya dun.

Tapos na niyang kainin yung binili niya ng bigla siyang naglakad papuntang parking lot. Sinundan ko na lang siya. Nagulat ako sa nakita kong kotse na dala niya. Ang ganda at halatang mamahalin.

“Huy, bakit ka nakatunganga diyan? Sumakay ka na para matapos agad tayo magpractice.”

Sumakay na ko sa kotse. Pagpasok ko, ang daming figurine ng pusa. Natawa nga ko dahil parang naging pambabae bigla yung kotse niya dahil sa mga figurines na iyon. Tinitigan lang ako ng masama ni Jeff.

“San ba tayo magpapractice?” Wala akong idea kung saan ako dadalhin ng lalaking supladong ‘to. Baka mamaya pagtripan lang ako nito.

“Wag ka ngang maraming tanong.”

Tahimik lang ako habang nagdadrive siya, hanggang sa nakatulog ako. Nagising lang ako ng bigla siyang prumeno at tumama ulo kosa bintana ng kotse niya. As usual, tinwanan na naman ako ng gago. Hindi ko na alam kung na saan kami. Pero alam kong EDSA ang tinatahak namin.

“San ba kasi tayo pupunta? Parang ang layo na nito,” pangungulit k okay Jeff.

“Dun tayo sa bahay namin magpractice para malaki space.”

Pumasok kami sa isang private subdivision sa may Makati. Hindi ko pinahalata sa kanya yung pagkamangha ko nang makita ko yung pangalan ng subdivision nila. Ang akala ko puro artista lang ang nakatira dito.

Ang lalaki ng bahay sa subdivision nila at layu-layo sa isa’t isa. Kahit ata sumigaw ka eh hindi maririnig ng kapitbahay niyo. Mga ilang liko pa at bumusina na siya sa tapat ng napakalaking bahay na may kulay puting gate. Ito na ata yung pinakamalaking bahay na nakita ko sa buong buhay ko. Nakailang busina pa siya bago may kasambahay na nagbukas ng gate.

Pinapasok niya ko sa bahay nila. Grabe talaga sa laki. Yung garahe pa lang nila, kasing laki na ng bahay namin sa probinsya.

“Good evening po Sir Bryan. Akin na po yung mga gamit niyo at aayusin ko,” sabi ng isang maid. Mukhang pinaalam ni Jeff sa kanila na may dadating siyang kaklase.

“Manang, si Dad ba dumating na?” tanong ni Jeff sa isa sa mga kasambahay.

“Maya-maya pa daw po yung dating niya, sir. May dinner meeting daw po kasi siya.”

“Ah ganun ba? O sige dun na kami sa kwarto ko magpapractice. Padala na lang po ng makakain at inumin dun. Salamat Manang.”

Nagulat ako sa pananalita ni Jeff sa kasambahay nila. Hindi pasigaw at hindi mayabang. Sa katunayan ay malumanay pa nga ito. Sobrang iba sa pananalita niya pag ako ang kausap niya.

“Huy Bryan, dun tayo sa kwarto ko.” Sinundan ko lang si Jeff papunta sa kwarto niya. Ang dami naming nadaanang mga kwarto na nakasara. Mayaman talaga sila. Ang dami ring nakasabi na paintings at yung mga ilaw nila eh halata mong hindi basta-basta.

Pagpasok namin sa kwarto niya eh para akong pumasok sa isang toy store. Sobrang daming laruan. Karamihan pa dito eh hindi pa nabubuksan ang mga kahon. Mukhang nangongolekta itong si Jeff. Pinaupo niya ako sa sofa sa loob ng kwarto niya. Oo, ganun kalaki ang kwarto niya. Parang isang buong bahay sa laki. May sarili siyang TV, aircon, sofa, banyo, at may ref pa nga. Binuksan ni Jeff yung isang pinto papunta sa isa pang kwarto. Pagsilip ko, nakita ko na puro damit at sapatos niya.

Paglabas ni Jeff ay nakapagpalit na siya ng damit. Nakasando lang siya at shorts na pangbasketball. Dito ko unang namasdan yung katawan niya. Ang gwapo talaga niya. Kung hindi lang siya salbahe.

Ang puti pala ni Jeff at ang tangkad. Yung katawan nya eh tama lang sa tangkad niya. Hindi siya ganun kalaman pero hindi payat. Alam mo lang na nagsasayaw talaga sya dahil lean yung katawan niya at may mga muscles. Binuksan muna niya yung computer niya dahil dun daw kami magpapatugtog. Habang ginagawa niya ‘yon, tinitigan ko yung mukha niya. Ang amo pala nun. Ang pupungay ng mata niya tapos yung ilong niya, katamtaman lang yung tangos. Yung labi niya ay ang pupula din. Bigla akong nag-iba ng tingin. Baka kasi mahuli niya ko.

“May dala ka bang damit?” tanong niya sa akin.

“Wala eh. Pupunta pa sana muna ako ng dorm para kumuha bago tayo magkita. Eh kaso andun ka na agad pagbaba ko.”

“Ano ba yan. Puro pa dahilan eh. Hayaan mo na nga. Pahihiramin na lang kita pagkatapos. Pero, huy, labhan mo yun bago mo ibalik ah!”

Hindi na lang ako sumagot.

Pinatugtog na niya yung kantang gagamitin namin. Kinuha din niya sa bag niya yung papel na binunot niya kahapon sa class.

“Ako na gagawa ng steps. Sauluhin mo na lang, ok? Yun na lang gagawin mo para hindi mo na ko ipahamak.” Nang-inis na naman si Jeff.

Nakaupo pa rin ako sa sofa habang siya ay nakatayo na at nagstart na gumawa ng steps. Hindi ko alam na nakatitig na pala ako sa kanya. Namangha kasi ako habang nagsasayaw siya. Mga 30 minutes ding hindi ko siya ginugulo para makagawa na siya ng routine namin.

“O halika na dito, ituturo ko na sa’yo. Sauluhin mo ‘to ah!”

Tumayo na ko at tumabi sa kanya. Medyo tinulak niya ko palayo. Baka daw kasi masipa ko nanaman siya. Nang tiningnan ko yung binti niya na nasipa ko, may marka pa rin ng pasa. Talaga palang nasaktan siya. Kaya siguro galit sa akin tong mokong na ‘to.

Nahihirapan akong makuha yung binuo niyang steps. Bigla atang naging parehong kaliwa paa ko. Pero ang pi nagtataka ko ay kung bakit hindi niya ko inaasar at hindi siya nagagalit sa akin. Hinayaan ko na lang. Ang inisip ko na lang, baka biglang hinipan ng hangin at bumait.

Mga isang oras na niya kong tinuturuan pero kalahati pa lang ng routine yung nakukuha ko.

“Ano bay an Bryan. Pinapagod mo lang ako eh. Ang hirap mo naman turuan eh.” Halata kong inis na siya sakin.

“Sorry.” Yun lang ang nasabi ko sa kanya habang nakaupo sa sofa at nakayuko.

“O sige na tama na muna yan. Kumain na lang muna tayo sa baba.” Bago kami bumaba ay kinuhanan muna niya ako ng damit. Nagpalit ako sa CR niya sa loob ng room.

Bumaba na nga kami at pumunta sa dining area nila. Manghang mangha pa rin ako sa laki ng bahay nila. Pansamantala kong nakalimutan yung pagod at hiya ko ng nakita ko yung laki at ayos ng dining table nila. Ang haba ng mesa nila, kasya ata lampas sampung tao dun eh. Umupo kami sa isang dulo ng mesa.

“Sir Jeff, bakit po bumaba kayo? Ang akala ko ba ay dadalhin ko na lang sa inyo sa taas?” tanong ng kasambahay nila.

“Ay wag na manang, tapos na rin naman kasi kami magpractice kaya bumaba na lang kami.”

Inilabas na ni manang yung mga pagkain. Tatlong putahe yung nilabas nila. Nagtaka ako kung bakit madami eh mukha naming kaming dalawa lang yung kakain.

“Manang, sumabay na po kayo sa amin. Ang daming ulam, kaming dalawa lang naman ang kakain,” paanyaya ni Jeff kay manang. Napangiti na lang ako dahil sa sobang kabaitan ni Jeff sa kasambahay nila. Tumanggi si manang at biglang dumiretso papalabas ng bahay ng may bumusina.

Biglang napatayo si Jeff sa kinauupuan niya. Ng tiningnan ko kung sino yung dumating, natakot ako sa itsura niya. Ang tangkad niya na dinagdagan pa ng tuwid niyang tindig. Ang seryoso din ng mukha niya pero hindi mo maipagkakailang may itsura. Magkamukha nga sila ni Jeff eh.

“Good evening, Dad. This is my classmate Bryan. We were just practicing for our midterm exams for our PE class.”

Nagulat ako sa itsura ni Jeff. Parang kabado siya. Ang stiff ng itsura niya habang nakatayo. Medyo nailang naman ako ng tinitigan ako ng daddy nya. Hindi nga ko nakagalaw sa upuan. Hindi rin ako makasubo o makanguya man lang. Medyo nakahinga lang ako ng maluwag ng biglang tumalikod ang tatay ni Jeff at naglakad paalis.

“Bakit parang takot na takot ka sa tatay mo?” tanong k okay Jeff.

“Wag ka na nga magtanong. Ubusin mo na yang kinakain mo tapos umalis ka na. Bwisit,” galit na sambit ni Jeff. Nainis ako sa sinabi niya pero pinigilan ko sarili ko dahil bahay nila ‘yun at nirerespeto ko pa naman si Jeff kait papano kahit ang sama niya sa akin.

Ng tapos na kami kumain ay inihatid na niya ko sa may garahe nila.

“Bryan, pasensya na kanina nung nasigawan kita sa dining area. Nababad trip lang talaga ako pag nakikita ko si Dad eh. Ipapahatid na kita sa driver namin, gabi na eh, mahihirapan ka ng bumalik sa dorm nyo.

“Sige salamat. Pasensya na rin pala kung talaga nahihirapan ako magsayaw. Magpapractice na lang ako sa bahay.”

“Talagang magpractice ka, hindi pa magandang tingnan yung pagsasayaw mo eh.” Uuwi na nga lang ako, inasar pa ko ni Jeff. Pero may iba sa pang-aasar nyang yun. Hindi katulad ng pang-aasar niya dati. Nakangiti siya nung sinabi niya yun. Hindi siya pagalit nagsalita. Kaya imbes na mainis ay natawa na lang din ako. Sumakay na ko sa sasakyan nila at nagpaalam na sa kanya.

Nakatulog ako sa biyahe. Siguro dahil sa pagod kakapractice. Mabuti na lang at alam pala ng driver nila kung saan ako nakatira.

Dear Mama,

Sorry kung ang salbahe ko sa kanya. Aaminin ko nung una nainis po talaga ako nung nasipa niya ko. Ang sakit kasi nun mama eh. Pero after nun, hindi naman na ko galit. Kaya ko lang naman nilagyan ng papel yung locker niya para mainis siya sa akin. Ang akala ko kapag ginawa ko yun ay unti-unting mawawala yung alam niyo na Mama. Pero mali ako eh. Alam nyo naman kung bakit diba? Nasabi ko na sa inyo yun mama. Natuwa nga ko nung nagpractice kami ng steps. Ang cute niya magsayaw. Parang bata lang. pero as usual mama, natakot nanaman ako pag-uwi ni daddy. Alam ko galit pa rin siya sa akin. Mama kaya ko na naman sarili ko eh, pero pakitulungan na lang ako kay Daddy. Thanks Ma. I love you so much. I miss you.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s