Not Over You – Chapter 6


Sobrang tagal bago ko natapos isulat tong Chapter na ito. Medyo naging busy din kasi ako sa work kaya hindi ko muna napagtuunan ng pansin ang pagsusulat.

Well, sa Chapter 4 at 5 ay nabasa natin kung paano naguguluhan si Mike sa nararamdaman niya para sa best friend niyang si Billy.

Sa Chapter 6 naman ay may dadagdag pa sa gumugulong isip niya. ENJOY!🙂

Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to real people and events are purely coincidental. Furthermore, unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this blog’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to PINOY M2M Stories with appropriate and specific direction to the original content. Thank you.

_________________________________________________

Matapos kumain ay bumalik na rin kami agad sa bahay niya para umpisahan na ang pag-iimpake.

“Yung mga appliances na ikaw ang bumili, iwanan mo na lang dito tapos singilin mo sa kanila. Meron naman na ako dun sa condo,” suhestiyon ko kay Billy habang nag-aayos ng gamit.

“Alam mo ba, sabi ni Patrick, hindi naman daw sila nagmamadali na makalipat dito kaya okay lang daw if dito muna ako habang naghahanap ng malilipatan. As if naman gusto ko pang tumagal dito habang yung ex ko ay nangangati nang palayasin ako dito,” pagkukwento ni Billy. Kahit na medyo nabawasan ang lungkot sa boses niya habang nagkukwento ay alam kong ikinukubli lang nito sa kanyang sarili ang lahat ng nararamdaman niya.

Alam kong sobra siyang nasaktan. Kung ako ngang hindi gaano tumatagal ang isang relasyon ay grabe pa rin masaktan kapag nakikipaghiwalay, mas lalo naman ang kay Billy na halos sampung taon na nagsama ni Patrick.

“Kaya nga tapusin na natin to para makalipat ka na sa amin mamayang gabi,” tugon ko naman sa kanya.

Mga bandang alas-tres nang magdecide ako bumalik ng condo para ayusin ang mga papeles ni Billy. Buti na lang at boy scout si mokong. May nakahandang NBI clearance, birth certificate at pictures. Dapat ay ihahatid pa niya ako pero sabi ko ay magtataxi na lang para matapos niya agad ang pag-iimpake

Alas sais na ng makabalik ako sa kanila. Dinala ko na rin ang sasakyan ko tutal hindi na ako coding para rin madala na namin lahat ng gamit niya. Mabuti na lang at weekend ngayon, at least makakapag ayos pa kami sa condo pagdating.

“Salamat ah,” wika nito habang nagpapahinga saglit. Nailagay na namin ang mga gamit sa mga sasakyan namin.

“Para tong ewan. Best friend mo ko. Natural ako ang unang taong tutulong sa’yo,” tugon ko.

Matapos ang ilang minutong pagpapahinga ay umalis na kami. Ang balak ni Billy, pagdating namin sa condo ay tatawagan niya si Patrick para sabihin na nakaalis na siya sa bahay nila.

Habang nagmamaneho ay muling bumalik sa aking isip ang nararamdaman ko para kay Billy. Alam kong hindi naman imposible na bumalik ang nararamdaman ko para sa kanya dahil ang dahilan lang naman talaga kung bakit pinilit ko iyong mawala ay dahil naging sila na ni Patrick. Halos hindi nagtagal lahat ng mga naging karelasyon ko dahil narin siguro sa kaibuturan ng aking puso ay may pagmamahal pa rin ako para kay Billy. Ang naging relasyon ko na lang yata kay Francis ang maituturing ko na seryoso.

Mahal ko pa nga yata hanggang ngayon ang best friend ko. Pero alam kong hindi makatutulong na sabihin ko iyon sa kanya. Baka mas makagulo lang ako sa isip niya. Kailangan niya munang magmove on.

Pagdating namin sa condo ay isa-isa naming inakyat ang mga gamit niya. Nandun na kami ng marealize namin ang isang problema. Isang parking space lang ang allotted per unit sa amin kaya hindi pwedeng pareho kaming may sasakyan ni Billy.

“Iuuwi ko na lang muna tong sasakyan ko sa amin bukas,” sagot ni Billy.

“Paano ka papasok? Alam kong ayaw na ayaw mong nagcocommute,” tugon ko rito. Simula nang magtrabaho kami ni Billy ay inis na inis ito kapag coding siya dahil ibig sabihin nun, kailangan niya magcommute pagpasok. Hindi naman siya makapagtaxi dahil may angking kakuriputan nga ito. Kapag sumasakay kasi siya ng MRT ay hindi pwedeng hindi magugusot ang suot niya. Ayaw na ayaw pa naman nito na magulo ang suot.

“Edi magtataxi. Wala naman akong choice,” tugon nito.

Matapos makapagpahinga ng ilang minuto ay inumpisahan na naming ayusin ang mga gamit niya. Dalawa ang kwarto sa condo kaya dun siya sa bakante. Tulad ng dati ay panay ang kulitan namin habang nag-aayos ng gamit niya. Ang hiling ko lang ay sana kahit papaano, mabawasan ang lungkot na nararamdaman niya.

“You know what, I think this is going to be fun,” pakiwari nito nang matapos na naming ayusin sa wakas ang mga gamit niya.

Isang malaking ngiti ang naging tugon ko sa kanya. Sa tingin ko din ay magiging masaya kami sa ganitong set-up. Ngunit ganun pa man ay hindi maalis sa aking ang pag-aalala dahil sa unti-unting kong bumabalik na pagtingin para sa kanya.

Madaling araw na kami nang makatulog dahil sa pagkukwentuhan. Tulad ng aking inaasahan, hindi maiwasan ni Billy na balikan ang naging pagsasama nila ni Patrick. Kahit na taman akong nakikinig sa kanya, pilit kong itinatago sa kanya ang nararamdaman kong kirot sa dibdib. Marahil ay dala ito ng pagkaawa ko sa kanya. O marahil bubat ito ng aking pagseselos dahil pansin ko kung gaano niya pa rin ito kamahal.

Wow, selos talaga Migs? Kahapon lang nagdadrama dahil kay Christian tapos ngayon nagseselos ka na kay Patrick.

Mga bandang alas diyes na ako ng umaga nagising. Bigla akong nabuhayan ng dugo nang maalala kong hindi na lang pala ako mag-isang nakatira sa condo. Kaya bumangon agad ako at kinatok ang kwarto ni Billy para gisingin ito ngunit walang sumagot.

Pagbaba ko ay may nakita akong omelet at bread na nakahain sa lamesa sa sala na siya naring nagsisilbing dining table namin. May nakita rin akong note sa tabi nito.

“Umuwi na ako sa amin para iwan yung sasakyan. Nagluto nga pala ako ng breakfast. Kita kits mamaya.”

Kahit na alam kong wala namang ibang ibig sabihin kay Billy ang ginawa niyang pagluto sa akin ng agahan, hindi ko mapigiling kiligin kahit papaano.

Madali akong umupo upang kainin ang hinanda niya. Binuksan ko rin ang TV upang makita kung may magandang palabas. Palipat-lipat ako ng channel ng mapunta ako sa isang local news channel at may iniinterview silang pamilyar ang mukha sa akin.

Hindi ako sigurado kung siya nga yun kaya hinintay kong lumabas ulit ang chargen sa ilalim ng TV screen. Hindi nga ako nagkamali.

Muling nanumbalik sa akin ang isang taon naming relasyon. Isang taon ng pagtatago. Talagang hindi kami para sa isa’t isa dahil nung dumating ang panahong handa na siya ipaglaban ang relasyon namin, ako naman ang umayaw na.

Tahimik akong kumakain ng tumunog ang aking telepono. Nang nakita ko ang mensahe ay galing ito sa taong nakita ko rin sa TV.

“Kita tayo mamaya dun sa lagi nating kinakainan.”

Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya kaya napagpasyahan kong tawagan si Billy.

“O bakit,” pagsagot nito sa tawag ko.

“Nagtext si Francis,” wika ko.

“Bakit daw?”

“Gusto makipagkita,” ang maikli kong tugon.

“Go. Wala namang masama. Pareho naman na kayong nakapag move on,” tugon nito.

“Oo nga. Pero syempre kahit papano andun pa rin yung guilt sa akin na hindi ko siya pinagbigyan noon,” ang medyo malungkot kong tugon.

“Ano ka ba Migs. Ginawa mo yun para sa sarili mo. Hindi mo pwedeng sisihin ang sarili mo sa nangyari. And mukha namang masaya na siya ngayon so I guess nakalimutan niya na yun.”

Tama nga si Billly. Ilang taon na rin ang nakalipas. Pareho na kaming nagkaroon ng bagong relasyon matapos ang sa amin.

Nagreply ako kay Francis at sinabing bandang lunch time kami magkita roon. Umakyat agad ako ng kwarto upang maligo at makapag handa.

Alas onse y media ng tanghali nang ako ay makarating sa Rodic’s sa Makati. Dito kami laging kumakain ni Francis dati nung kami pa. Pareho kasi naming paborito ang tapsilog nila.

Kumuha na ako ng upuan at tinext siya na naroon na ko. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakita ko na itong papasok ng kainan.

Nginitian ko ito at sinabihang umupo na ngunit nagulat ako sa kanyang ginawa. Lumapit siya sa akin upang yakapin. Hindi naman ako nakagalaw sa aking inuupuan dahil sa pagkabigla.

“I missed you so much Migs. Ang laki na ng pinagbago mo ah. You look great,” ang sunud-sunod nitong puna sa akin.

“Ikaw rin,” ang maikli kong tugon.

Tumayo ito upang bumili na ng pagkain namin. Mag-aabot sana ako ng pambayad sa kanya ngunit sabi niya ay treat na daw niya iyon tutal naman daw, ngayon na lang ulit kami nagkita.

“Bakit di mo kasama si Enzo,” pagtatanong ko rito nang makabalik na siya sa lamesa namin.

“About that…” ang malumanay na tugon ni Francis. “We broke up last night,” pagpapatuloy nito.

Nagulat ako sa sinabi niya. Nung makita lang namin sila nung isang araw ay parang sobrang sweet nila sa isa’t isa.

“Bakit?” ang hindi ko maiwasang tanong. Ngunit sa halip na sagutin ako nito ay isang ngiti lamang ang ibinigay niya sa akin.

“Mamaya na natin pag-usapan yun. Let’s enjoy the food. Ang tagal ko na ding hindi nakakakain dito,” ang anito ng may kasamang ngiti.

Tahimik kong tinapos ang pagkain. Kapag napapatingin naman ako kay Francis ay nahuhuli ko itong nakatingin din sa akin at binibigyan ako ng matamis na ngiti.

Tapos na kaming kumain ng tanungin ko ulit siya tungkol sa kanila ni Enzo. Hindi ko alam kung bakit sobrang curious ako sa kanilang dalawa. “What really happened, Francis?”

“You know that guy who dumped me just when I filed for divorce to be with him? He happened two nights ago,” ang sagot niya.

Alam kong ako ang tinutukoy niya kaya naman hindi ko napigilang mapatahimik sa kaniyang tinuran.

“I’m not over you, Migs, I thought I was, but when I saw you again, all the memories and emotions came rushing back,” ang patuloy niyang pagsasalita.

“Oo nga pala, Mike na ang itawag mo sa akin. Hindi na ako sanay nang may tumatawag sa akin ng Migs,” sagot ko sa kanya. Sinusubukan kong ibahin ang usapan.

“Kasi ako lang naman ang tumatawag sayo ng ‘Migs’,” tugon nito.

Muli kaming naging tahimik. Kinakain pa rin ako kahit papaano ng guilt na nararamdaman ko dahil alam kong nasaktan ko siya noon. “Sorry, Francis,” ani ko rito.

“For what?”

“For hurting you years ago. Alam kong matagal nang nangyari yun pero nagiguilty pa rin ako kahit papaano,” mahinahon kong tugon sa kanya.

“Sus, wala na yun. Ang besides, you can make it up to me now,” sagot niya.

“Paano?” tanong ko sa kanya.

“Makipagbalikan ka sa akin,” ang nakangiti niyang sagot.

Dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin, binigyan ko na lamang siya ng nagtatanong na tingin.

Marahil ay nabasa niya ang aking mukha kaya muli siyang nagsalita. “Let’s try it again. Wala na akong hang-ups this time. We can make it work.”

Imbes na sumagot ay tumayo na lamang ako at lumabas. Sumunod naman si Francis at nagulat nang makita akong nagsisindi ng sigarilyo.

“And since when have you started smoking?” tanong nito.

“Natuto lang ako dun sa naging boyfriend ko after you,” ang mahina kong sagot.

“Not a good influence. Buti hindi kayo nagtagal,” sagot nito.

“Wala namang nagtagal,” tugon ko. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Nandun pa din yung guilt dahil nasaktan ko siya noon. Nandun si Billy na gumugulo sa isip ko ngayon.

“Uwi na ako,” ang maikli kong sambit sa kanya.

“Hatid na kita,” alok nito.

“Huwag na, gusto ko munang mapag-isa,” malumanay kong sagot. Gusto ko munang mag-isip-isip. Parang nakakabigla yung dami ng pangyayari sa akin.

Niyakap ko si Francis at tumalikod na sa kanya. Naglalakad na ako ng bigla siyang sumigaw.

“I’m gonna win you over again! And this time, I will not let you go!”

8 thoughts on “Not Over You – Chapter 6

  1. aprile aligam

    maganda ung kwento un nga lng nka2bitin kc wla pang update sa chpter6..sna msundan n at ng maituloy na ung pgba2sa hehehehe….ok ung kwento at pti aq eh naeexite sa mangya2ri…ka2kilig at me kpu2lotan ng aral by every relationships…

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s