Plus One: Chapter 8


Kamusta na kayo? Sorry medyo natagalan ako sa pagpost nitong susunod na chapter. Sana magustuhan ninyo.🙂

Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to real people and events are purely coincidental. Furthermore, unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this blog’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to PINOY M2M Stories with appropriate and specific direction to the original content. Thank you.

_________________________________________________

Pareho kaming natigilan at halos mamutla sa narinig naming nagsalita.

“Daddy…” mabagal na sabi ng pupungas-pungas pang si Max.

Napabalikwas kami nang makita namin si Max. Biglang tumayo si Christian para lapitan at buhatin ang anak samantalang ako naman ay halos hindi makagalaw sa kinauupuan.

“Hey baby, why did you wake up?” tanong ni Christian sa anak. Halata ko ang kaba sa boses niya.

“I got thirsty daddy. Why aren’t you and Tito Jeff sleeping yet?” tanong naman ng inaantok pang si Max.

Sh*t! Sana walang nakita yung bata.

“We were just talking about something. Come on, let’s get you something to drink. Do you want milk?” pag-iiba ng usapan ni Christian.

Halos sampung minuto akong naiwan mag-isa sa sala. Halos hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko.

Kahit na masaya ako sa bagong pangyayari sa aming dalawa ni Christian, pareho kami ng opinyon ni Christian tungkol kay Max. Kaya balisa akong naghihintay na bumalik si Christian sa sala.

Nang sa tingin ko ay hindi na siya bababa pa sa sala ay nagpasya na akong umuwi.

“Hey, sorry. Pinatulog ko muna ulit si Max,” pigil sa akin ni Christian nang papalabas na sana ako ng kwarto.

“I’m sorry for what happened. Uuwi na lang ako sa amin,” wika ko rito.

“Hahanapin ka ni Max bukas ng umaga. Huwag ka na masyado mag-alala. Mukha namang hindi nakita ni Max. We just have to be careful next time,” tugon nito sa akin.

“Let’s sleep?” patuloy nitong tanong sa akin.

“Good night, Jeff,” ang mahinang wika ni Christian na sinamahan nito ng isang mahigpit na yakap.

“Good night,” balik kong tugon.

Pagpasok ko sa kwarto ni Max ay namangha ako sa ganda nito. Hindi ito kalakihan pero halata mong ginastusan talaga ni Christian. Puno ito ng mga libro at laruan.

Pagkaayos ko ng gamit ay nagpunta ako sa banyo para maghilamos at sipilyo. Hindi pa rin mawaglit sa isip ko ang nangyari kanina.

Talaga kayang walang nakita si Max?

Hanggang sa nakahiga na ako ay iyon pa rin ang nasa isip ko.

Maaga ako nagising kinabukasan dahil alas otso ng umaga ang shift ko at medyo malayo pa ang panggagalingan ko.

Dumiretso agad ako ng banyo para maligo. Paglabas ko ay parang naririnig kong may nag-uusap sa baba. Baka gising na yung dalawa.

Nang makapagbihis at makapag-ayos ng mga gamit ay bumaba na ako.

“Tito Jeff, daddy cooked pancakes. Let’s eat!” aya sa akin ni Max.

“Ang aga naman magising ni Max. Anong oras ba pasok niya?” tanong ko kay Christian.

“7:30 AM ang flag ceremony nila. Kumain ka na tapos ihatid natin si Max, then sabay na tayo pumasok,” wika nito.

“Naku, huwag na, mag-MRT na lang ako,” pagtanggi ko sa alok nito.

“Ano ka ba, magkalapit lang naman papasukan natin,” tugon ni Christian. “Don’t worry, you won’t be late,” pagpapatuloy nito na may kasamang ngiti.

Dahil wala na akong maisip na dahilan ay pumayag na akong sumabay sa kanya. Nahihiya lang naman kasi talaga ako kay Max kaya ayaw ko sana sumabay.

“Tito Jeff, will you sleep here again tonight? It is Friday anyway so I can sleep late and we can play games,” tanong sa akin ni Max habang kumakain.

Mataman naman kaming pinapanood ni Christian habang nag-uusap. Parang tuwang tuwa siya dahil nakikita niya kaming magkasundo ni Max.

“Uhm…”

“Please?” paglalambing ni Max.

“Okay,” nakangiti kong tugon dito. I don’t know how to say ‘no’ to such an adorable kid.

Pagkakain ay naghanda na rin kami para umalis.

Malapit nga lang ang school ni Max sa bahay nila dahil limang minuto lang ay nandoon na kami. Bago bumaba si Max ng sasakyan ay humalik muna ito sa daddy niya at nag paala.

“Bye, Tito Jeff. See you later!” paalam din sa akin ni Max. Akala ko ay bababa na siya pero hinalikan din niya ako sa pisngi na talagang ikinatuwa ko.

“You know what, never kong binalak makipagdate before dahil kay Max. Sobrang natatakot ako na baka lumayo sa akin ang anak ko once na malaman niya,” pagkukwento ni Max habang binabagtas namin ang kahabaan ng traffic na EDSA.

“But now, I think hindi tayo ganun mahihirapan in case malaman niya yung tungkol sa atin,” patuloy nito. Nakatingin lang ako sa kanya at nakita kong nakangiti ito habang nagkukwento.

Katulad niya ay natutuwa din ako sa ideya na okay lang kay Max ang tungkol sa amin. Pero muling bumabalik sa isip ko ang imahe ni Max na umiiyak dahil sa panloloko sa kanya.

“Siguro nga okay lang kay Max. Pero I’m sure hindi siya tatantanan ng mga classmates niya once na malaman nila. And you do know how fast things like this spread. Magugulat ka na lang na kahit hindi mo kakilala ay alam ang tungkol sa’yo,” tugon ko rito.

“Kaya nga tayo nandito, to protect him from them. I know we can make this work, Jeff. I want to make this work,” wika niya.

Hinawakan ko ang kamay nito na nakapatong sa may gear at sinabing, “I do to.”

Pasado alas otso na ng makarating kami sa Chill.

“Sorry, Jeff. Nawala sa isip ko na Friday pala ngayon at sobrang traffic sa EDSA. Dapat pala mas maaga tayo umalis,” paghingi ng paumanhin ni Christian.

“Okay lang, hindi pa naman masyadong late,” nakangiti kong tugon dito.

Bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan pero pinigilan ako nito at hinawakan ang aking kamay bago ako nito binigyan ng isang halik sa labi.

“Bye, Jeff. Sunduin na lang kita mamaya,” ani Christian.

“Sige. Ingat sa pagmamaneho,” nakangiti kong tugon.

Buong araw ay sobrang gaan ng pakiramdam ko at hindi naman iyon nakatakas kina Claire at sa iba pang staff ng coffee shop. Naging tampulan din ako ng asar dahil may nakakita sa amin ni Christian sa sasakyan.

“Finally, friend! Hindi ka na single! I’m so happy for you!” ano Claire habang kumakain kami ng lunch.

“At ang hot pa ng bago mong papa,” pagpapatuloy nito.

“Baliw. Pero I’m so happy, Claire,” tugon ko rito.

“Alam ko. Obvious naman, eh. Noon ko pa inassume actually na head over heels in love ka kay Christian,” wika nito.

“Paano mo nasabi?” tanong ko rito. Mukhang nadaig pa ako nito dahil kamakailan ko lang nasiguro sa sarili ko na mahal ko si Christian.

“Kasi nawawala yung natural mong angas. Para kang nagiging maamong tupa,” obserbasyon nito.

Napaisip ako sa tinuran ni Claire at naalala ko nga ang mga naging dati kong relasyon at kung paano ko nga ibinigay sa kanila ang lahat ng makakaya ko at mukha ngang totoo ang sinasabi niya.

“Sana iyan na, friend. Para rin solved ka na dun sa problema mo,” pagpapatuloy niya.

“About that, hindi ko pa ‘yan nasasabi kay Christian,” tugon ko sa kanya.

“I think you have to tell him as early as possible. I’m sure hindi naman ‘yun magiging issue sa inyo.”

“I know. Sige mamaya,” pagsang-ayon ko.

Matapos kumain ay bumalik na kami sa pagtatrabaho. Kapag hapon ay madalas akong inaantok kaya para labanan ito ay ako na minsan ang nagpiprisinta na tumao sa cashier. Medyo lax talaga ang workflow dito sa coffee shop dahil hindi rin naman ganun kahigpit ang may-ari. Pero kahit ganun ay sinisiguro ko naman na walang magiging aberya.

“One tall cafe latte, please, to go,” sambit ng customer.

“Okay, what’s the name, sir?” tanong ko rito.

“Hindi mo na ba ako naaalala?” balik nitong tanong sa akin.

Tinitigan ko ito. Pamilyar ang mukha niya pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita.

“Wow, captain. Wala pa namang ten years tayong hindi nagkikita tapos nakalimutan mo na agad ako?” wika ng customer.

Nang banggitin niya ang salitang “captain” ay doon na ako medyo nalinawan. Sa Streetdance club lang naman ako noong college tinatawag na “captain.” Nang titigan ko pa ito ay doon ko na naalala kung sino siya.

“Gab!” sambit ko ng pangalan niya.

“Ayun. I thought you would never remember me,” nakangiti nitong tugon.

“Sorry. Ang laki na kasi ng pinagbago mo. You look great,” puri ko dito.

“Thanks! Hiyang lang siguro sa trabaho. Busy ka ba? Kwentuhan naman muna tayo,” aya nito sa akin.

“Sige saglit lang, tatawagin ko lang yung papalit sa akin dito. Your drink’s on the house,” wika ka.

Nang may pumalit na sa cash register ay nilapitan ko na ang dati kong kasamahan sa streetdance club.

“Buti natunton mo ako rito,” panimula ko ng usapan.

“Medyo nahirapan nga ako. Ang dami kong napagtanungan. Buti na lang may isang may alam,” tugon nito.

“So what brings you here?” tanong ko rito.

“Wala naman, namiss ko lang captain namin,” sagot nito. “Sumasayaw ka pa ba?”

“Naku, hindi na. Medyo wala nang panahon, eh.”

“Sayang naman. Sama ka sa amin minsan. Nagtetrain pa rin kasi mga alumni ng club every end of the month. Marami na ring nakakamiss sa’yo dun,” aya nito sa akin.

“Sige, tingnan ko. Namimis ko na rin clubmates natin.”

Isang oras pa kaming nagkwentuhan tungkol sa maraming bagay na kadalasan ay tungkol sa club namin.

“Sige, I have to go. Tumakas lang ako sa office para makita ka,” ani Gab.

“Haha. Baka mapagalitan ka pa,” natatawa kong tugon.

“Hindi ‘yun. Sa gwapo kong ‘to, tameme silang lahat,” wika nito sabay kindat sa akin.

Totoo namang gwapo siya. Mas gumwapo pa nga yata siya. Sa taas nitong 5’11” ay pwedeng pwede itong maging model. I can see na he also goes to the gym dahil sobrang toned ng katawan niya. And not to mention his baby face. Medyo nagmature na nga ngayon dahil mayroon na siyang stubble kaya hindi ko agad ito nakilala.

“You look great, captain. Really great,” wika nito bago tuluyang lumabas ng Chill.

“You look great pala, ha. Lagot ka kay Christian,” wika ni Claire na kanina pa pala nakikinig sa usapan namin.

“Ano ka ba? Wala ‘yun, we used to dance together nung college,” tugon ko rito.

“Baka sa’yo wala. Pero siya, ang lagkit ng tingin sa’yo habang nag-uusap kayo,” wika nito. “Ingat lang friend. Bago pa lang kayo ni Christian. ‘Yang reputasyon mo pa naman,” patuloy nito.

“I have already changed, Claire. I can’t afford to see someone I love hurt so much again.”

14 thoughts on “Plus One: Chapter 8

  1. Edmond

    I wonder kung anong problema ni Jeff ang tinutukoy ni Claire. Wow, did I miss something or di pa talaga siya nare-reveal?

    Sana mapanindigan ni Jeff na he’s no longer a player. 2 tao ang maaapektuhan nang husto kung sakaling magloko siya uli.

    Reply
    1. Pinoy M2M Stories Post author

      Edmond, hindi pa narereveal. Sabi ko sa inyo e, ang dami pang dapat mangyari dito na hindi ko pa nasusulat. Nalulula na nga ako e. Hahaha

      Reply
  2. Pi Over Two

    First, I’d like to thank you once again for writing these stories. You’re obviously very busy judging from the time in between chapters. On top of that, nahihirapan kama pa mag-decide kung saan ida-drive ang kwento. But I think I speak the same as your other readers when I say you are loved for still churning out these stories!

    Funny thing. Ngayon ko lang na-verbalize sa utak ko kung ano yung hinahanap ko kay Jeff. Yung angas niya. If I judge him based on his words from this series, I’d think he’s a sweet, sensitive type. Siyempre, this clashes with my mental image of Jeff as a pilyo type. Pero, halfway through reading, naipaliwanag naman kung bakit, courtesy of Claire. “Kasi nawawala yung natural mong angas. Para kang nagiging maamong tupa,”
    (Please forgive me for pressing about Jeff, alam mo namang imaginary crush ko siya hahahaha)

    But, I think we could use a little more edge sa ibang dialogue niya (ex. kay college buddy kanina) pati na rin a narration. Of course, ang problema kung ngayon pa naganap yung change of diction ay magiging medyo inconsistent siya sa nanunang chapters. (Will it?)

    Nonetheless, nice trick with Max and throwing in a curve ball in the person of Gab.

    Reply
  3. Ian

    Nice! Another series! Imagine kalahating araw ko lang nabasa LAHAT ng love story mo Mr. Author. AFTER ALL and NOT OVER YOU ang the best stories so far. Keep it up!

    Crush ko BILLY and JEFF! Hahahaha (assuming na totoo sila)

    #avidfanhere

    Reply
    1. Ian

      Napansin ko lang ah puro maputi at chinito yung mga protagonist and antagonist ng mga story mo or yun lang talaga naisip ko? Hehe

      Anyway, when is the next chapter? Kinikilig na ako. In love na rin ako sa lalaking nababasa ko lang. Sana totoo siya at ako na lang manligaw sa kanya or the other way around hahaha (assuming)

      KEEP IT UP MR. AUTHOR!🙂

      Reply
  4. Raven

    Ang galing,
    di ko npiGil maiyak kay mike at bilL.

    Ngay0n nMan nkKa’excite ang st0rya ni cristian at jeFF.

    C0ngratUlati0n mr. AuThor
    a biG ROund of applause.
    Hehe

    Reply
  5. jerome014

    OMG! Your d’ best author talaga for me! Hope you update me kung when you post the CHAPTER 9. Na excite ako lalo basahin ung article, kasi sa story na to, ee medyo naka relate ako. There’s have a part, na nang yari in my life.

    “im getting inlove in one guy. Meron din syang anak! Ang pag kakaiba lang namin ee, yung guy sa akin, merong kalive in. And he getting inlove w/ me tulad ng nararamdaman ko sa kanya. Pero sumuko nalang ako kac ayokong makasira ng relationship nila.”

    napakwento tuloy ako hahahahaha, great story author!🙂 keep up the good work. Another “TWO THUMBS UP” for you.

    Reply
    1. Ian

      Ouch for your part. But you just did the right thing. Mahirap ang magtago ng relasyon sa karelasyon mo na may karelasyon na. Gulo ba? In short huwag na lang magpaka “the mistress” “secret affair” at “no other woman”

      Masakit tanggapin pero yun ang tama. You just have to accept it.🙂

      Reply
      1. jerome014

        ako ba yon? thanks sa pag payo !!! sa katunayan yun na nga yung ginawa ko !!! ako na yung unang lumayo at umiwas sa kanila !!! sya lang naman yung balik ng balik sakin ee !!!

        Reply
        1. Ian

          Haba ng hair! Hahaha. Well sana sa pag balik balik niya sayo eh sana wala ka nang feelings na pinaparamdam or any sign na interesado ka pa sa kanya. Masakit pero deep inside you na you just have to do it para hindi ka makasakit. It may sound selfish pero i think yun lang ang paraan para tumigil na siya. Kasi nagawa niya yung ganyan kahit may kalive-in na siya eh panu pa kaya kung kayo na at ganun na ang sitwasyon nyong dalawa. Do you think na hindi niya ulit yun magagawa?

          They say na kapag nawala sayo ang pinakamamahal mo dun daw nagbabago ang tao whether good/bad. People will change. And i hoped for the good change.

          P.S. Payong kaibigan lang po ah. Please dont take it seriously or personaly. Hehe🙂

          Reply
          1. jerome014

            hahahahahahahaha. thanks po sayo !!! yeah i’m doing for the right, saka wala na talaga ako feeling sa kanya. di na ko tulad ng dati na pag nakikita ko sya lag lag na agad ako !!! hahahaha thanks again !!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s