Not Over You – Chapter 12 (FINALE)


Ito na sa wakas ang FINALE! Ang tagal kong naghanap ng inspiration para masulat ito! Hahaha

Sana matuwa kayo sa ending hindi tulad nung sa After All.😛

I want to thank everyone who took time to read my story. Sa totoo lang sobrang flattered ako dahil kahit hindi kayo milyones, merong mga taong natouch at nakaappreciate ng story ko.

NEXT STORY NAMAN TAYO: Plus One!

Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to real people and events are purely coincidental. Furthermore, unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this blog’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to PINOY M2M Stories with appropriate and specific direction to the original content. Thank you.

_________________________________________________

 

“So, what are we doing here?” tanong sa akin ni Justin.
Tinawagan ko sina Justin at Christian at sinabihang magkita kami sa condo dahil may importante kaming pag-uusapan.

“I need your help, guys,” ang tugon ko sa kanila at ikinuwento ko na nga ang plano ko.

Madalas kong katext sina Justin at Christian para sa mga kailangan kong gawin upang makausap ulit si Billy.

Kahit papaano ay sinusubukan ko pa rin siyang tawagan at i-text pero hindi na ako masyadong nagpipilit dahil sobrang na-eexcite ako sa naisip kong plano.

Magpapanggap si Christian na may problema at hihingi siya ng tulong kay Billy. Naisip ko na baka tanggihan siya ni Billy kaya ang sasabihin ni Christian ay nilapitan niya na kaming dalawa ni Justin pero wala kaming magawa para matulungan siya.

Magpapasama siya sa isang probinsya para bisitahin ang kamag-anak niya na kunwari ay may malubhang sakit. Pero pagdating nila dun ay magugulat na lang si Billy na ako ang madadatnan nila.

Sa isip ko ay wala na siyang magagawa kundi ang kausapin ako. Alam kong malaki ang posibilidad na magalit siya sa akin pero kapag narinig na niya ang mga sasabihin ako, naniniwala akong matutuwa rin siya.

Halos hindi na ako makatulog sa sobrang kaba at pag-iisip. Maaari rin kasing pumalpak lang talaga ang mga plano namin.

Sa petsang napagkasunduan namin kung kailan namin gagawin ang plano ay nauna na kami ni Justin pumunta ng Batangas para maihanda pa namin ang lugar. Si Christian ang nakipag-usap sa may-ari ng resort na nakilala niya sa isang event na inorganize niya. Susunod na lang si Christian na kasama si Billy mamayang gabi.

“Sa tingin mo ba magwowork ‘tong plano ko?” tanong ko kay Justin habang inaayos namin ang isang cottage kung saan ako madadatnan ni Billy.

“Oo naman. I mean, it has to work para naman sumaya na kayong dalawa. Masyado na kayong madrama, eh,” ang tugon ni Justin.

“Sana nga,” ang mahina kong sagot na sinundan ng buntung hininga.

Hapon na nang matapos namin ni Justin ang pag-aayos. Habang nagpapahinga ay tinext ko si Christian at kinumusta sila ni Billy.

Mga limang minuto na ang lumipas ay wala pa akong natatanggap na sagot kaya napagpasyahan kong maligo na lang muna.

Habang naliligo ay napakaraming pumapasok sa aking isip. Sinusubukan kong isipin kung ano ang magiging reaksyon ni Billy kapag makita niya ako. Maiiyak ba siya sa sobrang tuwa ang mamumula sa sobrang galit?

Marahil, sa lalim ng aking pag-iisip ay hindi ko narinig na tumutunog ang aking telepono. Pagkalabas ko ng banyo ay nakita kong nakalimang tawag na si Christian sa akin na hindi ko nasasagot kaya tinawagan ko na lang siya.

“Friend…” ang nangangatal na sagot ni Christian sa tawag ko.

“O, bakit?” ang may pag-aalala kong tanong.

“May kasalanan ako sa’yo,” ang tugon ni Christian.

“Ano yun?”

“I’m so sorry, Mike,” wika ni Christian na halata kong kabadong kabado.

“Sabihin mo na Christian,” ang tugon ko na kinakabahan na din.

“When you texted earlier dapat magrereply ako sa’yo,” pag-uumpisa ni Christian.

“Tapos?”

“Sa kanya ko nasend…” ang mahina niyang tuloy.

“Baka naman hindi niya nagets. Ano bang sinabi mo sa text?” ang tanong ko kay Christian. Hindi ko magawang magalit sa kanya dahil ramdam ko sa boses niya ang kaba at hiya. Pero para akong binagsakan ng langit sa narinig ko.

“Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi na niya sinagot. Tapos ngayon nakapatay na yung phone niya,” paliwanag ni Christian.

Hindi na ako nakasagot sa kanya. Lahat ng pinaghandaan ko at pinagplanuhan ko ay wala na. Hindi ko naman masisi si Christian dahil hindi naman niya iyon sinasadya at ang laki rin ng tulong niya sa akin. Ayoko na rin dagdagan pa ang pagsisi niya sa sarili niya.

Binaba ko na lang ang telepono at napaupo sa kama. Nadatnan ako ni Justin na nakatulala nang pumasok siya ng kwarto para maligo na rin sana. Ng tanungin niya ako kung ano ang nangyari ay tsaka ko lang nailabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Bumalik kami ng Maynila ni Justin nang hindi ako masyado nagsasalita. Sa buong byahe ay nakatitig lang ako sa mga ulap.

Pag-uwi ko sa condo ay dumiretso na lang ako sa aking kama at natulog na. Napagod na ako kakaiyak kaya mabilis akong nakatulog.

Pagkagising ko ay sobrang maga ang mata ko, marahil dahil sa sobrang pag-iyak. Tiningnan ko ang telepono ko, umaasang may text o missed call galing kay Billy. Pero wala.

Wala.

Siguro ay handa na siyang kalimutan ako. Hindi ko naman siya masisisi. Noong siya ang handang ibigay ang lahat para mahalin ako, ako itong ipinagtabuyan siya. Marahil ay nasaktan ko siya ng sobra.

Dahil sa pagnanais kong makahanap ng karamay ay tinext ko si Francis. Baka mabigyan niya ulit ako ng payo.

Ilang oras matapos ko siyang itext ay dumating na si Francis sa unit. Nakakahiya nga dahil nadatnan niya akong suot-suot pa rin ang damit na gamit ko kahapon. Hindi pa ako bumabangon mula sa kama.

“Look, hindi porke nawalan ka ng taong mahal mo ay pababayaan mo na yang sarili mo. Besides, you’re not even sure if wala na nga talaga siya sa buhay mo,” pambungad na bati sa akin ni Francis nang pagbuksan ko siya ng pinto.

“Nagbreakfast ka na ba? Ipagluluto kita,” ang alok ko sa kanya.

“Tigilan mo nga ako. Ang gawin mo, maligo ka at ako na ang maghahanda ng almusal mo,” wika niya.

Napakabuti talagang kaibigan ni Francis. Gusto ko nga sanang hingin ang tulong niya para sa plano ko upang makausap ulit si Billy pero siya na mismo ang nagsabing parang hindi magandang ideya na tumulong siya dahil baka daw awkward para kay Billy dahil dati kaming may relasyon. Ramdam ko ang sinseridad niya at ang kagustuhan niya na sumaya ako.

Paglabas ko ng banyo ay nakita kong abala si Francis sa pagluluto sa kusina. Natuwa ako sa aking nakita. Sa mga sandaling iyon ay pansamantala kong nakalimutan ang mga problema ko. Naisip ko si Francis. Naisip ko na tulad ko, nawala rin sa kanya ang taong mahal niya. Pero hindi niya hinayaan na maging dahilan yun para malungkot siya. Alam kong malungkot siya pero hindi niya yun ipinapakita sa iba.

Humiling ako na sana makahanap na siya ng taong mamahalin siya gaya ng pagmamahal na kaya niyang ibigay. He deserves it.

“Ayan tapos ko na pala maligo. Saglit na lang ‘to then kumain ka na tapos tsaka mo ikwento sa akin lahat,” ani Francis habang inililipat sa plato ang mga niluto niya.

Habang kumakain ako at nagkukwento ay nakikinig lang si Francis. Nakakagaan ng pakiramdam na nailalabas ko lahat ng saloobin ko.

Nang matapos ko nang ikwento lahat ay hiningi ko ang opinyon niya.

“Alam mo, sa tingin ko tama ka, eh. Nasaktan siya nung hindi mo siya hinayaan na iparamdam sa iyo yung feelings niya kaya siguro siya lumayo. I suggest you give him time. Baka hindi pa lang din siya ready iconfront ka,” payo ni Francis.

“So, should I just leave him alone first? Hindi ko alam kung ano gagawin ko Francis. Baka mabaliw ako kapag hindi ko pa siya makausap,” ang sagot ko sa kanya.

“Well, you just have to deal with it. Sa tingin mo ba hindi rin siya nahihirapan na hindi ka makausap?”

“Paano kung mawala na yung nararamdaman niya sa akin?” balik kong tanong sa kanya.

Alam kong nakikita niya sa mukha ko ang ibayong lungkot at pag-aalala kaya hindi muna siya sumagot at sinigurado kung ano ba ang magandang sabihin. “I guess you just have to hope for the best, but expect for the worst. Hindi din kasi natin masasabi kung ano ang gusto mangyari ni Billy.”

Sa narinig ko ay lalo akong nalungkot. Malaki nga ang posibilidad na kalimutan na ako ng tuluyan ni Billy. Sa totoo lang, hindi ko alam kung makakaya ko kapag nangyari yun dahil hindi lang mawawala ang taong mahal ko, mawawala rin ang best friend ko.

“But look at it this way, kapag pareho na kayong okay at mahal nyo pa rin ang isa’t isa, then it just proves that your love is really that strong,” patuloy niya.

Hindi ako sumagot sa kanya at huminga na lang ng malalim.

“Look, Mike, try your best to live your life normally. I know mahirap, pero sa tingin mo ba, gusto ni Billy na magmukmok ka lang forever. Try to improve yourself. Para kapag nagkita kayo ulit, you are a better version of yourself at mas mapapanindigan mo na ang pagmamahal mo.”

***

Isang buwan na ang lumilipas mula nung hindi ko natuloy na plano. Wala pa rin akong balita tungkol kay Billy. Kahit sina Christian at Justin ay wala ring alam kung nasaan siya at kung ano ang ginagawa niya.

Tinanong ko rin ang dati niyang karelasyon na si Patrick kung pumapasok pa ba ito sa opisina nila pero ang sabi ay nagresign na raw ito.

Mahal ko pa rin siya. Sa katunayan, parang mas tumitindi ang pagmamahal ko sa kanya. Walang araw na hindi ko siya naiisip.

Tulad ng sinabi ni Francis ay sinubukan kong mamuhay ng normal at pagbutihan pa ang aking sarili. Hindi na ulit ako nanigarilyo dahil alam kong ayaw iyon ni Billy.

Inaayos ko pa rin paminsan-minsan ang kwarto niya. Ang daming bumabalik na alaala kapag nakikita ko yung T-shirt na niregalo ko sa kanya, yung libro na pareho kaming may kopya at sabay naming binasa, at yung unan na niregalo ko sa kanya noong college na hanggang ngayon ay ginagamit pa rin niya.

Sana okay lang siya. Sana masaya siya.

Ilang araw akong sobrang tambak ng trabaho. Gusto ko na rin yun para kahit papaano ay may iba akong naiisip. Sa sobrang pagod ko ay diretso tulog na agad ako pag-uwi ko. Mabuti na lamang at Biyernes ngayon. Mahaba-haba ang magiging tulog ko nito.

Alas diyes na ng umaga nang magising ako. Sobrang sarap ng naging tulog ko. Sa wakas ay medyo nakabawi ako sa sobrang pagod sa trabaho. Pagbangon ko ay dumiretso agad ako sa banyo na nasa loob rin ng kwarto ko upang maghilamos.

Pagharap ko sa salamin ay may nakita akong bagay na nakapagpakabog ng dibdib ko.

“ANG TAGAL MO GUMISING. GUTOM NA AKO.” Yan ang nakasulat sa isang post-it note na nakadikit sa salamin ng banyo ko.

Isa lang ang taong kilala ko na gumagawa nito sa akin. Ang bilis pa rin ng kabog ng dibdib ko ng halos tumakbo ako palabas ng kwarto, pababa ng hagdan, papunta ng living area. Natigilan ako sa nakita ko.

Nandun nakatayo si Billy na nakangiti at halatang natatawa sa nakikita niya. Marahil ay mukha lang akong tanga na halos madapa sa habang bumababa ng hagdan.

“O bakit hingal na hingal ka?” ang sabi niya

Hindi ko siya sinagot. Bagkus, tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya ng sobrang higpit. Naramdaman ko na nagulat siya sa ginawa ko dahil napahinga siya ng malalim.

Hindi ako bumitiw sa pagkakayakap sa kanya. At tuluyan nang bumagsak ang luha mula sa aking mga mata. Naiyak na ako ng lubusan. Hindi ko akalaing nandito na ulit ang best friend ko na akala ko’y hindi ko na makikita ulit. Hindi ko akalaing nakita ko na ulit ang taong mahal ko.

“Shhh, shhh,” pag-aalo niya sa akin. “Huwag ka nang umiyak. Nandito na ako,” pagpapatuloy niya habang hinahagod ang aking likuran upang pakalmahin ako.

Nang huminto na ako sa pag-iyak ay umupo kami sa may sofa.

“Ba-bakit ngayon ka lang buma-ma-lik dito?” ang humihikbi kong tanong sa kanya.

“I needed time to think and sort things out. Aaminin ko, nasaktan ako sa mga nangyari sa atin and kailangan kong mag-heal muna bago ka harapin ulit,” umpisa niyang pagpapaliwanag.

“Gusto ko kapag nagkita tayo ulit, handa na akong harapin talaga lahat ng mga pagsubok na dadating. Gusto ko magmature muna ako. Kaya umuwi muna ako kina lolo sa probinsya. Nagresign din ako sa work dahil hindi na rin naman ako nakakaperform ng maayos. I took advantage of the time para iassess ang sarili ko at para mas mahalin ang sarili ko. And now I think I am ready,” pagpapatuloy niya.

“I’m sorry,” ang maikli kong tugon.

“Sorry for what? You were just being honest noong sabihin mo na natatakot ka. I understand that now,” sagot niya. “Ako nga dapat ang humingi ng sorry sa’yo dahil naudlot pa yata yung engrandeng plano mo noon,” ang natatawa niyang pagpapatuloy.

Natawa rin ako nang maalala ko iyon. “Si Christian naman kasi. Ano ba kasi yung tinext niya?”

“Well ang sabi niya, ‘Susunduin ko na si Billy. Tapos na ba kayo mag-ayos ni Justin diyan?’ Nang mabasa ko yun, I figured na para sa’yo yun at may pinaplano kayo. Mas okay na rin na nalaman ko yun dahil kung nagkita tayo nun, baka mas lalong lumala lang ang nangyari dahil hindi pa ako handang kausapin ka nun.”

Tumango ako bilang pagtugon sa kanya. “What happens now?” tanong ko.

Nagtaka ako dahil tumayo siya at humarap sa akin. “What happens now is we start all over again. Clean slate. Para makapag-umpisa tayo ng maayos, walang takot, walang expectations, walang apprehensions,” paliwanag niya.

Nakakunot lang ang noo ko dahil hindi pa rin malinaw sa akin ang lahat kaya ang ginawa niya ay iniabot niya ang kamay niya sa akin.

“Hi, I’m William Gonzales, Billy for short. What’s your name?” ang nakangiti niyang sabi.

Dito ko lang napansin ang itsura niya. Lalo siyang naging gwapo. Maganda nga ang naidulot sa kanya ng oras para makapag-isip. Ang ganda rin ng suot niya. Halatang pinaghandaan niya ito.

Dahil sa wakas ay naintindihan ko na rin ang gusto niyang mangyari ay tumayo ako at nakipagkamay sa kanya.

“Hi, I’m Miguel de Leon, Mike for short. It’s really great to meet you,” ang sagot ko sa kanya.

“Well, Mike. Are you ready for the greatest adventure of your life?”

“Yes,” ang maikli kong sagot.

At sa sagot kong iyon ay hinila niya ako papalapit sa kanya at naglapat ang aming mga labi.

Hindi na namin kailangan sabihin sa isa’t isa ang mga nararamdaman namin. Sapat na ang yakap at halik upang malaman namin ang nararamdaman ng isa’t isa. Sapat na ang sandaling ito upang malaman ko kung gaano ko siya kamahal, at kung gaano niya ako iniibig.

***

“Hey, Mike! We’re here!” ang sigaw ni Francis.

“Kamusta ka na Francis? Mukhang blooming tayo, ah,” ang bati ko sa kaniya.

“Haha. Thank you. Nasaan na si Billy?” tanong niya.

“Nag-CR lang,” tugon ko.

“Ah. Gaano na nga kayo katagal?”

“One month. Kunwari ka pang hindi mo alam eh halos ikwento ko sa iyo lahat ng nangyayari sa amin,” ang natatawa kong sagot sa kanya.

“I’m just happy na finally masaya ka na,” tugon niya.

Nakita na rin kami ni Billy kaya tumabi na siya sa akin.

“Kamusta Bro?” bati ni Billy kay Francis.

“Ito okay naman. Buti nakasama ka kay Mike. Balita ko busy ka daw sa bago mong work, ah,” tugon ni Francis.

“Oo nga eh. Medyo napepressure pa ako dun dahil bago. But I’m slowly getting the hang of it. Teka nasaan na siya?” tanong ni Billy kay Francis na siya namang dating ng kasintahan ni Francis.

“Hi guys,” bati nito sa amin nang makaupo na siya sa tabi ni Francis.

“Hey Xander,” tugon ko sa kanya.

Matapos naming magmeryenda kasama sina Francis at Xander ay humiwalay na kami sa kanila dahil may plano pa kami. Ngayong araw din kasi ang 1st monthsary namin.

At dahil ispesyal ang araw na ito para sa amin ay kumain kami sa isang sosyal na restaurant — sa Rodic’s. Ang saya lamang namin habang kumakain ng paborito naming Tapsilog. Binalikan namin ang mga alaala namin nung college pa kami. Ganito kami araw-araw, laging sinasariwa ang mga masayang nangyari sa amin. Hindi kami nagsasawa na pag-usapan ito.

Ng matapos kaming kumain ay nagpunta kami sa may Sunken Garden.

“Happy monthsary baby,” ang sabi sa akin ni Billy sabay abot ng isang letter. “Pasensya ka na kung iyan lang ang bigay ko sa iyo. Alam mo namang ngayon na lang ulit kumikita ang boyfriend mo,” paliwanag niya.

“Ano ka ba, you don’t have to explain,” wika ko sabay abot sa kanya ng regalo ko. Binilan ko siya ng libro dahil yun talaga ang hilig niya.

Binuksan ko ang letter na binigay niya sa akin at binasa ito.

Hi Baby,

Happy monthsary! Sobrang saya ko dahil finally, natatawag na kita ng “baby.” Wala na ako masyadong masulat dito dahil nasasabi ko naman sa’yo lahat ng gusto kong sabihin. At alam mo naman ang tunay kong nararamdaman.

Mahal na mahal kita baby. Ang swerte ko dahil natagpuan ko sa best friend ko ang taong makakasama ko habambuhay.

Ang laking pasasalamat ko lang sa Diyos dahil ibinigay ka niya sa akin. Pero mas malaki ang pasasalamat ko dahil hindi ka nag-give up sa atin.

Salamat dahil after all these years, kahit na pareho tayong nagmahal ng iba, hindi pa rin nawala yung pagmamahal mo sa akin.

Mahal na mahal kita.

Naiyak ako matapos kong mabasa ang sulat niya. Nakita niya ito kaya pinahid niya agad ang mga luha sa mukha ko.

Ngumiti lang ako sa kanya. “I never got over you, baby. Never.”

37 thoughts on “Not Over You – Chapter 12 (FINALE)

  1. Pi Over Two

    Wooooh, eto na! It feels so wonderful reading that (and having its “movie” play in my mind). Feel ko, medyo kinuha mo yung suggestion ko (feel ko lang haha). How cool is that?😀 Yun lang, naiinggit ako sa kanila. Boohoo.

    Sayang, hindi ako ang unang nag-comment. No. 1 dahil late na ako umuwi. But more importantly, No. 2, ni-recall ko muna lahat ng previous chapters para full yung emotions pagdating dito sa culmination ng lahat-lahat. I wanted to do that to give this finale some proper justice.

    Thank you, thank you, thank you for giving us this wonderful story! More power to you!

    Reply
  2. sean

    wow nice ng ending.it’s worth waiting for!..halatang pinagisipan ng husto an ending nd na minadali.hehe.medio napaixip lan aq nung nlaman q ung full nym n billy na william.parang malayo.hehe.bat ba q nangengealam eh un an trip nyang nickname ih..hahaha..but all in all.grabe.mamimiss q cla billy.dhil sinubaybayan q tlga tong story n to.. and i’m excited sa new story n irerelease mo..i’m sure magnda ih un..job well done author..tnx for giving us a chance to read ur story.nakakainspired and lessons learned.:)

    Reply
    1. Pinoy M2M Stories Post author

      Hahaha. I don’t know, parang may nabasa ako somewhere na William ang name tapos Billy ang nickname kaya ginamit ko rin. Haha. Salamat sa pagbabasa! And sana basahin mo rin yung next story. Mas complex yun at malalim ang story.

      Reply
  3. Raven

    GraBeh,
    hnd q napiGilang umiyak.
    Diz is realy is it.
    Nakaka’buhay ng puso.
    Nakaka’in l0ve.

    PRomise ko maGiGing f0lLOwer na aq ng auTH0r nito.

    A real talent.
    C0ngratUlation.

    Reply
          1. Pinoy M2M Stories Post author

            Malapit siya sa may park. Hmmm…Alam mo kung saan yung Maxicare building? Katabi lang yun🙂

  4. Ervan

    Kakagaling ko lang ng UP kanina, freshmen pa lang ako and nagpa-medical exam sa Health Center, then nakita ko yung Rodic’s sa loob ng katabing building and sobrang gulat ko na nandun lang pala yun :”>

    Reply
  5. Anonymous

    this is the nth time ive read this..really such a wonderful stories u have..hayzz..it’s nice to be inlove evryday.

    Reply
  6. Xander Belchez

    ang ganda ng twist ng ANG TAGAL MO GUMISING GUTOM NA KO then nag usap sila kala ko ung kwento sa part na ung naka pag move on na si billy at hahantong pa rin as bestfriend ung dalawa un pla humugot lng ng lakas ng loob hahaha nice nakaka dala at nakakaiyak ung ending tapos si xander at francis din pla ang magkatuluyan sa huli na childhood friend nya din hahaha … saya hndi ko na babasahin ung plus one kc nauna ko sya basahin sa lahat ng story kaya nakumbinsi ako na basahin ang pagkasunod sunod ng kwento ….. sequel pa more hahahah

    Reply
  7. boss_112712

    Sa Sobrang dami ko na yatang nabasa na m2m stories 1St time ko yata mag comment.,worth it lahat oras at puyat mabasa ko lang lahat mga gawa mo..daming connect sakin..hahahah! salamat sa matinding emosyon at pagpapaiyak sa akin..i am genuinely inspired and moved bu your stories😂😂😂

    Reply
  8. Cyan

    Ngayon ko lang nabasa tong story and wow ang galing. Speechless, sana ma experience ko rin to kaso its really imposibru kasi until now may fear pa rin ako na mag reveal ng true identity ko.

    Reply
  9. Anonymous.co

    Very good story. Pero namimiss ko pa rin yung kay jeff at bryan. Wala po bang true to life story dyan. Yung life nyo po? Hahahahaha..

    Reply
  10. Stork

    I’m not fan of reading stories like this but the moment I started to read After All (referred by a friend), it makes me feel wise from within. Now I must say I’m a fan of the author. Keep it up bro!

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s