Not Over You – Chapter 3


Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to real people and events are purely coincidental. Furthermore, unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this blog’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to PINOY M2M Stories with appropriate and specific direction to the original content. Thank you.

_________________________________________________

“Enough about me. Kamusta na kayo ni beau?” Hanggang ngayon, iffy pa rin ako sa tawagan nilang dalawa.

“Two weeks na,” ang casual niyang sagot.

“Two weeks ka nang buntis?”

“Two weeks na siyang hindi umuuwi sa bahay.”

Teka tama ba ang dinig ko? Ang idol couple ko ay on the rocks?
“Teka bakit?”

“Umuwi muna ulit siya sa kanila.”

“Obviously. What I meant was bakit bigla siyang hindi umuwi sa inyo?”

“May pinagtalunan lang kami.”

“And you’re only telling me this now?”

“Akala ko kasi isa lang to sa petty fights namin. Kilala mo naman kami, maraming petty quarrels.”

“Oo nga, but still, bakit hindi mo sinabi sakin?”

“You were having problems of your own. Ayoko nang dagdagan.”

Medyo nakonsensya ako sa sinabi niya. Sa sobrang busy ko magkwento tungkol sa problema ko sa buhay, nakalimutan ko na siyang tanungin kung kamusta siya.

“Anong pinag-awayan ninyo?”

“Nakakahiya. Sobrang petty lang.”

“O, kung petty lang pala, bakit umabot kayo sa ganyan?” tanong ko sa kanya.

“Petty yung bagay na pinag-awayan namin. Pero yung pag-aaway namin was the complete opposite of petty. Kilala mo ako Mike, as much as possible hindi ako makikipagsigawan. Pero lately, even before that fight, kapag nagtatalo kami, madalas na rin kaming nagkakasagutan.”

“Gaano na nga kayo katagal ni Patrick?”

“Nine years, ten months. Bakit?”

“Baka tapos na kayo sa honeymoon period.”

“Baliw. Ang tagal namang honeymoon period nun? Tsaka what does that say about us as partners? Porke hindi na happy-happy palagi bigla na lang maghihiwalay?”

“Wait, so are you saying na hiwalay na talaga kayo?”

“We haven’t talked since that night. No text, no calls, whatsoever. And I’m not keen on initiating such right now. So I guess, it’s over.”

“And you’re okay with it?”

“Of course I’m not. But I try to compose myself. Kaya nga din ayokong pinag-uusapan dahil baka magbreakdown ako.”

“Pero magkasama pa rin kayo sa work diba?” tanong ko.

“Oo, pero nasa ibang floor siya diba and ibang department so wala din kami talagang interaction.”

“Hindi nagtataka officemates niyo?”

“Bakit naman sila magtataka eh hindi naman nila alam.”

“Sinong niloko mo. I’m sure may idea sila. And I’m sure na may nakakapansin na hindi na kayo sabay kumain tuwing lunch break niyo.”

“Well, the hell with them.”

“Wala ka na talagang balak ayusin?”

“Meron naman. Pero this time, dapat siya ang mag-initiate.”

“Ano ba kasi ‘yang pinag-awayan niyo?”

“Ganito kasi yun. We’re still paying for the house na tinitirhan namin, na ako na lang ang nakatira ngayon. Eh last month, supposedly, turn niya to pay. Eh kaso nagipit siya dahil nagkasakit yung kapatid niya. So I offered na ako na lang muna kasi alam ko naman yung sitwasyon niya. Ayun, he took offense with what I said. Kung anu-ano na nasabi namin sa isa’t isa.”

“I never thought na ganyan kataas ang pride ni Patrick.”

“First time niya din mag-ganun sa akin kaya nga nagulat ako.”

“Well I hope you fix it. Sayang naman, ang tagal n’yo na.”

“I don’t know, Mike. Parang napagod ako ng sobra sa away namin na yun. It made me think what if hindi naging kami? Ano kaya ang nangyari sa akin dun sa siyam na taon?”

“Pero sayang kasi talaga, Billy.”

“Malay mo naging tayo, diba?”

“Kailangan talaga isisingit mo yan? Kasalanan ba talaga na nagkagusto ako sayo before?” patawa kong sagot.

“No naman. I’m just trying to lighten up the mood. Ikaw kasi, tinanong mo pa yung tungkol sa amin.”

“Aba siyempre naman. Baka sabihin mo napakawalang kwenta kong kaibigan.”

“Well…”

“Hoy!”

Sasagot pa sana siya pero nilapitan na kami ng waitress. Magsasara na daw sila. Pagtingin ko sa orasan ko, halos ala-una na pala ng madaling araw.

Since Friday naman at ayaw pa namin pareho umuwi, nagdesisyon kaming maglakad papunta sa Banchetto. Ang takaw talaga namin.

“Kamusta ka naman ngayon? Baka mamaya mabalitaan ko na lang na nagbigti ka na pala,” usisa ko sa kanya.

“I’m getting by. As much as possible, late na ko umuuwi. Hindi mo ba napansin, lagi na akong tumatambay sa unit mo after natin mag-swim? Gusto ko kasi pag-uwi ko, diretso tulog na lang para wala nang chance mag-emo.”

“True. If you want palit na muna tayo ng tirahan para di mo siya maalala.”

“Ayoko nga. Ang dugyot ng bahay mo, eh,” pang-asar niyang sagot.

“Ah ganun. Huwag na huwag ka nang makapunta samin para maki-swim ah.”

“Bakit pool mo yun? Pool mo? And kahit di mo ko samahan sa pool, papayagan ako ng guard. Malakas pakiramdam ko may gusto sa akin yun.”

“Ay kadiri, anong balak mong gawin? Patulan siya para lang makalangoy ka? Ewwwww,” sabi ko.

“Ang bastos mo kahit kailan. Lalandiin ko lang. Harmless,” patawa niyang sabi.

“Sabi ko na, may tinatago ka talagang kalandian diyan sa pa-macho mong image,” sagot ko sa kanya.

“Look, I’m just saying. Why not use something I have to my advantage,” sagot niya sa akin habang nakaakbay.

“Kadiri ka talaga,” pang-aasar ko sa kanya.

Nang makarating kami sa Banchetto ay agad kaming naghanap ng kakainin. Siyempre ang una naming pinuntahan ay ang mga ihaw-ihaw.

“Miss dalawang isaw baboy, isang tukneneng tapos tatlong barbecue,” sabi ko sa tindera.

“Ikaw lang kakain lahat niyan? Ang takaw mo!” pambubustiya sa akin ni Billy.

“Baliw. Para sa ating dalawa na yun.”

“Ganun? Miss gawin mo nang tatlong isaw baboy,” anito sa tindera.

Dahil sa pagkain kaya kami naging close ni Billy. Pareho kaming matakaw at hindi maselan sa pagkain. Gusto rin naming sumubok ng ibang mga pagkain na hindi madalas makita kung saan-saan. Yun ang hindi nila ginagawa ni Patrick. Nutritionist si Patrick sa isang ospital kaya sobra siyang pihikan sa pagkain. Pero hindi naman niya pinagbabawalan si Billy na sumama sa akin para magfood trip. Hindi nga lang siya sumasama.

“Naaalala mo nung college tayo binalak nating mag-aral sa ibang bansa?” tanong ko rito.

“Oo. Bakit?”

“Bakit hindi natin ituloy yun? Mayaman ka naman na. Kayang kaya mo nang pag-aralin tayong dalawa,” nakatawa kong tugon dito.

“Sugar daddy? Pero parang gusto ko yang naisip mo. Para rin medyo malayo muna ako sa mga problema ko dito.”

“Tsaka malay mo, doon ko makilala ang taong mamahalin ko,” sabi ko sa kanya na parang kinikilig. Sa aming dalawa, ako talaga ang hopeless romantic. Pero sa mga nangyayari sa akin palagi, parang hopeless na lang ang mas bagay na itawag sa akin.

“Akala ko ba nakita mo na dito nung 1st year college pa lang?” Pang-aasar na naman niya.

Akmang susuntukin ko ang braso niya nang biglang bumuhos ang ulan. Tumakbo kami sa pinakamalapit na masisilungan. Tumatawa pa rin si Billy dahil sa huli niyang sinabi.

“Alam mo minsan pakiramdam ko, dapat mapikon na ako sa’yo dahil ginagawa mo lang akong katatawanan,” ang sabi ko rito an medyo may halong pagtatampo.

“Ito naman nagtampo agad. You wanna know the truth?” tanong nito.

“I also had the biggest crush on you nung 1st year tayo. Who wouldn’t? Ang bilis kumalat ng balita noon na valedictorian ka nung high school tapos scholar ka pa ng university natin dahil kasali ka sa varsity. And of course, the more obvious fact na isa ka sa mga gwapo sa campus,” anito na halata kong nahihiya. Nakakatawa siya dahil namumula siya at hindi maalis sa kaniyang ang mga ngiti sa labi.

“Pero siyempre tulad mo, torpe ako nun. Tsaka hindi pa naman ako sure sa preference ko noon. Akala ko confused lang ako, na parang idol lang kita. Hanggang sa naging close nga tayo at naisip ko na mas okay na yun. Mas pangmatagalan. Diba?”

May gusto rin siya sa akin nun. Aaminin ko, nagulat ako sa sinabi niya. At biglang bumalik sa akin ang panghihinayang. Kung sana pala nilakasan ko ang loob ko noon, malay natin, baka hindi ang mga bigo naming relasyon ang pinag-uusapan namin ngayon.”

“Diba?” Medyo natulala pala ako kaya hindi ko napagtuunan ng pansin ang sinasabi niya. Isang simpleng tango lang ang isinagot ko rito.

Nang tumila ang ulan ay muli kaming naglakad lakad para tumingin pa ng makakakain. Nakahinto kami sa isang stall na nagbebenta ng pastries ng may biglang tumawag sa akin.

“Migs?”

Kilala ko ang boses na yun. Kahit halos limang taon na nang huli kaming magkita, hinding hindi ko makakalimutan ang boses na ‘yun.

“A-anong ginagawa mo rito?” nauutal kong tanong sa kanya.

“Uhm, I’m with some of my friends, galing kaming inuman tapos nagkaayaan dito,” anito. Hindi pa rin siya nagbabago. Ganun pa rin ang dating niya. Parehong tindig, parehong ngiti, parehong konbiksyon sa sarili.

“Si Billy nga pala, best friend.” Hindi ko alam kung bakit biglang nag-iba ang kilos ko. Limang taon na rin naman ang nakakalipas. At sigurado akong wala na akong nararamdaman para sa kanya. Siguro dahil iba rin naman talaga ang pinagdaanan namin. Sa loob-loob ko masaya ako na nakita ko siya. Namiss ko rin ang matandang ‘to kahit papaano.

“Of course, it’s Billy,” wika nito sabay abot ng kamay sa best friend ko.

“Babe, they’re just parking outside. Ano bang masarap dito?” sabi ng isang lalaking tumabi kay Francis. Napansin kami nito at biglang bumati, “Hi I’m Enzo, Francis’s partner. I suppose you’re his friends?’

Inabot ko ang kamay nito at ngumiti. “Yes. Actually, I was a scholar of their company a few years back.”

“Ah, okay. Hey babe, they’re here,” ani Enzo sabay hila kay Francis papalapit sa mga kasama nila.

“It was nice seeing you again Migs. Yun pa rin ang number ko. Let’s catch up soon, okay?” Tumango lang ako rito.

Nagkatinginan kami ni Billy at sabay na napatawa ng mahina. “Mukhang may tama pa rin sayo si Francis, ah,” pang-aasar na puna ni Billy.

“Ano ka ba? Ilang taon na kaming hindi nagkikita. Para tong ewan,” sagot ko na may halong pagkahiya.

Limang taon na rin pala yun. Limang taon na nung iniwan ko siya para itama ang pagkakamali naming pareho.

“Tapos na.”

“Huh?”

“Tapos na.”

“Ang alin?”

“Ito.”

“Di kita maintindihan Migs,” ang nalilito niyang sabi.

“Kung anumang meron tayo. Tapos na ‘yun,” ang mahina kong sabi.

“Bakit?”

“Hindi ko din alam. Akala ko kaya kong tiisin yung sitwasyon natin. Pero hindi pala.”

“Migs naman. Huwag mo naman gawin to please. Huwag ngayon,” ang sabi niya. Nanginginig na ang boses niya.

“Kelan pa Francis? Kapag talagang hindi ko na kaya yung bigla mong pag-alis kapag may tumawag sayo sa trabaho? Kapag di ko na kaya yung sakit tuwing hindi ka nagpaparamdam sa akin dahil kasama mo yung asawa mo? Francis ang sakit sakit na.”

“Alam mo namang sinusubukan kong ayusin diba?”

“Pero kelan pa? Di na rin ako pinapatulog ng konsensya ko dahil sa ginagawa natin.” Di na siya nagsasalita. Nang tingnan ko siya ay nakayuko na lang siya at umiiyak. Sa hindi ko malamang dahilan ay hindi ako umiiyak.

“Gusto ko ring maging masaya Francis nang walang taong nasasaktan. Ang sama sama na ng tingin ko sa sarili ko. At sa totoo lang, kung totoo yung sinasabi mong ako ang mas mahal mo, matagal ka nang gumawa ng paraan. Unfair na ‘to sa asawa mo.”

Parang biglang nawalan ng tao sa lugar. Kami lang ang nandun. Hindi pa rin siya nagsasalita.

“Unfair na rin ‘to sa akin. Mahal kita Francis, tang ina kung alam mo lang. Pero ang sakit na lang talaga.”

“Please, Migs, let me fix this. I’m so sorry that everything has been so hard for you. Pero beleive me when I say na everything will get better. Hindi na tayo magiging tulad ng dati” humihikbi niyang sambit. “I love you so much.”

“Ang hinihiling ko naman ay yung makasama kita nang alam kong tayo lang. Yung wala tayong taong inaagrabyado. Yung hindi tayo nagtatago sa mga kakilala mo. Yun lang Francis. Ang tagal kong hinihintay na mangyari yun.”

“Simula pa lang ng relasyong ‘to alam kong mali na eh. Nakasira ako ng pamilya. Sa tuwing sasaya ako, di mailis sa isip ko na may isang tao akong inaagawan. May isang tao akong inaagawan ng kaligayahan. At sa tuwing magkasama tayo, may isang taong naiiwang mag-isa.”

“Please, Migs. I’m begging you.” Ang lakas na ng pag-iyak niya.

“Nagpapasalamat ako na nakilala kita. Nagpapasalamat ako na minahal mo ko. Pero siguro panahon na lang talaga ngayon para tapusin na ‘to. Na isipin ko naman yung sarili ko at kung ano yung talagang makakapagpaligaya sa akin. Siguro pagsisisihan ko to sa susunod, pero ang alam ko lang, ito ang kailangan ko ngayon.”

Niyakap ko siya ng mahigpit at bumulong, “I’m sorry.”

Tumayo ako at naglakad papalayo sa kanya. Nang lingunin ko siya ay nakita kong umiiyak pa rin siya.

Parang gusto kong habulin niya ako at sabihin huwag umalis. Parang pinagsisisihan ko na lahat. Pero alam kong ito ang tama.

Sumakay ako ng jeep papunta sa sakayan ng bus. Lutang na lutang ang pakiramdam ko.

Pagsakay ko ng bus ay dun ko lang naramdaman yung envelope na binigay nya sa akin kanina na sinukbit ko sa bulsa ko.

Binuksan ko iyon at binasa.

File for nullity of marriage

Sa loob ng bus, habang papalubog ang araw, hindi ko na napigilang umiyak.

Tapos na. Hindi tulad ng dati, wala na siya.

“Huy, natahimik ka na naman,” sita ni Billy.

“Naalala ko lang yung drama namin before. Mukha pala kaming tanga noon,” tawa ko.

“Pero mukhang open sila ni Enzo sa relasyon nila. Tingin mo tinuloy ni Francis makipaghiwalay sa asawa niya?” pagtatanong nito.

“I guess.” Maikli kong sagot. “Halika umalis na tayo. Ang sakit na ng paa ko.”

Naglakad ulit kami pabalik sa lugar kung saan siya nakapark. Inaya ako ni Billy na doon na lang bahay niya muna ako matulog tutal wala naman daw siyang kasama. Dumaan muna kami ng convenience store at bumili ng ilang maiinom at pulutan.

“Diba noon ikaw pa ang pumilit kay Francis na huminto sa paninigarilyo?” tanong ni Billy sa akin habang binabagtas namin ang daan pauwi sa kanila.

“Oo. Yung tarantado kong ex pagkatapos ni Francis lang naman ang nagturo sa akin manigarilyo,” tugon ko rito. Limang taon. Ang dami nang nagbago. Mas open na Francis sa relasyon niya ngayon kay Enzo hindi tulad noon. At heto ako, ang dating nagpatigil sa kanya magyosi ay siyan namang hirap na hirap na ihinto ito.

Nang malapit na kami sa bahay nila ay may nakita kaming pamilyar na taong nakaupo sa gilid ng kalsada.

“Anong ginagawa mo diyan sa labas?” tanong ni Billy.

5 thoughts on “Not Over You – Chapter 3

  1. sean guzman

    wow!.my sequel pla un ky migz!…kla q un n un..5yirs later pla to..hehehe..nice nman…sna pti ung after all meron din..thumbs up!.:)

    Reply
  2. Xander Belchez

    NICE MAY SEQUEL UNG KWENTO BUT THE THING IS HNDI SYA CONNECTED SA AFTER ALL TAPOS ANG LUMALABAS IBANG KWENTO PERO LALABAS UNG CHARACTER NI CHRISTIAN SA PLUS-ONE BABALIK UNG AFTER ALL PLUS NA KWENTO NAMAN NI JEFF MEDYO MAGULO PA KC HNDI KO PA NABABASA UNG FINALE LATER COMMENT ULIT AKO ………..

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s