Plus One: Chapter 1 (NEW STORY)


Ito na ang new story ko! Sa mga nakapagbasa ng After All, ito na ang pinakahihintay ninyong pagpapatuloy ng story ni Jeff!

Sana magustuhan ninyo.🙂 Susubukan kong magpost ng bagong chapter at least once a week.🙂

Enjoy, guys!

Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to real people and events are purely coincidental. Furthermore, unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this blog’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to PINOY M2M Stories with appropriate and specific direction to the original content. Thank you.

_________________________________________________

“I love you Mike. And I don’t care if you’re scared or shit. I love you and I will show it to you until I convince you that I am worth the risk.”

“Fuck it. I love you so much, Mike!”

“I love you, Mike. I love you,” mahinang wika ni Billy nang bigla itong mapaupo at umiyak.

“I love you.”

Dahil nakakagulo na sila sa mga ibang tao sa loob ng coffee shop ay nagpasya akong lapitan sila.

“Sir, if you don’t mind. Baka pwedeng sa labas na po kayo mag-usap dahil may nagrereklamo na pong ibang customers,” wika ko sa kanila.

Ako si Jeff, ang manager ng Chill coffee shop. Nag-umpisa ako rito bilang isang part-time na barista para makapagtapos ako ng pag-aaral.

Ilang minuto rin ang lumipas ay nakita kong naninigarilyo sa tapat ng shop ang lalaking humingi ng tawad sa akin kanina. Dahil sa kagustuhan kong malaman kung kamusta na ang mga kasama niyang nagtatalo kanina ay lumabas ako upang kausapin siya.

“Ah, sir, kamusta na po yung mga kasama nyo?” tanong ko rito.

“Ayun, sana ay nag-uusap na ng maayos,” tugon nito sa akin. “Pasensya ka na nga pala…” paghinto nito upang tingnan ang nakasulat sa nameplate ko. “Pasensya ka na, Jeff. Medyo magkaaway yung dalawa. Actually, best friends sila, pero tulad nga ng narinig mo at ng lahat ng tao sa loob ng shop, nagkagusto na yung isa,” kwento nito.

“Naku sir, okay lang po yun. May nagreklamo na lang kasing customer kaya napilitan po akong palabasin kayo. Kapag ganyang tungkol sa love, malaking gulo talaga,” tugon ko rito na tila may ibang pakahulugan.

Ngumiti naman ang lalaki sa aking tinuran. “Looks like you have your own story to tell,” wika nito.

“Don’t we all?” sagot ko naman sa kanya.

Nakita kong papalapit na ulit ang mga kasama niya kaya nagpasya akong pumasok na ulit sa shop.

“Pasensya na ulit, Jeff.”

“No problem, sir,” tugon ko naman.

Pabukas na ako ng pinto nang magsalita ulit siya.

“Christian. My name’s Christian,” wika nito na halatang kinakabahan.

Sinuklian ko naman siya ng ngiti. “Sige po, Sir Christian. You should come back some time, para masubukan ninyo yung iba pa naming products.”

Bago pa man mangyari ang kaguluhan kanina, nakita kong parang pinag-uusapan ako nina Sir Christian at nang isa pa niyang kasama. Hindi ko alam kung ano ang mga sinabi nila pero dahil dito, mas naging interesado ako sa kanya.

Ilang taon na rin pala akong nagtatrabaho sa Chill. Mayaman ang pamilya ko noon. Mayroon kaming sariling negosyo kaya hindi naging problema sa akin pera. Pero nagbago ang lahat ng iyon nang biglaang mamatay si Daddy. Dahil nga sa sobrang biglaan ang nangyari ay hindi siya nakapaghanda ng kanyang Last Will and Testament, dahilan upang makuha sa akin ng iba kong mga kamag-anak ang negosyo. Hinayaan ko na lang din dahil wala pa naman talaga akong alam sa pagpapatakbo nito at baka ako pa ang maging dahilan upang bumagsak ito.

Ngunit dahil dito ay kinailangan kong magtrabaho upang matustusan ko ang pag-aaral ko. Sports Science ang tinapos kong kurso pero dahil nagustuhan ko na rin ang naging trabaho ko sa Chill ay hindi na ako umalis dito. Mula sa pagiging barista ay umangat ang posisyon ko at ngayon nga ay isa na akong manager. Nasanay na rin ako sa simpleng pamumuhay pero aaminin ko rin na may mga panahong napapaisip ako. Paano kaya kung nasa akin ang kumpanya? Hindi kaya ako mamumroblema sa pera?

Pagdating naman sa pag-ibig, medyo nag lie-low muna ako diyan. Huli akong nagkaroon ng seryosong relasyon noong nasa college pa ako. Pero kasalanan ko rin naman kung bakit nasira iyon. Naging maloko kasi talaga ako at kinailangan pang iwan ako ng taong pinakamamahal ko para ma-realize ko iyon. Pero huli na ang lahat nang magbago ako dahil wala na siya.

Kahit wala siya sa mga priority ko, naiisip ko pa rin naman kung ano kaya ang pakiramdam nang may nagmamahal sa akin ngayon. Siguro ay mas magiging maayos ang takbo ng buhay ko dahil mayroon akong karamay.

***

“Good morning. Can I have one tall macchiato with extra milk to go, please,” wika ng customer na tila nagmamadali dahil tuluy-tuloy sa pagsasalita. Ni hindi siya tumitingin sa cashier dahil masyadong busy sa cellphone niya.

“Got it, Sir Christian,” wika ko.

Nang marinig niya ang panglan niya ay tsaka lang siya tumango upang tingnan kung sino ang cashier na nakakaalam ng pangalan niya.

“I’m sorry. May aberya lang sa office kaya aligaga ako,” paghingi nito ng paumanhin.

“No worries, sir,” sagot ko naman.

Mag-aabot na sana siya nang bayad ng pigilan ko ito. “This one’s on the house, sir. Para medyo gumanda naman ang mood nyo,” wika ko.

Isang malaking ngiti ang ibinigay niya sa akin. “Are you sure?”

Tumango ako bilang pagsagot.

“Yup,” tugon ko na may kasama ring ngiti.

Nakangiti pa rin siya habang nakatitig sa akin. Ilang segundo rin kaming nagkatitigan. Naputol lamang ito nang umubo na ng bahagya ang babaeng nasa likod ni Sir Christian. Medyo mahaba na pala ang pila.

“I’m sorry,” wika nito sa babae sabay umalis sa pila.

Nang makuha na niya ang kanyang inumin ay tumango lang ito sa akin sabay naglakad ng mabilis papalabas ng shop.

“Huy! Sino ‘yun?” tanong ni Claire. Isa siya sa mga naging kaibigan ko na dito sa shop. At siya lang ang kaisa-isang tao sa shop na may alam nang tungkol sa akin. Barista pa ako nang nagtrabaho siya sa Chill.

“Alin?” pagmamaang-maangan ko.

“Tigilan mo ako Jeff. Alam ko ‘yang ngiti mo,” pang-aasar nito habang abala sa paggawa ng kape. Ako naman ay nahihiya dahil naririnig nang mga customers sa cashier ang pinag-uusapan natin.

Hindi ko naman itatanggi na interesado ako kay Christian. Hindi lang dahil may itsura siya. Mali, hindi lang dahil sa gwapo siya. Pero dahil parang may kung ano sa mga mata niya ang humahatak sa atensyon ko.

Tila hindi na makatiis ay nilapitan na ako ni Claire at binulungan, “ito na ba ang simula ng muling pagtibok ng puso ng pinakagwapong coffee shop manager na si Jeff Santos?”

Ito na nga ba? Ewan ko! Pangalan pa nga lang ang alam ko sa kanya!

16 thoughts on “Plus One: Chapter 1 (NEW STORY)

  1. Edmond

    Yey, bagong aabangan! =D

    Good to see plots from After All and Not Over You incorporated in this story. I wonder though if Bryan and Mike will make their appearance here as well. Pero overall, it was a nice start.

    Reply
    1. Pinoy M2M Stories Post author

      Abangan ang mga susunod na kabanata! Hehe. I hope you will still enjoy this story dahil mas serious yung issues na itatackle ko dito.

      Reply
  2. Pi Over Two

    I love the grand scheme of things. Very well thought out! *thumbs up*

    At excited na naman ako kasi nai-imagine ko na uli si imaginary crush Jeff. Haaay…😀

    Reply
    1. Pinoy M2M Stories Post author

      Naku, medyo may mga pagbabagong mangyayari sa crush mong si Jeff from After All. I do hope na magustuhan mo pa rin siya. Hehe

      Reply
        1. Pinoy M2M Stories Post author

          Haha. I’ve already written Chapter 4 of this story. Although may ieedit akong mga parts. What can you say about the storyline na may involved na anak?

          Reply
  3. oskiegee

    You should write a book! I’ve read all your stories and I can’t help but smile and gush all through out! Kilig!

    This is a great subplot from Not Over You.

    Can’t wait for the next installment!

    Reply
    1. Pinoy M2M Stories Post author

      Thank you so much! Sobrang nakakaflatter naman yang comment mo. Kapag may lakas na ako ng loob, who knows, baka magkaroon nga ako ng libro. Hehe🙂

      Reply
  4. Anonymous

    hay…the fist time ive read the AFTER ALL sobrang nagustuhan ko siya and now i’ve found out na may continuation pla ang story thats why im so exited! to finish the story ng isang upuan…ayoko mabitin..

    hope the SOONEST MAKAKAKITA NAKO NG BOOKS MO SA NATIONAL BOOK STORE,FULLY BOOK AND OTHER ESTABLISHMENTS..

    …can i print out a copy of this and after all..?of course with your name as an authos of this story..
    and copy rights of this site..

    Reply
  5. Pi Over Two

    After losing track of what I was reading many months ago, nandito ulit ako to finish reading the story. The feels are all coming back to me. Haha.

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s