Plus One: Chapter 4


Hello, guys!

Here’s the next Chapter of Plus One! I hope you enjoy this! TGIF!🙂

Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to real people and events are purely coincidental. Furthermore, unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this blog’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to PINOY M2M Stories with appropriate and specific direction to the original content. Thank you.

_________________________________________________

Mag-iisang buwan na rin mula nang makilala ko si Christian at halos araw-araw niya akong pinupuntahan sa coffee shop para ayaing mag-lunch o ‘di kaya ay dinner kapag hindi ako makaalis sa Chill ng tanghali.

Masasabi kong mas lumalalim na ang samahan namin ni Christian. Napakadaling pakisamahan nito dahil ang bait niya at madaldal. Walang dull moment kapag siya ang kasama mo. Mas nakikilala na rin namin ang isa’t isa at hindi ko itatangging nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Alam kong priority niya ang anak niya pero imbes na mangamba ay mas lalo ko lang siyang hinangaan dahil dito.

“You should meet Max one of these days,” sabi ni Christian habang nakatambay kami sa Chill pagkatapos ng shift ko.

“I would love that,” tugon ko naman.

“Hindi ba day off mo bukas?”

“Yup.”

“May lakad ka?” tanong nito sa akin.

“Wala naman. Bakit?”

“Why don’t you go to our house para ma-meet mo na si Max,” anyaya nito.

“Pero, Christian, what will you tell him kapag nagtanong siya kung sino ako?” nag-aalala kong tanong rito. Ni minsanStop it. Mas mayaman ka kaya sa akin,” wika ko naman.
ay hindi pa namin napag-usapan ang tungkol dito. Ine-enjoy lang namin ang company kapag magkasama kami.

“Well, I’ll tell him na you’re my friend,” sagot nito. “I’m sure he’ll like you.”

Kinabukasan nga ay sinundo ako ni Christian sa bahay para makilala ko na si Max. Sa totoo lang, bukod sa excitement ay kinakabahan ako na makilala ang bata. Baka kasi mahalata nito na nagkakagusto na ako sa daddy niya. Tsaka baka hindi niya ako magustuhan bilang kaibigan ng daddy niya.

“Alam mo, nakakahiya pa ring pumasok rito sa village nyo,” ani Christian pagpasok ko sa kotse niya.


“Hindi naman ako nakatira sa Forbes Park,” balik na asar ni Christian. Ganito lang kami hanggang sa makarating kami sa bahay nila sa Quezon City. Panay ang asaran namin at tawanan.

Maganda rin ang bahay nila. Hindi kalakihan pero sakto lang para sa dalawang tao.

Pagbukas ni Christian ng pintuan ay biglang tumakbo papayakap sa kanya si Max.

“Where is he, daddy?” tanong ng bata kay Christian. Mukhang naikwento na niya na may bisita sila.

“Well, Max, I want you to meet Tito Jeff. He is daddy very good friend,” ani Christian. “Go say hello to him, Max,” patuloy nito.

Kumalas naman sa pagkakayakap kay Christian ang bata at dahan-dahang lumapit sa akin at iniabot ang kanyang kamay.

“Hello po Tito Jeff. My name is Max Santos,” wika ng bata na halata kong nahihiya pa sa akin.

Hindi ko naman mapigilan na matuwa kay Max dahil ang bait nito at hindi maikakailang nagmana ito kay Christian pagdating sa itsura.

“Hello, Max. It’s very nice to meet you and what a lovely home you have,” pagbati ko rin dito habang nakikipagkamay.

Ang linis at ang ayos ng bahay nina Christian. Alam kong wala silang katulong kaya nabilib ako dahil sa galing mag-maintain ng bahay ni Christian.

“Feel at home, Jeff, i-rereheat ko lang yung niluto ko para makakain na tayo ng breakfast,” ani Christian. Naiwan kami ni Max nasa living area.

“How old are you, Max?” tanong ko sa bata.

“Eight years old,” bibo naman nitong sagot. Kahit na eight years old na ito ay parang baby pa rin ito kung kumilos. Marahil ay sobrang alaga ito ni Christian.

Tumayo si Max at may kinuha sa may CD rack nila.

“Tito Jeff, do you know how to dance?” tanong nito sa akin.

“Yup. Why, Max?”

“Can we play this?” tanong ng bata at iniabot sa akin ang isang dance video game.

“Sure!” nakangiti kong tugon dito.

Biglang lumaki ang ngiti sa mga labi ni Max ng marinig niya ito. Dali-dali niyang binuksan ang TV at inayos ang game console.

“I always play alone because daddy doesn’t know how to dance,” kwento ni Max habang abala sa pag-aayos ng game console.

Nang makapili na siya ng kanta ay hinila na niya ako patayo.

“You just have to follow the steps on the screen. The player who has the higher score wins,” paliwanag ni Max.

Nang magsimula na ang laro ay nagsayaw na kami ni Max. Namiss ko rin ang magsayaw. Captain ako ng street dance club sa UP Diliman noong nasa college pa ako. Sa katunayan, dahil sa pagsasayaw ko nakilala ang huling taong minahal ko.

Nakakatuwa si Max maglaro. Bigay na bigay siya sa pagsayaw. Dahil malakas rin ang tugtog ng laro ay narinig ito ni Christian.

“Hey, what are you guys doing?” tanong ni Christian habang dala-dala ang isang baking pan. Natuwa ako nang makita kong nakasuot ng oven mitts si Christian at naka-apron pa.

“We are dancing dad! I am beating Tito Jeff!” pasigaw na sagot ni Max. Hinahayaan ko siya na mas makalamang sa akin para naman hindi malungkot ang bata.

Nang matapos ang sayaw ay pagod na pagod si Max na umupo sa sofa.

“Nice game, Tito Jeff. Let’s play again later after we eat,” aniya.

“Congrats Max!” nakangiti kong tugon rito habang nakaupo rin sa sofa. Ang bilis kong napagod sa ginawa namin. Hindi na ako sanay magsayaw pero aaminin kong nakakatuwang nagawa ko ulit yun.

“Hey, you guys, breakfast is ready. Hali na kayo,” aya sa amin ni Christian. Patakbong pumunta sa dining area nila si Max at umupo sa tabi ng daddy niya. Sa tapat naman ako ni Christian umupo.

Naghanda si Christian ng lasagna at buttered veggies. Nagulat ako dahil parang ang dami niyang niluto.

“Ikaw nagluto nito?” tanong ko rito.

“Yup. Favorite ni Max ang lasagna kaya every weekend, yan ang niluluto ko for breakfast,” ani Christian.

“Do you also like lasagna, Tito Jeff?” tanong sa akin ni Max.

“Yes Max. In fact, it is one of my favorite food,” nakangiti kong tugon dito.

“You can have half of it and then daddy and I can share the other half. You will like, daddy’s lasagna. I love it a lot,” nakangiting sabi sa akin ni Max.

Naging masaya ang pagkain namin ng breakfast dahil na rin kay Max. Ang daldal nito at ang daming kinwento sa akin tungkol sa school niya at sa daddy niya. Sobrang close nilang dalawa at nakakatuwa silang tingnan. Pero hindi ko mapigilan na hindi malungkot. Kung sana…

“Max likes you a lot,” sabi sa akin ni Christian habang nasa sasakyan. Inihatid na niya ako sa bahay. Gabi na ako nakaalis sa kanila dahil ayaw huminto sa paglalaro ni Max. Sobra akong napagod kakasayaw. Si Christian naman ay nahusto na lang sa panonood sa amin dahil hindi raw talaga siya marunong magsayaw.

“I really like him a lot, too. Thank you for letting me meet him,” sagot ko rito.

“So paano, I’ll see you on Monday?” tanong sa akin ni Christian.

“Yup,” sagot ko. Dahil sa araw na ito ay mas lalong lumalim ang nararamdaman ko para kay Christian dahil sa nakita kong pagmamahal niya sa anak niya. Ang tagal ko nang hindi nakaramdam ng ganito.

Hindi ko alam kung mahal ko na ba siya pero isa lang ang nasisiguro ko. Gusto kong magpatuloy o mas maging malalim pa kung anuman ang meron kami ngayon.

Dahil sa nararamdaman kong ito ay naglakas-loob akong gawin ang isang bagay na ikinagulat ni Christian.

Bago ako lumabas ng sasakyan ay lumapit ako sa kanya at idinampi ko ang labi ko sa kanyang pisngi.

“Jeff,” ang nagulat na tugon ni Christian.

“I like you a lot Christian. With the short time na nagkakilala tayo, nakita ko kung gaano ka kabait at kung gaano ka kahandang ibigay ang lahat para sa anak mo,” ang paliwanag ko rito nang makita kong hindi pa rin maalis sa mukha niya ang pagkabigla.

“That’s the thing, Jeff,” ang mahina nitong tugon habang nakatingin sa akin. “Max doesn’t know about me being gay and I don’t want him to know that now. Ayokong lumayo sa akin si Max,” patuloy nito.

Hindi ko inaasahan ang naging sagot niya. Ang buong akala ko ay gusto rin ako nito dala na rin ng mga kilos at ipinapakita niya sa akin. Pero mali pala ako.

“I understand,” wika ko. “So I’ll just see you on Monday?”

“No. I don’t think we should see each other first,” tugon nito.

Nagulat ako sa sinabi niya dahilan upang halos mangilid ang luha ko.

“This is all my fault. I have been too sweet and caring sa’yo. I’m so sorry, Jeff. I’m just not ready to deal with this now,” patuloy nito.

“Okay,” maikli kong tugon. Upang hindi na niya makita ang halos hindi ko na mapigilang mga luha ay dali-dali na akong lumabas ng sasakyan niya at pumasok sa loob ng bahay. Ni hindi ko na hinintay na makaalis siya.

Dumiretso ako ng kwarto at doon ko na lang nailabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Alam kong wala akong karapatang masaktan dahil hindi naman niya ako pinaasa. Sadya lang talagang nahulog ang loob ko sa kanya.

Upang mabawasan ang lungkot na nararamdaman ko ay nagsulat na lang ulit ako kay mommy.

Hi Mommy,

I’m so stupid. I thought may gusto sa akin si Christian. All this time pala, he was just being a good friend to me. And now, dahil sa ginawa ko ay nawalan ako ng kaibigan. Nakakainis, mommy. Bakit kailangan ko pang magkagusto sa kanya?

I already met Max today and he’s as adorable as his father. And I understand kung bakit ayaw ni Christian na masira ang relasyon niya sa anak niya. I’m just so stupid.

I miss you so much, mommy. I hope you’re here with me now. I feel so alone.

6 thoughts on “Plus One: Chapter 4

  1. Edmond

    Awww, nakalimutan kong mag-comment kahapon. Anyway, better late than never I guess. =)

    So here goes the first test sa ugnayan nina Christian and Jeff. I’m sure this ain’t the last, pero wow agad-agad talaga ha!

    Christian – Ang takot ba niya is for his son na baka malaman ang tungkol sa kanya or more of not wanting to actually commit ‘coz of his situation?

    Jeff – Good thing na na-incorporate ang dancing prowess niya rito. And wow, Max likes him agad-agad! Pero nasopla naman siya agad ni Christian. Sad sad sad!

    Billie: Speaking of dancing, sana may flash mob scene sa dulo nito. Peg lang ang Carmina-Zoren wedding (assuming happy ending ‘to). (Na-i-connect ko lang kasi I watched their wedding special kanina and Jeff here happens to be a dancer.)

    Reply
  2. Pi Over Two

    Tears stream down my face while reading this for the second time around. Partly because I can relate to Jeff a bit. But it’s really because napaka-effective ng story. I’m glad I’m back here reading this.🙂

    Reply
  3. jm lopes

    NANGHIHINAYANG AKO SA LOVE STORY NINA NA JEFF AT BRYAN.. PROMISE.. SORRY AUTHOR PERO KAHIT NAKAKA KALAHATI NA KO SA STORY NA TO.. AFTER ALL PARIN UNG INIISIP KO… UN TLGA EHH xD SANA SILA Nlng UET😥😦😦

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s