Not Over You – Chapter 10


Finally! Ito na ang Chapter 10 ng Not Over You!

Sorry dahil sobrang natagalan. Ang hirap kasi magpasok ng bagong characters sa story.

Sa lahat ng nakabasa ng After All. Ito na! May nagbabalik!

Special SHOUTOUT to EDMOND! Yan ah! Ikaw lang! Special mention. haha

I also want to say hello to my new readers Ashes of Weeds, Docomo, James Janobas, and Sean!

Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to real people and events are purely coincidental. Furthermore, unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this blog’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to PINOY M2M Stories with appropriate and specific direction to the original content. Thank you.

_________________________________________________

“Nasaan si Billy?” tanong sa akin ni Christian.

“Hindi ko alam,” maikli kong tugon dito.

“Hindi ba magkasama na kayo sa unit mo?” dagdag nitong tanong.

“Oo.”

“O, bakit hindi mo alam kung nasaan siya?”

Sasagot na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan ng meeting room na nireserve ni Christian sa isang sikat na restaurant sa Makati para sa get-together namin. Nakita kong pumasok ang isang makisig na Billy.

Hindi ko alam pero parang may iba sa kanya. Isang linggo ko na siyang hindi nakikita.

“Gising ka?! Narinig mo lahat?!” ang gulat na sabi ni Billy.

Nakahiga ako sa kama upang magpahinga nang bigla akong tabihan ni Billy. Nasa resort kami kasama si Francis pero nang gabing iyon ay kaming dalawa lang ang naroon dahil na-stranded si Francis sa city kasama si Xander nang ihatid nila ang doktor na tumingin sa akin matapos akong himatayin.

“Oo…” ang mahina kong tugon rito.

Bigla itong napatayo at naglakad papalayo sa kama kung saan ako nakahiga. Sinundan ko siya sa veranda at naabutan ko itong paikot-ikot doon na parang hindi mapakali.

“Narinig mo talaga lahat?” paulit niyang tanong.

“Oo nga. Sinusubukan kong matulog kaya ako pumikit nang maramdaman kong tumabi ka sa akin. Magsasalita sana ako kaso bigla ka namang nagsalita,” paliwanag ko.

“Mike…” ani Billy habang nakatingin sa akin. Kita ko sa mga mata nito ang pag-aalala. Pag-aalala dala ng takot na baka masira ang pagkakaibigan namin; pag-aalala na baka magkailangan kami.

“Look, Billy. I have to admit na ilang linggo na rin akong naguguluhan tungkol sa ating dalawa. Mula nung may nangyari sa atin…” putol ko sabay buntong hininga. Nakita ko si Billy na nakatitig sa akin at tila hinihintay kung ano ang susunod kong sasabihin.

“Mula nung may nangyari sa atin, naguluhan ako kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa’yo. Alam kong mahal kita bilang best friend ko. Pero hindi ako sigurado kung hanggang doon na lang ba talaga yun o higit pa. Sinusubukan kong hindi isipin dahil ayoko ngang masira ang pagkakaibigan natin.”

“Ayoko rin naman masira ang pakakaibigan natin kaya nga wala akong balak na sabihin sayo ng harapan. Ang akala ko naman kasi eh tulog ka na kanina,” tugon nito.

“Yun na nga. Masyado nang mahaba ang pinagsamahan natin kaya parang delikado na isugal natin iyon para sa nararamdaman nating hindi pa rin naman tayo parehong sigurado kung kaya nating panindigan,” sabi ko kay Billy.

Bakas sa mukha ni Billy ang lungkot sa narinig. Alam kong mmedyo harsh ang pagkakasabi ko sa kanya pero yun lang ang naisip kong paraan para magising kami pareho sa isang posibilidad na pilit naming ginagawang totoo.

Nang magising ako kinabukasan ay wala si Billy sa kwarto namin. Nakita ko itong nakikipag-usap kay Francis malapit sa beach.

Nang lapitan ko sila ay kinamusta ako ni Francis. “Masakit pa ba ulo mo?”

“Hindi na,” tugon ko.

“Sige, after nating mag-almusal, mag-ayos na tayo ng gamit para makauwi na tayo,” ani Francis.

Si Billy naman ay nakatitig lang sa karagatan habang nag-uusap kami ni Francis. Bigla itong tumayo at nagpaalam na mag-aayos na raw ng gamit.

Pagkaupo ko sa tabi ni Francis ay may tinanong ito. “Bakit parang hindi kayo nagpapansinan? May nangyari ba kagabi?”

“Wala naman. Baka inaantok pa lang ‘yun,” ang sabi ko.

“BILLY!” ang pasigaw na bati ni Christian sa best friend ko na isang linggo ko nang hindi nakikita. Aaminin ko, namimiss ko na rin siya. Pero hindi niya kasi talaga sinasagot ang mga text at tawag ko sa kanya. Naisip ko na baka kailangan lang niyang magisip-isip.

Mula nang makabalik kami sa Manila galing sa beach ay hindi na ako masyado kinakausap ni Billy. Kapag nasa condo kami pareho ay sa kwarto niya lang ito naglalagi. Hindi ko na siya kinukulit dahil may ideya naman ako kung ano ang pinagdadaanan niya. Pero nagulat pa rin ako nang nag-iwan ito nang note sa may ref na sa bahay na muna nila siya tutuloy. Nang tanungin ko ito sa text kung ano ang dahilan ay hindi na ito sumagot.

Halata kong masaya si Billy na makita ulit ang barkada. Apat lang kaming magkakabarkada kaya naman sobrang malapit kami sa isa’t isa. Kaya nga nagtataka ako kung bakit nagpareserve pa si Christian ng isang buong meeting room e pwede ngang sa isang table lang kami. Ang sabi niya, gusto raw niyang walang istorbo sa pagkukwentuhan namin. Huwag daw akong mag-alala dahil sagot niya ang reservation. Tulad ni Billy ay alam niya na medyo kuripot ako.

Nang kumawala na sa pagkakayakap ni Christian, ay tumingin sa akin si Billy at impit na ngumiti. Isang table lang ang ino-occupy namin at ang bakante na lang na upuan ay ang nasa tapat ko kaya wala nang nagawa si Billy kundi doon umupo.

Wala kaming imikan ni Billy habang si Christian naman ay kausap sa telepono ang yaya ng anak niya. Ganun ang sitwasyon nang bumalik sa meeting room ang isa pa naming kabarkada na si Justin.

“Ang tagal mo naman sa CR. Ano bang ginawa mo dun?” sita ko rito.

“Tumawag kasi si honey. Nilambing ko muna kasi nagtatampo dahil hindi ko siya sinama rito,” paliwanag nito.

Nang mapansin niya si Billy na tahimik na nakaupo ay inasar niya ito. Sa aming apat, si Justin ang pinakakomedyante. “Huy, bakit ang tahimik mo diyan? Hindi mo naman sinabi na lamay pala pupuntahan natin, sana nag-itim ako. Kulang ka ba sa tulog? Gusto mo gisingin ko diwa mo?”

Natawa ako sa pinagsasabi ni Justin at nakita kong hindi rin napigilan ni Billy ang matawa.

“Gago,” ang natatawang tugon ni Billy sa pang-aasar ni Justin.

“Dali na. Balita ko single ka na ulit. Ang tagal na kitang pinapantasya. Ngayon na ang pagkakataon ko,” patuloy na panloloko ni Justin.

“Huy, isumbong kita diyan sa honey mo eh,” ang bigla kong tugon. Nagulat rin ako na nakisali ako sa asaran nila.

“Ay possessive? Jowa mo? Jowa mo? Best friend ka lang, my dear,” pang-aasar sa akin ni Justin.

Namula ako sa pang-aasar ni Justin. Hindi ko rin alam kung bakit ko sinabi yun. Nakita ko namang nakatitig sa akin si Billy na blangko ang expression ng mukha. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.

Mabuti na lang at tapos nang makipag-usap si Christian sa telepono kaya nabago ang topic namin.

“Kamusta naman buhay-buhay? Ikaw Justin, bakit hindi mo kasama yung honey mo?” tanong ni Christian.

“Ayun nga, nagtatampo. Feeling ko nagseselos yun dahil nagkita tayo,” tugon nito.

Nagkaroon ng relasyon si Christian at Justin noon. Ilang buwan pa lang ang anak ni Christian ng iwan ito sa kanya ng ina nito. Hirap na hirap si Christian na palakihin ang bata. Tumulong naman kami ni Billy kahit papano sa kanya pero si Justin talaga ang halos araw-araw na nasa bahay nila para alagaan ang anak niya. Doon sila nagkamabutihan ng loob. Umabot rin ng isang taon ang relasyon nila. Nagkahiwalay lang sila ng madestino si Justin sa ibang bansa.

“Sabihin mo sa kanya. Imposible nang magkabalikan tayo. Kumpare na lang kita ngayon,” tugon ni Christian.

“Lagi ko naman sinasabi sa kanya yun. Tsaka mahal na mahal ko yun. Ewan ko ba kung bakit lagi akong pinagdududahan,” ani Justin.

“Kasi alam niyang malandi ka,” sagot ni Billy na tila bumabawi kay Justin. Napuno nang tawanan naming apat ang buong meeting room.

“Kapag single ako, oo, collect and collect and collect ako. Pero kapag committed na ako, stick to one naman ako,” pagtatanggol ni Justin sa sarili.

Hindi natigil ang kwentuhan namin habang kumakain ng dinner. Tama ang desisyon ni Christian na magreserve ng isang kwarto para sa aming apat lang. Nakakahiya kasi kapag narinig ng ibang tao ang mga pinag-uusapan namin.

Si Billy na kanina ay tahimik ay bumalik ang kadaldalan. Pero tulad ng inaasahan ko, iniiwasan niyang kausapin ako.

Matapos ang halos tatlong oras na kwentuhan ay nagdecide na kaming umuwi. Ang buong akala nina Christian at Justin ay sabay kaming uuwi ni Billy pero nagulat sila ng maglakad papunta sa kabilang kalsada si Billy. Doon nakapark ang sasakyan niya.

“Hindi kayo sabay uuwi?” Tanong ni Christian sa akin.

“Hindi. Baka doon siya sa kanila uuwi ngayon. Diba nga, one week na yang hindi umuuwi sa condo,” tugon ko.

“Huy, uwi na ako ah. Hinahanap na ako ni honey,” paalam sa amin ni Justin at naglakad papunta sa sasakyan niya.

“O, ikaw, may pupuntahan ka pa ba?” tanong sa akin ni Christian.

“Wala na. Uuwi na rin ako,” tugon ko.

“Gusto mo magcoffee?” aya nito sa akin.

Nagpunta kami sa isang malapit na coffee shop upang ipagpatuloy ang kuwentuhan.

“Wala ka na ba talagang balak maghanap ng partner?” tanong ko kay Christian.

“Ubos na oras ko sa trabaho tsaka sa pag-aalaga kay Max. Paano pa ako makakahanap ng partner,” tugon nito sa akin.

“Yun nga eh. Kung may partner ka na, at least may makakatulong ko sa pag-aalaga kay Max,” ani ko rito.

“Ano ka ba? Alam mo namang hindi pa rin ako prepared na malaman ni Max yung tungkol sa preference ko. Masyado pa siyang bata,” tugon nito.

“Fine. Pero at least try to find someone. I’m sure marami pa rin namang nagkakagusto sa’yo.”

“Saan? Nasaan sila? Dali, pakilala mo sa akin,” ani Christian na tila nagpapatawa.

Palihim kong tinuro kay Christian ang manager ng coffee shop na kanina ko pang napapansin na nakatitig sa kanya.

“Eh ano naman kung nakatingin sa akin. Para tong ewan,” ang nahihiyang tugon ni Christian.

“Huwag ka nang choosy, Christian, gwapo naman si…” hindi ko agad nabasa ang nakasulat sa nameplate niya kaya tinitigan ko pa ito ng mabuti. “…Si Jeff. At manager naman na siya rito. Hindi mo na kailangan buhayin ‘yan,” patuloy kong pang-aasar kay Christian.

“Ano ka ba, never naman naging issue sa akin ang itsura at financial capabilities ng tao,” pagtatanggol ni Christian sa sarili.

“Yun naman pala. Dali, lapitan mo na si Jeff nang magkabuhay naman yang love life mo!” pang-aalaska ko.

“Nagsalita ang may love life,” pagbalik ng asar ni Christian.

“Ano ba talagang nangyari sa inyo ni Billy?” patuloy nito.

“Wala, ano ka ba,” pagsisinungaling ko.

“Hoy, Mike, alam ko matagal tayong hindi nagkita pero kilala pa rin naman kita. Hindi ka magaling magsinungaling. Ano nga ang nangyari?”

Kinwento ko kay Christian ang lahat ng nangyari sa amin ni Billy mula nang makipaghiwalay kami sa mga karelasyon namin.

“Wow,” maikling reaksyon ni Christian. “Grabe naman pala yung nangyari sa inyo.”

“Kaya nga hindi ko masisisi si Billy kung gusto niya akong iwasan,” tugon ko rito.

“Pero ikaw, bakit hindi ka gumagawa ng paraan para magkaayos kayo. Halatang halata naman sa’yo na gusto mo rin siya,” ani Christian.

“Huh? Anong gusto ka diyan. Best friend nga lang ang turing ko sa kanya,” namumula kong sabi.

“Best friend? Eh, sobrang obvious kaya yung lungkot mo kanina nung magkakasama tayo kasi hindi ka niya kinakausap. At kitang-kita ko sa mga mata mo ang saya habang kinukwento mo sa akin yung mga nangyari sa inyo,” wika ni Christian.

“It’s obvious na dinideny mo lang sa sarili mo na hindi mo siya mahal dahil takot ka,” patuloy nito.

Alam kong tama si Christian. Inamin ko na rin naman sa sarili ko na mahal ko talaga si Billy pero ayokong maging kami dahil takot ako. Takot ako dahil ayokong mawala siya sa akin. Natatakot ako na baka mauwi lang din kami sa hiwalayan tulad ng lahat ng naging relasyon ko. Mas gugustuhin ko na lang na hindi maging kami basta alam kong andyan lang siya lagi sa tabi ko.

Pero ngayon, hindi na kami nagkikita, hindi na nag-uusap. Ano ba talaga ang kailangan kong gawin?

Nasa ganito akong pag-iisip nang marinig ko ang malakas na pagsara ng pinto ng coffee shop at nakita ko ang tila nakainom na si Billy na papasok at papalapit sa amin.

Nagulat si Christian nang makita si Billy na lumapit sa akin at hinila ako patayo pero hindi niya ito pinigilan.

“I’ve tried, Mike. I’ve tried my best to fight my feelings. Pero, fuck, I can’t take it anymore,” ani Billy.

Hindi ako makapagsalita sa nangyayari. Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Billy. Ang buong akala ko ay umuwi na ito sa kanila.

“I love you Mike. And I don’t care if you’re scared or shit. I love you and I will show it to you until I convince you that I am worth the risk,” patuloy nito.

Nabigla ako sa sinabi niya. Alam kong nakainom siya dahil amoy alak ang hininga niya pero alam ko nakikita ko sa mga mata niya ang sinseridad sa mga sinasabi niya. Lahat ng tao sa loob ng coffee shop ay nakatingin sa amin.

“Fuck it. I love you so much, Mike!” wika ni Billy sabay hinila ako papalapit sa kanya at naglapit ang aming mga labi.

Hindi ako makagalaw. Para akong nanlalamig sa lahat ng nangyayari.

“I love you, Mike. I love you,” mahinang wika ni Billy nang bigla itong mapaupo at umiyak.

“I love you.”

11 thoughts on “Not Over You – Chapter 10

  1. Pi Over Two

    Wheeee, first ulit! Ayan na ang sparks! Alam mo, ang gustong-gusto ko sa mga kwento mo ay yung temporary torture ng “Hala, paano na yan?” Tapos may resolution pero may uncertainty pa rin. Wooooh.

    I love you rin! Ang sarap talaga basahin mga stories mo😀

    Reply
  2. Edmond

    Billy, pag di um-oo si Mike, akin ka na lang.

    Yey for Jeff making an appearance in this chapter. And ibang klase barkada nila ha, sila-sila rin ang nagkakursunadahan.

    Salamat sa special mention, Sir! =)

    Reply
    1. Me Post author

      Haha. Kaso Edmond, fiction lang si Billy. Hahaha

      Sobrang dami nyong naghahanap kay Jeff e kaya ayan. Unti unti ko na siyang binubuhay ulit.

      Reply
    1. Me Post author

      Hahaha. Ako na kasi ang nahihirapan para kay Billy. Also, I don’t see the point of him prolonging his agony. LOL

      Reply
  3. sean

    wow nice!.i really love the scene n parehas clang denial at ngtitimpi ng feelings nla,tpoz biglang BOOM!..Hehehe.i love flow of this story..at alm n alam mo qng pnu kme bibitinin.hahaha.can’t wait for the next chapter.idol..hehe

    .by the way thanks s pgmention skin..kht nd special mention.XD

    Reply
  4. zenki of kuwait

    Choosy pa…grab na yan at least you know each other or else Maging member ka ng single for ever like me hehehehe…..

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s