Plus One: Chapter 12


I’m slowly getting excited with this story. Hindi na siya ganun kahirap isulat for me so I hope you enjoy it as well.🙂

Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to real people and events are purely coincidental. Furthermore, unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this blog’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to PINOY M2M Stories with appropriate and specific direction to the original content. Thank you.

_________________________________________________

 

“Hey, I’ll be there in ten minutes. Are you ready?” tanong ni Gab. Ngayong araw ang practice ng mga alumni ng street dance club. At ngayong araw din ang nakatakdang dinner ng pamilya niya.

Ilang minuto lang ay may bumubusina na sa labas ng bahay. Kinuha ko na ang bag ko na naglalaman ng damit na isusuot ko para sa dinner mamaya.

Pagdaan ko sa salamin sa kwarto ay tiningnan ko kung okay na ang itsura ko. Nagsuot lang ako ng t-shirt, shorts at rubber shoes para sa training.

“You know what, even after years of not dancing, you still have that swag kapag ganyan ang suot mo,” wika ni Gab pagpasok ko ng sasakyan.

“Nahihiya nga ako. Feeling ko, I’m too old to wear something like this,” tugon ko.

“You don’t look your age, Jeff. You’re still very handsome and can give those college students a run for their money,” nakangiting sabi ni Gab.

“Tama na ‘yang pambobola. Medyo excited na akong magsayaw ulit,” nakangiti kong tugon.

Sa isang dance studio somewhere in Quezon City ang practice. Nakakatuwang makita ko ulit yung mga ka-batch ko sa org. Ibang iba na talaga ang mga buhay namin. May mga supervisor na sa mga malalaking kompanya. Mayroon na din namang nagtayo ng mga negosyo nila. Karamihan din sa kanila ay may mga pamilya na. Kahit na parang ang tataas na ng mga posisyon nila, kahit isang beses ay hindi ako nahiyang sabihin kung ano ang trabaho ko.

May mga mas bata ring alumni kaming kasama. Nakakahiya nga dahil ‘yung iba sa kanila ay kilala ako dahil sa mga kwento sa kanila.

Noong umpisa ng practice ay medyo naninibago pa ako dahil sa tagal ko na ring hindi nagsasayaw. Pero nang magamay ko na ulit ang mga galaw, para akong bumalik sa pagiging college student kung saan ang pagsasayaw ang naging buhay ko.

Ang sarap sa pakiramdam na malaya kang nakakagalaw at nakakaindak. Kung sana ganito rin ang nararamdaman ng puso ko ngayon. But unfortunately, my heart is still tied with Christian.

Katabi kong nagsasayaw si Gab na hindi maalis ang ngiti tuwing sumisilip sa akin. Gab is a total catch. Mabait, matalino at hindi maipagkakailang may itsura. Just imagining how hard it will be for him once I tell him the truth, nakokonsensya na agad ako. He doesn’t deserve that kind of pain.

So maybe I’ll wait it out for some time. Baka nga tama si Claire na makalimutan ko si Christian at mahalin si Gab.

“You still have it, Captain,” bati ni Gab matapos ang practice.

“Gab’s right, Captain. Buti naisama ka nitong best friend ko dito,” pagsang-ayon ni Adrian. Sabay silang pumasok ni Gab sa club. Hindi ko na rin siya namukhaan. Mabuti na lang at ipinakilala agad siya sa akin ni Gab.

“It felt great dancing again,” tugon ko rito.

Mag-gagabi na ng matapos ang dance training ng club. Pagod na pagod ako pero hindi ko maitatangging ang saya ng pakiramdam ko na makapagsayaw ulit.

Parang bumalik ako dun sa Jeff noong college na malakas ang kumpyansa sa sarili at hindi basta-basta nagpapatalo.

Kung sana nakita ako ni Christian na nagsasayaw kanina, tiyak matutuwa iyon na bumalik ako sa pagsasayaw.

“Hey, let’s shower para hindi tayo malate si dinner,” pagbasag ni Gab sa aking pagninilay-nilay.

Matapos makaligo at makapagpalit ng damit ay umalis na agad kami ni Gab papunta sa bahay nila. Sa isang exclusive subdivision sa may Quezon City sila nakatira. Nakaramdam na ako ng kaba dahil ito ang unang pagkakataon na makikilala ko ang pamilya niya.

Pagpasok ng sasakyan sa garahe ng bahay nila ay agad kaming sinalubong ng kasambahay nila.

“Good evening po, sir. Buti at maaga kayo. Medyo malelate daw po ‘yung ate n’yo,” wika nito kay Gab.

“I’m sure mainit na naman ang ulo ni Dad,” tugon ni Gab dito.

Lumingon ito sa akin at inaya na akong pumasok sa loob. Sa labas pa lang ay ang ganda na ng itsura ng bahay nila.

Halos magkasinglaki lang ang bahay namin pero mas maganda ang itsura ng bahay nila dahil naaalagaan ito. Magmula kasi ng mawala si Dad, kami na lang ni manang ang nasa bahay kaya hindi namin magawang i-maintain ang itsura nito. Malinis pa rin naman ang bahay namin pero hindi na kasing ganda tulad ng dati.

Dumiretso kami sa garden sa likod ng bahay nila kung saan nakalatag ang isang mahabang mesa. Talagang pinaghandaan yata nila itong dinner na ito.

Nakita kong nakaupo sa isang dulo ng mesa ang may katandaan nang lalaki na naninigarilyo. Naglakad kami ni Gab papalapit dito.

Lumapit si Gab at humalik sa pisngi ng lalaki tanda ng paggalang. “Dad, I want you to meet Jeff,” ani Gab.

Tiningnan muna ako ng dad ni Gab bago ito tumayo at iniabot ang kamay nito sa akin. “Good evening, hijo. I’m glad na nakasama ka. Gab has been telling a lot of stories about you. Just call me Tito Greg” bati sa akin nito.

Mabait pala ang dad ni Gab kahit na mukha itong istrikto. Hindi ko alam kung ano ang mga ikinuwento ni Gab sa kanya pero mukhang tanggap naman niya kung anuman ang anak niya.

Sunod naming nilapitan si Tita Cindy, ang mommy ni Gab na abalang may inaayos sa isa pang table na sa wari ko ay paglalagyan ng pagkain.

Nang makita kami nitong papalapit sa kanya ay agad nito kaming sinalubong ng ngiti.

“I’m glad you were able to make it, Jeff. I hope you enjoy the night,” bati nito sa akin na sinundan ng isang mahigpit na yakap.

Sabay na kaming tatlo na bumalik sa dining table at umupo.

“Anong oras daw po dadating si ate?” tanong ni Gab sa magulang.

“They are on their way. Na-late lang daw ng gising ‘yung anak niya,” tugon ni Tito Greg.

“‘Yung anak kasi namin na ‘yun, ilang years siya nasa States to study and work na rin. Actually, four months ago pa siya nakabalik dito. Marami lang kaming inaasikaso sa business namin kaya nadelay itong dinner namin. This will be our first dinner in how many years na kumpleto kami,” paliwanag ni Tita Cindy.

Habang hinihintay ang pagdating ng kapatid ni Gab ay nagkuwentuhan muna sina Gab at mga magulang nito. Kung minsan ay sumasali rin ako sa usapan pero dahil nahihiya pa ako ay mas madalas na tahimik lang ako at nakikinig sa kanila.

Ilang minuto pa ang lumipas ay lumapit na ang kasambahay nila at sinabing dumating na raw ang kapatid ni Gab.

Napaisip ako kung ano ang itsura nito. Kamukha kaya ito ni Gab? Nagmana kasi si Gab kay Tita Cindy. Pareho silang may mapupungay na mata at maamong mukha. O baka mas kamukha niya si Tito Greg na gwapo rin pero mas strong lang ang features.

Nakatingin ako sa pintuan at hinihintay siyang dumating. At namangha ako nang makita ko kung gaano siya ka-elegante maglakad. Mas kamukha nga niya ang daddy niya. Napakaganda rin nito. Hindi mo mahahalata na magkapatid sila ni Gab. Kung sabagay, ilang taon lang din naman ang tanda nito kay Gab.

Lumapit agad ito sa kanyang mga magulang at humalilk. Sunod nitong nilapitan si Gab na mahigpit itong niyakap.

“Ate Camille, si Jeff nga pala,” wika ni Gab.

Nginitian naman ako nito at niyakap. “It’s nice to meet you, Jeff.” Matapos akong yakapin ay humarap ulit ito kay Jeff at bumulong, “Magaling ka talaga pumili kahit kailan, Gab.”

Nahiya ako at namula sa narinig ko.

“Nasaan na sila?” tanong ni Tita Cindy kay Ate Camille. Nakalimutan kong kasama nga pala niya ang anak nito at asawa.

“Nag-CR lang,” maikling tugon ni Ate Camille.

Nakaupo na kami nang marinig ko ang yabang ng batang tumatakbo. Dumiretso ito kay Ate Camille at yumakap. Hindi ko pa agad nakita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa akin.

“Baby, say ‘hi’ to them,” wika ni Ate Camille sa bata.

Nang lumingon ang bata upang bumati ay halos mamutla ako sa aking nakita.

Nang mapalingon ang bata sa akin ay hindi nito mapigilang mapasigaw.

“Tito Jeff!” wika ng bata at dali-daling lumapit sa akin at yumakap.

“You’re here Tito Jeff! Akala ko nagalit ka sa amin ni Daddy kaya hindi mo na kami binibisita. I’m so glad you’re here! Daddy will be so happy to see you!” tuluy-tuloy na wika ng bata.

Niyakap ko na lang din ang bata kahit na halos hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. “Hey, Max,” ang nangangatal kong wika rito.

Nakita kong halos hindi rin makagalaw si Ate Camille sa kanyang kinauupuan. Pareho naming hindi inaasahan na magkikita kami sa ganitong pagkakataon.

“Jeff?”

Paglingon ko ay nakita ko si Christian na nakakunot ang noo.

Parang gusto kong matunaw at mawala na lang bigla. Hindi ko inaasahan na mangyayari ito. Hindi ko inakala na makikita ko pa sila ulit, at sa ganitong pagkakataon pa.

Ng tumingin ako sa buong paligid ay nakita ko sina Gab, Tito Greg at Tita Ciny na parang nagtataka sa mga pangyayari.

“Jeff, you know Christian and Max?” tanong ni Tita Cindy.

HIndi ako makasagot agad dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Nakita ko si Gab na naghihintay rin ng sagot.

“Bumili kami one time nina Christian and Max sa coffee shop where Jeff works,” mabilis na sagot ni Ate Camille.

Napatingin kami nina Christian at Max sa sagot ni Ate Camille.

“Eh itong si Max, mukhang nakasundo si Jeff. I’m sorry, Jeff, hindi kita namukhaan agad,” patuloy ni Ate Camille.

Hindi pa rin ako makapagsalita sa pagkagulat sa pangyayari. Inutusan naman ni Ate Camille si Max na umupo na sa tabi nito na sinundan naman ni Christian na nakaupo sa tabi ni Max at katapat ko.

Iniba na ng mga magulang ni Gab ang usapan na siya namang ikinagaan ng loob ko. Pero napansin kong tahimik pa rin si Gab at tila iba ang iniisip.

Tahimik lang akong kumain. Nagdadasal ako na sana ay matapos na agad ang gabing ito.

Matapos kong kumain ay nagpaalam ako na gagamit muna ng banyo.

Paglabas ko ng banyo ay nakita kong nakatayo na doon si Ate Camille.

“How dare you,” galit nitong sabi sa akin.

“I’m sorry, Ate Camille, I didn’t know,” mahina kong tugon dito.

“First, you sleep with father of my son, and now you’re sleeping with my brother? At huwag mo nga akong matawag-tawag na ‘ate,’” patuloy na paglabas ng galit ni Ate…ni Camille.

“Kung alam ko na magkapatid kayo ni Gab, I never would’ve come here,” mahinahon kong sagot sa kanya.

“You wouldn’t come here, but you would still sleep with my brother,” tugon nito na may naka-iinsultong ngiti.

“Ayoko ng gulo. Aalis na lang ako.”

“Hindi ko naman talaga hahayaan na magulo ng isang imoral na katulad mo ang pamilya ko.”

Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. Oo, naiintindihan ko ang pinanggagalingan ng galit niya pero wala siyang karapatan na bastusin ako ng ganito. Hindi na ako nakigulo nang utusan niya si Christian na layuan ako. At mas lalong hindi ko alam na magkapatid sila ni Gab.

“Imoral? Ako pa ngayon ang imoral? Sino ba sa ating dalawa ang nang-iwan ng anak para magpakasaya sa Amerika?”

Hindi ko na napigilan ang galit ko. Wala akong ginagawang masama para tratuhin niya ako ng ganito.

Akmang sasampalin na niya ako pero napigilan ko ang kamay nito.

“Look, Camille. It was not my fault that Christian fell in love with me. And had I known that Gab is your brother, then I never would’ve entertained him in the first place,” matigas kong wika rito.

“Ang kapal din naman ng mukha mong mangatwiran pa. Ikaw na nga ‘tong nanggugulo ng pamilya. Bakla ka!” pasigaw na sambit ni Camille.

“Wala akong balak sirain ang gabi ng mga magulang mo. So I’ll just leave. Besides, I won’t stoop too much to your level ,” wika ko. Hindi ko na hinintay ang isasasgot niya. Tumalikod ako sa kanya at naglakad palabas ng bahay nila.

12 thoughts on “Plus One: Chapter 12

  1. theclosetchronicler

    Catfight!❤

    Yey, I can sense that your "groove" is back (as opposed to what you've been implying the past couple of chapters). I kinda foresee na related sina Gab and mom ni Max, pero now that you actually "executed" the story di ko na ma-predict sa ngayon ang patutunguhan nito.

    P.S.: A million thanks for promoting my blog. (And pagdagdag ng pressure sa 'kin to step up, hahaha!)

    – Edmond

    Reply
      1. RJ

        actually sir kung ginawa niyo sana na pagkarating nila jeff and gab sa bahay nila, andun na si camille and christian, hindi siya gaanong predictable kasi mas magiging surprised si jeff sa ganun. hehe just my thoughts🙂

        Reply
        1. Pinoy M2M Stories Post author

          Kaya ganun ko siya sinulat kasi gusto kong maintroduce yung parents. Kapag kasi ganyan ko siya sinulat, tatalon agad dun sa pag-aaway nina camille at Jeff.🙂

          Reply
          1. Anonymous

            maganda ung story writer..ang pnkmagandang story ky jeff my twist..thumbs up..likelike..

  2. Pi Over Two

    Hohoho. Kumakabog yung dibdib ko sa simula ng pagbasa. Di ko masyadong na-sense yung twist dati, pero pagdating dun sa description kay Camille bago siya dumating, na-feel ko na rin yun. Very exciting! Nagpe-play sa utak ko yung kwento; pwedeng teleserye!

    Oh yeah, bring it on!

    Reply
  3. jerome014

    ,omg! start na ng excitement! wala akong masabi! and i’m totaly excited para sa mang yayari! kumakabog dib dib ko grabe. hay da’bestg! speachless! grabe talaga!

    im so excited for the next chapter! kaka’kaba.

    Reply
  4. oskiegee

    Wow! This has definitely thrown me for a loop! I kinda expected Camille is somehow related to Christian while reading the story. I wish this story doesnt end in the typical way. Anything basta wag lang a happy ending.🙂

    Reply
    1. Pinoy M2M Stories Post author

      Habang ang karamihan ay gusto ng happy ending, ikaw naman ayaw mo. Hahaha.

      Honestly, wala pa akong naiisip na ending

      Reply
  5. bnil

    sabi ko n nga ba wife ni christian yun nung nabanggit ni gab n dadating ate nya from states

    ..clap clap my friend…nice na ng story…cant wait sa ending nito..

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s