Plus One: Chapter 3


Kamusta kayong lahat? Ito na agad ang Chapter 3! Ang bilis, ‘no? Haha

Actually, naisulat ko na ang Chapter 6 ng Plus One kaya expect na mas mabilis kong mauupdate itong blog so sana prepared kayong magbasa. Haha

Have fun!

Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to real people and events are purely coincidental. Furthermore, unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this blog’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to PINOY M2M Stories with appropriate and specific direction to the original content. Thank you.

_________________________________________________

Ang sarap ng mga inorder na pagkain ni Christian. Sa isang tagong restaurant malapit sa Chill kami pumunta para magdinner. Nakakatuwa na may mga ganito palang mga kainan sa isang business district na parang puro mamahalin ang pagkain. Dito, masarap pero mura yung mga pagkain.

Kanina lang sa sasakyan ay may nalaman ako tungkol kay Christian na talaga namang nakakagulat. Ito pa lang ang unang beses na talagang nagkausap kami ng maayos at sa maikling panahong iyon ay ang dami ko nang nalaman tungkol sa kanya.

“Ilang taon na ‘yung anak mo?” tanong ko rito habang kumakain kami.

“He’s just turned eight last month,” tugon nito.

“Wow, ang laki na pala. Buti ang sweet nyo sa isa’t isa,” wika ko.

“Well, kaming dalawa na lang kasi ang magkasama,” sagot naman niya.

“Asan ang mommy niya?” Hindi ko mapigilang hindi maging mas interesado kay Christian nung malaman kong may anak siya.

“She left us a few months after she gave birth to Max. Marami pa raw siyang pangarap sa buhay. Kaya rin late ako naka-graduate dahil kinailangan ko munang magtrabaho ng one year para mapunan ko yung mga kailangan ni Max,” paliwanag niya.

“Wow. Asan na yung mommy ngayon? Wala na talaga kayong communication?” pag-usisa ko pa.

“Meron pa rin naman. Nasa States siya ngayon. Nagpapadala siya ng money every month pandagdag sa panggastos kay Max. Pero never pa niya nakikita yung bata,” sagot nito.

“Buti hindi hinahanap ni Max yung mommy niya.”

“Hinahanap din siyempre. Pero naipaliwanag ko naman na sa kanya noon pa na his mommy and daddy are not together anymore pero we will always be there for him kapag kailangan niya kami. Ang swerte ko nga sa anak ko dahil sobrang bait and understanding.”

Nakakatuwang pagmasdan si Christian habang nagkukwento tungkol sa anak niya. Halatang mahal na mahal niya ito at sobrang proud siya sa anak niya.

“If you don’t mind me asking, does Max know about you being…?” nahiya akong tapusin ang tanong ko dahil baka ma-offend ko siya.

Tila naging defensive naman si Christian. Tama nga ang kutob ko na hindi pa alam ni Max ang tungkol sa daddy niya. “I just don’t see the need to tell him now. Of course, in the future alam kong malalaman din niya. Natatakot lang ako na layuan ako ng anak ko,” aniya.

“I understand.”

“Enough about me. Magkwento ka naman ng tungkol sa family mo,” pag-iiba ni Christian ng usapan. Mabuti na lang at hindi siya na-offend sa huli kong tanong.

“Well, wala na akong parents. My mom died of cancer nung college ako. Then my dad also passed away even before I graduated college. Ang kasama ko na lang sa bahay ngayon ay yung mga kamag-anak ko who also used to work for us. Hindi nila ako hinayaan na maiwang mag-isa. Sila na ang pamilya ko ngayon,” mahaba ko paliwanag sa kanya.

“I’m so sorry to hear that,” ang mahinang tugon ni Christian.

“I’m okay now. Medyo matagal na rin naman silang wala kaya nakapag-adjust na ako. I do miss them a lot, though. Kahit si daddy na hindi never natanggap ang preference ko,” wika ko.

Matapos kumain ay hinatid na ako ni Christian sa bahay. Medyo nagulat pa nga siya nang pumasok kami sa Forbes Park sa Makati. Matagal na kasing nabili nina daddy ang bahay namin doon. Iyon na lang ang naiwan sa akin nang mawala sila ni mommy dahil nailipat na pala nila ni mommy sa pangalan ko ang titulo ng bahay at lupa nung bata pa lang ako.

“Wow, dito ka pala nakatira. Parang hindi bagay na sa coffee shop ka nagtatrabaho,” kumento ni Christian.

“Ano ka ba. I just got the house from my parents. Hindi ko rin naman kayang mabayaran ‘to kung ako lang. Sabi ko nga sa’yo kanina, I had to work hard para lang makatapos ako ng college dahil walang naiwan sina daddy na kahit magkano sa akin except for our house here,” tugon ko sa kanya.

Nang makarating na kami sa tapat ng bahay namin ay mas lalo pa siyang humanga. Kahit sino nga naman kasi ang makakakita nito ay talagang mamamangha sa ganda at laki ng bahay. Pero para sa akin, isa ito sa pinakamalungkot na lugar sa mundo dahil hindi ko na kasama rito ang mga magulang ko.

“Thank you for having dinner with me. Akala ko talaga nung una ay hindi ka papayag. Buti na lang maswerte ako ngayon,” ani Christian.

“I also had a great time. And it was a great decision to have dinner with you. At least hindi ko kailangang umuwi agad sa malungkot na bahay na ‘to,” tugon ko naman.

“I hope we can do this again,” aniya.

“Oo naman. Daan ka lang sa Chill,” sagot ko.

Hinintay muna ako ni Christian na makapasok ng gate namin bago siya tuluyang umalis. Nakangiti akong pumasok nang bahay dahil hindi ko maitatangging naging masaya ang gabi ko dahil kay Christian.

Hindi ko alam kung may patutunguhan ba ‘to pero masaya na ako na may nakilala akong bagong tao sa buhay ko.

“Naku, iho, mukhang masaya ka ah,” bati sa akin ni Manang Sonya. Malayong pinsan siya ni mommy. Siya na ang nag-alaga sa akin mula pagkabata at kahit na nawala na si mommy ay hindi niya ako iniwan.

Ngumiti lang ako sa kanya at umakyat na sa aking kwarto.

Bago tuluyang matulog ay kinuha ko muna ang shoe box sa ilalim ng aking kama. Nakagawian ko na ito mula nang mawala si mommy. Sinusulatan ko siya tuwin may gusto akong ikwento sa kanya o kung kailangan kong ilabas ang nilalaman ng puso ko.

Hi Mommy,

Medyo late ako nakauwi ngayon dahil may nakilala ako sa coffee shop. Christian ang name niya. Mabait siya and masarap kasama. I don’t want to think anything about it pero aaminin ko sa’yo, oo sa’yo ko pa lang ‘to sasabihin, na I like him kahit ngayon lang kami nagkausap. Pwede ba ‘yun mommy? Parang ang bilis gumaan ng loob ko sa kanya. I hope we get to know each other better.

Nga pala, mommy, he has a son named Max. Sana mameet ko rin siya one day.

I love you so much. I miss you.

***

“Spill,” ang banat sa akin ni Claire pagkapasok ko sa coffee shop.

“Ano?” nalilito kong tanong rito.

“Huwag ka na magmaang-maangan Manager Jeffrey Santos. Nakita ka naming umalis kagabi kasama yung gwapong customer. Saan kayo nagpunta? Anong ginawa nyo? Nakailang rounds kayo?” sunud-sunod na tanong ni Claire.

“Wow. Tinawag mo pa akong ‘manager’ sa lagay na yan ha. Tsaka ano ba yang pinagsasasabi mo. He just invited me to dinner and then hinatid niya ako pauwi. Yun lang,” pagtatanggol ko sa sarili.

“So, sa kotse nyo ginawa?” pang-aasar ni Claire. Nakakainis kahit kailan itong babaeng ito. Masasabi kong siya ang best friend ko pero kung minsan nagdadalawang-isip ako dahil madalas ito pa ang nagpapahiya sa akin. Tulad na lang ngayon. Pati yung ibang staff ay nakikinig na sa amin. Mabuti na lang at wala pang customers.

“Tigil-tigilan mo nga ako. Walang nangyari sa amin,” sagot ko. Mukhang babanat pa siya kaya inunahan ko na, “Sige humirit ka pa at magiging last day mo na dito ngayon.”

“Ito na nga, titigil na. Interesado lang naman akong malaman kung ano nangyari kagabi,” ani Claire. “Sa totoo lang friend, if ever mag-progress ‘yan into something romantic, matutuwa ako for you. Para naman sumaya-saya ka na ulit.”

“Kaya lang naman ako hindi masaya kasi hindi ka pa mawala sa mundo ko,” pang-aasar ko rito. Wala ako masyadong kaibigan. Kahit noong college ay wala akong malapit na kaibigan. Kaya lang naman kami naging malapit nito ni Claire dahil sobrang kulit nung bago pa lang siya rito. Tsaka bukod naman kasi sa ugali niyang kanto paminsan-minsan ay mabait naman siya. Hindi ko lang iyon sinasabi sa kanya dahil tiyak lalaki ang uli nito.

“I love you, too, friend,” balik nito sa akin.

Pumasok ako sa stock room para umpisahang magtrabaho nang tawagin ako ng isa sa mga barista na nakatoka sa cash register dahil may naghahanap daw sa akin. Paglabas ko ay nakita ko si Christian na posturang postura at nakangiti sa akin.

Ang gwapo niya sa suot niyang long sleeves na polo at slacks. Hindi mo maikakailang matikas ang pangangatawan niya.

“Good morning, Sir Christian, what can I do for you?” bati ko rito.

“Good morning, Jeff. We’re going to have an event and I was wondering if you will be able to supply the coffee for the event,” nakangiti nitong tanong sa akin.

“Yes, sir, you just need to give us the exact number you will purchase as well as the date, time and venue of the event,” tugon ko naman rito nang nakangiti rin.

“Sige, hindi pa final yung date, eh. Can I just have your business card para I can contact you once ma-finalize na namin yung details?”

Akala siguro ng isang ‘to ay hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya. Pero sige, sinakyan ko na lang ang trip niya. Sa loob loob ko ay nakakatuwa dahil parang nag-e-effort siya makipag-communicate sa akin.

Pagkaabot ko ng business card ko sa kanya ay sinabi na niya ang order niya, “The usual.”

Nalito naman ang cashier dahil hindi naman niya alam kung ano ang usual order nito. Nakita ito ni Christian kaya sinabihan niya ang cashier na hindi pa rin nawawala ang ngiti, “Jeff knows my usual order.”

Nilingon naman ako ng cashier para malaman kung ano ang i-pupunch niya. “One tall macchiato with extra milk for Sir Christian,” wika ko.

Nakita kong nakangiti si Claire habang nagpupunas ng mga tables dahil sa napapanood niya. Lagot na naman ako nito mamaya.

Tulad ng mga nagdaang araw ay marami na naman kaming customers. Swerte kami na pinupuntahan kami ng mga tao kahit nagkalat dito ang mga sikat na coffee shops. Dahil na rin siguro sa mga kakaiba naming drink combinations. Isa sa mga pinakasikat ay ang nilikha kong “Caffe Groove.” Minsan kasing hindi kami abala sa shop noong barista pa ako ay napagkatuwaan naming gumawa ng sarili naming mix ng drinks. Nagustuhan ng may-ari ang ginawa ako at nagpasya siyang isama ito sa menu namin.

Malapit nang mag-alas dose ng tanghali ng makatanggap ako ng tawag. Hindi nakarehistro ang numero sa telepono ko kaya nagtaka ako kung sino ito.

“Hey, Jeff,” wika ng lalaki sa kabilang linya.

“Uhm, who’s this?” tanong ko rito.

“Oh sorry, hindi mo nga pala alam number ko. This is Christian,” tugon naman nito.

“Oh, bakit ka napatawag?”

“I was just wondering if you want to have lunch with me?”

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil tama nga ang hula ko.

“So, I’m guessing wala talagang event na mangyayari?” tanong ko rito.

Narinig kong natawa ng bahagya si Christian sa kabilang linya. “You got me there. Nakalimutan ko kasing hingin yung number mo kagabi and nahiya naman ako na basta na lang hingin sa’yo ‘yun kanina kaya nag-isip ako ng kwento. Sorry,” wika nita.

“Okay lang. Medyo hindi lang kasi ikaw ang unang gumawa nun,” kwento ko rito.

“So I’m guessing hindi lang coffee ninyo ang mabenta diyan,” wika naman nita.

“Malay ko,” pagmamaang-maangan ko.

“Sus, pa-humble. So, are you free for lunch?” tanong muli nito.

“I’m sorry, ang daming tao ngayon, eh. Mukhang mamaya pa ako mababakante,” nahihiyang kong pagtanggi rito.

“Oh, okay. See you later, then?”

“Okay,” tugon ko rito.

Naging abala muli ako sa pag-aasikaso sa coffee shop nang makita ko si Christian sa labas ng shop na kumakaway sa akin.

Paglabas ko ay tinanong ko ito kung ano ang ginagawa roon.

“I’m sorry. Gusto ko lang talaga ng kasama maglunch,” wika nito na sinamahan pa niya ng nagmamakaawang mga mata.

“I’m sorry marami talagang customers, eh,” wiko ko naman.

“Pansin ko nga, eh. I guess, kakain ako mag-isa,” tugon naman nito.

“Sumama ka na Sir Jeff. Kaya na namin ‘to,” sigaw ni Claire mula sa pintuan ng shop. Kahit kailan ‘tong babaeng ‘to ang lakas mangialam.

Bigla namang nagliwanag ang mga mata ni Christian sa narinig at dagling nilapitan si Clair upang magpasalamat.

“Let’s go?” aya nito sa akin.

“May choice pa ba ako?” tanong ko rito.

“Wala na,” nakangiti nitong tugon.

12 thoughts on “Plus One: Chapter 3

  1. Edmond

    Para-paraan lang talaga Christian! At si Jeff naman, pa-easy to get. LOL

    Para mas complicated pa ang story na ‘to, bigyan na ng cameo appearance sina Papi Billy at Mike. Pati na rin yung ibang characters sa After All. Grand reunion to the max na ‘to, hahahahaha!

    =)

    Reply
  2. Pi Over Two

    One of the plot elements na sobrang na-antig ako sa After All ay yung letters ni Jeff sa Mom niya. It’s so nice to see it here again. Ang nostalgiic lang.

    Reply
  3. Twink Reader

    Hays… Kahit anong talagang mangyari, hindi ko pa din makalimutan yung ginawa ni Jeff kay Bryan! Opo, alam kong kwento lang ito. Pero masakit talaga eh, tapos nandito yung pagsulat niya ng letter sa Mom niya, ginawa niya rin yan kay Bryan eh! Huhuhu! Pero saan napunta? Sa wala! Tapos nandito din si Manang! Oo, si Manang! Tinulungan niya kaya pagtakpan si Jeff! Huhubells! Hays… Pasensya na author affected pa rin ako sa After All eh..😥

    Pero bilib po ako sa may mo ng pagsulat ng kwento, bihira ako makabasa ng M2M story na maganda ang flow at pagkakagawa. More stories pa po sana.. Salamat sa pagseshare ng stories mo..❤

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s