Plus One Chapter 13


Sorry for not posting this weekend, nagpahinga ako, eh. Hahaha. I hope you enjoyed the previous chapter. Intense ba? Dito sa bagong chapter, medyo chill muna tayo, pero syempre may mga konting pasabog pa din.🙂

ENJOY!

Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to real people and events are purely coincidental. Furthermore, unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this blog’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to PINOY M2M Stories with appropriate and specific direction to the original content. Thank you.

_________________________________________________

“Can we talk?” tanong ko kay Gab nang tawagan ko ito ilang araw matapos ang naging insidente sa bahay nila.

Hindi ko na nagawang makapagpaalam sa mga magulang niya noon dahil hindi ko na napigilang maiyak dahil sa mga sinabi ni Camille.

“Sige, sunduin kita diyan sa Chill mamaya after ng shift mo,” tugon ni Gab.

Hanggang ngayon ay parang naririnig ko pa rin si Camille na iniinsulto ako. Hindi ko man gustong makipag-away sa kanya, kailangan ko pa ring ipaglaban ang sarili ko dahil alam kong wala akong ginagawang masama.

“Ano sasabihin mo sa kanya mamaya?” tanong ni Claire patungkol sa magiging pag-uusap namin ni Gab.

“Sasabihin ko na lahat. Wala na rin namang sense if magsisinungaling pa ako sa kanya,” tugon ko.

“Paano kung magalit siya?” balik na tanong ni Claire.

“I deserve it. Mas magtataka pa nga ako kung hindi siya magagalit sa akin,” tugon ko rito.

“Infairness sa buhay mo, Jeff. Para siyang isang totoong teleserye,” natatawang pansin ni Claire.

“Ayoko nga ng ganito. Hindi ko naman kasi akalain na magkapatid pala si Gab tsaka nanay ni Max. If I had known…” putol kong tugon.

“Alam mo, hindi naman talaga ‘yun ang malaking issue dito, eh. Ang issue dito ay ‘yung pag-iwan sa’yo ni Christian,” patuloy nito.

“Claire…” awat ko sa kanya.

“Totoo naman, friend. If hindi ka niya iniwan, you never would’ve dated Gab in the first place,” wika ni Claire.

“Natakot lang siya na malayo sa anak niya,” pagtatanggol ko kay Christian.

“Nandun na tayo. Pero sigurado ba siya na gagawin talaga ‘yun ni Camille? That girl left his son years ago dahil hindi niya priority ‘yun. What makes him think na hindi ulit gagawin ni Camille ‘yun?” pagpapatuloy ni Claire na tila umiinit na naman ang ulo.

“Chill, Claire. Nangyari na ‘yun eh. Wala naman akong magagawa tungkol dun. Sana lang maayos na agad ‘to,” pigil ko rito.

Ang bagal ng takbo ng oras habang hinihintay ko ang pagdating ni Gab sa Chill.

Pagpatak ng alas sais ay hindi na naalis ang tingin ko sa pintuan ng Chill, umaasa na anumang segundo ay dadating na si Gab.

Pasado alas sais na ng nakita kong huminto sa harapan ng Chill ang sasakyan ni Gab. Hinihintay ko siyang lumabas ng kotse pero parang wala siyang balak kaya ako na ang lumabas at pumasok sa sasakyan.

“Gab, I’m sorry,” panimula kong wika sa kanya.

Tumingin lang ito sa akin na bakas na bakas ang kalungkutan sa mukha. “Why did you leave without saying goodbye last Saturday? Ate Camille said you didn’t feel well at nauna ka na daw but somehow I knew that it wasn’t the real reason.”

“I don’t know how to tell you this but you deserve the truth,” tugon ko sa kanya na mas lalong nakapagpagulo sa isip ni Gab.

“Remember when we started dating and I told you about this guy who left me? That was Christian, the father of Max…”

Sa narinig ay di napigilan ni Gab na magulat.

“…We were together for some time and I was able to bond with Max kaya naging close na rin ako sa kanya. That time I didn’t know who his mother was until one day sinabi nga ni Christian na bumalik na daw dito sa Pilipinas ‘yung mom and she threatened him na ilalayo sa kanya si Max if he didn’t put a stop to his relationship with me,” pagpapatuloy kong kwento pero hindi ako nakakuha ng tugon mula kay Gab.

“Last Saturday was the first time I saw Christian and Max after we broke up and even I was surprised when I found that your sister was Max’s mom,” paliwanag ko.

“Why didn’t you tell me right away during the dinner?” tanong ni Gab.

“Dahil ayokong masira ‘yung gabi ninyo ng pamilya mo. Believe me, I was willing to go through the whole thing,” tugon ko sa kanya.

“So why did you leave?”

“When I went to the bathroom, sinundan pala ako ng ate me and she waited for me to go out. She talked to me and sad bad things about me. Ayoko naman na bumalik ako sa table na umiiyak. I thought leaving was the best way,” patuloy ko.

“Ginawa ni ate ‘yun?” nagtatakang tanong ni Gab. “Kaya pala iba rin ‘yung itsura niya when Max called your name.”

“I’m so sorry, Gab. If I had known that you’re Max’s uncle…” Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na agad si Gab.

“Then you wouldn’t have dated me in the first place. I know,” pagtatapos ni Gab sa sasabihin ko.

Hindi ko na alam ang isasagot ko. Alam kong mahirap din para sa kanya ang mga pangyayari.

“But that’s the thing, Jeff. Had I known that you and Christian used to be together, I would still want to date you. Besides, what you and Christian had is already in the past, right?” tanong ni Gab na hindi ko agad nasagot.

“Right?” ulit nitong tanong sa akin.

“Gab, you know how I feel about Christian ever since we started dating. I still have feelings for him but I have no intentions of getting back with him,” tugon ko rito.

“That’s more than enough for me to continue seeing you,” wika ni Gab.

“Paano si Camille? Paano ang magulang mo?”

“There are still a lot of things that you do not know about me, Jeff. For one, and I am sure you’ve noticed this during the dinner, my parents know that I am gay and they knew from the start that I like you. Also, don’t worry about Ate Camille, she won’t mess around with you again,” mariing sabi ni Gab.

“What do yo mean?” tanong ko rito.

“Let’s just say that she still owes me a huge favor,” tugon nito sa akin.

Nakatungo lang ako at hindi sumagot sa kanya.

“Jeff,” wika ni Gab at iniangat niya ang aking ulo. “I know the situation you’re in is complicated but I am here to help you. Don’t let anybody’s past get in the way of your happiness.”

“Thanks, Gab,” maikli kong tugon dito.

“So don’t ever leave again without saying goodbye, okay?” tanong ni Gab.

“Yup,” tugon ko.

“Promise?”

“Promise.”

Isang linggo matapos ng pag-uusap naming iyon ay parang walang nangyaring gulo sa amin ni Gab. At totoo nga ang sinabi ni Gab, hindi ko na ulit muling nakita o nakausap si Camille.

Isang araw habang abala ako sa Chill ay may nakita akong pamilyar na sasakyan na naka-park sa tapat ng coffee shop. Nang titigan ko ito ay tsaka ko lang naalala kung kanino ang sasakyang iyon — kay Christian.

Ng akmang lalabas na ako para lapitan ang sasakya ay siya namang mabilis na pag-alis nito.

“Saan ka pupunta?” tanong ni Claire sa akin nang makita niya ako na palabas ng Chill.

“Sasakyan yata ni Christian ‘yung nakita ko kaning naka-park diyan,” tugon ko rito.

“Bakit naman siya pupunta dito? ‘Di ba pinagbawalan na siyang makipagkita sa’yo?” balik na tanong nito.

“Hindi ko nga alam, eh. Pero sure akong sasakyan niya ‘yun,” tugon ko rito.

Hindi na naalis sa isip ko ang pangyayaring iyon. Bakit kaya siya pupunta rito? May kailangan ba siyang sabihin sa akin?

Isang hapon ay bumisita si Gab kasama si Adrian sa Chill. Habang nakikipag-usap ako sa kanila ay nakita ko na naman ang kotse ni Christian na huminto ng ilang segundo sa tapat ng Chill bago umalis.

“Hey, ano tinitingnan mo diyan?” pansin ni Gab sa pagkatitig ko sa labas.

“Ah, nothing. I thought I saw someone,” tugon ko dito.

“Alam mo, ilang araw ka nang ganyan,” puna ni Gab.

“Ilang araw na rin kasi akong parang may nakikita sa labas,” tugon ko rito.

Iniba ni Adrian ang usapan at nilihis ito sa pagsasayaw. Balak kasi ng mga alumni ng club na magstage ng isang dance concert at isa ako sa kinukuha nilang maging lead choreographer.

“So ano, Captain, game ka?” tanong sa akin ni Adrian.

“Pag-iisipan ko muna. Nakakatakot kasi na magcommit ako tapos hindi naman pala kaya ng sched ko,” sagot ko sa kanya.

“Sige na, Captain. Ibang klase ka pa rin kasi sumayaw nung huling training natin,” pangungulit ni Adrian.

“Well…” ang medyo may angas kong tugon. Natawa naman sina Gab at Adrian sa tinuran ko.

“Sa waka, bumabalik na ulit yung dating Captain na sikat na sikat sa club,” ani Gab.

“Teka, anong sikat?” tanong ko.

“Well, hanggang ngayon kasi, kilala ka pa rin bilang isa sa pinaka-astig na naging team captain ng club,” paliwanag ni Gab na siya namang ikinagulat ko.

“At ang dami pa ring may crush sa’yo sa club kapag nakikita nila ‘yung mga pictures at videos mo noon,” dagdag pa ni Adrian.

Namula ako at nahiya sa narinig kaya iniba ko ang usapan. “Tama na nga ‘yan! Adrian, ano nang balita sa’yo? Hindi tayo masyado naging close nung pumasok kayo ni Gab sa club, eh.”

“Ito gwapo pa rin tulad n’yong dalawa,” natatawa niyang panimula.

“Well, app developer ako sa isang telecommunications company. Kaya ayun, puro computer ang kaharap ko kaya nga ang saya ko kapag may training ng sayaw, at least may nakikita akong tao. Tapos, malapit na kaming bumili ng condo unit ng partner ko. Nakikipagtawaran na lang kami sa presyo,” nakangiting patuloy ni Adrian.

“Partner?” may pagtataka kong tanong na mas lalong nagpangiti kay Adrian. Nakita ko ring nakangiti sa Gab sa kanyang kinauupuan.

“Oo. Partner, boyfriend,” paliwanag niya. I never thought that Adrian was gay as well. Hindi kasi siya halata. Well, si Gab din naman.

“Kaya nga naging close agad kami nito ni Gab dahil we have something in common,” pagpapatuloy niya sabay tapik sa katabing si Gab. “His name is Dylan and we’re together for almost ten years now.”

“Wow! Ang tagal niyo na. Paano kayo nagkakilala?” usisa ko.

“High school classmates kami. ‘Yung typical na magkaaway sa umpisa dahil palagi kaming running for valedictorian. Hanggang sa nung malapit na mag-graduation, doon na nagkadevelopan. Basta mahaba ‘yung storya,” kwento niya.

“Ang galing n’yo dahil namaintain n’yo. I hope I get to experience that,” komento ko.

“Try mo with me. For sure magtatagal tayo,” nakangiting banat ni Gab na sinagot ko ng isang ngiti lang din.

“So what’s the real deal between you two?” usisa ni Adrian.

“I’ve told you about our complicated story, right? Well that’s basically the reason why Jeff here is hesitant to be with me,” tugon ni Gab.

“Gab…” mahina kong wika sa kanya.

“I’m just saying,” nakangiti nitong tugon.

“Palibhasa nandito best friend mo kaya malakas loob mong bumanat,” sagot ko sa kanya habang natatawa.

“We should go out sometime. Isasama ko sa Dylan para ma-meet ka din niya.” Laking pasasalamat ko na iniba ni Adrian ang usapan. Awkward kasi everytime na inuungkat ni Gab ang tungkol sa sitwasyon namin ngayon.

“I have a perfect plan! My parents are planning to go to the beach this weekend, sama kayo ni Dylan,” tila excited na sagot ni Gab.

“That’s great! Wala pa naman kaming lakad. We’re in,” pag-ayon ni Dylan.

“You’re coming with us, okay?” tanong ni Gab sa akin.

“Huwag na lang, Gab. Baka mag-away na naman kami ni Camille,” pagtanggi ko sa kanya.

“I told you she will not do anything again as long as I’m there, ‘di ba?” pagpipilit ni Gab.

“Dali na Jeff. I’m sure it’ll be fun!” panggagatong pa ni Dylan.

Dahil ayoko nang humaba pa ang usapan ay pumayag na ako. Naisip ko rin na pwede kong makausap si Christian kung sasama siya para malaman ko kung bakit araw-araw siyang dumadaan dito sa Chill.

“Masokista ka din, ano?” tanong ni Claire sa akin nang banggitin ko sa kanya ang plano sa weekend.

“Gusto ko na rin siyang makita,” tugon ko rito.

“After everything that happened? Hindi ka pa nakakamove on?” tanong nito sa akin.

“No. I’ll settle everything first with Gab. Then I’ll do everything to win Christian back.”

“Paano kung awayin ka na naman ni Camille?” balik na tanong sa akin ni Claire.

“Then I’ll fight back. I realized hindi ko dapat hinayaan na iwan ako ni Christian in the first place,” tugon ko.

“Good luck sa iyo, friend. Malaking gulo ‘yan kapag nagkataon,” ani Claire.

“Bahala na,” wika ko. “I love Christian. I love him so much and I will do everything for us to be together again.”

4 thoughts on “Plus One Chapter 13

  1. theclosetchronicler

    Eto na lang masasabi ko.

    Paging ABS-CBN/GMA/TV5, you need someone like this guy to rehabilitate the plots of your teleseryes.

    Hahahaha! =D

    – Edmond

    Reply
  2. Pi Over Two

    Rising tension! Oh, why did I lose track of this since last year? I’m now reminded why I’m one of your biggest fans.🙂

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s