Not Over You – Chapter 8


Finally, natapos ko rin tong chapter na ito! Salamat sa lahat ng nagbabasa ng mga stories ko! Sana ma-enjoy nyo itong chapter na ito.🙂

Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to real people and events are purely coincidental. Furthermore, unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this blog’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to PINOY M2M Stories with appropriate and specific direction to the original content. Thank you.

_________________________________________________

PREVIOUSLY:

“So, what do you think of the food?” sa wakas ay pagbasag nito ng katahimikan.

“Okay lang,” maikli kong tugon. Patuloy ako sa pagkain at hindi ko siya tinitingnan habang nagsasalita.

“Okay lang?” tanong nito. “Yun lang talaga ang masasabi mo? Hindi ka nasarapan ‘no?”

“Okay naman siya. Pero parang may galit ka sa asin,” pagsagot ko na may halong ngisi. Nakita ko naman na parang nagtampo siya sa sinabi ko kaya bumawi ako, “But I really appreciate the effort. So everyday nang ganito? Ikaw na palagi magluluto?”

Baka sa mukha niya ang pagkatuwa sa narinig. “Asa ka. Ngayon lang ‘to dahil may atraso ako sa ‘yo.”

Napangiti ako sa sinabi niya. Alam niya talaga kung paano ako aamuhin. Tahimik na naming inubos ang inihanda niyang pagkain.

“Alam mo,” pagsasalita niya, “Gusto ko yung taong mamahalin ko ay masasakyan yung mga kalokohan ko. Yung maiintindihan yung bawat kilos ko. Yung mamahalin ako sa kung sino ako.”

Tumingin ako sa kanya ng may pagtataka.

“Gusto ko yung mamamahalin ko,” pagpapatuloy niya, “ay yung katulad mo.”

CHAPTER 8:

Dalawang linggo na ang nakalipas mula ng lumipat sa tinitirhan kong unit si Billy. Aaminin ko, mas masaya ako ngayon dahil siyempre, hindi na lang ako mag-isa sa bahay. Kapag uuwi na ako galing trabaho, alam kong may makakasama na akong kumain ng dinner at makakakwentuhan hanggang sa antukin kami pareho.

“Kamusta na nga pala kayo ni Francis? Nagparamdam na ba ulit sa iyo?” tanong ni Billy sa akin habang kumakain kami. Biyernes ngayong araw at nagpasya kami pareho na huwag lumabas at tumambay lang sa unit.

“Oo, tumatawag at nagtetext pa rin pero hindi ko sinasagot,” tugon ko sa kanya.

“Bakit?”

“Hindi ko alam. Ayoko lang,” maikli kong tugon.

“Hindi ka ba willing na bigyan siya ng isa pang chance? Mukha namang naayos niya na ang buhay niya,” pag-ungkat pa ni Billy. Ito minsan ang ayoko sa kanya. Wala talaga akong ligtas hangga’t hindi niya naririnig ang gusto niyang sagot galing sa akin.

“That’s exactly why I do not want to be in his life again. Baka magulo na naman nang dahil sa akin.”

“That’s not your decision to make, Mike. Si Francis na ang may gusto na magreconnect kayong dalawa. I think you should give it a shot. Who knows, diba?” pangungulit ni Billy. “Akin na yang phone mo.”

Hindi ko alam kung anong balak nitong gawin pero para wala nang mangyari giyera, binigay ko na lang sa kanya.

Mga ilang minuto rin siyang nagpipindot sa telepono ko. Nakita ko rin na ngumiti siya kaya alam kong may masama itong binabalak.

Binalik lang niya sa akin ang telepono ko nang magring ito.

“Hello?” ani ko.

“Migs, I like your idea. May alam kong magandang pwede nating puntahan,” wika ng kausap ko sa kabilang linya. Halata sa boses niya ang saya.

“Uh, Francis?” pagtataka ko. Kita kong ngumingisi si Billy. Naku, kung pwede ko lang bugbugin ang isang yun.

“O pano, we’ll just meet tomorrow? Just text me your address para sunduin kita sa inyo. I guess okay na yung overnight. Mga Sunday afternoon tayo umuwi para hindi bitin,” sunus-sunod na sabi ni Francis.

Wala na akong nagawa kung hindi ang umoo. Pagkababa ko ng telepono ay tiningnan ko nang masama si Billy.

“O bakit? I’m just doing you a favor, Mike,” nakangiti pa ring sabi ni Billy. Gusto kong mainis sa kanya pero nagpapacute na naman ang loko.

Mabuti na lang at nakaisip ako ng magandang paraan para makabawi sa kanya.

“Fine. Sasama ako sa kanya sa isang kondisyon,” wika ko.

“Ano yun?” nagtataka niyang tanong?

“Sasama ka sa amin.”

– – –

“Pasensya ka na Francis, ah. Pinilit ako, eh,” nahihiyang wika ni Billy.

Tulad ng inaasahan ko, walang nagawa si Billy kundi gaiwn ang gusto ko. Tutal, ideya naman niya na lumabas kami ni Francis kaya nakakahiya kay Francis kung hindi ako sasama. Pagdating ni Francis sa condo ay nagulat siya na ang dami nakahandang bag.

“Okay lang. As long as makasama ko si Migs,” nakangiting tugon ni Francis.

Isa-isa na naming nilagay ang mga gamit namin sa likod ng sasakyan ni Francis. Medyo madami akong dinalang gamit. Nakaugalian ko na kasing magdala ng sobrang mga damit. Natatakot akong mawalan ng isusuot kapag nasa malayong lugar ako.

“Saan nga ba tayo pupunta?” tanong ko kay Francis.

“Basta, malalaman nyo na lang mamaya,” tugon niya.

Mga isang oras na kaming bumabyahe nang makaramdam ako ng gutom. Mabuti na lang at may hinandang sandwich si Billy.

“Alam mo ang sarap mo forever magluto,” sabi ko sa kanya.

Pati si Francis na kumakain habang nagmamaneho ay napasang-ayon. “This is really good, Billy. Where did you learn how to cook?”

“Sa net lang. Yung ex ko kasi medyo healthy living, kaya napipilitan akong magresearch ng healthy recipes para mapagluto ko siya,” nahihiyang sagot ni Billy. Ito yata ang unang pagkakataon na magkakasama sila ng matagal ni Francis. Dati kasi, lagi lang ako nagkukwento sa kanya.

Nakaidlip ako saglit at nang paggising ko, nasa Batangas na kami. Hindi ko alam kung saan exactly kami pupunta pero medyo masakit na ang puwet ko sa tagal na pagkakaupo.

“Malapit na ba tayo?” tanong ko kay Francis.

“Masakit na puwet mo ‘no?” pang-aasar na tanong ni Billy.

Kahit nasa passenger side ako sa unahan nakaupo at si Billy naman ay nasa likod, hindi ako nagpapigil at talagang inabot ko siya para batukan.

“Hey, hey, be careful, baka masaktan ka,” paalala ni Francis.

Nagtatawanan pa rin kami ni Billy. Sa minsang napapatingin ako sa rear-view mirror ay nakikita kong nakatingin sa akin si Francis at nakangiti. Hindi ko napigilang mamula.

Mga ilang minuto pa kami bumiyahe nang sa wakas ay pumasok kami sa isang resort.

“Wala pang one month na bukas itong resort na ito. One of my close friends own this and napakiusapan ko siya na isara ito today para tayo lang ang nandito,” paliwanag ni Francis.

Dumiretso kami sa may reception area matapos makapagpark. Doon ay sinalubong kami ng isang matipuno at mukhang mayamang lalaki.

“Hey, Francis. I’m glad you can make it,” bati nito kay Francis sabay yakap. Mukhang siya ang may-ari nitong resort.

Matapos kumalas sa pagkakayakap ay kami naman ang kinausap ng lalaki. “Hi, I’m Xander. I am the owner of this resort. Childhood friend ko itong si Francis so I want you to feel at home. Mag-enjoy lang kayo,” aniya habang kinakamayan kaming dalawa ni Billy.

“Oh by the way, this is Migs and his best friend, Billy,” pakilala sa amin ni Francis.

“Ah, so you are Migs, ang greatest love ni Francis,” nakangiting tugon ni Xander.

Namula ako sa tinuran niya. Maging si Francis ay hindi nakapagsalita.

“Anyway, I will have one of my staff accompany you to your rooms. May kailangan lang akong tapusin sa office ko then I’ll join you for lunch,” paalam ni Xander.

Sa tantya ko ay magkalapit ang edad nila Francis. Maganda rin ang kanyang pangangatawan tulad ni Francis at hindi maikakaila na may itsura siya.

Tulad ng kanyang sinabi ay sinamahan nga kami ng isang staff niya sa mga kwarto namin. Napag-usapan na namin kanina sa sasakyan na magkasama kami ni Billy sa kwarto habang solo naman si Francis. Nakita ko sa mukha ni Francis habang nag-uusap kami na parang gusto niya itong kontrahin ngunit hindi na lang siya nagsalita.

“Bakit hindi kayo magkasama sa room ni Francis?” tanong ni Billy habang inaayos namin ang mga gamit namin.

“Ano ka ba. Ang awkward kaya nun!” sagot ko.

“Sus, pakipot ka pa, eh mamayang gabi dun din naman ang bagsak mo,” pang-aasar niyang tugon.

“Excuse me. In the first place, kaya lang ako nandito dahil sa kagagawan mo. Gusto ko lang matapos na tong weekend na ‘to,” naaasar kong tugon sa kanya.

“Ito naman. Nandito na tayo, might as well enjoy it,” sabi nito na may tonong paglalambing.

Nagpahinga kami saglit sa kwarto. Si Billy ay abala sa paghahanap ng magandang panonoorin sa TV samantalang ako ay nakahiga lang at nakatulala sa kisame. Iniisip ko pa rin kung maganda bang ideya na sumama kay Francis. Tapos ngayon, kasama rin namin si Billy. Tiyak maguguluhan na naman ako nito.

“Huy!” sigaw ni Billy. “Natulala ka na naman diyan. Kanina pa kumakatok si Francis. Kakain na daw tayo,” aniya.

“Sorry, may iniisip lang.”

“Ako na naman ‘yang iniisip mo ‘no?” sabi niya.

Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko na lang pinahalata. “Kapal mo rin,” sabi ko.

“Joke lang. Tumayo ka na kasi diyan. Nagugutom na rin ako.”

Ang ganda ng resort at halata mong bagong bago pa lang talaga siya. Hindi ko alam pero sana hindi na lang pinasara ni Francis itong resort. Para kasing ang lungkot na kami lang ang nandito.

“Sa tingin ko, mas masaya dito kung maraming tao,” pansin ni Billy. Pareho kami ng iniisip ng mokong.

“Well, gusto ko kasi na ma-enjoy ni Migs yung lugar na walang nang-iistorbo,” sagot naman ni Francis. Ngumiti lang ako sa kanya bilang tugon.

Ang ganda ng lugar na kakainan namin. Para itong cottege malapit sa beach. Ang dami ring nakahaing pagkain. Agad na umupo si Billy. Gutom na nga siguro talaga siya. Nagpasya akong tumabi kay Billy. Kahit yata anong subok ko na huwag ipakita kay Francis na naiilang ako na magkasama kami ay nahahalata pa rin niya.

Ang sasarap ng pagkain. Nakita ko rin sa mga ni Billy na natutuwa siya sa nakahain sa harap niya.

“Ano Mike, game?” tanong ni Billy.

Nagtataka naman si Francis sa amin dalawa.

“GAME!”

At sabay kaming nagkamay. Simula ng naging magkaibigan kami ni Billy, kapag inihaw ang pagkain namin ay nagkakamay talaga kami. Mas na-eenjoy kasi namin.

“Marunong ka pala magkamay Migs?” tanong ni Francis.

Tumingin ako sa kanya, ngumiti at tumango.

“Naku, expert kaya yang si Mike. Siya pa nga nagturo sa akin eh,” sagot naman ni Billy.

Nang malunok ko na ang pagkain ay tinanong ko si Francis, “Ikaw, hindi ka ba magkakamay?”

“Hindi ako marunong eh,” parang nahihiyang sagot ni Francis.

“Ahhhh. Okay,” maikli kong sagot.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng dumating si Xander.

“Sorry guys, medyo natagalan ako tapusin yung kailangan kong gawin, eh.”

Natawa siya nang makita niya kami ni Billy na sobrang abala sa pagkain. “O, Francis, parang hindi ka yata masyado kumakain.”

Noon ko lang napansin na halos hindi nga nagagalaw ni Francis ang pagkain sa plato niya. Hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit.

“Ah, medyo busog pa rin kasi ako,” nakangiting tugon ni Francis. Alam ko na may gumugulo sa isip niya. At alam ko na may kinalaman ako roon. Kahit papaano ay nakonsensya ako.

Sobrang nabusog kami ni Billy sa kinain namin. Si Xander naman ay di mapigil ang pagkatuwa sa aming dalawa. Para daw kaming hindi kumain ng ilang linggo.

“Malakas lang talaga kami kumain nitong si Billy,” pagtatanggol ko naman sa aming dalawa.

“Gaano katagal na ba kayong magkakilala ni Billy?” tanong sa akin ni Xander.

“Simula first year college pa kami,” sagot ko.

“Kaya lahat ng baho niyan, alam ko,” pang-aasar naman ni Billy.

“Uhm, Billy, if you don’t mind me asking, are you gay?” Natawa ako sa tinanong na ito ni Xander. Maging si Billy ay nabigla sa narinig dahil halos mabugo niya ang iniinom na buko juice.

“Ah…oo,” ang nahihiya niyang sagot.

“Naaalala mo Migs nung uminom tayo ng buko juice sa QC Circle?” pag-iiba ni Francis ng usapan.

Paano kong hindi makakalimutan ‘yun? Iyon ang araw na nakipaghiwalay ako sa kanya. Tila huli na rin naisip ni Francis ang tungkol dito dahil sabay lang kaming parang nalungkot.

“Gaano nga pala kayo katagal ni Francis noon?” pagusisa ni Xander.

Nahiya ako sa tinanong niya. Ayoko na kasi talagang inuungkat pa ang tungkol sa amin ni Francis.

“Ahhh…more or less one year din,” ang mabagal kong tugon.

“May pag-asa bang magkabalikan kayo ulit?” sunod na tanong ni Xander.

“Ano ka ba Xands, baka mailang si Migs,” sita ni Francis.

“Ahhhh….”

“Maglalakad-lakad lang ako. Magpapababa ako ng kinain,” ang biglang sabi ni Billy sabay tayo sa kinauupuan at naglakad palayo sa amin.

“Sundan ko lang si Billy. Ako rin magpapababa ng kinain,” ang pasabi ko kina Xander ar Francis. Mataman ko namang sinundan si Billy.

“Huy, bakit bigla kang umalis?” tanong ko rito.

“Wala lang.”

“Bakit nga?”

“Wala nga. Ang kulit nito!” ang parang naiinis niyang sagot.

“Bakit ang sungit mo? Nagselos ka sa tanong ni Xander ‘no?” ang paglalambing ko sa kanya.

“Ay wow, ikaw na ngayon ang nang-aasar ah!” ang sagot naman ni Billy na hindi mapigilang mapangiti.

“Huwag ka na magselos Billy! Gustuhin ko man o hindi, mukhang ikaw na ang makakasama ko pagtanda,” pang-aasar ko sa kanya.

“Nahiyan naman ako sa’yo. Wala ka na talagang choice ganun?” ang pang-aasar din niya sabay bato sa akin ng buhangin. Siyempre hindi ako nagpatalo sa kanya. Binato ko rin siya ng buhangin.

Ang sumunod na nangyari ay para kaming mga batang naghahabulan at nagbabatuhan.

Nang mapagod ay humiga kami pareho sa buhanginan.

“Thank you,” sabi ko.

“For what?” tanong niya pabalik.

“For making me come here.”

“See. Gusto mo pa rin si Francis ‘no?”

“Baliw, hindi,” sagot ko rito.

“O, bakit ka nagpapasalamat?”

“Kasi sumama ka rin dito. Ang saya ko,” sagot ko sa kanya. Tumingin ako sa kanya. At nakatingin din siya sa akin. “Ang saya saya ko.”

11 thoughts on “Not Over You – Chapter 8

    1. Me Post author

      Wow! Thank you for reading my stories. Well, I usually include UPD in my stories because I studied there. Hahaha. And it is such a romantic place, diba?🙂

      Reply
  1. Edmond

    True! Hey, baka nag-abot tayo dun. Hahaha! (2002-xxxxx ako.)

    OnT: I hope to meet my Billy someday. He’s slowly becoming my favourite character of yours. =D

    Reply
  2. Adrienne

    wow..! ganda talaga ng story, that’s why I always make it a point na i-check lagi if may kasunod na yung last chapter.. I’m a fan;)

    Reply
  3. Pi Over Two

    Oh, you leave me craving for the next chapters. Ang sarap basahin ng kuwento. Nakakatuwa na nakakakilig na may konting kurot sa puso. I must blame you lang dahil na side-track ako sa pag-gawa ng papers. Hahahaha. I’m really excited for the coming chapters.

    Reply
    1. Me Post author

      Thank you so much for appreciating my works. But, you have to finish your papers first! LOL.

      The new chapter will be up this week, I promise. Trying to stir in more kilig (while staying realistic).🙂

      Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s