Plus One: Chapter 7


Happy Tuesday, guys!

Medyo busy ako sa work lately. Buti na lang nasulat ko na hanggang Chapter 8 ng story na ‘to.

I hope you have fun reading this!

Pero honestly, medyo lost ako sa nagiging takbo nito. When I first conceptualized the story, I was aiming for a more serious approach. Kumbaga, mas seryoso yung mga issues na itatackle. Gusto ko sanang lumayo muna sa mga romantic shiz na nasulat ko na before. Ang ayoko na rin muna nung mga confused characters, or infidelity dahil nasulat ko na yun before.

So nung inumpisahan ko ‘to, nagdecide ako na yung characters ko will be two gay guys na hindi na in denial and mas mature na yung pag-iisip.

But then nahihirapan akong ituloy yung story nila dahil siguro hindi pa ako ganun ka-mature (LOL) kaya hindi ko pa alam kung paano sila mag-act or magsalita.

But don’t worry, I’m doing my best to finish this one. But I REALLY NEED YOUR HELP. Magsuggest kayo ng pwede kong ilagay na mga scenarios or mga characters, or changes sa ilan sa mga kanila. Thanks!🙂

Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to real people and events are purely coincidental. Furthermore, unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this blog’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to PINOY M2M Stories with appropriate and specific direction to the original content. Thank you.

_________________________________________________

“Hey, are you busy?” tanong ni Christian sa akin sa telepono.

Ilang linggo matapos aminin sa akin ni Christian na gusto rin niya ako ay wala namang nagbago sa samahan namin. Kung meron man, mas naging malambing ito sa akin kapag kaming dalawa lang. Kapag nandyan naman si Max ay mas casual kami kumilos upang hindi ito magduda.

I can say that we are acting like a couple, without the “couple” label. I don’t want to rush Christian into a relationship. Kahit na alam ko sa sarili ko na handa na ako. I know it is too much for Christian to handle now. Masaya na ako sa kung anuman ang meron kami ngayon.

“Hindi naman. Wala masyadong tao ngayon,” sagot ko sa tanong niya. Halos dalawang buwan na rin kami magkakilala ni Christian pero ngayon lang niya ako tinawagan ng habang nasa trabaho kami pareho. Madalas kasi ay pinupuntahan lang ako nito sa Chill pagkagaling niya sa opisina.

“I need your help. Tumawag sa akin yung principal ng school ni Max. May nakaaway daw. Can you fetch him? Hindi lang talaga ako makaalis dito sa opisina dahil may important client meeting and ako ang magpepresent,” wika ni Christian.

“O sige, okay lang. Pero papayag ba yung school ni Max na ako ang kukuha sa kanya? Hindi naman niya ako legal guardian,” tanong ko rito.

“I already told them your name. Magpakita ka na lang ng ID mo,” tugon nito.

“Sige, pupunta na ako ngayon.”

“Thanks, Jeff. I owe you one.”

Nang mai-text na sa akin ni Christian ang address ng school ni Max ay umalis na rin ako sa coffee shop. Mabuti na lang at nakaduty si Claire kaya sa kanya ko muna ibinilin ang shop.

Pagdating ko sa school ay dumiretso agad ako sa principal’s office.

“Hi, I’m Jeff Santos. Max’s father sent me here to fetch him,” wika ko sa may secretary at iniabot ang aking ID. Matapos ma-verify ang aking ID ay sinamahan na ako nito sa loob ng principal’s office.

“Are you Mr. Santos,” tanong sa akin ng matandang babae.

“Yes, ma’am. I’m here to pick-up Max.”

Nakita ko namang nakaupo si Max at nakayuko. Mukhang umiiyak pa rin ito kaya agad ko itong tinabihan.

“What’s the matter, Max?” tanong ko sa humihikbing bata.

“He got into a fight with one of his classmates,” pagsagot naman sa akin ng principal.

“Bakit po?”

“Well, according to Max, one of his classmates called told him that his father is…” tila nagdadalawang-isip ang principal na itinuloy ang kanyang sasabihin, “that his father is gay.”

Nang marinig ito ni Max ay yumakap ito ng mahigpit sa akin. Rinig ko ang mahina nitong pag-iyak.

“Where is the other kid?” tanong ko sa principal. Hindi ko mapigilang hindi maawa kay Max.

“Nasundo na siya ng parents niya. Ako na ang humihingi ng dispensa sa iyo and sa daddy ni Max. I guess kaya nasabi yun ng classmate niya dahil kapag tinatanong si Max kung nasaan ang mommy niya ay wala itong masagot,” paliwanag ng principal.

Nag-init ang ulo ko sa narinig na dahilan mula sa principal pero pinigilan ko ang sarili. Hinigpitan ko na lang ang akbay ko kay Max upang tumahan ito.

“Look, ma’am. I really do not care whatever reason that kid may have. What he did was wrong and I suggest you look into your character development in this school,” nagpipigil kong tugon sa principal. Pero kahit anong pigil ko ay tila nailabas ko pa rin ang inis ko sa pangyayari.

“Yes, that’s why I am sincerely apologizing. For now, you can take Max home. He is excused for his classes this afternoon.”

Habang papalabas kami ng school ay humihikbi pa rin si Max.

“You want to eat ice cream, Max?” tanong ko rito. Baka sakaling tumahan ito.

Isang impit na tango lang isinagot sa akin nito. Nakayuko pa rin ito at nakahawak sa kamay ko habang naglalakad kami palabas.

“You do not have to listen to them,” sabi ko kay Max habang nakaupo kami sa isang fastfood chain at kumakain ng ice cream.

“I’m sorry I got into a fight, Tito Jeff,” mahinang wika naman nito.

“You do not have to say sorry, Max,” tugon ko. Nginitian ko ito tanda na wala siyang kasalanan sa nangyari.

“Is daddy mad at me?” tanong nito sa akin.

“No, Max. But of course, he doesn’t want you getting into a fight,” sagot ko rito.

“I promise I won’t fight with anyone again,” aniya. Sa wakas ay huminto na rin sa pag-iyak si Max. Medyo napapangiti na rin ito habang inuubos ang binili ko sa kanyang ice cream.

“Don’t you have work, Tito Jeff?” tanong nito sa akin.

“I do. But I can stay with you if you want.”

“Can I just stay with you while you work? I promise I’ll behave,” tanong nito sa akin.

Nagtext muna ako kay Christian upang tanungin kung okay lang na isama ko si Max sa Chill. Nang pumayag ito ay inubos na rin namin agad ang kinakain upang makabalik na sa shop.

“Wow! Is this where you work, Tito Jeff?” tanong sa akin ni Max pagkapasok namin sa Chill.

“Yes, Max. I am the manager of this coffee shop,” tugon ko rito.

“Do you make good coffee?” patuloy na pag-usisa nito.

“Yes, but I seldom do it now because we have people who really make the coffee.”

“Can you please make one for me, Tito Jeff? Daddy once told me that you do have a special drink here that you invented,” nakangiting tanong nito.

Dahil na rin sa napaka-amo nitong mukha ay hindi ko na ito nahindian. Pinaupo ko muna siya sa isa sa mga tables at doon pinaghintay.

“Jeff, iba na yan ha. Ipinagkakatiwala na sa’yo yung anak,” puna ni Claire habang ginagawa ko ang inumin ni Max.

“Ano ka ba? Wala lang talaga siyang ibang mahingan ng tulong,” pagkontra ko naman dito.

“Anong wala? Ikaw lang ba kaibigan niya? I’m sure may mga ninong at ninang yan na pwede niyang hingan ng tulong kanina,” patuloy ni Claire.

Nagkibit-balikat na lang ako sa tinuran na iyon ni Claire. Sa loob-loob ko, masaya ako na ako ang hiningan ng tulong ni Christian.

“Kailan ba magiging kayo?” tanong ni Claire.

“Ayoko siyang madaliin. Tsaka okay na ako sa kung anong mayroon kami ngayon,” sagot ko rito.

“Oo nga. Pero hangga’t hindi kayo ‘official,’ pwede pa ‘yang maagaw sa iyo. Sige ka, nasa iyo na nga, baka mawala pa,” ani Claire.

Natigilan ako sa sinabi nito. Pwede ngang mangyari ang sinasabi niya pero wala pa naman akong makitang dahilan para matakot.

“Tingnan mo ‘to. Huwag mo na nga ako praningin. If he really is meant for me, then he will be mine…” huminga ako ng malalim sa susunod kong naisip. “But if not, then I am thankful that I had the chance to be with him even for just a while.”

Napailing na lang si Claire sa sinabi ko.

Malaking sugal na para sa kanya na ipagpatuloy namin ang pagkakaibigan namin. Wala na akong karapatang magreklamo, wika ko sa aking sarili.

“Wow, Tito Jeff, this is really delicious!” kumento ni Max nang matikman niya ang gawa ko.

“Just don’t tell your dad that I let you eat ice cream and drink that overly sweet coffee in just one afternoon. Malalagot ako doon,” nakangiti kong sabi rito.

Hinayaan ko lang si Max na umupo doon habang nag-aasikaso ng shop. Nakikita ko itong pinapanood ako sa aking mga ginagawa sa shop.

Medyo dumami ang tao sa shop kaya hindi ko muna nasamahan si Max sa table niya. Nakita ko na lang ito na nakatulog na roon. Pinapatay ko kay Claire ang sound system para mas makatulog ito.

Bandang alas siyete ng gabi ay nadatnan ni Christian si Max na natutulog pa rin. Nagising lang ito nang halikan ito ni Christian sa ulo. Agad namang niyakap ni Max ang daddy niya.

“Looks like you got tired, Max,” narinig kong banggit ni Christian sa anak.

“Just a bit, daddy. What time are we going home?” tanong ni Max.

“Hintayin lang natin si Tito Jeff na matapos sa work niya then we can go home na.”

Nang marinig ko iyon ay nilapitan ko ang mag-ama. “Christian, pwede na kayong mauna. One hour pa yung shift ko. Baka antukin na naman si Max.”

“No Tito Jeff, I want to wait for you so we can have dinner together. Right, daddy?”

“O, tatanggihan mo ba ‘yung bata?” tanong sa akin ni Christian na sinuklian ko na lang ng ngiti.

Sobrang natutuwa ako na magaan ang loob sa akin ni Max. Sana hindi iyon magbago kahit malaman niya ang tungkol sa amin ng daddy niya.

Tulad nga ng sinabi nila ay hinintay ako ng mag-ama na matapos sa shift ko. Binigyan ko na lang si Max ng cookie para pampalipas ng gutom.

Pasado alas otso ay nakaalis na kami ng Chill.

“Doon ka na magdinner sa amin, Jeff,” aya sa akin ni Christian.

“Naku, huwag na. May pasok rin ako bukas, eh,” pagtanggi ko rito.

“You can sleep at our house, Tito Jeff,” alok sa akin ni Max.

“Oo nga, Jeff. Doon ka na matulog. Dumaan na lang muna tayo ng bahay mo para kumuha ka ng damit. Mukhang gusto ka pa makasama ni Max, eh,” pag-gatong naman ni Christian.

Paano ko ba naman tatanggihan tong cute na mag-amang to. Naku talaga.

Bago pa man kami makarating sa bahay ko ay nakatulog na si Max sa likod ng sasakyan. Ako na lang ang pumasok ng bahay at kumuha ng mga kakailanganin kong damit.”

Nagising si Max nang pumaparada na kami sa tapat ng bahay nila. Nagtake-out na lang kami ni Christian ng pagkain para hindi na kami mapagod sa pagluluto.

Sa sobrang antok ni Max, pagkatapos niyang kumain inayusan na ito ng daddy niya para makatulog na ito. Ni hindi na ako nitong nagawang kausapin.

“Doon ko na muna sa kwarto ko pinatulog si Max. Doon ka na sa room niya matulog,” sabi sa akin ni Christian nang makabalik na ito sa sala matapos patulugin si Max.

“Okay lang ako dito sa sofa,” wika ko naman.

“Ayokong diyan ka matulog. Baka sumakit pa katawan mo. Kasya ka naman sa kama niya,” pagtanggi ni Christian.

“Salamat nga pala for fetching Max sa school,” ani Christian.

“Okay lang ‘yun. Naawa lang ako sa bata nung naabutan kong umiiyak,” tugon ko. “Christian…”

“Ito yung kinakatakutan kong mangyari. Kung ako lang, okay lang eh. Pero ayokong nadadamay si Max dahil sa preference ko.” Ramdam ko ang lungkot at sakit nararamdaman ni Christian sa sinabi. Kahit naman siguro sinong ama ay ayaw na sila ang maging dahilan para masaktan ang anak nila.

“It’s not your fault, Christian.”

“I know. But I still cannot help but blame myself,” pagpapatuloy nito.

Napahinga ako ng malalim. Kahit papaano ay sinisisi ko rin ang sarili ko sa mga nangyari sa kanilang mag-ama.

Tila nabasa naman ni Christian ang iniisip ko.

“O, baka naman pati sarili mo sisihin mo,” wika nito.

“You’ve been nothing but good to Max…” aniya. “And to me.”

Tumabi ito sa akin at hinawakan nito ang kamay ko.

“Hindi ko alam kung anong gagawin ko kanina kung wala ka. I am really happy na nakilala kita. And I’m so happy na naglakas loob akong makipagkilala sa’yo,” pagpapatuloy nito.

“Christian…” Pangalan na lang niya ang nasabi ko dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot sa kanya. Kung sasabihin kong mas lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya, baka sabihin niyang nagmamadali ako.

Nawala lahat ng agam-agam ko ng haplusin niya ang kaliwa kong pisngi at dahan-dahang ilapit ang kaniyang mukha sa akin hanggang sa maglapat ang aming mga labi.

Hindi mapusok o humihingi ng sagot ang kanyang mga labi. Pero ramdam ko rito ang nais niyang iparating.

Mahal na niya ako, yan ang nasabi ko sa sarili.

Tila nawala lahat ng agam-agam ko sa aking sarili. Nang maghiwalay ang aming mga labi ay sinabi ko na sa kanya ang totoo kong nararamdaman.

“I love you, Christian,” wika ko habang nakatingin sa kanyang mga mata.

Kung anu-ano ang tumatakbo sa isip ko na pwede niyang maging sagot. “I love you too.” “Ano ka ba, Jeff. This is nothing serious.” “I can’t love you without hurting Max.”

Pero wala ni isa man dun ang kanyang sinabi. Sa katunayan, hindi ito nagsalita.

Bagkus ay muli ako nitong hinalikan. At mas malakas pa sa kahit anumang salita ang naging pahiwatig ng kanyang mga labi.

Mahal nga niya ako! Kung pwede lang akong magtatalon at magsisigaw sa tuwa ay ginawa ko na.

“I know this will be hard for both of us, lalo na’t andyan si Max. But I can’t keep myself from falling in love with you,” wika niya.

“I’ll make this work. I’ll try my best to make us work. And eventually, I hope masabi natin ng maayos kay Max at matanggap niya,” pagpapatuloy nito.

Hinawakan ko ang kamay niya tanda ng aking pagsang-ayon. “I’ll help you. You have me now every step of the way,” wika ko.

At muling naglapat ang aming mga labi. Tinapos namin ang gabi sa isang matamis na halik. Ang halik na simbolo ng pagsisimula namin. Ang halik na tanda ng muli kong pag-ibig. Ang halik na magiging daan ng muli kong kasiyahan kasama si Christian.

“Daddy…”

7 thoughts on “Plus One: Chapter 7

  1. oskiegee

    OMG! :O

    Truth be told, I really don’t know where and how this story will end. Wala pa akong nakilalang PLUs na may anak na and who are in an open homosexual relationship. Maybe just indulge us with some fiction that will keep us guessing what happens next?🙂

    Reply
    1. Pinoy M2M Stories Post author

      Hahaha sige will try to do that. Actually yun yung sinusubukan kong iachieve every chapter, yung may cliffhanger

      Reply
  2. Edmond

    Sana sleepwalker lang si Max. ;))

    Billie, you’re doing OK. =) Di naman kelangan na serious tone kahit sabihing serious ang topic eh. Tipong dark ba ang gusto mong i-depict na imagery?

    As one of your more avid readers, I can sense the undertone na this isn’t just another kilig-serye na you (or many other writers na I follow) wrote about. Na merong underlying issues ang mga characters na kelangan nilang i-resolve sa kani-kanilang mga sarili, before they decide to plunge to the next step na explore kung magiging sila or not. Na hindi lang sa kanilang 2 umiikot ang mundo, bagkus may mga pananagutan sila – be it in the form of a family member or a profession. Na they’re still grounded sa reality na tinatahak nila.

    Anyway, sige pag may naisip akong scenario, I’ll comment it out. (I actually have a narrative in mind. Meron na nga akong characters eh and a general plot, pero I’m not a fiction writer kasi. Hehehe.)

    Reply
    1. Pinoy M2M Stories Post author

      Hahaha pwede ngang sleepwalker siya. Hhehe

      I suggest magtype ka lang ng magtype, I’m sure may mabubuo ka ring story.

      Reply
  3. Pi Over Two

    Grabe, why did I put off reading this for a week. I missed reading your stories.

    I’d like to echo what Edmond said. You’re doing great! Yung bullying subtext is actually working nicely. I’ll chime in din kapag may idea kasi I really want to help you, di ba?😀

    Kudos!

    Reply
  4. carlo

    This may be the nth time I read After All and Plus One and still, i’m reading as if i’ve never read the stories. I’m finishing up my own story, hope you can post it here as soon as i’m done.

    I really like your style of writing. More stories from you, i hope.🙂

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s