Not Over You – Chapter 2


This is the next chapter of my newest short story.

In the first chapter, we were introduced on this tight friendship between two men and their views on their respective relationships.

Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to real people and events are purely coincidental. Furthermore, unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this blog’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to PINOY M2M Stories with appropriate and specific direction to the original content. Thank you.

_________________________________________________

“You know I’m just kidding. Alam mo naman kung gaano ako nasasaktan tuwing nagkukwento ka ng mga nangyayari sa yo. Because I know you don’t deserve any of that. At hindi ako titigil kakaumpog ng ulo mo sa pader until you realize that yourself,” sagot ni Billy.

“Alam mo minsan, sweet ka talaga sa akin.”

“Kaya nga mahal mo ko diba?” pang-aasar na sagot ni Billy.

“Kailangan talagan laging i-bring-up yung past?”

“What I meant was you love me as your best friend.”

“Forever mo nang ipang-aasar sa akin yun ano?”

“Hindi naman. Minsan lang.”

Bigla kong naalala ang nangyari ng gabing yun.

Anak ng. Wala pa kaming isang buwan ng gagong boyfriend ko na si Nico, nanloko na agad. Hindi ko na alam kung anong sumpa ang meron ako.

Napagdesisyunan kong pumunta sa Bed para mag-unwind. Sinusubukan kong tawagan si Billy pero hindi sumasagot. Malamang naglalampungan na ‘yun ng jowa niya.

Paglapit ko sa bar ay umorder na ako ng Blue Frog. Gusto kong tamaan. Gusto kong malasing para makalimutan ang kamalasan ko sa buhay.

Nakaka-limang baso na ako ng biglang may tumawag.

“Hello…shinu ‘to?” Ang malabo kong tanong.

“Hello, asan ka?” tanong ng kausap ko sa telepono.

“Who’s this? Iniistorbo mo pag-inom ko eh!”

“Si Billy ‘to. Asan ka ba? Pupuntahan kita.” Napataas na ang boses ng kausap ko.

“Andito ako sa Bed. Come join me, my friend! Let’s celebrate! Your best friend is now again single! Damn it…” Sagot ko ng may kasamang tawa. Pero tumulo pa din ang luha. Tang ina, pinipigilan ko ngang huwag maiyak, eh. He’s not worthy of my tears and sadness.

Lumabas ako ng bar para magyosi. Nakatayo lang ako dun at pinagmamasdan ang mga lalaking sa tingin ko ay manloloko lang lahat.

Umupo ako sa bakanteng silya para magpahinga at magpaalis din ng tama. Alam kong papagalitan na naman ako ni Billy kapag nakita niya akong lasing na lasing.

Hindi ko alam kung ilang minuto ang nakalipas bago dumating si Billy. Bigla na lang niya akong hinila patayo at sinabihang aalis na.

“Kumain muna tayo somewhere. Magagalit na naman sayo si Tita kapag umuwi kang ganyan,” anito.

“Look, Billy. I’m not drunk. I’m fucking lonely.” Hindi ko na napigilang umiyak at yumakap sa kanya. Hinigpitan na lang niya ang hawak sa akin habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niya.

“Thank you for coming,” sabi ko rito nang napasok na kami ng kotse.

“Mamaya ka na magkuwento kapag sober ka na.” Inumpisahan na niyang magmaneho.

“Alam mo ba Billy, kanina pa kita tinatawagan kaso hindi ka sumasagot,” mahina kong sabi rito habang nasa biyahe kami.

“I’m sorry. Hindi ko agad napansin yung tawag mo, may ginagawa lang ako sa bahay.”

“It’s okay. You’re here now,” tugon ko rito na may ampat na ngiti sa labi.

Nakakatitig lang ako sa labas ng bintana, tila nahuhumaling sa mga sumasayaw na ilaw sa labas. “Sana ikaw na lang.”

“Ano?” Tanong nito sa akin nang may pagtataka.

“Alam mo bang first year pa lang tayo gusto na kita. Gustung gusto.” Sabi ko rito sabay tawa.

“Ang saya ko nga nung maging close tayo. Sabi ko mag-iipon lang ako ng lakas ng loob tapos aaminin ko na sa’yo,” pagpapatuloy ko.

Pero hindi ko nagawa ang balak kong iyon. Dahil bago pa man ako makaamin, nakilala na ni Billy si Patrick.

Hindi pa rin siya sumagot. Bubuksan ko sana ang bintana ng sasakyan para manigarilyo pero bigla nitong inagaw sa akin ang hawak ko nang lighter.

“Kapag nagyosi ka, ilalaglag talaga kita dito sa sasakyan.”

Hindi na ko nakipagtalo pa. Sinara ko na lang ang bintana.

Ibinalik niya sa akin ang lighter. Inakbayan niya ako at dahan-dahang inihiga sa kanyang mga balikat.

“Magpahinga ka na. Doon na muna tayo sa amin umuwi. Ipagluluto na lang kita at doon ka na rin matulog. Ako na lang tatawag kay tita.”

“Lasing lang ako nung sinabi ko yun,” sagot ko. To be honest, medyo namumula na ko sa ginagawa niyang pang-aasar.

“But that doesn’t mean na hindi totoo yung sinabi mo.”

“Ok fine, fine. But I know now that we’re much better off as best friends.”

“Naman. Ganito na lang kasi yun, Mike. Imagine, if ever, and the operative phrase is ‘if ever,’ we become a couple, malaki yung chance na maghiwalay tayo, edi pareho pa tayong nawalan ng best friend.”

“Oo nga, I understand that now.”

“At least ngayon, alam natin na whatever happens, we have each other. Your partners may come and go, pero ako lagi lang nasa tabi mo.”

“Ay, are we still on that topic? Hindi maka-move on?”

“Just saying…”

Mga limang minuto kaming hindi nagsalita. Kinakalikot niya yung telepono ko na kanina pa niya hawak, habang ako naman, pinaglalaruan yung cake na kanina pa namin hindi ginagalaw. May ganitong moments talaga kami tuwing magkasama. Magdaldalan tapos bigla na lang tatahimik.

“Gusto ko din ng ganito,” banggit niya habang nagbabasa ng messages sa phone ko.

“Alin, ng phone o ng mga random hookups?”

“Baliw. Syempre yung phone,” nakangiti niyang sagot sabay abot sa akin ng telepono ko.

“Kayang kaya mo naman bumili. Barya lang para sa ‘yo ang presyo nito.”

“Alam ko mukha akong mayaman, pero hindi naman talaga.”

“Ewan ko nga sa ‘yo. Hanggang ngayon ang kuripot mo pagdating sa sarili mo. Tingnan mo yang telepono mo, pinaglumaan na ng panahon. Try mo ibenta yan sa mga museum, baka milyones na halaga niyan,” pang-aasar ko sabay hablot ng Nokia 3310 niya.

“Hindi nga ako makapaniwala na may gumagamit pa nito hanggang ngayon,” dagdag na pang-aasar ko.

“Ginagamit ko lang naman yan for calls and text. Hindi ko kailangan ng mahal na telepono.”

“Pero gusto mo naman.”

“Naisip ko lang naman. May mga pagkakataon lang na naiisip kong waldasin yung mga milyones ko sa bangko,” natatawa niyang sabi.

“Yabang mo. Nanliit naman ako bigla.”

“Joke lang. Alam mo naman kung gaano ako kakuripot talaga pagdating sa ganyang bagay. Paano kung may emergency, at least may magagamit akong pera.”

“Between the the two of us, ikaw talaga yung matino lagi ang takbo ng utak.”

“I know.”

“Gago.”

“Nga pala, nag-text sayo si Christian kanina, nabasa ko habang kinakalikot ko yan,” banggit niya.

“Hayaan mo nga siya.”

“Talaga? You’re not interested kung ano sabi niya?”

“Nope. We’re over, remember?”

“Talaga lang, ha?”

“Oo nga.”

“Sige, sabi mo eh.”

“Huwag mo na akong asarin, baka mag-relapse ko, balikan ko pa yung mokong,” pag-amin ko sa kanya.

“See, see,” natatawa niyang sagot.

“Enough about me. Kamusta na kayo ni beau?” Hanggang ngayon, iffy pa rin ako sa tawagan nilang dalawa.

“Two weeks na,” ang casual niyang sagot.

“Two weeks ka nang buntis?”

“Gago. Tumigil ka nga.”

“O bakit. Idedeny mo bigla sa akin ang preference mo pagdating sa sexy time?”

“Hey watch your mouth, baka may makarinig satin.”

Tawa lang ako ng tawa. Wala kasi talaga sa itsura niya na he prefers to be at the receiving end. Bihira siya pumunta ng gym pero sobrang ganda ng katawan niya dahil napaka-athletic niyang tao. After work, maglalaro yan ng basketball. Tapos ay pupunta yan sa amin para makiswim sa pool ng condo namin bago siya uuwi sa kanila.

Everyday yan. Wala pang mintis. Tapos ang gwapo pa. Machong macho ang dating.

Kaya natatawa ako everytime naaalala ko ng napag-usapan namin before yung preference niya.

“Two weeks na siyang hindi umuuwi sa bahay.”

3 thoughts on “Not Over You – Chapter 2

  1. zac

    ahh parang putol at nakakabitin pero sobrang galing mo tlga.. Haha ung sa plus 1 nlng haha sana madaming sequel parang after that ung kila mike nmn magkakaconflict hahaha so complicated at mahirap hahaha baka lalong maguluhan ang mga readers..

    Btw .. Humahanga ako sa ‘yo mr billie haha .. Pa axep nmn sa fb at twitter haha..

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s