Plus One: Chapter 14


Dahil chill lang tayo last chapter, kailangan may pasabog ngayong chapter. Haha. Enjoy!

Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to real people and events are purely coincidental. Furthermore, unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this blog’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to PINOY M2M Stories with appropriate and specific direction to the original content. Thank you.

_________________________________________________

“Gab!!!!” sigaw ko nang makita kong tumatawid si Gab sa kalsada at may paparating na sasakyan.

Ang sumunod na nangyari ay parang isang malaking bangungot lang. Nakarinig ako ng isang malakas na ingay na sinundan ng pagratay ng katawan ni Gab sa kalsada. Tumakbo ako papalapit sa kanya at nakita ko itong walang malay.

Sunod na tumatakbong lumapit na hingal na hingal si Camille. Hinawi ako nito upang yakapin ang nakahandusay niyang kapatid.

“This is all your fault!” sigaw nito sa akin.

Earlier that day…

“It’s great to finally meet you,” wika ni Dylan, kasintahan ni Adrian na best friend ni Gab.

“Ikaw din,” tugon ko rito.

Papunta na kami sa beach resort. Kasama din namin ang mga magulang ni Gab. Hindi pa alam ni Gab kung sasama din si Camille dahil sinabi nito sa kanila na kasama niya ako kaya parang bigla daw umurong si Camille sa lakad na iyon. Nahiya naman ako dahil ako pa ang naging dahilan para hindi sila makumpleto sa lakad na dapat ay para sa pamilya nila.

Halos tatlong oras din ang naging biyahe namin papunta sa beach. Si Gab ang nagmaneho. Kami naman nina Adrian at Dylan ang toka sa mga pag-uusapan para hindi antukin si Gab.

Manghang mangha pa rin ako kina Adrian at Dylan dahil sobrang tagal na ng kanilang relasyon. Hindi ko naisip na posible pala magtagal ang isang relasyon na nag-umpisa noong high school pa lang kayo. Kadalasan kasi, mabilis lang matapos ang mga ganoong relasyon dahil bata pa kayo.

“How are you able to maintain your relationship?” tanong ko sa kanilang dalawa.

“It takes a lot of patience and trust to keep a relationship alive. Kahit kasi gaano mo kamahal ang isang partner mo, tao ka lang din na maiinis at magagalit sa ibang gagawin niya. What’s important is that at the end of the day, you still want to spend the rest of your life with him,” paliwanag ni Dylan. Tila kinilig naman si Adrian sa narinig dahil binigyan niya ng halik sa pisngi ang kasintahan.

“Ang cheesy nyong dalawa,” pang-aasar naman ni Gab sa mga kaibigan.

“Inggit ka lang,” balik naman ni Adrian.

Pagdating namin sa resort ay nadatnan naming nag-aayos na ng cottage sina Tita Cindy at Tito Greg. Medyo nahihiya pa rin ako sa kanila dahil sa ginawa kong pag-alis sa dinner ng hindi nagpapaalam.

“Get settled first, Gab. I have reserved a room for you and Jeff and another room for Adrian and Dylan. Fix your things first, then join us here for brunch,” wika ni Tita Cindy nang lumapit kami sa kanila.

Naglalakad na papunta sa mga rooms namin sina Gab nang lapitan ko si Tita Cindy.

“Tita, I’m sorry for leaving without saying goodbye sa dinner,” paghingi ko ng paumanhin dito.

“It’s alright, hijo. Camille told us na you were not feeling well,” nakangiti nitong tugon sa akin. “We’re glad that you decided to join us today.”

Pagpasok ko sa kwarto ay nakita kong nag-aayos na ng gamit sa Gab. Nagulat ako nang makitang isa lang ang kama sa kwarto.

Tila nabasa naman ni Gab ang nasa isip ko dahil nagsalita ito. “Don’t worry, I already ordered an extra bed,” nakangiti nitong wika.

“Salamat,” tugon ko dito.

Nang makapag-ayos na kami ng gamit ay lumabas na kami at tumungo sa cottage kung saan nakahanda ang mga pagkain. Nadatnan namin sina Tita Cindy at Tito Greg na masayang nag-uusap.

“What are you guys talking about?” tanong ni Gab sa magulang.

“I was just telling your mom how bad she was for giving you and Jeff a separate room,” natatawang banggit ni Tito Greg.

“Well, I’m sure they’ll be drinking later and who knows what will happen next so I though it was better for them to have a separate room just in case…” natatawa ring tugon ni Tita Cindy na ikinahiya ko ng sobra dahil alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin.

“Ma! Pinapahiya n’yo naman si Jeff, eh. Baka mamaya umuwi ‘yan bigla,” pigil ni Gab sa magulang.

“I’m sorry, hijo. Masanay ka na sa amin. It’s just that we accept and support our son for whoever he is and we just want him to be happy dahil unico hijo namin ‘yan,” pagpapaumanhin sa akin ni Tita Cindy.

“Okay lang po ‘yon,” tugon ko rito.

“When he came out to us during when he was in high school, we weren’t that surprised anymore because he was clearly showing signs,” pagpapatuloy ni Tito Greg. Kamangha-mangha ang pagtanggap ni Tito Greg sa kanyang anak.

“Pa, stop it! I know what you’re going to say!” pigil ni Gab sa ama.

“I used to bring him to the cinemas and watch action movies. While I was amazed with the action scenes, he always told me how he thought the male lead was so strong and brave and handsome,” patuloy ni Tito Greg.

Sobrang pulang pula naman si Gab sa mga binabanggit ng ama.

“Nakakatuwa po kayo, Tito Greg. Tanggap na tanggap n’yo po ‘yung anak n’yo,” wika ko rito.

“Well, my best friend’s also a gay man. I’ve known he was gay even before we became close and I saw how he was bullied sa school. Kaya nung umamin sa amin itong si Gab, the first thing I did was hug him and told him to stop crying because nothing will change. His mom and I will be his biggest protectors. I never want him to experience what my best friend experienced,” paliwanag ni Tito Greg na nagpalambot ng puso ko. Napakaswerte ni Gab sa mga magulang niya. Hindi ko tuloy mapigilang maalala si mama at ang pagtanggap niya sa akin.

Dumating na rin sina Adrian at Dylan at nakisali sa usapan namin. Ang gaan kausap nina Tita Cindy at Tito Greg kaya naman ang bilis gumaan ng loob ko sa kanila.

Masaya kaming nag-uusap nang makita kong dumating na si Camille kasama si Max. Hinihintay ko si Christian pero hindi siya lumitaw. Marahil ay hindi siya isinama ni Camille dahil alam niyang sasama ako.

“Hi, Jeff. I am so glad you’re here. I was worried during the dinner. Are you feeling better now?” tanong sa akin ni Camille. Bigla akong naging stiff dahil umpisa na naman ito ng pagpapanggap namin ni Camille sa harap ng magulang niya.

“Yup,” matipid kong sagot.

“Hi Tito Jeff,” nakangiting bati sa akin ni Max. Nginitian ko rin ito at kinawayan.

“Go kiss your grandparents, first,” utos ni Camille sa anak. “Jeff, can you help me carry our stuff from the car? Medyo mabigat kasi, eh.”

“Ako na lang ate,” sagot ni Gab sa kapatid.

“Si Jeff na lang. I want to know him more,” tugon ni Camille na nilakipan ng isang malaman ng ngiti.

Wala na akong nagawa kundi ang sumama sa kanya at tulungan siya.

Pagdating namin sa kotse niya ay bigla ako nitong hinarap.

“Don’t get too sad, Jeff. Christian is coming today. I bet he’s the only reason why you agreed to join us. Am I right?” tanong ni Camille.

“Please, Camille. Ayoko ng gulo. Nakakahiya sa mga magulang mo,” mahina kong tugon rito. Muli, pinipigilan ko ang sarili ko na hindi siya patulan.

“Stop acting like you’re some innocent bitch. I know who you really are,” nakangisi nitong tugon sa akin.

“Kung ‘yan talaga ang tingin mo sa akin, well, I guess it takes one to know one,” pambabara ko sa kanya.

“I really wonder what Gab and Christian saw in you? Are you that wild in bed?” nakakalokong tanong nito sa akin. “I bet you make them come several times.”

“Stop it, Camille. I try my best not to fight with you because of Max, Gab and your parents. But I suggest you stop insulting me, dahil kung hindi ka tumigil, mas gugustuhin mo na sana hindi ka na lang bumalik ng Pilipinas. Besides, I heard you still owe Gab a big favor” pagbabanta ko sa kanya. Hindi ko alam kung natakot siya sa sinabi ko pero tumalikod na ito sa akin at pabalag na inabot ang mga gamit niya.

Hindi na siya nagsalita hanggang sa nakarating na kami sa kwarto nila at nilapag na ang mga gamit.

Nang malapit na ulit kami sa cottage kung saan nagkakatuwaan ang mga kasama namin ay bigla nitong pinalibot sa braso ko ang kanyang mga kamay na para bang ang tagal na naming magkaibigan.

“Hey, Gab! Jeff is really a nice guy! No wonder you like him,” nakangiti nitong banggit sa kapatid.

Halata namang hindi naniniwala si Gab sa sinabi ni Camille. Nang makaupo na ako ulit sa tabi niya ay bumulong ito sa akin, “What did she do now?”

“Nothing I couldn’t handle,” pabulong ko ring tugon.

Hapon na nang nakasunod si Christian sa resort. Ni isang beses ay hindi ako nilapitan o kinausap man lang. Samanatalang ako naman ay sobra ang pagpipigil sa sarili para hindi siya lapitan. Kahit na gusto kong magkabalikan kami, alam kong hindi ito ang tamang lugar at panahon lalo na’t kasama namin sina Gab at Camille.

Habang nakaupo kami sa buhangin ni Gab ay nagtatampisaw naman sa dagat ang lahat ng kasama namin. At doon ko na lang ulit nakita ang matipunong katawan ni Christian at hindi ko maipagkakailang namangha pa rin ako.

“You can stop staring at him, you know,” bigkas ni Gab na ikinagulat ko naman. Hindi ko alam na nakatitig na pala ako sa kanya.

“I’m sorry, Gab,” nahihiya kong tugon dito.

“I know it’s hard for you to get over Christian lalo na’t nagkakasama kayo. But I hope you try your best to move on…for everyone’s sake,” wika nito.

“Sinusubukan ko, Gab. Believe me,” sagot ko.

“Hey, what are you two doing there? Join us here!” sigaw ni Tita Cindy.

Nagtanggal ng shirt si Gab at doon ko lang nakita ang katawan niya. Napakaganda rin nito. Inalis ko na lang agad ang tingin ko dahil baka may makahalata.

Nagdecide sila na maglaro ng water volleyball. Sina Tito Greg at Tita Cindy ang team leaders kaya sila rin ang namili ng mga members nila. Pinili ako ni Tita Cindy. Kinabahan naman ako nang piliin din niya si Christian. Magkakampi naman sina Gab, Camille, Adrian at Tito Greg.

Nakita ko rin ang tila biglang pagiging seryoso ng mukha ni Camille ng makita niyang magkatabi kami ni Christian.

Mabuti na lang at wala masyadong nangyari at payapa na natapos ang laro. Naglalakad ako pabalik ng kwarto namin ni Gab upang magpalit ng damit nang may biglang humila sa braso ko.

Hindi ko inaasahan na kahit papaano ay mag-eenjoy ako sa lakad na ito kahit na kasama namin sina Camille at Christian. Hindi rin kasi namin pinapansin ang isa’t isa. Nalungkot ako na kahit si Max ay hindi ako nilalapitan. Marahil ay napagalitan ito kanina ni Camille ng batiin ako ng bata.

Matapos naming maghapunan ay napagdesisyunan nilang mag-bon fire at mag-inuman. Sina Tito Greg lang at Tita Cindy ang hindi sumali dahil pagod na raw sila at magpapahinga na. Si Max naman at maagang pinatulog nina Camille at Christian.

“Why did you return to the Philippines?” tanong ni Adrian kay Camille habang nag-iinuman.

“Oo nga, ate, why did you come back? Okay naman na buhay mo sa States ‘di ba?” pag-ulit ng tanong ni Gab na tila may ibang ibig sabihin.

“To get what’s rightfully mine,” tugon ni Camille habang nakatingin sa akin, “Max and Christian.”

“Akala ko naghiwalay na kayo bago ka pa umalis papunta States?” balik na tanong ni Gab sa ate nito.

“Oo nga. Pero I never fell out of love. And now that I am back, we’re going to continue what we have started,” patuloy na paliwanag ni Camille. Sa Christian naman ay hindi kumikibo at umiinom lang sa kanyang kinauupuan.

Marami pa kaming napag-usapan. Well, tahimik lang ako most of the time at nakikinig lang sa kanila. Ganun din si Christian kaya sina Gab, Camille at ang magkasintahang sina Adrian at Dylan lang ang madalas na nagsasalita. Medyo napaparami na rin ang naiinom nila

Panay ang tingin ko kay Christian at madalas ay nahuhuli ko itong nakatingin din sa akin.

Habang nagkukwentuhan sila ay tumunog ang telepono ko at nakita kong tinatawagan ako ni Claire kaya lumayo muna ako sa grupo at pumunta sa isang tahimik na sulok ng resort.

“Kamusta diyan, friend?” tanong sa akin ni Claire.

“Okay lang naman. Nandito sina Camille at Christian. May episode na naman kami kaninang umaga ni Camille pero surprisingly, smooth-sailing na siya hanggang ngayon.”

“Hindi ka pa rin tinitigilan ng Camille na ‘yan?” pag-usisa ni Claire.

“Tumigil na. Sinabi ko kasi ‘yung tungkol dun sa favor niya kay Gab,” paliwanag ko.

“Eh, ikaw kamusta?”

“Okay naman. Nag-eenjoy kahit papano. Pero ‘di ko pa rin mapigilan na mapatingin kay Christian paminsan. Nahuli pa nga ako once ni Gab na nakatingin,” kwento ko.

“Ano sabi ng isa?”

“Alam naman niya na I’m not over Christian. I know I promised him na I’ll try but that doesn’t assure na magiging successful ako,” depensa ko sa sarili.

“Jeff, it’s best na kausapin mo na si Gab as soon as possible. With the way that you’re talking, mukha namang wala ka talagang balak magmove on,” payo ni Claire.

“I know. Pagbalik namin ng Manila. I’m just scared. I know he’ll get hurt,” tugon ko rito.

“Whether you say it now or next year, masasaktan at masasaktan ‘yung tao dahil mahal ka niyan so mas okay na mas maaga para makapag move on na rin siya agad,” sagot ni Claire.

Pagbaba ko ng telepono ay may biglang humili sa braso ko.

“Let’s talk,” mariin na wika ni Christian.

“Baka makita tayo ni Camille, Christian,” pagtanggi ko rito.

“I don’t care,” tugon nito. Halata sa pananalita niya na lasing na siya.

“Now is not the right time for us to talk. Besides, you’re drunk,” sabi ko sa kanya.

“I said I don’t care!” malakas na sabi ni Christian.

Wala na akong nagawa sa sumunod na nangyari. Hinili ako nito at niyakap habang siniil ako ng halik. Napakahigpit ng yakap nita at ang riin ng pagdampi ng labi niya sa akin. Sinusubukan kong kumawala pero sadyang mas malakas siya kaysa sa akin.

“You really had to do it here?” sabi ng boses sa likuran namin.

Nang tingnan ko kung sino ito ay nakita ko si Gab na nakatayo at may hawak-hawak na bote ng beer.

“Gab, let’s talk,” wika ko rito nang makaalis ako sa pagkakayakap ni Christian.

“Can you even talk? You’re mouth’s too busy kissing with that motherfucker,” tugon ni Gab. Lasing na rin ito tulad ni Christian.

“Gab, let’s talk. Doon tayo sa kwarto,” mahina kong samo rito. Si Christian naman ay nakatayo lang doon at nakatungo. Parang narinig ko rin ang mahinang paghikbi nito.

“I fucking love you, Jeff! I even brought you here para maging close ka sa parents ko! Ano bang meron ‘yang taong ‘yan na wala ako? I have been nothing but nice to you! Gwapo din naman ako, ‘di ba? And I can as hell prove to you that I am a great lover! If you just give me the chance!” tuluy-tuloy na pagsigaw ni Gab.

Naiiyak na ako sa nangyayari.

“Please, Gab. Let’s talk,” nanginginig kong pagsusumamo rito.

“What else is there to talk about?!” pasigaw na sagot ni Gab sabay takbo papalayo.

Tinatawag ko ito habang sinusundan pero tuluy-tuloy pa rin siya sa pagtakbo hanggang sa…

“Gab!!!!” sigaw ko nang makita kong tumatawid si Gab sa kalsada at may paparating na sasakyan.

Ang sumunod na nangyari ay parang isang malaking bangungot lang. Nakarinig ako ng isang malakas na ingay na sinundan ng pagratay ng katawan ni Gab sa kalsada. Tumakbo ako papalapit sa kanya at nakita ko itong walang malay.

Sunod na tumatakbong lumapit na hingal na hingal si Camille. Hinawi ako nito upang yakapin ang nakahandusay niyang kapatid.

“This is all your fault!” sigaw nito sa akin.

8 thoughts on “Plus One: Chapter 14

  1. theclosetchronicler

    Una sa lahat, I’ll try to behave hahaha!

    In the light of this situation, na-miss ko bigla si Max. Sana magka-moment uli sila ng Tito Jeff niya.

    Will the next chapter provide us any hint regarding sa alas ni Gab laban sa Ate Camille niya?

    Speaking of Gab, he’s starting to grow on me. Thank you for heeding our feedbacks a couple of chapters back. =D

    – Edmond

    Reply
    1. Pinoy M2M Stories Post author

      For now, medyo wala munang moment si Max dahil adult issues muna ang sinosolve nila. But you must never forget that Max is the title role so hindi siya pwedeng mawala sa spotlight ng matagal.

      As for the alas of Gab, pwede naman syang nasa next chapter na if gusto nyo nan tapusin ko to. Sabihan nyo lang ako. Hahaha

      With Gab’s characterization ang plano ko talaga was to keep you wanting more from the character. Yung tipomg you get to know more about him every chapter. Kayo lang tong masyadong excited. Hahahahahahahaha

      Reply
  2. Ian

    Shit! Next chapter na please? Hahaha

    When you’ve said na may pasabog ka this chapter. First thing i thought of was may maaaksidente. And the person na nasa isip ko was Max. Pero napagisip-isip ko rin na bakit si Max ang naisip ko. Bata pa siya at marami pang mga pangarap. Hahaha

    But then again it was Gab. Huhu. Unti-unti ko nang nafe-feel ang character ni Gab then BOOM GOES THE ACCIDENT! Hay. Ang haba talaga ng hair ni Jeff! Hahaha.

    Yung ‘owe’ na sinasabi ni Gab kay Camille. I think i know what it is, but im not sure. At ayokong mag-assume na yun nga yon at baka magulo pa ang story. Hahaha. Next chapter na!🙂

    Reply
  3. Joshua

    I realy love it Next Chapter so nagulat ako sa mga pangyayari…😦 pero sana happy ang lahat yung you OWE me ai anu naman kaya yung napupuzzle pa rin ako

    Reply
  4. iheartocampo

    please post the next chapter. waiting for it is kiing me. im really hooked with this story! i love max’s character. i kinda miss him already.🙂

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s