Plus One: Chapter 6


Happy Tuesday, guys!

How’s the story going so far? Help me make this better by commenting. Thanks!

Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to real people and events are purely coincidental. Furthermore, unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this blog’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to PINOY M2M Stories with appropriate and specific direction to the original content. Thank you.

_________________________________________________

 

“I’ve missed you,” ang mahina niyang sabi.

I almost cried when I heard him say that. Pero ayokong ipakita sa kanya ang emosyon ko. HIndi ngayon dahil baka masira ko na naman ang pagkakataon.

Isang impit na ngiti lang ang isinagot ko sa kanya.

Hindi kami nag-usap sa buong byahe papunta sa kanila. Pareho pa kaming nananantsa kung ano ang mga dapat gawin. Pareho pa kaming maingat na hindi makasabi ng maling bagay. Mabuti na lang at mabilis ang biyahe papunta sa kanila.

Hindi pa man kami nakakalabas ng sasakyan ay nakaabang na sa labas ng kanilang bahay si Max. Mukhang sobrang excited nga siya na makita ulit ako. Natuwa naman ako nang maisip ko iyon.

“I told you not to go out alone,” sita ni Christian kay Max habang papasok kami sa loob ng bahay nila.

“I’m sorry, daddy. I was just so excited to see Tito Jeff again,” malambing na tugon naman ng bata.

Nasa gitna namin si Max habang naglalakad habang hawak-hawak ang kamay ng daddy niya. Nagulat lang ako nang pati ako ay hawakan niya. Nang tingnan ko ito ay nakita kong nakatingin din siya sa akin at nakangiti.

Walang sinayang na oras si Max dahil pagkapasok namin sa bahay ay inaya na niya agad akong maglaro. Mas okay na rin ito para wala pa munang pagkakataon na makapag-usap kami ni Christian. Hindi ko pa kasi alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

Halos isang oras din kaming nagsasayaw ni Max nang makaramdam ito ng pagod at nag-ayang magpahinga muna.

Dito na nakahanap ng tiyempo si Christian na kausapin ako. Dinala niya muna si Max sa kwarto nito dahil agad itong nakatulog matapos naming maglaro.

“Mukhang sobrang napagod si Max kakasayaw ninyo. Ang bilis niyang nakatulog,” banggit sa akin ni Christian pagkabalik niya sa sofa.

Dahil alangan pa rin akong kausapin siya ay ngiti lang ang sinagot ko rito. Napansin naman ito ni Christian kaya napahinga ito ng malalim.

“Jeff…” mahinang tawag sa akin ni Christian.

“Can we talk?” tanong nito sa akin.

Tiningnan ko ito at nakita ko ang kanyang nangungusap na mata. Siguro nga, oras na para pag-usapan namin ang mga nangyari nitong nagdaang linggo.

“What I said last week,” panimulang sabi ni Christian.

“You’re right, Christian, I should have never told you about my feelings. I totally understand your reason. You are just protecting Max and I don’t ever want to be the reason para magkaproblema ang relasyon ninyong dalawa,” mahaba kong wika sa kanya.

“No. I should’ve never said na huwag na tayong magkita,” pagkontra nito sa akin. “Naisip ko ‘yung sinabi ng kaibigan ko it’s about time na isipin ko naman ang sarili ko. And my relationship with Max is my problem. While I will not let anything get in the way of our relationship, I believe that what we have…” putol nito sa sinasabi. Nang tingnan ko ito ay nakita kong nakatitig ito sa akin.

“Or what we will have will not complicate things,” wika niya.

“What are you trying to say?”

Lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking kamay. “What I’m trying to say is I cannot let another day pass by without telling you how much I like you.”

I don’t know what to react with what he said. Natutuwa akong malaman na gusto rin niya ako. Pero hindi ko mapigilang maisip si Max at ang maaaring maging dulot nito sa relasyon nilang mag-ama.

“Bakit parang hindi ka masaya?” pansin ni Christian. “Don’t tell me naka-move on ka na agad?” pangamba nito.

“Please say no. Please say na you haven’t moved on yet,” pagpapatuloy nito.

Napangiti naman ako sa tinuran niya. “Of course not. Kung alam mo lang,” tugon ko rito.

“Kung alam ko lang ang ano?” tanong nito sa akin.

“Kung alam mo lang kung gaano kita na-miss,” nahihiya kong sagot rito.

Hindi naman napigilan ni Christian ang mapangiti sa kanyang narinig.

“Ayun. Nalungkot ako kanina nung sinabi ko na na-miss kita tapos hindi ka sumagot,” nakangiti pa rin nitong sabi.

“Kung namiss mo ako, bakit hindi ka pumasok ng train nung nakita mo ako sa MRT para nagkausap na sana tayo?” dugtong ni Christian.

“Hindi ko alam. I really wanted to. Pero parang bumigat yung paa ko na kahit gaano ko kagusto na maglakad at lapitan ka, hindi ko magawa,” paliwanag ko.

“I was having a bad day nung araw na yun. But when I saw you parang gumaan kahit papaano yung pakiramdam ko. Like you, I also wanted to get off the train para malapitan ka pero I thought na after what I said to you, ayaw mo na ako kausapin. Kaya nga ang saya ko ngayon,” sagot naman niya.

“Pero Christian, paano si Max?” nag-aalala kong tanong dito.

“We don’t have to tell him anything for now. Basta for him, you are his tito. Tsaka we’re still just friends, right? Unless…” wika ni Christian na sinamahan pa niya ng pilyong ngiti.

“Ano ka ba? We’re just friends. Mas gusto kong mas makilala muna natin ang isa’t isa before we take things further,” pagputol ko rito.

“Works for me,” pagsang-ayon nito sa akin.

Natapos ang aming usapan na parehong kaming nakangiti. Hindi ko maipaliwanag ang tuwang nararamdaman ko sa mga sandaling ito.

Baka siya na nga ang hinihintay mo, Jeff, wika ko sa sarili.

“What do you want for lunch?” tanong sa akin ni Christian.

“Nope. This time, ako ang taya,” pagtanggi ko rito.

Nangiti ako ng nakita kong nagtataka si Christian. Oo nga pala, hindi pa niya alam.

“It just so happens na I am a great cook,” panimula ko rito. Nakita ko naman ang amusement ni Christian sa kanyang narinig.

“In fact, isa ‘yun sa mga nagustuhan sa akin ng mga ex ko,” pagpapatuloy ko.

“Kahit naman hindi ka magaling magluto, napakadaming bagay about you ang madaling magustuhan,” pambobola sa akin Christian dahilan upang mamula ang pisngi ko.

“Tama na nga ‘yan. Magluluto na ako para makakain na si Max,”pag-iiba ko ng usasapan.

Dahil paborito nga ni Max ni lasagna ay ‘yun ang napagpasyahan kong lutuin. Syempre pa, mayroon akong sariling version nito.

Habang abala ako sa pagluluto ay abala rin si Christian sa panonood sa akin.

“Tulungan mo kaya ako rito,” pang-aasar kong wika rito.

“Ayoko. Nag-eenjoy ako panoorin ka. eh,” natatawang tugon ni Christian.

Nang luto na ang pagkain ay ginising na ni Christian si Max habang hinanda ko naman ang kainan.

Habang inaayos ang hapag ay bumaba naman si Christian na buhat-buhat ang inaantok na si Max. Nakakatuwa silang tingnan.

I can get used to this, wika ko sa sarili na agad ko rin namang kinontra. Don’t get ahead of yourself, Jeff, you’re just friends!

“Wow! This is so delicious, Tito Jeff!” banggit ni Max nang matikman na niya ang niluto ko.

“But which do you like more? My version or Tito Jeff’s version?” tanong ni Christian sa anak.

“Of course, your version is my favorite. But only because you are my dad.” katwiran ni Max na ikinatawa naman naming dalawa ni Christian.

Buong hapon ay nasa sala lang kaming tatlo nina Christian at Max at abala sa pagkukwentuhan at paglalaro. Mas napapalapit ako kay Max dahil sa angkin nitong kakulitan. Kung anu-ano ang tinatanong nito sa akin.

“Tito Jeff, do you have a girlfriend?” tanong nito na ikinagulat ko.

“Baby, I don’t think you should ask Tito Jeff that,” suway sa kanya ni Christian.

“No, I don’t have a girlfriend Max,” sagot ko sa tanong nito.

“Why?” pag-usisa pa ni Max.

“Well, Tito Jeff is much more focused on work now,” pagtago ko sa totoong dahilan.

“Daddy does not have a girlfriend now, as well,” kwento pa ni Max.

“It’s getting late, Max. Tito Jeff has to go home now and rest because he has work tomorrow,” pag-iiba ni Christian ng usapan.

Ang sumunod na ginawa ni Max ay talaga namang nakapagpalambot ng puso ko. Nilapitan ako nito, niyakap, at hinalikan sa pisngi.

“Bye Tito Jeff. Thank you for visiting us again. I hope you come back next week. Daddy is so much happier when you’re here” paalam sa akin ni Max.

Hi Mommy,

Ang saya saya ko today! Nagkaayos na kami ni Christian. Not only that, inamin din niya na gusto niya rin ako. We are taking things slow, though dahil kailangan pa rin naming isipin si Max.

Pero mommy ang saya ko talaga. Sana ito na. Sana siya na, mommy. It’s been a while since I felt this. I messed up my last relationship. I hope I do not mess this one up.

7 thoughts on “Plus One: Chapter 6

  1. Edmond

    So far, I have a feeling na wala lang naman kay Max if maging sila nina Christian and Jeff.. NOT until ma-bully siya sa school or something just because of his dad’s sexual preference.

    Reply
  2. Pi Over Two

    How old is Max again? Eight, tama ba? One route this story could take is Max would approach their (forthcoming) relationship with childlike innocence and acceptance. That’s the convenient and non-dramatic path. Maybe you have something better brewing.🙂

    Also, I feel a meeting with Billy and Mike coming along. (Exciting! Magmi-meet na yung mhga iba’t-ibang kwento)

    Reply
  3. bnil

    ayan naman yang “taking things slow” ni jeff yun din ang nangyari s kanila ni mike kaso nagiba ihip ng hangin..i hope maging matino na to si jeff . nice story my friend…cant wait at tatapusin ko talaga to s isang upuan lang…clap clap

    Reply
  4. zenki of kuwait

    “Mas gusto kong makilala Muna natin ang isa’t isa” hahaha kaya pala Nung sila pa ni bry kahit sino na Lang hahaha….

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s