Plus One: Chapter 10


Pasensya na kayo dahil ang tagal nasundan ng kwento ko. Ito na ang latest chapter, at ito lang ang masasabi ko sa inyo: PATINDI NA NG PATINDI ANG MGA MAGAGANAP! Enjoy!🙂

Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to real people and events are purely coincidental. Furthermore, unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this blog’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to PINOY M2M Stories with appropriate and specific direction to the original content. Thank you.

_________________________________________________

“Don’t worry, Tito Max. I can be your son. Just stop crying,” wika ng bata at sinundan ito ng mahigpit na yakap.

“Don’t be sad, Tito Max. Daddy and I are just here. We’ll never leave you.”

Nang gabi ring ‘yun ay nakalabas na ako ng ospital. Isang taon na nang malaman ko na may sakit ako. Noong una ay natakot pa ako dahil baka malala ito. Pero sabi na rin ng urologist ko, hindi naman siya fatal illness pero ang pinakamalaking epekto nga nito ay sa kapasidad kong magkaanak.

Si Claire lang ang sinabihan ko tungkol dito dahil ayoko nang makarinig pa ng mga hindi nakakatuwang komento mula sa ibang tao.

“Hindi naman problema sa’yo yan dahil hindi ka naman talaga magkakaanak dahil bading ka.”

“Baka STD ‘yan. Naku, mag-ingat ka.”

“Buti na lang bakla ka. At least hindi ‘yan makakaapekto sa’yo.”

Unang una, gusto kong magkaanak hindi lang dahil uso ngayon sa gay community, lalo na sa couples, ang magkaroon ng anak kundi dahil alam kong kaya kong magpalaki ng bata ng maayos. And I have so much love to give to that kid.

And while it is more feasible kung mag-aampon ako, mas gusto ko pa rin na sa akin talaga galing.

Mabuti na lang at day-off ko kinabukasan kaya may oras ako para makapagpahinga. Binalitaan ko din si Claire tungkol sa nangyari dahil siya naman ang unang nakaalam ng sakit ko. Nagtext siya na pupunta daw siya sa bahay para alagaan ako. This is despite the fact na sinabi ko sa kanya na okay lang naman ako. I can very well move on my own and tend to my own needs. Pero ewan ko ba dun sa babaeng yun, she still insisted on coming. Siguro makikibalita na naman tungkol sa buhay ko.

Medyo maaga ako nagising ng Sabado. Nakahiga pa ako sa kama ng makatanggap ako ng tawag galing kay Christian.

“Hey, how are you?” pambungad na tanong sa akin ni Christian.

“Okay lang naman. Ito, kagigising ko lang. Kayo ni Max?”

“Tulog pa si Max. Napuyat, eh,” ani Christian.

“Hayaan mo munang makabawi ng tulog ‘yung bata,” wika ko naman rito.

“Kapag nagising na siya, we’ll go there para may kasama ka.”

“Okay lang, Christian. Magpahinga na lang kayo diyan. Napagod kayo dahil sa akin. Besides, pupunta naman si Claire dito para guluhin ako,” natatawa kong wika sa kanya.

“No. I want to take care of my boyfriend. Tsaka sa tingin mo, hindi din mangungulit sa Max na bisitahin ka?” tanong nito sa akin.

“O sige, basta huwag na lang kayo magmadaling pumunta dito.”

“Yup. O sige magpahinga ka na ulit. I love you, Jeff.”

“I love you, Christian.”

Matapos naming mag-usap ay bumangon na ako upang maligo. Medyo natatawa pa rin ako sa sobrang pag-aalala nina Christian at Claire sa akin. Kung tutuusin, wala naman talaga silang dapat ipag-alala.

Paglabas ko ng banyo ay nakareceive ako ng text mula ka kay Claire na naglalakad na siya papunta sa bahay namin kaya sinabihan ko na si manang na magluto ng almusal.

Wala pang limang minuto ay tumunog na ang doorbell. Ako na mismo ang nagbukas ng gate dahil nagluluto pa si manang.

“O bakit bumangon ka na? Baka mabinat ka,” bungat na bati sa akin ni Claire.

“Ano ka ba, okay na ako. Diba sabi ko naman sa’yo na hindi naman delikado ‘tong sakit ko.”

“Kung hindi delikado, bakit ka namilipit sa sakit kagabi, aber?” balik nitong tanong sa akin.

“Hindi ko nga din alam. Pero, swear, I’m okay now.”

“O kahit na, andito na ako. Alangan naman pauwiin mo ako. Haha. Magchikahan na lang tayo,” ani Claire habang papasok kami ng bahay.

Sa dining area na kami dumiretso upang mag-almusal. Ang daming hinandang pagkain ni manang. Hindi ko yata nasabi na dalawa lang kami ni Claire na kakain.

“Ay, akala ko sina Sir Christian ang pupunta dito kaya medyo dinamihan ko ang luto, hijo,” ani manang.

“Baka mamaya pa sila manang. Hayaan mo na, sumabay ka na sa amin mag-almusal para hindi naman masayang ‘tong niluto mo.”

Nakita kong nakangiti si Claire dahil sa narinig nito. “Pupunta sina Christian at yung anak niya?”

“Oo. Pareho kasi kayong OA ang concern,” tugon ko rito.

“Okay ‘yun. At least makikilatis ko na siya,” natatawa nitong sagot.

Tulad ng inaasahan ko, naging maingay at masaya ang pagkain namin. Sobrang daldal at kulit ni Claire. Hindi nga napigilan ni manang na matawa ng malakas sa mga banat ng kaibigan ko.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa kwarto ko. Namangha si Claire nang makita niya ang toy collection ko.

“Wow, ang dami! Ang mahal siguro ng mga ‘yan,” wika nito ng paghanga.

“Oo. Kaya nga hindi ko na nadadagdagan ‘yan dahil I cannot afford to buy anymore,” tugon ko rito.

“Anyway. Hindi mo pa naikukwento sa akin kung saan ka inatake kanina nung sakit. Dali, we have the whole day para magchismisan,” wika ni Claire.

“Naalala mo si Bry?” panimula kong tanong rito.

“Sinong Bry? ‘Yung ex mo?”

“Oo,” tugon ko. Nakita ko sa mukha nito ang pagkagulat.

“O bakit? Nagkita na kayo ulit?”

“Oo. At siya pa nagdala sa akin sa ospital. Sinamahan ko kasi sina Christian at Max sa toy store na lagi nilang pinupuntahan. Sina Bry pala ang may-ari nun. Nagpaiwan ako dun para makapag-usap na kami ni Bry. Nang pauwi na ako, tsaka naman ako nakaramdam ng sakit,” kwento ko rito.

“Anong reaction ni Christian nung malaman niyang magkakilala kayo ni Bry?” pag-uusisa ni Claire.

“Naintindihan naman niya na Bry was a part of my life and past na ‘yun. I don’t think issue ‘yun sa kanya.”

“Mabuti naman. So kamusta na kayong dalawa ni Christian? Nagawa niyo na?” nakangiting tanong ni Claire.

“You’re disgusting, you know that?” natatawa kong banggit kay Claire. “Hindi pa! And mukhang hindi naman kami nagmamadali pareho kaya okay lang,” patuloy ko.

“Ano kayong dalawa, virgins? May anak na nga ‘yung isa. Tapos ikaw, ilang beses nang nangaliwa noon, tapos ngayon pahinhin kayo pareho?”

“Preno naman! Past ko na ‘yun, huwag na nating balikan,” natatawa kong tugon dito. “Pero seriously, wala pa siguro yung right time for us to do it. Hindi ko naman sinasabi na hindi ko naiisip ‘yun minsan.”

“Basta kapag nangyari ‘yun, I want the details,” nakangiting wika ni Claire.

“Ewan ko sa’yo. Ang bastos mo kahit kailan.”

Ganito lang ang ginawa namin buong umaga. Hindi pa rin nagtetext si Christian. Marahil ay nakatulog ulit ‘yun.

Sa dami naming napag-usapan ni Claire ay hindi ko namalayang tanghali na pala. Nagpasya akong kamustahin na sina Christian at Max.

Ilang minuto na akong nagtetext pero hindi pa rin sumagot si Christian. Hinayaan ko na lang muna dahil baka natutulog pa rin ‘yung dalawa.

Kumakain na kami ng lunch ni Claire nang makatanggap ako ng tawag kay Christian.

“Jeff, I don’t think we can go there now,” bungad nito sa akin.

“Okay lang. Sabi ko naman sa’yo, hindi n’yo na kailangan pumunta dito,” tugon ko kay Christian.

“Jeff, may problema tayo,” patuloy ni Christian na halata ko sa boses ang pagkabalisa.

Natulala ako sa sinabi ni Christian. Ang dami kong na-imagine na magiging problema namin, pero kahit isang beses ay hindi iyon pumasok sa isip ko. Pwede naming maging problema kapag hindi matanggap ni Max ang relasyon namin. Or pwede rin na maging problema kung magdecide si Christian na itigil ang relasyon namin dahil sa takot niya sa sasabihin ng ibang tao.

Napakarami ko pang naisip na pwede naming maging problema. Pero not this one. I have never thought this would happen. Hindi ko alam kung bakit hindi ko ito naisip.

Ilang minuto na pala akong nakatulala mula nang ibaba ko ang telepono.

“Huy, Jeff! Kanina ka pa tulala diyan. Anong problema?” tanong sa akin ni Claire.

Humarap ako sa kanya na bakas na bakas ang takot at pag-aalala.

“Claire, Max’s mom just arrived earlier.”

6 thoughts on “Plus One: Chapter 10

  1. theclosetchronicler

    Hmmm, just when I thought na smooth-sailing sila, here comes the conflict.

    Wonder if she’ll woo Christian back or get custody of the child (or perhaps both?!).

    – Edmond

    Reply
  2. Pi Over Two

    Didn’t expect that! Now, you always leave us guessing!😀

    (Naalala ko na may utang pa ako sa yo na job. Will get on it!)

    Reply
  3. zac

    left us hanging nnmn..

    Haha..

    Kung ano ano naiisip ko na mangyayari for the next chapter(s) .. Haha

    btw ,good job Mr.Author idol ..Crush na kita lol
    Goodluck and GOD Bless to your new career.
    #rain

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s