Plus One: Chapter 9


The long wait is over! Ito na finally ang karugtong ng Plus One! Enjoy! Happy New Year!!

Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to real people and events are purely coincidental. Furthermore, unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this blog’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to PINOY M2M Stories with appropriate and specific direction to the original content. Thank you.

_________________________________________________

 

“Saan tayo pupunta?” tanong ko kay Christian.

Pagkasundo kasi sa akin nito ay dumiretso kami sa bahay nila para sunduin si Max. Kapag pala school days ay doon muna tumutuloy si Max sa kapitbahay nila habang wala pa ang daddy nito sa bahay. Pero nagtaka ako dahil pagkasundo namin kay Max ay pabalik ulit kami ng Makati.

“May favorite kasing toy store si Max sa may Makati. Doon lang niya nabibili yung ibang action figures na gusto niya,” paliwanag ni Christian.

Mabuti na lang at may alam na pasikut-sikot si Christian kaya hindi kami naipit ulit sa traffic sa EDSA.

Bandang alas nuebe ng gabi na kami nakarating sa toy shop.

Nagmamadaling bumaba si Max sa sasakyan at pumasok sa shop. Ang ganda at ang laki nito at talaga punumpuno ng mga laruan. Ang nakakatuwa pa rito ay mayroon silang section kung saan pwedeng laruin talaga ng mga bata yung mga toys ng libre.

“Hi Max! It’s nice to see you back! Are you looking for the latest edition of the Teen Titans action figures?” narinig kong wika ng isang lalaki na sa tantya ko ay ang may-ari.

Hindi ko nakita ang mukha nito dahil abala ako sa pagtingin ng mga laruan sa ibang section kaya natatakpan sila ng isang malaking shelf na puro laruan pero parang pamilyar ang boses na iyon.

“I actually reserved one for you because I assumed that you will buy them.”

Kilala ko talaga ang boses na iyon. Nagpasya akong lapitan sila para makita kung sino iyon.

Hindi nga ako nagkakamali. Siya nga ‘yon.

Nang makalampas na ako sa shelf na puro laruan ay doon ko lang napatotohanan ang kanina ko pang iniisip.

“Thank you, Tito Bry. I was looking forward to it the whole week!” ang halatang excited na wika ni Max.

Napatigil ako nang makita ko kung sino ang kausap ni Max. Pero parang hindi pa niya napapansin na naroon ako dahil abala siya sa pagkausap kay Max.

“Hey, are you okay?” tanong sa akin ni Christian nang makita niya akong nakatitig pa rin sa kausap ni Max.

“Ah, oo,” maikli kong sagot.

“Halika, pakilala kita sa may-ari ng shop na ‘to,” aya sa akin ni Christian.

“Hindi na, babalik na lang ako sa kotse,” pagtanggi ko.

“Ano ka ba? Sa dalas namin dito ni Max, naging malapit na rin ako sa kanya pati sa partner niya,” pamimilit ni Christian. Hinawakan na niya ang kamay ko at hinila papalapit kina Max kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

Nang mabaling ang tingin sa amin ng kausap ni Max ay nabakas ko ang pagkagulat sa mga mata niya. Maging siya ay hindi inaasahan na magkikita kami ngayon.

“Hey, Bry, kinukulit ka na naman ba ni Max?” tanong ni Christian.

“Hindi naman. I was just telling him about the new action figures,” tugon naman nito.

“Nga pala, I want you to meet Jeff,” ani Christian pagtukoy sa akin.

“I already know him,” sagot naman ni Bry.

Napakunot ng noo si Christian sa pagtataka. Halata kong hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ni Bry.

“Halika Christian, usap tayo sa labas. Iwan muna natin saglit si Max dito,” wika ko kay Christian.

At doon ko na kinwento kung ano ang namagitan sa amin ni Bry. Kung paano kami nagkakilala noong nasa college pa kami pareho, kung paano ako nagkagusto sa kanya, at kung paano naging kami. Ikinwento ko kung paano namin sinubukang buhayin ang relasyon namin. At ikinwento ko kung paano ko sinira ang relasyon namin.

“So you and Bry really go way back, huh?” tanong ni Christian.

“Hindi ka galit sa akin?”

“Why would I be mad at you? I understand na hindi ka pa handang ikwento sa akin ang past mo. Kahit sino naman, may mga nakaraan na hindi nila maikwento agad. Maiintindihan ko nga kahit na hindi mo ikwento sa akin ngayon ‘yung tungkol sa inyo. I guess that’s what happens when you grow older, you become more mature,” paliwanag niya.

Dahil sa sinabi niya ay mas lalo akong humanga sa lalaking kaharap ko. Swerte ako dahil nakilala ko ang tulad niya.

“I’ll just go get Max and then let’s leave,” ani Christian.

“Hindi, Christian. Ilang taon na rin kaming hindi nagkita ni Bry. Hindi pa ako nakakahingi ng tawad sa ginawa ko sa kanya. Kung okay lang sa’yo, gusto ko sana siyang makausap ngayon,” tugon ko rito.

Sapat na siguro ang mga nagdaang taon para mapatawad niya ako. Pero kahit ganoon, pakiramdam ko ay kailangan ko pa ring humingi talaga ng tawad. Naging malaking bahagi pa rin siya ng buhay ko.

Matapos mabili nina Christian ang laruan ni Max ay umalis na rin ito. Hindi na ako nagpahintay sa kanila dahil gusto kong makausap ng masinsinan si Bry.

“Kailan pa ‘tong toy store mo?” naiilang na tanong ko kay Bry.

“Matagal-tagal na rin. Nag-umpisa ‘to na parang free playground lang ng mga bata pero syempre, kailangan ding kumita kaya nagbenta na rin kami ng mga laruan,” sagot naman nito.

“Kami? May ka-partner ka dito?” nagtataka kong tanong. Mula kasi nung magkahiwalay kami ay wala na akong nabalitaan sa kanya. Hindi ko na rin sinubukang magtanung-tanong pa dahil alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handang harapin siya.

“Oo. Si Mike. Siya actually ang nagbigay sa akin ng store na ito,” maikling tugon ni Bry.

“Kayo pa rin hanggan ngayon?” tanong ko.

“Oo naman. Sayang nga hindi mo siya naabutan kanina.”

“I don’t think gusto niya rin ako makita,” tugon ko sa kanya.

“Doon ka pa rin ba sa coffee shop nagwowork?”

“Oo. Pero nagsara yung talagang pinasukan kong shop. Pero nagtayo ulit ng bagong shop yung dating may-ari tapos kinuha pa rin nila ako. Manager na ako dun ngayon.”

“Good for you.”

Ilang minuto rin na walang nagsalita sa aming dalawa. Ramdam na ramdam mo ang pagka-alangan naming pareho.

“Bry, about us,” panimula ko sa pakay ko talaga.

“Wala na yun, Jeff. Ang tagal na nun. We have both moved on,” nakangiting tugon ni Bry.

“Pero kailangan ko pa ring mag-sorry sa’yo dahil sa nagawa ko.”

“Matagal na kitang napatawad. I realized we were both young, then. Pareho pa tayong immature. Alam ko naman na may pagkukulang din ako,” tugon nito sa akin.

Hanggang ngayon ay napakabait pa rin ni Bry. Wala pa ring nagbabago sa kanya. Aaminin ko sa sarili ko na namiss ko siya. Pero hindi tulad noon, wala na akong nararamdaman para sa kanya. Masaya lang talaga ako ngayon na nakapag-usap na kami.

“So, you and Christian, huh?” usisa ni Bry.

“Oo. Kailan lang din. Hindi ko nga akalain, eh” nakangiti kong tugon sa kanya.

“Bakit naman? You look great together. Tapos may bonus ka pa na si Max. That kid is really lovable,” wika ni Bry.

“Sobrang mahal ko na nga ‘yung batang ‘yun. Although, hindi pa handa si Christian na sabihin sa kanya ang tungkol sa amin.”

“It’s nice to see that you’re happy and doing well, Jeff. Paminsan naiisip din kita and I always wondered how you’ve been. Wala na kasi akong nabalitaan sa’yo.”

“Well, wala rin naman kasi talaga tayong common friends. Nahiya rin naman akong i-add ka sa Facebook,” natatawa kong pagsang-ayon dito. “Again, I’m sorry Bry. I hope we can be friends.”

“Tigilan na nga ‘yang pagsosorry na ‘yan. Tingnan mo, we are both better people now. Kinailangan din nating pagdaanan ‘yon.”

Hindi naaalis sa mukha ni Bry ang mga ngiti. Isa ‘yan sa mga namiss ko sa kanya.

“And of course, we can be friends. Daan ka ulit dito minsan para magkita naman kayo ni Mike.”

Palabas na ako ng toy store nang muling magsalita si Bry.

“Don’t beat yourself too much, Jeff. Nagkamali ka noon. That doesn’t mean na masama kang tao,” wika nito na sinuklian ko ng ngiti.

“Everyone deserves to be happy. You deserve to be happy.”

“Salamat, Bry. I guess I just really needed to apologize para magka-closure na tayong dalawa,” nakangiti kong tugon dito.

Nag-aabang ako ng taxi sa tapat ng toy store nang bigla akong makaramdam nang sakit. Umaatake na naman. Napaupo ako sa may gilid ng kalsada sa sobrang sakit.

Mabuti na lang at nakita ako ni Bry. Dinala niya ako agad sa malapit na ospital. Narinig ko rin na tinawagan niya si Christian.

Nadatnan ako ni Christian na nakahiga na sa kama at nagpapahinga. Medyo nawala na ang sakit na nararamdaman ko pero medyo kumikirot pa rin ‘to.

“What happened?” tanong ni Christian sa akin.

“Wala lang ‘to. Dapat hindi ka na pumunta dito. Iniwan mo pa tuloy si Max,” nakangiti kong wika rito na siya namang pasok ni Max sa loob ng kwarto.

“What happened Tito Jeff? You had me and dad worried. Are you okay now?” sunud-sunod na banggit ni Max habang nakaupo ito sa tabi ko.

“I’m okay now. Thank you for your concern, Max.”

“Ano nga nangyari sa’yo?” alala pa ring tanong ni Christian.

“Mayroon akong varicocele,” tugon ko rito.

“What’s that?” usisa nito.

“May abnormality sa nerve ng testes ko. That causes the pain.”

“Is it serious?”

“Hindi naman siya dangerous. Pero ‘yun nga, kung minsan bigla bigla na lang siyang sumasakit,” paliwanag ko.

“Wala bang treatment for it?”

“There’s an operation pero ayoko.”

“Bakit? Para hindi na sumakit ulit ‘yan.” Bakas ko sa mukha ni Christian ang labis na pag-aalala. Si Max naman ay nakatingin lang sa akin na tila hindi naiintindihan ang aking sinasabi.

“Hindi lang pain ang effect niya,” patuloy ko. “Because of the abnormal nerve, nadedecrease rin niya yung sperm count ko over the years.”

Hindi naman sumagot si Christian kaya nagpatuloy na lang ako sa pagpapaliwanag.

“I won’t be able to father a child, Christian. Hindi na ako magkakaanak.”

At habang sinasambit ko iyon ay tumulo ang mga luha sa aking mga mata.

Naramdaman ko na may humawak sa kamay ko. Akala ko ay si Christian ito pero nagulat ako nang makita kong si Max ang nakahawak sa akin.

“Don’t worry, Tito Max. I can be your son. Just stop crying,” wika ng bata at sinundan ito ng mahigpit na yakap.

“Don’t be sad, Tito Max. Daddy and I are just here. We’ll never leave you.”

21 thoughts on “Plus One: Chapter 9

  1. Ian

    FIRST!

    Yes sa wakas nasundan na! Good thing nagising ako nang madaling araw at hirap ng mabalik ang tulog. Napasadya lang dito then boom another chapter. Cant wait sa susunod Mr. Author! Keep it up!🙂

    Reply
  2. zac

    it was so good… Sana happy ending total happy na rin si bry and mike ..d ko naman sinasabi na mawalan ng conflict ung story .. Pero sana happy ending ung story para kay jeff..

    Nako pag sad .. Bka magsuicide ako sa sobrang lungkot haha joke :’)

    idol mr.Author galing! Sana gawa ka pa ng marami haha..

    Reply
  3. Edmond

    Welcome back Billie and happy 2013 to everyone! =D

    Glad to see Jeff and Bryan having their closure.

    Nakakalungkot lang yung predicament na di magkakaanak si Jeff. To think na mukhang mahilig siya sa bata.

    Now I wonder kung ano ang magiging major conflict dito, to think na mukhang Max is fine with having 2 fathers. (The impact of it perhaps, as far as how other people will see it?)

    Reply
    1. Pinoy M2M Stories Post author

      Isa yan sa ineexplore kong pwede nilang maging problema. Pero madami pa din possible na maging problema:

      1. What if biglang bumalik yung mommy?🙂
      2. Parenting issues between Christian and Jeff
      3. Let us not forget Gab, the character I introduced in one of the earlier chapters.
      4. Insecurities ni Jeff since Christian is well-off and Jeff is only living by the paycheck.

      Sobrang dami pa. Pero siyempre hindi ko lalahatin. Baka maging telenovela pa to at magkainteres ang ABS-CBN at GMA. Haha

      Reply
      1. zac

        :’) isa pang pedeng conflict e
        maging severe ung sakit ni jeff.. Or tubuan ng cancerous cells..

        Kaso nakakalungkot un wag nlng. Haha

        *c max ay mabully ng husto sa school

        ..pero ang genius na author pa rin ang makakisip ng magandang flow ng story sa susunod na chapter.
        🙂

        Reply
  4. Pi Over Two

    Hihihi. I love it.

    So nice to see Jeff and Bry have closure. Ang exciting pa nung una; kaya nagbabasa ako with matching “Ohmyguard, ohmyguard, ohmyguard, ohmyguard”😀

    So nice to see some problems being addressed with new ones being opened.

    So nice to s have you back here. ^_^

    Reply
  5. Joshua

    I want the continuation of this story…. I realy love it pede po pa sand sa akin kung panu sundan yung story na e2 naguguluhan ako sa arrangement eh😦 peri Love ko story na e2

    Reply
  6. Joshua

    anu pala susunod sa after all e2 ba kaagda🙂 pede pa send sa akin yung pagkakasunod sunod ng story… plsssssss🙂

    Reply
    1. Pinoy M2M Stories Post author

      Hi Joshua,

      Check mo sa gilid ng blog, nandun yung order ng stories.

      Pero just in case hindi mo makita, ito yung order:

      1. After All
      2. Tulad ng Dati
      3. Not Over You
      4. Plus One

      Reply
        1. Pinoy M2M Stories Post author

          I did mention their names sa last part. Kaya hindi ko simabi yung mga pangalan nila sa umpisa dahil gusto ko mafeel ng readers as though sila mismo yung bida. Na story nila yun

          Reply
  7. Docomo

    YES! Sa wakas nagka time narin ako para magbasa uli dito! Haha! Antagal narin pla..

    btw, ang ganda ng kwento.! You never fail to make us fall inlove with your characters.. Keep it up!🙂

    Reply
  8. matt

    made me cry. huhu. i miss bry and jeff together. kainis. haha. pero sana maexpound kung paano nangyari na nagloko si jeff. well i guess i have to read through. nakakaexcite. haha

    Reply
  9. Red

    Lol, Nahuhuli ako.😀 Yun nga, Nakakamiss sina bryan at jeff yung time na nagsusungit pa si Jeff hanggang sa naging sila. Hmm hindi pa rin mawala yung magic ng after all. But i must commend the author foh giving us amazing and well structured stories.🙂

    Reply
  10. nersh

    Hi mr. Writer mejo naconfuse lng aq sa latter part nitong chapter kasi tinawag mo ng tito si max? Imbis na si jeff? Hehe.

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s