Plus One: Chapter 11


Dahil sinisipag na ulit ako, ito na agad ang next chapter! I hope you enjoy the roller coaster ride of Jeff!🙂

Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to real people and events are purely coincidental. Furthermore, unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this blog’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to PINOY M2M Stories with appropriate and specific direction to the original content. Thank you.

_________________________________________________

“Huy, Jeff! Kanina ka pa tulala diyan. Anong problema?” tanong sa akin ni Claire.

Humarap ako sa kanya na bakas na bakas ang takot at pag-aalala.

“Claire, Max’s mom just arrived earlier.”

“What?” tila naguguluhang tanong ni Claire.

“‘Yung mom ni Max na matagal nang nasa States, bumalik na daw dito,” patuloy ko.

“Paano ‘yun naging problema?” usisa ni Claire

“Sinabi ni Christian ‘yung tungkol sa amin at ayaw daw nung mom na mapalapit si Max sa katulad ko.”

“Sa katulad mo? Sabihin mo diyan sa nanay ni Max, ‘yung tatay ng anak niya eh katulad mo din. At ‘yun sinasabi niyang katulad mo ay yung tatay na hindi iniwan ‘yung anak niya. Hay naku, umiinit ulo ko sa kanya!” pasigaw na sabi ni Claire.

“Hindi ko alam gagawin ko Claire,” mahina kong tugon dito.

“Anong sabi ni Christian?”

“Mag-usap na lang daw kami ulit mamaya. Natatakot ako Claire sa pwedeng mangyari,” wika ko rito.

“Kung talagang mahal ka ni Christian, paglalaban ka nun.”

“Pero iba na ang usapan kapag involved na si Max. And no matter how hard it will be for me, maiintindihan ko siya kung ano man ang magiging desisyon niya para hindi mapalayo sa anak niya.”

“Huwag ka masyadong advance mag-isip, Jeff. Hintayin mo munang makapag-usap ulit kayo ni Christian,” payo sa akin ni Claire.

Buong hapon na akong hindi mapakali kakahintay sa tawag ni Christian. Sinamahan lang ako ni Claire buong hapon dahil kahit siya ay naghihintay ng mga susunod na mangyayari. Tuwing magsasabi ako ng mga pwedeng mangyari ay pinipigilan na ako ni Claire.

Bandang alas sais ng gabi ay tumunog ang doorbell. Ilang minuto pa ay bumukas ang pinto ng aking kwarto at dahan dahang pumasok si Christian.

“Hey, what happened?” tanong ko rito nang sinalubong ko siya papasok ng kwarto ko.

Hindi ito sumagot. Bagkus ay tumingin lang ito kay Claire, tanda na nais nitong makapag-usap ng kaming dalawa lang.

“Uwi na pala ako. Ang tagal ko na rin dito,” wika ni Claire at nagpaalam na sa amin.

Nang makalabas na ng kwarto si Claire ay tsaka lang umupo sa kama si Christian.

“How are you?” tanong ko rito na sinabayan ko ng mahigpit na yakap.

Hinawakan naman ni Christian ang mga kamay kong nakayakap pa rin sa kanya.

“She wants me to stop seeing you,” mahinang tugon ni Christian.

Napabitaw ako sa pagkakayakap ko kay Christian sa kanyang tinuran. “Bakit?”

“Ang sabi niya, hindi daw magandang example kay Max na makipagrelasyon ako sa lalaki,” patuloy nito.

“Then tell her that Max doesn’t know.”

“I tried telling her that pero ang sabi niya, mahahalata pa rin daw ‘yun nung bata in the future,” nakatungong wika ni Christian.

“So what’s your plan?” tanong ko rito.

Dahan-dahan nitong iniangat ang kanyang ulo at tumingin sa akin. Nakita kong halos maluha na ito.

“She said she’ll take my son away from me,” nangangatal na wika ni Christian.

Gusto kong maiyak sa narinig ko. Alam kong sinabi ko kay Claire na maiintindihan ko si Christian kahit na ano pa ang maging desisyon nito, pero ang sakit pa rin pala na alam mong wala siyang ibang choice kundi ang iwan ka.

Dahil kung ako ang may anak, gagawin ko rin ang lahat para hindi siya mapalayo sa akin.

Pero ang sakit-sakit pala.

Nakita ni Christian ang aking pag-iyak kaya niyakap agad ako nito ng mahigpit.

“I’m so sorry, Jeff. You know I love you so much, but I can’t live without my son,” ang mahinang wika sa akin ni Christian.

Pinilit kong mangiti dahil kahit papaano ay gusto kong tatagan ang loob ko. “I understand, Christian. You’re just making the right decision. I would’ve done the same.”

“I am so sorry,” paulit-ulit na sinasabi ni Christian.

“I am so sorry,” wika niya na sinundan ng makahulugang mga halik.

Hanggang sa nahiga kami sa kama nang hindi naghihiwalay ang aming mga labi. Unti-unting nababawasan ang aming mga kasuotan. At sa gabing ito, tuluyan kaming naging isa.

* * *

“One tall caramel latte to go, please.”

“Tambak na naman ng trabaho?” rinig kong tanong ni Claire sa lalaking umo-order. Medyo nahuli ako ng gising kaya kakarating ko lang.

“Yup. I have a meeting in thirty minutes. Is he already here?” tanong ng lalaki.

“Kakarating lang. Pinuyat mo na naman kagabi, ‘no?” balik na tanong ni Claire.

“Kung anu-ano na naman ‘yang pinagsasasabi mo,” sita ko rito nang makalabas na ako ng counter.

“Hi, Jeff,” nakangiting bati sa akin ng lalaki.

“Hi, Gab! Pasensya ka na kay Claire,” nakangiti ko ring tugon dito.

“We’ve been dating for three months already, Jeff. Sanay na ako diyan kay Claire,” ani Gab.

“Lagi ba naman akong third wheel sa inyo,” natatawang sabat ni Claire.

“O siya, ako na dito. Gawin mo na ‘yung order ni Gab,” utos ko kay Claire.

“Yes, boss.”

Halos apat na buwan na ang nakalipas mula nang huli kaming magkita ni Christian. Nagpasya siya na hindi na muna kami magkita dahil tinakot siya ng nanay ni Max na aalisan siya ng custody sa bata kapag ipinagpatuloy pa niya ang relasyon namin. Masakit man sa kalooban ko ay hindi ko na siya pinigilan dahil ayokong ako ang maging dahilan para mawalay sa kanya si Max.

Ilang araw mula ng huli naming pagkikita ni Christian ay siya namang pagbisit ulit ni Gab sa coffee shop. Isang beses pa lang siya nakakabisita ng Chilla bago nito. Pareho kaming members ng street dance club noong college pa kami.

Halos araw-araw na siyang pumupunta sa coffee shop at nakikipag-usap sa akin.

“Alam mo, ang lakas ng tama sa’yo ng Gab na ‘yan,” pansin ni Claire isang araw na nagkukwentuhan kami sa trabaho habang wala pa masyadong tao.

“What should I do? I admit na he is really attractive and hindi naman ako manhid para hindi maramdaman kung ano gusto niyang mangyari. Pero I still have deep feeling for Christian,” tanong ko rito.

“Look, as long as nasa picture ‘yang nanay ni Max, wala kayong chance ni Christian. Kung ako sa’yo, let go and move on. Baka si Gab ang makakatulong sa’yo para tuluyan mong makalimutan si Christian,” payo ni Claire.

Dahil na rin sa pag-uudyok ni Claire, at para rin hindi na daw ako malugmok sa sobrang kalungkutan, pumayag ako na makipagkita kay Gab. At ngayon nga, halos tatlong buwan na kaming nagde-date ni Gab.

I get to like him more everyday. And there are times na nakakalimutan ko si Christian kapag magkasama kami. Pero ang hirap pa ring makalimutan ni Christian lalo na’t alam kong wala naman talaga kaming problema. Biktima lang kami pareho ng panahon.

“Hey, tulala ka na naman,” pagbasag ni Gab sa pag-iisip ko.

“Sorry, may naalala lang ako bigla,” paghingi ko ng tawad.

“I think it’s my fault. Masyado ako naging busy this past month dahil sa bago naming client. I promise I’ll make it up to you. For now, let’s enjoy our dinner,” wika ni Gab na sinuklian ko ng isang impit na ngiti.

Naging masaya naman ang dinner namin ni Gab. Marami siyang ikinuwento sa akin tungkol sa trabaho niya. Ikinuwento ko naman sa kanya ang mga nakakatawang nangyayari sa coffee shop tulad na lang nung natapunan si Claire ng mainit na kapi ng nasagi niyang customer at nung hindi ma-spell ng tama ng isa namin cashier ‘yung pangalan ng customer.

“Hey, don’t forget that we have a dance rehearsal this Saturday,” paalala sa akin ni Gab bago ako bumaba ng sasakyan.

“And after that, let’s have dinner with my family. Kakabalik lang kasi ng ate ko from the States. I want you to meet them,” patuloy nito.

“Hindi ba masyadong maaga for that?” tanong ko rito.

“Don’t worry. Hindi naman kita ipapakilala as my boyfriend. I just want you to meet my family.”

“Hindi ko alam, Gab,” tugon ko rito.

“Please?” pagmamakaawa ni Gab na sinamahan pa niya ng pa-cute niyang mukha.

“Oo na, sama na ako.”

“Yehey! So, see you on Saturday? May out of town meeting ako tomorrow, eh,” paalam ni Gab.

“Sure. See you!”

“I love you, Jeff,” wika niya.

Hindi ko pa kayang sabihin sa kanya ‘yun dahil alam ko sa sarili ko na hindi pa tuluyang nawawala ang nararamdaman ko para kay Christian. Lolokohin ko lang si Gab at ang sarili ko kung sasabihin ko iyon.

“Ingat ka sa pagmamaneho. Text me when you get home.” Iyan na lang ang nasabi ko sa kanya.

Nabakas ko sa mga mata ni Gab ang bahagyang kalungkutan pero sinubukan niyang ikubli ito sa kanyang ngiti.

Pag-akyat ko ng kwart ay agad kong tinawagan si Claire.

“Claire, Gab wants me to bring to this dinner on Saturday to meet his family,” wika ko.

“Edi, okay. At least alam mong seryoso sa’yo ‘yung tao,” tugon nito sa akin.

“Pero hindi pa nga ako totally nakakamove-on kay Christian, ‘di ba?”

“Dinner lang ‘yun friend, hindi wedding proposal. Huwag ka masyadong magpanic,” wika nito.

“Tama pa ba ‘tong ginagawa ko? Feeling ko I’m just using him to get over Christian.”

“Hindi mo pa naman sinasabi sa kanya na mahal mo na siya. So wala kang ginagawang masama. I’m sure alam niya ‘yung risk na pinasok niya when he decided na makipag-date sa’yo.”

“Ayoko lang na makasakit na naman ng tao,” tugon ko rito na may kasamang buntong hininga.

“I’m sure Gab can handle it. Basta sumama ka na muna sa kanya sa Sabado.”

Dahil hindi pa rin panatag ang kalooban ko ay sinulatan ko ulit si mommy.

Hi Mommy,

I need help. I have been writing you every night so you know what I’m going through now. I still cannot get over him. And this thing with Gab, unfortunately is not helping. Ayokong masaktan si Gab dahil sa attempt ko na makalimutan si Christian. Pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya.

Ang sabi ni Claire, I should still give it a shot dahil baka daw may magandang mangyari. Sana nga tama siya.

I wish you’re here. I’m sure you would tell me the right thing to do.

I love you so much, mommy. Say hi to daddy for me.

 

24 thoughts on “Plus One: Chapter 11

  1. theclosetchronicler

    First post!

    Ewan ko ha, pero I just don’t find myself rooting for Gab, sorry. (Si Francis pa rin ang pinaka-like-able 3rd party na character sa lahat ng nagawa mo, heheh.)

    Speaking of, will the characters from Not Over You make a cameo here as well?

    – Edmond

    Reply
    1. Pinoy M2M Stories Post author

      Hahaha. Hindi ko pa sila naiisip na ipasok dito. Baka kasi lalong gumulo. Hehe.

      But what do you think of the story so far? To be honest, ito yung story na parang super ganda nung naconceptualize ko pero ang hirap pala isulat

      Reply
      1. theclosetchronicler

        I know the feeling. You have a concept pero challenging i-flesh out on “paper”.

        My take on your series:

        It’s great na you established early on your lead characters and what their backgrounds are. (Malamang, they were characters in previous series.) You have a strong supporting cast. Also, kakaiba rin ang plot. It’s not everyday na I get to read/watch a plot about a single dad with alternative sexual preference.

        Talagang di lang ako gaano sold sa character ni Gab. Siguro may kulang somewhere, I dunno. I think the mom is a pointier thorn in this story and I look forward to read more about her. What kind of persona will she display once she becomes an active character in the story? Hanggang saan ang kaya niyang gawin para sa kapakanan ng anak niya, kung indeed yun talaga ang motivation niya sa pagsulpot uli sa buhay ng mag-ama?

        Also, di ko pa rin nakikita uli yung “angas” ni jeff. I hope he shows that side once again, especially now na merong hadlang sa kanila. Sige paka-“martir” muna siya, pero I hope he regains that side of his. (I tell you, kahit he screwed up sa After All, siya pinakagusto kong character dun.)

        You’re doing fine. (Kaya nga ko na-enganyo i-explore ang right-side ng utak ko eh, hehehe!)

        Define SONA. Hahaha!

        Reply
        1. Pinoy M2M Stories Post author

          Hahaha. Ang dami nyo nang naghahanap dun sa maangas na Jeff. Natetempt na tuloy ako ipost ngayong gabi yung next chapter. Hahahaha

          Reply
    1. Pinoy M2M Stories Post author

      Hahaha di pwede! Baka malito naman yung iba. LOL.

      Nga pala, gusto mo ipromote ko dito yun blog mo? I like your writing style. Parang sophisticated version nung akin. LOL

      Reply
  2. Pi Over Two

    Sabi na nga ba magiging rebound guy si Gab. I think ang “kulang” na hinahanap ni Edmond ni Gab ay yung characterization niya. Parang medyo nakakabigla na all at once, nagde-date na sila without much narration sa naganap sa kanila. Ang result, hindi siya masyadong sympathetic. Nonetheless, I’m excited for what’s next.🙂

    Reply
      1. Pi Over Two

        Thanks! (Your blog’s on my to-read list!)
        Oh, ngayon ko lang nakita itong comment tungkol kay Gab. Medyo hint pala ito sa naganap sa Chapter 12.

        Reply
  3. Pink 5ive

    I think their sex before breakup was really out of place :)) But it really made me smile when I saw 2 new chapters posted🙂

    Reply
    1. Pinoy M2M Stories Post author

      Haha out of place ba? Feeling ko kasi okay yung placement nya just to, you know emphasize yung love ni Jeff kay Christian na despite the fact na iiwan na siya, he still did it with him

      Reply
        1. Pinoy M2M Stories Post author

          Sorry hindi ko nauupdate yung story collection na page ko. Just click on the image of Plus One sa may kanan and lalabas na lahat ng chapters. Pwede mo din iclick yung category na Plus One sa mismong post.

          Salamat sa pagbabasa!

          Reply
  4. Anonymous

    I dont know pero pinakagusto ko talaga na char si jeff I mean hes the sweetest right tapos naginh ganun. Im still rooting for him and bryan sorry.

    Reply
  5. nersh

    Hi mr. Writer ive been reading your works. And humahanga aq kung paano mo binigyan ng mas makabuluhang halaga ang m2m stories, hindi ung puro sex lang ung tema. Please keep it up, your stories are inspiring! Ty

    Reply
  6. nersh

    And to add, its amazing how you connect the characters and came out with a great conflict. Please continue writing. Ty

    Reply
  7. Anonymous

    hi i just recently start reading your stories and i found them interesting and amusing to me ask ko lang may kasunod pa ba tong plus one?

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s