Not Over You – Chapter 9


Sorry if natagalan akong maipost tong susunod na chapter. Medyo nagkaproblema lang ako sa personal life ko kaya kailangan ko munang ayusin yun.

SHOUTOUT to Pink5ive, Ram and Pi Over Two! Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta sa akin!!

Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to real people and events are purely coincidental. Furthermore, unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this blog’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to PINOY M2M Stories with appropriate and specific direction to the original content. Thank you.

_________________________________________________

Medyo masakit pa ang ulo ko ng imulat ko ang aking mga mata. Nasisilaw rin ako sa mga nakabukas na ilaw. Nang medyo maka-adjust na ang mata ko sa liwanag, nakita ko si Billy na nakaupo sa sofa at nanonood ng TV. Mukhang nasa hotel room na ako.

“Bakit ako andito?” tanong ko kay Billy na parang nagulat na marinig akong magsalita.

“Ayun, nagising ka din,” tugon nito at humiga sa tabi ko. “Kasi po, napakaduwag mo.”

Hindi ko pa rin maintindihan ang pinagsasabi niya. At nagawa pa akong asarin.

Tila nahalata ang pagtataka sa mukha ko, kinwento na sa akin ni Billy ang nangyari.

“Nagbanana boat tayo kaninang apat nina Francis at Xander…” naaalala ko ‘to “tapos nung bumibilis na yung paghatak sa atin ng jet ski, nagpanic ka…” teka parang naaalala ko na, “ewan ko ba sa’yo. Akala ko naman nawala na yang takot mo sa tubig. Ayun nagpanic ka nga at sumigaw na huminto na tayo. Para kang ewan kanina, galaw ka ng galaw sa banana boat. Pati kami nataranta sa’yo. Ayun tumumba yung banana boat at hindi sinasadyang tumama yung siko ni Xander sa’yo kaya ka nahimatay.” NAKAKAHIYA!

“Asan sina Francis?” tanong ko sa kanya.

“Umalis lang para ihatid yung doctor. Buti nga at may nakapunta agad dito para tingnan ka,” sagot ni Billy.

Medyo kinapa-kapa ko ang ulo ko at nakaramdam nga ako ng malaking bukol. Kumikirot ito kaya napangiwi ako. Nakita naman ito ni Billy kaya bigla siyang tumayo upang kunin ang ice pack na muli niyang pinalamig sa loob ng ref.

“Huwag ka na munang gumalaw baka lalong kumirot yan,” utos niya. “Nagugutom ka ba?”

“Medyo. Anong oras na ba?” tanong ko.

“Alas sais na. Halos tatlong oras ka ring tulog diyan. Akala ko nga hindi ka na gigising,” pang-aasar nito.

“Gago,” pangiti kong tugon.

“Wait lang ikukuha kita ng pagkain,” ani Billy at lumabas ng kwarto ko.

Narinig ko namang tumunog ang telepono ko kaya hinanap ko ito. Kahit masakit pa ang ulo ay tumayo pa rin ako at kinuha ang telepono sa may table sa tabi ng TV.

“We’re stuck here sa city, may aksidente and hindi makadaan yung mga sasakyan. How are you?” text ni Francis sa akin.

“Okay na, kakagising ko lang. You don’t have to worry, kasama ko naman si Billy. Ingat kayo pag-uwi.”

Matapos kong sagutin ang text niya ay muli akong humiga sa kama para magpahinga. Medyo nahihilo pa rin kasi talaga ako. Ginising na lang ako ni Billy upang kumain. Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakaidlip. Medyo nabawasan na rin ang sakit ng ulo ko.

“Oh ito, nagpaluto ako sa kanila ng paborito mo,” sabi ni Billy habang inaayos ang pagkain sa lamesa.

“Dapat nagparoom service ka na lang,” banggit ko.

“Eh baka kasi hindi nila makuha yung gusto mong luto eh kaya medyo kinulit ko sila. Buti na lang at tayo lang ang guests dito kaya nasunod nila yung sinabi ko.”

Inalalayan ako ni Billy papunta sa lamesa. “Kaya ko naman na maglakad mag-isa. Hindi naman ako baldado,” ani ko rito.

“O sige, kapag ikaw tumumba dyan hahayaan na lang kita,” paasar nitong sabi.

Dahil napansin kong nagtampo ito ay humingi na ako ng tawad na agad naman niyang tinanggap. Nang nakaupo na ako sa lamesa ay tsaka ko lang napansin ang pagkain at talagang lumaki ang mga mata ko sa aking nakita. Syempre ay hindi nakaligtas kay Billy ang naging reaksyon ko.

“Sabi ko na matutuwa ka dito e,” nakangiti nitong sabi.

Nakahain sa lamesa ay hawig ng paborito kong tapa sa Rodic’s. Sikat ang kainang ito sa UP kung saan kami nag-aral ni Billy. Halos dito kami lagi kumakain. Talagang paborito ko itong kainang ito. Naging saksi na rin ito sa pagkahaba-haba naming kwentuhan ni Billy habang kumakain.

Nung naging kami ni Francis ay sa Makati branch naman kami ng Rodic’s laging kumakain dahil ako ang lagi niyang pinapipili.

Naputol ang pag-iisip ko ng magsalita ulit si Billy. “Hindi ko lang alam kung kalasanyan yung sa Rodic’s pero pinagaya ko na lang yung itsura para kunwari na lang sa Rodic’s tayo kumakain,” natatawa nitong sabi.

Iba kasi ang tapa ng Rodic’s. Shredded ito at nakapatong sa ibabaw ng kanin.

Hindi na ako sumagot pa at sinumalan nang kumain. Medyo iba nga ang lasa nito pero masarap pa rin. Natuwa lang talaga ako sa effort na ginawa ni Billy. Nakita ko namang nakangiti si Billy habang kumakain. Para bang bigla na lang nawala yung hilo ko. Marahil ay dahil sa tuwa.

Matapos naming kumain ay pareho kaming busog na busog kaya hindi muna kami tumayo sa upuan.

“Nasaan na pala sina Francis? Kanina pa sila umalis. Dapat nakabalik na sila dito,” tanong ni Billy.

“Nagtext siya kanina, may aksidente daw kaya hindi sila makadaan agad,” sagot ko naman na tinanguan lang ni Billy.

“Ay nareceive mo ba yung text ni Christian? Magkita-kita daw tayo next month,” sabi sa akin ni Billy.

“Ay hindi, baka hindi niya alam number ko. Pero game ako diya,” tugon ko naman.

Isa sa malapit naming kaming kaibigan nung college si Christian. Medyo nahuli lang siya ng pagtatapos ng college dahil nakabuntis siya kaya kinailangan niya munang magtrabaho ng isang taon para may panggastos sa panganganak ng asawa niya. Pero ang alam ko ay nagtatrabaho na rin siya ngayon.

“Kamusta na nga pala yun tsaka yung anak niya?” tanong ko kay Billy.

“Mukhang okay naman. Sa Facebook lang din ako nakikibalita. Ang alam ko events organizer na siya ngayon.

“Ah, so napapakinabangan pala niya ang kapal ng mukha niya at over-confidence niya,” ani ko sabay tawa.

“Tama,” pagsang-ayon naman ni Billy. “Uy, may concert si Regine sa MOA Arena sa November. Nood tayo?” pag-iiba ni Billy ng usapan.

“Kadiri ka, Regine talaga?,” pang-aasar ko naman.

“Ang kapal nito, nakikinig ka rin naman nung mga CDs niya na binili ko. Sige na, nood tayo,” pangungulit nito sa akin.

“Pag-iisipan ko,” tugon ko rito.

“Yehey! Bili na ako ng tickets pagbalik natin ng Manila,” ang pasigaw nitong sabi. Oo at cool talaga tingnan si Billy pero pagdating sa music, talagang diehard Regine Velasquez fan ang kumag. At proud siya roon.

“Huy hindi pa ako pumapayag!”

“Matitiis mo ba ako?”

“Ewan ko sa’yo.”

“Sabi na eh,” ang nakangiti nitong tugon.

Matapos naming magkwentuhan ay nagsabi ako sa kanya na matutulog na para makapagpahinga na at gumaling. Si Billy naman ay ibinalik sa kitchen ang mga pinagkainan namin. Ang sipag talaga ng kaibigan kong iyon. Pwede naman niyang ipakuha na lang sa staff.

Nakahiga na ako at nakapikit ang mga mata upang matulog ng maramdaman kong humiga si Billy sa tabi ko. Kakausapin ko sana siya pero bigla siyang nagsalita mag-isa. Ang akala siguro niya at tulog na ako.

“Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Naguguluhan na ako Mike. Basta ang alam ko ang saya ko kapag kasama kita. I mean, masaya naman ako ever since basta magkasama tayo pero ngayon, parang may iba pa akong nararamdaman. Dahil sa’yo, ang bilis kong nakalimutan si Patrick. Hindi ko alam pero parang gusto ko lagi kitang inaalagaan. Gusto ko palagi kang masaya. Kaya ko rin siguro ginawa tong pagplano na magsama kayo ni Francis dahil baka sumaya ka ulit sa kanya. Akala ko tuluyan nang nawala yung nararamdaman ko sa’yo nung college tayo. Pero hindi ko alam. Parang bumabalik siya ngayon,” tuluy-tuloy na pagsasalita ni Billy.

Nagulat ako sa mga narinig ko. Hindi ko alam na naguguluhan na din pala siya sa nararamdaman niya. Ang galing niyang magtago ng emosyon niya. Pero hindi ko alam ang dapat isipin. Baka kasi pareho lang kaming emotional at vulnerable dahil sa kakahiwalay lang namin sa mga nakarelasyon namin. Baka mamaya pareho lang kaming naghahanap ng magpaparamdam sa amin ng pagmamahal. Ayoko isugal yung pagkakaibigan namin.

“Hindi ko alam Mike. Pero parang….”

Narinig kong huminga siya ng malalim.

“Parang mahal na kita.”

Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Magkukunwari na lang ba talaga akong tulog o magsasalita? Baka mapahiya siya kapag bigla akong nagsalita.

Bahala na.

“Billy…”

Nakita ko ang gulat sa mata niya. “Gising ka?! Narinig mo lahat?!”

16 thoughts on “Not Over You – Chapter 9

  1. Pi Over Two

    Shocks, ito na yung pinakahihintay ko. Exciting! Thanks sa special mention.😀 At bet ko yang Rodic’s side story mo. Hahahaha.

    Hindi naman kita gusto i-sway, pero gusto kong si Mike at Billy magkatuluyan. Type ko talaga best friend love stories eh. Wish ko rin ganyan kwento ko. Whoooo…

    Reply
    1. Me Post author

      Ang bilis magbasa! Hahaha.

      Dahil isa ka sa avid readers ko, may sasabihin ako sa’yo: Isa sa mga pangalan na nabanggit sa story na ito ang makakainteract ng isa sa characters ng After All.

      Yup, dahil ang dami ninyong nagsasabi, gagawan ko ng sequel ang After All pagkatapos kong isulat itong Not Over You.🙂

      Reply
  2. Edmond

    Second!!!

    Yey, Rodic’s! =D

    Ako rin, I want a Mike + Billy ending. Parang ang gaan ng feeling kapag sila ang magka-eksena eh. Yung tipong gamay na nila isa’t isa and they complete each other’s sentences.

    Sino kaya yung character na tinutukoy mo: si Patrick, si Francis o si Xander?

    P.S.: Boo, wala akong special mention. =( Hahahaha!

    P.P.S.: Habang inaantabayanan ko ang iyong pag-a-update, naging LSS ko yung “Not Over You” ni Gavin DeGraw. =D

    Reply
    1. Me Post author

      Ay sorry! Sige may special mention ka next chapter.

      May hindi ka pa nabanggit na pangalan na nabanggit ko na sa story.🙂

      Reply
    2. Edmond

      Sorry naman, si Regine pala! Hahahaha..

      Seriously, kelangan ko pang balikan yung story. I overlooked Christian’s name. :p

      Reply
  3. Docomo

    Hey dude. You’re one of the best m2m writer i’ve come across. Keep it up! I love your stories! everythng is worth the wait🙂

    Reply
  4. Docomo

    Writer dn ako and I know medyo mahirap magsulat kapag busy at pagod, lalo na kapag wala pa sa mood.
    Kaya naiintindhan ko kung medyo matatagalan pa yung kasunod😀
    (fliptop lang?)
    haha.
    Pero seryoso, magaling ka.. Kudos!

    Reply
  5. James Janobas

    Wow.. excited ako sa after all sequel at sa next chapters n2.. Unang una kong nabasa ang mga story mo sa wattpad.com… galing ng story.. Yung Tulad ng Dati is the first story hat made me cry at wattpad…….

    Reply
  6. sean

    wow tlga.my eeksena n character gling after all..sbra nman exciting neto.can’t wait…XD

    .sna c mike en billy n s huli.. gusto q ung flow ng story n to..

    .author i’m one of ur fan n tlga.kip it up.:)

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s