Plus One: Chapter 2


Hello, guys! Kamusta kayong lahat? Busy ba sa mga buhay-buhay?

Gusto ko lang mag-hi sa mga ever loyal kong readers na sina Edmond at Pi Over Two! Hello din kina Docomo at Oskiegee!

Ang saya ko habang sinusulat ko tong chapter na ‘to dahil ang sarap paglaruan ng characters nina Jeff at Christian. Sana ma-enjoy nyo rin.🙂

Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to real people and events are purely coincidental. Furthermore, unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this blog’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to PINOY M2M Stories with appropriate and specific direction to the original content. Thank you.

_________________________________________________

Marami kaming customers sa coffee shop ngayon kaya naman sobrang naging abala rin ako sa pag-aasikaso sa mga ito.
Mag-gagabi na nang medyo kumonti ang tao sa coffee shop. Noon lang din kami medyo nakapagpahinga ng mga crew kaya naman hinayaan ko na lang yung iba na mag-usap muna sa loob ng stock room dahil wala rin naman masyadong gagawin.

Hanggang alas-otso lang ng gabi ang shift ko pero malapit nang mag-alas-nuebe ay hindi pa rin dumadating ang papalit sa aking manager kaya hindi pa ako makaalis ng Chill.

Nakatambay lang ako sa may counter nang makita kong pumasok ng shop si Sir Christian.

“Good evening, sir. What can I have for you?” tanong ko rito.

“Teka, akala ko ikaw ang manager? Bakit parang laging ikaw ang nasa cash register?” nagtataka nitong tanong sa akin.

Lagot na. Hindi ko rin naman alam kung bakit gusto kong ako ang kumuha ng order niya. Oo nga’t attracted ako sa kanya pero parang masyadong naman itong obvious.

“Ah…eh…” ang natigilan kong sagot sa kanya. “Pinagpapahinga ko muna ‘yung mga crew ko dahil sobrang daming tao kanina. Tsaka ako na rin naman yung nandito sa counter.” Whew! Buti na lang at nakaisip ako ng palusot.

“Your staff must really like. Bihira lang yung mga manager na ganyan kabait sa mga staff nila,” papuri sa akin ni Sir Christian na sinuklian ko naman ng isang ngiti. “Anyway, I’ll have one tall macchiato with extra milk.”

“To go?” tanong ko rito.

“Nope. For here, hindi naman na ako nagmamadali,” tugon nito.

“I’ll take it that this is your usual drink?” balik na tanong ko rito.

“Haha. Yes. So next time na makita mo akong nagmamadali ulit, alam mo na kung anong oorderin ko,” natatawa nitong tugon.

Tila nakaramdam sa mga nangyayari, lumabas si Claire mula sa stock room at nagprisintang siya na ang gagawa ng order ni Sir Christian.

“Lalagyan ko na ba ng gayuma?” bulong sa akin ni Claire.

“Baliw! Tigilan mo nga ako Clarissa,” sagot ko rito.

Nakita kong nakatingin si Claire kay Sir Christian kaya napabaling rin ako rito. Nakita kong nakaupo na ito at nakatingin sa akin na dahilan upang mamula ako.

“Ay mukhang hindi na kailangan ng gayuma. Wala na pala akong silbi rito,” ang pang-aasar na wika ni Claire sabay lakad papasok muli ng stock room.

“Huy!” ang pagtawag ko rito. Hindi naman nakalampas kay Sir Christian ang mga pangyayari dahil nakita kong natatawa ito habang nakatingin sa akin. Naku, sana hindi niya narinig ang mga pinagsasabi ni Claire.

“One tall macchiato for Sir Christian!” ang sigar ko matapos kong gawin ang order niya. Nakangiti pa rin ito habang lumalapit sa claiming counter.

“Until what time yung shift mo?” tanong nito sa akin.

“Ahhh, actually kanina pang eight o’clock tapos yung shift ko pero hindi pa kasi dumadating yung kapalit ko kaya hindi pa ako makaalis,” ang nahihiya kong tugon rito na sakto namang dating ng kapalit ko na si Apollo.

“Sorry bro, ang traffic sa amin, eh,” paumanhin sa akin ni Apollo, or Polo para sa aming mga katrabaho niya sa Chill.

“Okay lang,” sagot ko rito.

“Ayan, nandyan na yung kapalit mo,” wika ni Sir Christian na hindi pinutol ang sasabihin. Nahalata kong parang nag-aalangan siyang ituloy ang sasabihin kaya binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin. “Maybe you can join me habang inuubos ko ‘tong order ko.”

“I mean, that is if okay lang sa ‘yo. But if you need to leave or have to go somewhere else, I understand. It’s just that medyo boring kapag walang kasamang uminom ng kape,” ang tuluy-tuloy nitong sabi.

Medyo natawa ako dahil sobrang obvious rito na kinakabahan siya. Nakita ko rin na medyo namula siya sa ginawa niya.

Dahil wala rin naman akong lakad sa gabing iyon at talagang interesado akong makilala si Sir Christian ay pumayag ako sa alok niya. “Sige, kunin ko lang yung gamit ko sa loob, Sir.”

Nang makaupo na ako sa table niya ay nakita kong parang nahihiya pa rin ito sa akin.

“Uhm, do you want anything to drink? My treat,” alok nito.

“Naku, sir, huwag na. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos na gumagawa kami ng kape, medyo nagsawa na ako sa kanya at amoy pa lang yun ah,” ang natatawa kong sabi sa kanya na ikinatawa rin naman niya.

“Sabagay. Nga pala. I’m sorry if I looked silly kanina. First time ko kasing gawin yun,” aniya patungkol sa ginawa niyang pag-aya sa akin.

“Okay lang po, sir. Medyo nakakatawa nga lang kayo dahil halatang nahihiya kayo. Pero now I understand, first time nyo pala,” tugon ko.

“No! What I mean is, first time in a long time,” pagkontra nito sa sinabi ko.

“Ahhhh…okay,” wika ko.

Medyo natahimik kami matapos nun. Marahil ay pareho pa kaming naiilang sa isa’t isa. Bago kasi ang tagpong ito ay hindi naman talaga kami magkakilala. Unang beses ko lang siyang nakita noong nandito sila ng mga kaibigan niya at nagkaroon ng eskandalo isang linggo na ang nakakaraan.

“Gaano ka na katagal dito sa coffee shop?” pagbasag ni Sir Christian sa katahimikan.

“Mga five years na rin siguro. Nag-aaral pa po kasi ako nun nung mag-umpisa ako rito bilang barista. Nung nakagraduate na ako, hindi na ako umalis dito dahil napalapit na rin ako sa mga tao rito at na-e-enjoy ko naman yung trabaho ko,” tugon ko rito.

“Ah. Ano bang tinapos mo?” pag-usisi niya.

“Sports science sa UP Diliman. Medyo mahirap ding makahanap ng trabaho sa course na yun kaya okay na rin ako rito,” tugon ko.

“Ah talaga? Sa UP Diliman din ako nag-graduate, eh, Mass Communication. Anong year ka grumaduate?” tanong nito sa akin.

“2008, ikaw?” interesado kong tanong.

“2006. Medyo nahuli nga ako sa mga batchmates ko dahil medyo nagkaproblema,” wika nito.

Naputol ang usapan namin nang magpaalam sa akin ang ibang barista ng Chill na uuwi na dahil tapos na ang shift nila.

“Where do you want to have dinner?” tanong sa akin ni Sir Christian.

Medyo nagulat ako sa tanong niya kaya hindi ako agad nakasagot. Tila nag-alala naman siya sa naging reaksyon ko.

“I’m sorry. I may have taken this too far. I just thought that…”

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya dahil tila nabasa ko kung ano ang gusto niyang sabihin. “Hindi naman po ako papayag sa invitation nyo kanina, sir, if I were straight,” nakangiti kong wika rito.

Mukhang siya naman ang nagulat sa sinabi ko.

Magmula kasi ng mamatay si Daddy ay wala na akong rason para itago pa kung ano talaga ako. Pero hindi ko rin naman nakaugalian na ipaalam sa buong mundo kung ano ako. Kapag may nagtanong, aaminin ko.

Matapos niyang magulat ay medyo natawa naman siya. “Ganun ba ako ka-obvious?”

“Hindi naman po. Pero last week nung kasama nyo yung kaibigan nyo ay nakita ko po kayong tumitingin sa akin. And then nalaman ko pa kung bakit sila nagkagulo rito. I sort of made my own conclusion,” paliwanag ko.

“Naku, nakakahiya naman pala sa’yo,” tugon nito.

“Naku, sir. Wala lang po ‘yun. Okay nga po dahil at least may bago akong nakilalang kaibigan,” wika ko rito. Ayoko pang ipaalam sa kanya na mas nauna pa akong naging interesado sa kanya.

Nginitian niya ako at tinanong, “So, sige, lulubus-lubusin ko na tong kapal ng mukha ko. Where do you want to have dinner nga?”

Dahil gusto ko pa siyang makilala ng lubusan ay hindi na ako nagdalawang-isip na hindi paunlakan ang paanyaya niya. Hindi ako yung tipo ng tao na basta sasama sa kung sino lang sa una naming pagkikita. Marami na rin naman ang sumubok na ayain akong lumabas kahit unang beses pa lang nila akong makita sa coffee shop. Pero may iba kay Sir Christian. Ang bilis gumaan ng loob ko sa kanya. Marahil dahil nakita ko kung gaano siya kabuting kaibigan noong nagkagulo sa Chill.

“Kahit saan na lang po, sir. Kayo na po ang bahala.”

“Sige, pero I have one condition,” aniya.

“Ano po ‘yun?”

“Stop calling me ‘sir’ and stop using ‘po’ and ‘opo.’ Game?” wika nito.

Kahit nahihiya ay sumang-ayon na rin ako.

Naglakad kami papunta sa sasakyan niya. May kaya talaga si Sir–este Christian dahil ang ganda ng sasakyan niya.

Pagpasok namin sa loob ay tumunog ang kanyang telepono. Sinagot niya ito habang ako ay tahimik lamang na nakaupo.

“Hey, Max! How are you? I maybe going home late, okay? Have you eaten? Okay. Sige. I miss you. I love you!” wika ni Christian sa telepono.

Naguluhan ako sa mga narinig ko. Bakit siya makikipagkilala sa akin at bakit niya ako aayain kumain sa labas kung meron na pala siyang kasintahan? Parang gusto ko nang umatras dito habang maaga pa. Ayoko ng gulo at mas lalong ayokong makasira ng relasyon.

Tila nabasa ni Christian ang iniisip ko dahil humarap ito sa akin at huminga ng malalim.

“Jeff, there’s something you need to know,” panimula nito.

“Christian…Sir, ayoko po ng gulo. Uuwi na lang ako,” ang paalam ko rito. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng sasakyan niya ngunit pinigilan niya ako.

“Wait! Max is not my boyfriend,” patuloy nito.

“Well, you sounded like you were talking to your boyfriend,” sagot ko rito.

“Max is my son.”

7 thoughts on “Plus One: Chapter 2

  1. Edmond

    Salamat din nang marami Billie for finding time to share your stories to us! =)

    Anyway, now I feel sorry in advance for Jeff, knowing na yung love interest niya eh medyo “complicated” din ang background. (Not to mention yung comment mo dun sa previous chapter.) Yes, he may be an asshole back in After All for letting someone like Mike go, pero on the other hand I want him to find his happiness.

    Reply
    1. Pinoy M2M Stories Post author

      Haha. Another complicated character na naman pala si Christian. Bakit ang hilig ko sa complicated characters? Haha. Anyway. Gusto ko na rin sumaya si Jeff! Bakit ba ayaw ko pa siya pasayahin? LOL

      Reply
      1. Pi Over Two

        Complicated characters are good! Character development makes for good writing, di ba? I think what made “After All” a more effective story to me, compared to “Not Over You”, was that it had more drama and there was more characterization. All this to say again that I love your complicated characters.😀

        Reply
        1. Pinoy M2M Stories Post author

          Hahaha. That’s exactly what I avoided sa Not Over You, yung sobrang drama, yung teleserye storyline. LOL. May point ka sa characterization. SA Not Over You kasi, yung mga characters are fully aware na of who they are. Parang before the story, nagmature na sila and all kaya nung sa mismong storyline na, wala na masyadong character development.😛

          Reply
          1. Pi Over Two

            I guess you’re right doon sa maturity ng characters sa Not Over You.
            And pwede rin natin i-credit yung drama ng pre-cursor ng Not Over You na Tulad ng Dati to say na sa N.O.Y. we’re past the too drama-ish part.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s