Not Over You – Chapter 11


Dahil sinisipag akong magsulat, may kasunod na agad ang NOT OVER YOU! Enjoy guys!

BREAKING NEWS: SUSUNOD NA DITO ANG PINAKA-INAABANGAN NINYONG FINALE! Kaya brace yourselves dahil sisiguraduhin ko na punung-puno ng kilig ang FINAL CHAPTER.

Mag-comment kayo kung ano ang mga gusto ninyong mangyari sa FINAL CHAPTER ng Not Over You. Dali, baka may gamitin ako sa mga suggestions ninyo.🙂

Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to real people and events are purely coincidental. Furthermore, unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this blog’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to PINOY M2M Stories with appropriate and specific direction to the original content. Thank you.

_________________________________________________

Dahil nakakagulo na kami sa mga ibang tao sa loob ng coffee shop ay nilapitan kami ng manager.

“Sir, if you don’t mind. Baka pwedeng sa labas na po kayo mag-usap dahil may nagrereklamo na pong ibang customers,” ani Jeff, ang coffee shop manager.

Lumabas kami ni Christian ng coffee shop na akay-akay si Billy.

“Look what you’ve done. Gumawa ka pa ng eksena,” pagalit kong sabi rito ng marating namin ang sasakyan ni Christian dahil hindi namin makita ang kotse ni Billy.

“I’m sorry,” ani Billy habang nakaupo sa nakabukas na kotse. “I just can’t keep it anymore. Ang hirap, Mike.”

“Ah, magyoyosi lang muna ako saglit. Balikan ko kayo later,” sabi ni Christian upang makapag-usap kami ng maayos ni Billy.

“Bakit ka ba nag-inom?” tanong ko rito.

“Mula nung bumalik tayo galing sa beach, hindi na napanatag utak ko. Kahit na anong pilit kong iwasan ka. Lagi na lang kitang naiisip. Kaya ang sabi ko, baka mas okay if hindi na muna ako umuwi sa condo. Akala ko okay na pero nang makita ulit kita mamaya, doon ko narealize na parang mas tumindi pa yung nararamdaman ko para sa’yo.

“Hirap na hirap na ako, Mike. Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin para patunayan sa’yo na totoo ang sinasabi ko,” tuluy-tuloy na pagsasalita ni Billy.

“Hindi ko naman sinasabi na hindi totoo yang sinasabi mo. Ang sa akin lang…” putol kong sabi dahil nagsalita agad si Billy.

“So ano nga ang problema?” tanong nito habang nakatitig sa akin. Halos maluha-luha na ang kanyang mga mata.

“Natatakot ako na hindi magwork yung relationship tapos masisira pa natin yung friendship natin,” eksplika ko sa kanya.

“Palaging yan na lang ang sinasabi mo,” sagot nito na tila naiinis.

“Eh ano ba dapat?”

“Natural lang sa dalawang tao na pumapasok sa isang relasyon ang mag-risk, Mike. Lahat ng tao may sinasakripisyo. Hindi lang ikaw ang takot, Mike. Takot rin ako. Pero hindi ko hahayaan yun na pigilan akong mahalin ka,” ani Billy.

“Pero Billy,” maikli kong sambit.

“Ang sabihin mo, wala ka na lang maisip na dahilan para hindi mo maamin sa sarili mo na mahal mo rin ako. Kaya palagi na lang yang takot mo ang idinadahilan mo. Matalino ka, Mike. Alam kong alam mo na tama ang sinasabi ko.”

Hindi ako nakasagot sa kanya. Dahil tama siya. Kung tutuusin, napakadaling mahalin ni Billy. Mabait, matalino, gwapo at talagang alam kong totoo ang mga sinasabi niya. Sobrang takot lang talaga ako na mawala siya.

“At huwag mo rin sabihin sa akin na baka maging panakip butas lang natin ang isa’t isa. Kilala mo ako, Mike. Hindi ako basta-basta nagsasabi na mahal ko ang isang tao kung hindi ako sigurado. At kung panakip butas lang din naman ang hanap mo, edi sana matagal ka nang nakipagbalikan kay Francis.”

Muli, tama na naman siya.

“Look, tsaka na natin pag-usapan ‘to. Lasing ka. Umuwi na lang muna tayo,” ang wika ko rito.

“Mike,” ang mahina sabi ni Billy. Nakita kong tumutulo na ang luha nito. “Mike, takot rin ako na baka hindi magwork ang relationship natin kapag maging tayo. Pero willing akong gawin ang lahat para hindi mangyari yun. At hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan, diba?”

“Billy, umuwi na lang muna tayo. Kailangan mo nang magpahinga. Kailangan ko ring mag-isip-isip,” ang tugon ko rito. Hindi na siya sumagot at pumasok na lang sa loob ng sasakyan.

Umalis ako para hanapin si Christian. Nakita ko itong nagyoyosi sa tapat ng coffee shop at kausap.

Nang papalapit ako sa kanila ay pumasok na muli sa loob ng shop si Jeff.

“Ano sabi ng manager?” tanong ko kay Christian.

“Wala naman. Tinanong lang kung okay na daw yung lasing nating kaibigan. Humingi na rin ako ng dispensa sa nangyaring gulo sa loob,” tugon nito.

“Ah. Pwede mo ba kaming ihatid sa condo? Bukas na lang namin babalikan yung sasakyan niya,” tanong ko rito.

“Nakapag-usap na ba kayo ng maayos?” tanong ni Christian sa akin.

“Hindi pa. Tsaka na lang kapag matino na pag-iisip niya,” sagot ko.

“Alam mo, sa tingin ko, hindi si Billy ang may kailangan tumino ang isip,” makahulugang sagot ni Christian.

Natigilan ako sa sinabi niya. Tama siya. Mukhang malinaw na para kay Billy ang lahat. Ako na lang itong nagpapatalo sa takot ko.

Gaya ng napag-usapan ay inihatid kami ni Christian sa condo. Diretso agad sa kanyang kwarto si Billy. Ni hindi siya nagpaalam kay Christian.

Ako naman ay lumabas saglit sa veranda ng condo. Sa sobrang stressed ko ay magsisindi na sana ako ng yosi na naitabi ko sa sala.

Pero biglang may nagsalita. Bumaba pala si Billy para mag-CR.

“Subukan mong magyosi, hindi na talaga kita kakausapin kahit kailan. Ako pa talaga ang gagawin mong dahilan para manigarilyo ka ulit?” pagalit nitong wika.

Hindi na niya hinintay ang sagot ko at pumasok na siya sa CR. Hindi ko na rin sinindihan ang sigarilyo at tinapon ito sa basurahan.

Paglabas ni Billy sa banyo ay muli itong may sinabi sa akin. “Mike, baka sa sobrang pagpapatalo mo sa takot mo, baka mawala pa yung taong nagmamahal sa’yo. Sana maisip mo na nasasaktan ako sa nangyayari. Dahil wala naman ako makitang problema para hindi mo maamin sa sarili mo na mahal mo ako. Pinapakomplikado mo ang sitwasyon. Alam kong takot ka. Pero kung lahat ng tao nagpadala sa takot nila, hindi sila magiging masaya.”

Nakahiga na ako sa kama. Ilang minuto rin akong nagpahangin sa veranda para sana makalma ang pakiramdam ko. Matapos magsalita ni Billy ay umakyat na muli ito sa kanyang kwarto. Ako naman ay napaisip sa mga sinabi niya.

Hindi lang niya alam kung gaano ko kagusto na mawala na ang takot ko. Hindi ko namalayan na naiiyak na pala ako.

Kung lahat ng tao nagpadala sa takot nila, hindi sila magiging masaya. Yan ang paulit-ulit na naiisip ko. Gusto ko nang maging masaya. Pero parang hindi ko pa talaga kaya.

Nakatulog ako kakaisip sa mga nangyari. Nagising ako sa isang tawag sa telepono ko.

“Hello,” wika ko habang pupungas-pungas.

“Hey, Migs, may gagawin ka ba today? Labas naman tayo,” wika ng kausap ko sa telepono.

“Ah, wala naman. Pero sige,” tugon ko kay Francis.

“Great. Pick you up around eleven para makapaglunch tayo,” wika nito.

“Sige,” sagot ko.

Sariwa pa rin sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Paglabas ko ng kwarto ay nakita kong nakabukas ang pintuan ng kwarto ni Billy. Pagsilip ko sa loob ay wala siya rito. Ang akala ko ay dadatnan ko siya sa may living area pero wala rin siya. Marahil ay umuwi na ulit iyon sa kanila.

Hindi ako nag-aghan dahil wala akong gana. Dumiretso na lang ako ng ligo tutal alas diyes na rin naman iyon ng umaga.

Sakto alas onse ay dumating nga si Francis sa may condo. Nagsuggest siya na sa Rodic’s kami kumain.

“Ayoko dun,” tugon ko.

“Bakit? Never ka pang tumanggi kumain dun ah,” gulat na sagot ni Francis.

“Wala lang. Ayoko lang dun ngayon,” maikli kong tugon. Ang totoo, sinusubukan ko munang huwag isipin si Billy. Gusto kong subukan na i-clear muna ang utak ko bago ko harapin ang problema naming dalawa.

“Alam ko na kung saan tayo kakain,” wika ni Francis. Pumunta kami sa may Harbour Point na malapit sa Manila Bay. Dito kami madalas pumupunta noong kami pa dahil gusto kong nakatitig lang sa dagat. Mukhang makakatulong ito upang mapayapa ang puso at isip ko.

Bumili kami ng lunch sa isang burger joint at nagsuggest si Francis na sa kotse na lang niya namin kainin. Tila sinusubukan ni Francis gawin ulit yung mga ginagawa namin noong kami pa.

“Francis…” wiko ko rito.

“Migs, I know. Alam kong wala nang chance na magkabalikan tayo. But please, humor me with this one? Kahit for one last time na lang,” ang nakangiting tugon sa akin ni Francis.

“Paano mo nalaman?” nalilito kong tanong rito.

“Migs, ano ka ba, kahit sino naman na makakita sa inyong dalawa ni Billy, malalaman na gusto nyo ang isa’t isa. Nagtataka nga ako kung bakit hindi pa kayo magkarelasyon ngayon,” ang natatawa nitong sagot.

“Yun nga ang pinoproblema ko ngayon,” ang tugon ko sa kanya.

“Wait, mamaya na natin pag-usapan yan. Mas okay if dun natin sa seaside idiscuss yang problema mo. For now, let’s enjoy our food,” ang wika nito.

Sobrang gumaan ang pakiramdam ko nang sabihin iyon no Francis. Hindi na namin kailangan ipilit pareho ibalik ang alam naman naming matagal nang wala. At sa unang pagkakataon, naramdaman ko na pwede kong maging malapit na kaibigan si Francis.

Tulad nga ng sinabi niya ay masaya kaming kumain sa loob ng sasakyan. Pero makailang ulit ko ring tiningnan ang telepono ko at umaasa na magtetext o tatawag man lang si Billy. Kahit anong pilit ko ay hindi ko magawang hindi siya maisip.

Matapos kumain ay naglakad kami papunta sa may bay area. Kinwento ko na rin kay Francis kung ano ba ang problema ko ngayon.

“You know what Migs, I mean Mike. I think I should call you Mike from now on dahil yun ang tawag sa’yo ng mga kaibigan mo,” ang wika ni Francis. Ngumiti lang ako sa kanya tanda ng pagsang-ayon.

“I really don’t see any problem dyan sa sinasabi mo, Mike,” pagpapatuloy niya.

“Pero hindi ba, baka masayang yung pagkakaibigan namin if isusugal namin sa isang relasyon?” tanong ko rito.

“Just look at it this way. If hindi mo ba sinubukan na kumain sa Rodic’s, malalaman mo ba kung gaano kasarap yung tapa nila?” balik nitong tanong sa akin.

“Kailangan Rodic’s talaga?” ang natatawa kong tugon dito.

“Makinig ka na! Ang tigas rin ng ulo mo, eh. Kaya may nasasaktan kang tao,” wika nito. Tinamaan ako sa sinabi niya at nahalata niya ito.

“Huwag kang magalit kasi totoo naman. Pero tulad nga ng sinasabi ko, may risk na masayang yung pera mo if it turned out na hindi pala masarap yung tapa ng Rodic’s diba? Pero, sobrang worth ng risk na yun nang malasahan mo kung gaano siya kasarap. Ganun lang din yun sa kahit anong relasyon. I took the risk of falling in love with you kahit na komplikado ang sitwasyon natin. At kahit hindi tayo nauwi sa happy ending, I never regretted ever being with you dahil ang dami rin nating good memories.

“At sa inyong dalawa ni Billy, I don’t think na masisira pa ang friendship ninyo. Remember this, Mike. You are best friends in the first place. Ganun pa rin dapat ang turingan ninyong dalawa. Only, may added perks na,” ang mahabang wika nito.

“Anong perks?” ang tanong ko rito.

“Edi syempre, you get to kiss him and hug him and you know,” ang natatawa nitong sagot.

“Baliw!” ang sigaw ko rito sabay suntok sa kanyang braso.

“Aray! Pero alam mo, Mike, a relationship will be so much better if best friend ang turing mo sa karelasyon mo dahil wala sobrang at ease kayo sa isa’t isa at wala kayong itatagong sikreto,” patuloy nito.

Hindi ako sumagot sa kanya. Tumitig lang ako sa kalmadong tubig sa Manila Bay. Hinayaan lang din ako ni Francis na gawin iyon.

Naputol lang ako sa ginagawa kong pagtitig at pag-iisip nang biglang bumuhos ang ulan. Tumakbo kami ni Francis pabalik ng kotse.

Tawa kami ng tawa dahil basang-basa kami pareho.

“Naku, mukhang magbabaha dito sa loob ng sasakyan mo,” pang-aasar ko rito.

“Oo nga, eh. Hindi bale, papacarwash mo naman ‘to diba?” wika nito.

“Carwash ka dyan! Wala akong pera!” natatawa kong tugon rito.

“Joke lang. Ang kuripot mo kahit kailan,” ani Francis.

“Pero thank you Francis. Sobrang gumaan yung pakiramdam ko dahil sa nga sinabi mo. Sobrang laking tulong,” tugon ko rito.

“Great. I really hate seeing you sad. Pumapangit ka eh,” pang-aasar nito.

“Ang yabang mo!”

“But you know what, sobrang swerte sa’yo ni Billy,” wika niya. “You are one of the nicest, most geniune person I’ve ever met. At masaya ako na may chance ako na mahalin ka. And now, I’m excited to be your friend,” pagpapatuloy nito.

“Ako rin masaya na finally, magkaibigan na ulit tayo,” ang nakangiti kong tugon rito.

“Ano na ang gagawin mo ngayon?” tanong sa akin ni Francis.

Ano na nga ba ang gagawin ko? Dahil sa mga sinabi sa akin ni Billy kagabi at sa mga payo ni Francis ay luminaw ang mga bagay-bagay para sa akin.

Ayokong mawala sa akin si Billy. Ayokong mawala sa akin ang best friend ko.

Ayokong mawala sa akin ang taong mahal ko.

11 thoughts on “Not Over You – Chapter 11

  1. Pi Over Two

    Siyempre una na naman ako.😀 Hahahaha

    Aww, natuwa ako kay Francis. Buti hindi na siya naging sagabal at nakatulong pa siya kay Mike. Alam mo, sobrang relate ako dun sa fear theme ng chapter na ito kasi yun din ang problema ko ngayon being a closeted bi and all my confusion shizz. Thank you kasi this story is a great pick-me-up kumbaga sa inumin.

    May suggestion ko para sa ending (actually, ine-expect kong ganito ang takbo ng isip mo). Ang magiging main dillemma sa last chapter ay magdi-disappear bigla si Billy or may mangyayari sa kanya kung kailan, ngayon, na-resolve na ni Mike ang pag-iisip niya. Medyo wish ko lang na hindi ganito yung mangyayari kasi, kung ganun, I spoiled the ending for myself. Hahahahaha.

    Again, thank you talaga for giving us readers a wonderful diversion from our (sometimes) problematic lives.

    Reply
  2. Edmond

    Awwwwww.. Sige Mike, sa yong sa yo na si Billy ko.

    Sabi nga, the foundation to any strong relationship is friendship. When romance fades, at least they still have something more stable to hold on to.

    On a personal note, I can relate to Mike. Pagdating sa potential relationships, takot akong mag-risk. Pero ang ganda ng analogy na ginamit ni Francis. Make things simple for someone like me whose got a complicated, twisted mind.

    Reply
  3. Docomo

    Ending? Hot scene. Haha. Biro lang. :p

    pero seryoso, gusto ko (personaly) yung tipong maiiyak muna ako. Haha tapos may malaking pasabog para bongga. Ikaw na bahala🙂❤!

    Reply
  4. sean

    as always na amaze n nman aq s gwa mo author.:)

    dba an srap ng feeling n after all the struggles nio ng ex mo still end up being friends again n parang wlang nangyare..kse ung nghiwalay kayo wln clear n closure tpoz parang lovers turn t strangers kayo.an sklap kya nun parang ngaksaya k lan ng time 4 that peson dba.kya bilib aq ky francis kse a brave nia kht alam qng fiction lan xa.HAHAHA

    well about the ending an gusto q, ung something na momove tlga kming readers na mapapabasa mo smin ng paulit ulit ung story mo kze nd kme makaget over.mukha bang mahirap ung uxto q.HAHAHA.to make it simple we want a happy ending mr, author lam q nd mo mxyado forte ung happy ending pero balato muna smin to..hahaha. well what ever u decide on how to end this story we will support u idol.XD.more power.

    Reply
    1. Pinoy M2M Stories Post author

      Hello Sean!

      Kamusta ka? Parang hindi ka na nagagawi dito a. Sana nabasa mo yung ending ng Not Over You. At sana natuwa ka.🙂

      Reply
  5. kimiko_ako

    excited much sa ending! its my second day of browsing and reading your stories and I’m really really enjoying it..i hope more stories to come..napansin ko lang, laging magbestfriends yung nagkakatuluyan and character (nagconclude na agad eh after all at not over you palang nababasa ko) It has something to do ba with your relationship with your guy bestfriend mr. author (hahaha, nang-intriga talaga)?

    Reply
    1. Pinoy M2M Stories Post author

      Hahahaha! Yun nga yung malungkot, wala akong best friend na best friend talaga. I have many close and great friends, though. Sobrang fascinated lang ako sa relationship ng mga magbestfriends kaya sila ang favorite topic ko.

      At sana nabasa mo na ang ending ng story na to.🙂

      Reply
  6. Andre Mendoza

    ang ganda ng story…. super relate talaga aku…. i had a crush with my best friend too pero nung naging close na kmi, mas pinili ku na e prioritize ang friendship coz i know if we will not work out as couple, for sure pati friendship madadamay…. we parted ways coz he went abroad for work… but the bond is still there…. sana ganun rin kina mike and billy…. they need some time out… magabroad muna ang isa, at pgblik, ayun na…. true love… it can really wait…. =) congratulations and more power…

    Reply
    1. Pinoy M2M Stories Post author

      Hello! Sana nabasa mo yung endit ng story na to! And sana sundan mo rin yung bago kong story. Thanks!

      Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s