Plus One: Chapter 5


Kamusta kayong lahat? Happy weekend!

Magcomment kayo tungkol sa story para maimprove ko pa siya. Salamat!🙂

Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to real people and events are purely coincidental. Furthermore, unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this blog’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to PINOY M2M Stories with appropriate and specific direction to the original content. Thank you.

_________________________________________________

Tatlong araw na ang nakalipas mula nang huli kong makita si Christian. Hindi na nga siya nagpakita pa mula nung huli naming pag-uusap. Hindi ko pa rin maiwasang sisihin ang sarili ko sa ginawa ko. Dapat hindi ako nagpadalus-dalos sa mga ikinikilos ko.

“Kailan ba siya ulit pupunta rito?” tanong ni Claire sa akin. Napansin niyang tumamlay ako mula nang hindi na nagpupunta si Christian sa Chill. Naikwento ko na rin sa kanya ang nangyari. Pero hindi tulad ng inaasahan ko na aasarin niya ako ay naging maaalalahanin ito sa akin.

Nang tanungin ko siya kung bakit parang biglang ang bait niya sa akin, ang nasabi lang niya ay, “Sabi ko naman sa’yo, gusto kong sumaya ka na. Kaya nalulungkot ako na ganyan ang nangyari. Parang okay pa naman si Christian.”

“Wala na nga, Claire. Ang sabi niya mas okay kung hindi na muna kami magkita. Tama rin siya. Ayokong makagulo sa buhay nila ni Max,” sagot ko rito.

“Ang komplikado rin kasi ng buhay ni Christian. Intindihin mo na lang and move on na, friend. Marami pa namang iba diyan,” wika nito.

“Ewan ko ba Claire. Hindi naman kami ganun katagal magkakilala pero parang sobrang attached ko na sa kanya,” patuloy kong kwento rito.

“Well, sa tingin ko, ang tagal mo na kasing hindi naramdaman ‘yan. Kaya ngayong naramdaman mo na ulit, hirap kang i-let go yung emotions,” paliwanag niya.

Upang ibahin ang usapan, inasar ko na lang siya. “Teka, asan si Claire? Masyadong intelektwal ‘yang sinabi mo. Hindi ikaw ‘yan! Hindi ikaw ‘yan!”

“Gago. Makabalik na nga lang sa trabaho,” asar na tugon nito.

Kamusta na kaya siya? Sana hindi siya galit sa akin. Namimiss ko na siya at ang kulitan namin. Iyan ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko buong araw.

Dahil gusto nga akong libangin ni Claire ay inaya niya ako na sa apartment na niya ako matulog. Hindi naman ito ang unang beses na matutulog ako sa kanila kaya pumayag na rin.

Natapos ang shift naming pareho ng alas otso. Dahil wala akong dalang damit, sinabi ko sa kanya na dumaan na lang muna kami sa bahay para makakuha ako ng damit pantulog at pamasok bukas.

“Friend, never kong naisip na makakapasok ako dito,” ang nakakatawang komento ni Claire pagpasok namin sa subdivision.

“Sorry hindi kumpleto ang experience mo. Wala akong kotse kaya maglalakad tayong papasok dito,” ani ko sa kanya.

“Keri na ‘to, friend. Choosy pa ba ako? Pero, hindi ba ako haharangin ng mga guard dito? Mukha akong katulong.”

“Edi sasabihin ko, ikaw ang bago naming kasambahay,” natatawa kong banat sa kanya.

“Bait mo rin, eh,” sagot nito.

“Mana lang sa’yo.”

Pagdating namin sa bahay ay mas lalong humanga si Claire sa nakita niya. Makailang beses din niyang sinabi na hindi siya makapaniwala na doon ako nakatira. As if naman hindi niya alam ang history ko.

Kung sa bagay, iilan pa lang din naman talaga ang nakakarating ng bahay namin, bilang ko lang sa isa kong kamay dahil nga wala naman talaga akong malapit na kaibigan. Sa katunayan, si Claire ang unang babaeng dinala ko rito. Kung buhay pa si daddy, sigurado akong ikatutuwa niya ito.

Nang makakuha na ako ng mga kailangan kong damit at gamit ay umalis na rin kami agad ni Claire.

Sa Quezon City rin siya nakatira tulad ni Christian.

God, I really miss him. Ito na lang ang nasabi ko sa aking sarili.

Nagpasya kami ni Claire na mag-MRT na lang papunta sa kanila para makaiwas na rin sa sobrang traffic.

Dahil pasado alas nuebe na kami nakarating sa may MRT station malapit sa subdivision ay wala na masyadong tao.

Nag-aabang na kami ni Claire ng paparating na tren. As usual, she’s just talking and talking and talking. I really don’t mind dahil tanggap ko na kung gaano siya kadaldal. Actually, that is one of her traits na gusto ko.

Sa wakas ay may paparating na rin na train. Medyo pagod na rin kasi ako sa trabaho at gusto ko nang magpahinga.

May mangilan-ngilang tao na bumaba sa station na yun. Papasok na sana ako ng train nang makita ko siyang nakatayo sa loob.

Christian! Yan ang nasigaw ko sa utak ko nang makita ko siyang nakatayo habang nakikinig ng music. Pero walang lumabas sa bibig ko.

Nang magtama ang mga tingin namin ay doon ko naramdaman kung gaano ko siya na-miss. And I also saw in his eyes the emotions that just flowed through him when he saw me.

Gusto ko siyang tawagin. Gusto kong pumasok sa train at tumabi sa kanya. Pero hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Everyone in the station suddenly disappeared. There was just me and him. And still, hindi ako makagalaw. Parang biglang bumigat ang mga paa ko.

Hanggang sa tumunog na ang buzzer ng train tanda na magsasara na ang pinto. Dahan-dahan nang umandar papalayo ang train na lulan si Christian.

Bumilis ng bumilis ang takbo ng tren. Papaliit ng papaliit ang tren. At kasabay ng tren na lulan si Christian, mas lalong lumiit ang pag-asang magkaayos pa kami.

“Huy! Bakit hindi ka gumalaw diyan? Naiwan tuloy tayo ng tren!” sigaw ni Claire sa akin.

“Ha?” wala sa sarili kong tanong.

***

“Ano ba kasi nangyari sa’yo kanina dun sa MRT? Bakit hindi ka gumalaw? Nakakita ka ng multo?” tanong sa akin ni Claire habang nakahiga na kami sa kama niya.

“Nakita ko si Christian na nakasakay dun sa train,” paliwanag ko.

“Talaga? Kaya naman pala,” tumatangong tugon ni Claire.

“I really miss him, Claire,” mahina kong bigkas.

“Tinamaan ka sa kanya ‘no?” tanong nito sa akin.

Tumingin ako sa kanya at huminga ng malalim, “Hindi pa ba obvious?”

Napabuntong hininga rin si Claire, “Ang hirap kasi ng kalaban mo, friend. Anak na niya ang involved. Sumuko ka na lang.”

***

Buong linggong ko pa ring inabangan ang pagpunta ni Christian sa coffee shop pero nabigo ako. Kailangan ko na lang yata talagang tanggapin ang katotohanan na we were never meant to be anything more than friends. And because of what I did, even being friends is impossible now. Alam ko namang iniisip din ni Christian ang kapakanan ko. Ayaw na siguro niyang mas lumalim pa ang nararamdaman ko para sa kanya kaya niya ako nilayuan.

Sayang lang. Ang akala ko, nakilala ko na ulit yung tao na magpaparamdam sa akin kung paano ang magmahal. Oh well. I guess it’s not my time to love again.

Dahil day off ko ngayon at wala naman akong lakad ay nakahiga lang ako sa aking kama at nagmumuni-muni nang nakatanggap ako ng text mula sa taong isang linggko nang hindi nakikita.

“May lakad ka today?” ang nakasulat sa text ni Christian.

Mabilis pa sa alas kwatro ako sumagot sa text niya at sinabing wala namang akong plano para sa araw na iyon.

“Hinahanap ka ni Max. Can I come fetch you sa bahay nyo then punta tayo dito sa amin?” reply nito sa akin.

Walang pagsidlan ang saya ko ng mga sandaling iyon. Makikita ko na ulit si Christian.

Nagmadali akong naligo at nag-ayos para nakahanda na ako pagdating niya.

Makalipas ang isang oras ay narinig ko na siyang bumubusina sa labas ng bahay. Dali-dali akong lumabas ng bahay. Nakita ko siyang nakatayo at nakasandal sa sasakyan niya. Kahit naka T-shirt at shorts lang siya ay napakagwapo pa rin niyang tingnan.

“Hey,” bati nito sa akin.

“Hey,” tugon ko.

“I’ve missed you.”

11 thoughts on “Plus One: Chapter 5

  1. miko

    nakakasabik! hmm..suggestion? siguro pwedeng comeback ni billy, yung huling minahal ni jeff before christian (tama ba?) para may reconciliation or another guy na magkakagusto rin kay jeff na magiging dahilan para aminin ni christian yung feeling niya kay jeff. Sana may acceptance ni max yung preference ng dad niya at yung relationshio niya with jeff para happy ending!

    Reply
    1. Edmond

      Hi there! I think si Mike tinutukoy mo. =) (Now I’m mixing things up as well, since parehong Mike ang protagonists sa After All and Not Over You hehehe!)

      Reply
      1. Me Post author

        Hi JM. Totally forgot about Not Over You. Not really related to After All pero dun unang naintroduce si Christian.🙂

        Reply
  2. Edmond

    Hello there, it’s me again! Bwahahahaha!

    Buti naman at si Christian ang nag-break ng ice. I wonder what’s at the back of his head when he saw Jeff while inside the train. Kasi perspective lang ni Jeff nakikita ko so far.

    Hmmm, I smell na baka maging “item” of convenience si Jeff dito. Since malapit loob ni Max sa kanya, baka Christian will see him as an avenue to have someone help him raise his son, instead of someone na pwedeng mahalin. Si Jeff, bilang natamaan na siya kay Christian and napalapit na sa bata, baka he just decide to suck things in.

    Point is, sana di pa-martyr maging character ni Jeff dito. Na-miss ko rin angas niya sa first chapters ng After All and sana maisingit pa rin siya rito but this time in an endearing fashion. Yung someone na I wanna root for. =)

    Reply
  3. Pi Over Two

    Edmond, nadali mo yung medyo hinahanap ko rin kay crush Jeff!

    Yung MRT scene, it’s one your more artistic narratives. Very nice.

    Reply
    1. Pinoy M2M Stories Post author

      Hi Edmond and Pi!

      Huwag kayong mag-alala. Malapit nyo nang makita ulit yung Jeff na hinahanap nyo. Ang gusto ko sana g mas makita nyo rito ay yung Jeff na head over heels in love.

      Yung yung hindi masyado nakita sa After All dahil nga sa daddy niyo.

      Makikita nyo rito soon yung maangaa na Jeff, pero sa ibang way na.🙂

      Reply
  4. jhe

    ” From mortal enemies to
    lovers. How can one
    person change who you
    are? And will you both
    change for the better?
    Sometimes the one
    person fated to love you
    is who you least expect
    him to.” ehh bakit ganun ung ending ? pisti!! it’s a big mistake..

    Reply
  5. Anonymous

    ” From mortal enemies to
    lovers. How can one
    person change who you
    are? And will you both
    change for the better?
    Sometimes the one
    person fated to love you
    is who you least expect
    him to.” ehh bakit ganun ung ending ? pisti!! it’s a big mistake..

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s