After All 06: Midterm


Araw na ng exam naming para sa PE pero wala pa rin akong balita mula kay Jeff. Ilang araw na siyang hindi pumapasok at hindi nagtetext sa akin. Medyo nag-alala ako para sa exam naming, pero higit dun, mas inisip ko kung kamusta na siya

Nahalata ni Mike ang pagkabalisa ka ng mga nagdaang araw at sinabi ko naman sa kanya ang dahilan kung bakit. Nagtataka siya kung bakit ganun na lang ang pag-aalala ko sa taong dati akong inapi at inaasar. Sinabi ko na lang na nag-aalala ako para sa exam namin.

Pagdating pa lang ng prof naming sa PE ay sinabi ko na sa kanya na wala si Jeff at mukhang hindi makakapasok. Alam na daw ito ni sir at kahit ganun daw ay mageexam pa rin ako, kahit ako na lang mag-isa.

Kinabahan ako sa narinig kong iyon. Magsasayaw ako ng walang kasabay habang pinapanood ng mga matang hindi ko naman kilala. Umupo muna ako sa isang bench habang iniisip yung mga steps na ginawa ni Jeff nang biglang may umakbay sa akin mula sa likod.

“Best friend, kaya mo yan. Hayaan mo, panonoorin at susuportahan kita,” nakangiting sabi ni Mike.

Natuwa ako sa pagdating ni Mike. Alam kong may isang taong manonood na hindi ako huhusgahan. Pero kahit ganun ay hindi ko pa rin maalis ang kaba.

Tinawag na ni sir ang pangalan ko. Ako na ang magsasayaw.

Iniabot ko kay sir ang cd ng kantang pinili ni Jeff na sayawin naming. Tumayo ako sa gitna ng dance floor habang nakatitig ang mga kaklase ko sa gilid. Ang tanging nakakapagpalubag ng loob ko ay tuwing titingin ako kay Mike at magthuthumbs up siya tanda ng kanyang suporta.

Nag-umpisa na yung kanta. Mas lalo akong kinabahan. Parang nakakalimutan ko na lahat ng steps. Pinipilit kong alalahanin pero wala na talaga akong maalala. Nakakailang Segundo nang tumtugtog yung kanta pero hindi pa rin ako makagalaw. Bagsak. Bagsak ako sa exam.

“Sir wait, pwede pong paulit ng kanta? Hahabol po sana ako, please,” sigaw ni Jeff habang tumatakbo papalapit sa akin.

“Bakit ngayon ka lang Jeff? Nagstart na si Bryan,” tugon ni sir.

“Sorry sir, nagkafamily problem lang po talaga ako. Please sir payagan niyo na ako,” pakiusap ni Jeff.

“O sige, pagbibigyan kita pero may deductions ka na dahil late ka.”

“Salamat po sir,” nakangiting sabi ni Jeff. Hingal na hingal siya habang nakatayo katabi ko. Humarap siya sa akin.

“Bakit para kang tuod kanina? Naririnig kong tumutugtog na yung kanta pero hindi ka pa rin sumasayaw?” tanong niya sa akin.

“Nakalimutan ko bigla yung mga steps. Tsaka bakit ngayon ka lang nagpakita? Ni hindi ka man lang nagparamdam sa akin,” mahina ngunit pagalit kong sabi.

“Sorry. Mamaya na ako magpapaliwanag, alalahanin mo lang yung video na ginawa ko. Alalahanin mo lang yun Bryan,” bulong sa akin ni Jeff.

Tumugtog na ulit yung kanta. Inisip ko yung video ni Jeff na sinasayaw yung routine namin. Unti-unting nawala sa paningin ko ang mga kaklase naming nanonood. Maging si Mike ay unti-unting nawawala sa paningin ko. Ang tanging nakikita ko na lang ay si Jeff na nasa tabi ko at ang video ni Jeff na nagsasayaw.

Unti-unti akong sumayaw. Ginagaya ko ang bawat galaw ni Jeff sa video. Sige lang ,sayaw lang ako. Unti-unti kong nararamdaman yung beat ng kanta hanggang sa hindi ko na nakikita yung video ni Jeff. Nakikita ko na ulit si sir at yung mga kaklase ko na nakatitig sa amin. Pero nagsasayaw pa rin ako. Naaalala ko pa rin yung mga steps na tinuro niya sa akin kahit hindi ko na naiisip yung video. Sumulyap ako kay Jeff at nakita ko ang saya nya habang nagsasayaw kami. Sabay nasabay ang galaw naming dalawa. Nakikita ko na ulit lahat ng tao sa room maliban sa isa. Hindi na bumalik sa paningin ko si Mike. Tiningnan ko yung inuupuan niya kanina pero bakante na yun.

Natapos naming ang sayaw naming ng walang mali. Nagpalakpakan ang mga kaklase ko at maging si sir. Pagkatapos ng kanta ay bigla akong niyakap ni Jeff. Nagulat ako pero hinayaan ko na lang. Marahil ay masaya siya dahil nasayaw naming ng maayos yung inensayo din namin ng ilang araw. Masayang masaya din ako dahil nakapagsayaw ako ng maayos at dahil nakita ko na ulit si Jeff.

Binigay na sa amin ni sir ang grade namin. Nakakuha ako ng 1.25 samantalang si Jeff ay 1.50 dahil sa deduction na binigay sa kanya ni sir.

Hingal nahingal kaming umupo sa bench na kaninang inuupuan ni Mike.

“Care to explain?” tanong ko kay Jeff.

“I’ll tell you everything later. Ok lang ba kung huwag ka na munang pumasok sa next class mo. May kailangan akong sabihin sayo,” sagot ni Jeff.

“Hindi ba pwedeng ngayon na?”

“Hindi pwede. Gusto ko tayong dalawa lang.”

“O sige. Sabihin mo sa akin lahat mamaya.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s