Not Over You – Chapter 5


Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to real people and events are purely coincidental. Furthermore, unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this blog’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to PINOY M2M Stories with appropriate and specific direction to the original content. Thank you.

_________________________________________________

Nagising ako sa sinag ng araw na pumasok sa bintana ng kwarto. Medyo masakit ang ulo ko dala na rin marahil ng pagkalasing ko kagabi. Pagtingin ko sa aking kaliwa ay nakita ko si Billy na tulog pa ring nakahiga sa aking braso at muling nanumbalik sa akin ang nangyari kagabi.

May nangyari sa amin ni Billy. Shit. Hindi ko ngayon alam kung paano kami mag-uusap nito kapag nagising siya.

Nakatitig lang ako sa kisame habang sinusubukang intindihin ang nangyari. Lasing lang kami pareho kaya namin nagawa iyon. Walang magbabago sa samahan namin.

Dahan-dahan kong inalis ang aking braso sa ilalim ni Billy para hindi ito magising. Pagtayo ko ay doon ko lang napansin na pareho pa pala kaming walang saplot. Hindi ko mapigilang mamula sa itsura naming dalawa. Sinuot ko ang boxers at T-shirt ko at lumabas sa terrace nila para makapagpahangin.

“Salamat at hindi nagbago ang pakikitungo mo sa akin after ng drunken episode ko nung isang araw,” ang nahihiya kong sabi kay Billy nang magkita kami ulit nito dalawang araw matapos kong aminin na nagkagusto ako sa kaniya.

“Sus. Okay lang yun. Past is past, right?” tugon nito.

Nakatitig lang ako sa kawalang habang inaalala ang nakaraan nang biglang may magsalita sa aking likuran.

“About last night…” paumpisa nitong sabi.

Nilingon ko siya at nakita kong grabe ang pakapahiya niyo sa nangyari kagabi. Sa pagnanais kong mawala ang awkwardness sa pagitan naming dalawa ay sinubukan kong ibahin ang topic.

“Nagugutom na ako. Anong gusto mong breakfast? May maluluto ba sa kitchen mo?” sunud-sunod kong tanong.

Tila alam na ang gusto kong mangyari ay huminga na lang ito ng malalim at mahinang sumagot sa akin, “May bacon pa yata sa ref.”

Tumayo ako para pumunta ng kitchen. Nang magkatinginan kami ay isang ngiti ang binigay ko sa kanya bilang tanda na okay lang ako. Pero okay nga lang ba ako? Hindi basta-basta ang nangyari kagabi.

Dumiretso ako ng kitchen at nagluto ng breakfast naming dalawa. Nagtimpla na rin ako ng kape. Hindi agad sumunod si Billy sa akin. Marahil ay nagiisip-isip din ito. Naghahain na ako ng marinig kong pababa na siya. Sa hindi malamang dahilan ay bumilis ang tibok ng dibdib ko.

Umuupo na ito sa lamesa habang ako naman ay sinusubukang itago ang kung anumang kabang nararamdaman ko. Umupo na rin ako sa tapat niya at inumpisahang kainin ang niluto kong bacon and egg.

Habang tahimik akong kumakain ay nagsalita si Billy. “Hindi natin pwedeng hindi pag-usapan yung nangyari kagabi,” wika nito. Pagtingin ko sa kanya ay nakita ko ang mga nangungusap nitong mata. Nabanaag ko rito ang pag-aalala. Tulad ko ay nag-aalala rin siya sa magiging epekto ng nangyari sa pagkakaibigan natin.

Dahil hindi ako tumugon ay muling nagsalita si Billy. “Lasing tayo pareho last night pero I’m very much aware sa nangyari sa atin. Pareho lang tayong malungkot kagabi. Pareho tayong nawalan ng partners. Sana hindi yun makaapekto sa pagkakaibigan natin.”

“I’m sorry din. I took advantage of your vulnerability. Ako yung mas sober last night. I could’ve prevented it from happening but I didn’t,” ang mahina kong tugon dito habang nakatingin lang sa pagkain sa aking plato.

Natahimik na naman kami ng ilang minuto. Sa pagnanais kong mabasag ang katahimikan ay tinanong ko si Billy, “We’ll get through this, right?”

Tumingin ito sa akin at binigyan ako ng isang nakakapanatag na ngiti. “Oo naman. Tayo pa. Ilang beses na ba tayong nagkaroon ng issues pero nagkakaayos naman tayo palagi.”

Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Marahil nga ay awkward pa lang kaming pareho sa nangyari. Kailangan lang namin ng konting panahon para makaget over.

Tahimik na naming tinapos ang aming pagkain. Ako na dapat ang maghuhugas ng pinagkainan namin pero sinabi ni Billy na siya na lang daw ang gagawa noon mamaya.

“Samahan mo na lang ako sa mall,” banggit nito.

“Bakit?”

“Bibili ako ng boxes. Gusto ko nang umpisahan ang pag-aayos ng gamit ko.”

Nakaupo na kami sa sala nila nang mag-umpisang magkuwento si Billy sa napag-usapan nila kagabi ni Patrick.

“Isipin mo yun. The reason we broke up was because I hurt his ego when I offered to pay for his share in this house tapos ngayon okay lang sa kanya na bayaran na lang nung bago niyang boyfriend lahat nang naging shares ko para lang mapaalis nila ako dito,” ang pangisi nitong pagkukwento. Ramdam ko na pinipigilan niyang huwag mapaluha pero rinig sa boses nito ang sakit na nararamdaman niya.

Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin sa kanya pero mukhang wala na rin namang sense na subukan siyang bigyan ng pag-asa na magkakaayos pa sila dahil may bago na nga si Patrick. “Maybe he just used that as a reason to get out of the relationship,” wika ko rito.

“Pero bakit? Tang ina naman Migs almost ten years kaming magkasama. Akala ko by this time kilalang kilala na namin ang isa’t isa. Akala ko we are both contented with what we have. Na settled na kami.” Medyo napalakas ang pagsabi ni Billy. Halata mong bukod sa pagkalungkot ay may halo ring itong galit.

“Siguro kapag okay na kayo pareho, mapag-uusapan niyo na yan. Pero tingnan mo siya, Billy. He already moved on. Huwag mo hayaang ikaw ang maiwang nagmumukmok diyan. Sooner or later, you have to move on.”

“I know. I know,” ang mahina nitong tugon.

Pumunta na nga kami sa mall para bumili ng gagamitin niya pag-impake ng gamit. Habang nasa biyahe ay bigla akong napaisip kung saan siya titira.
“Maghahanap na lang ako somewhere na malapit sa office,” ang tugon nito.

May naisip akong ideya na alam kong mas makakatulong sa kanya. “Bakit hindi ka na lang muna sa akin tumira. Medyo malapit lang din naman iyon sa office mo. Makakatipid pa tayo pareho.”

“Sigurado ka dyan? E ang dami mo nang gamit dun, paano pa magkakasya yung sa akin?” medyo nakangiti nitong tugon. Natuwa ako na kahit papano ay napangiti ko siya. Ayaw na ayaw kong nakikitang malungkot si Billy. Simula nung naging close kami, naging misyon ko na sa buhay ang patawanin siya.

“Ang yabang mo kahit kailan. Huwag na nga lang,” ang kunwari’y nagtatampo kong sagot.

“Subukan mong magtampo. Moment ko ngayon, tapos na yung sa ‘yo,” pang-aalaska nito. “Pero parang okay nga yung idea mo. At least may swimming pool na ako.”

“Pool mo talaga? Kahapon mo pa inaangkin yun ah,” ang natatawa kong sabi sa kanya. Mukhang balik na kami sa normal. Tapos na ang awkward stage namin. Buti naman.

Pagdating namin sa mall ay dumiretso kami sa supplies store para bumili ng ilang boxes at tape na gagamitin.

Lunch time na kami natapos mamili kaya nagdecide kami na kumain na lang sa mall. Sa Jollibee kami nagpasya na maglunch.

Ako ang naghanap ng upuan samantalang si Billy naman ang pumili para bumili ng pagkain. Dahil sinamahan ko siya, libre niya ang lunch ko.

Habang nakapila siya ay hindi ko maiwasang titigan ang nakatayo kong best friend. Napansin ko na naman ang maganda niyang tikas at ang napakaamo niyang mukha. Iyon din ang mga una kong napansin sa kanya nung college kami. Hindi ko napansin na nakangiti na pala ako.

Ano ba itong nangyayari sa akin? Kakahiwalay ko lang sa huli kong boyfriend. Hindi tama itong nararamdaman ko. At isa pa, kakahiwalay lang din ni Billy sa partner nya for more than nine years. Alam kong ang nangyari sa amin kagabi ay dala lang ng emosyon namin. Pero kahit ganun pa man ay hindi ko maitanggi sa aking sarili na nasarapan ako sa nangyari. Dahil dito ay mas lalo akong napangiti.

“Huy, anong nginingiti-ngiti mo dyan?” sita sa akin ni Billy. Tapos na pala siya bumili ng pagkain.

“Ah, wala naman. May naalala lang,” palusot ko.

Habang kumakain ay tuloy lang ang kulitan namin ni Billy. Bumalik na nga sa dati ang samahan namin. Buti na lang na kahit may nangyari kagabi na hanggang ngayon ay nasa isip ko pa din, hindi ito masyadong nakaapekto sa aming dalawa.

Panay tawanan lang kami habang kumakain. Kung minsan nga ay masyadong napapalakas ang tawa namin na napapatingin na maging ang ibang kumakain doon.

Iba talaga ang saya ko kapag kasama ko siya. Never akong nagkaroon ng childhood best friend kaya laking tuwa ko nang makilala ko si Billy. Alam niya kung paano ako patatawanin.

Ano ba to? Bumabalik ba ang nararamdaman ko para sa kanya? Bumabalik ba ang pagmamahal ko sa kanya? Tanong ko sa sarili. Hindi pwede. Sabi nga niya, mas okay na best friends lang kami para lagi kaming andyan para sa isa’t isa.

3 thoughts on “Not Over You – Chapter 5

  1. BNP

    Thank you for joining BNP! Your blog has been posted!

    You can also vote for your favorite blogs! The Top 5 highest rated will be displayed in the BLOGS OF FAME😉

    For site news & updates, check facebook.com/blogsngpinoy

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s