Plus One: Chapter 15


Hello, guys! I hope you enjoy this one and sana marami kayo makuhang quotable quotes. Hahaha. Enjoy!

Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to real people and events are purely coincidental. Furthermore, unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this blog’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to PINOY M2M Stories with appropriate and specific direction to the original content. Thank you.

_________________________________________________

“Claire, half day ako ngayong araw, ah. Pupunta pa akong hospital,” wika ko kay Claire habang nag-aayos kami ng counter.

“Pwede ka nang pumunta?” nagtatakang tanong ni Claire.

“Tinawagan ako kanina ng mom niya. Nagising na daw si Gab at hinahanap ako,” sagot ko sa kanya.

“Buti hindi galit sa’yo parents niya after what happened,” kumento ni Claire.

“Oo nga, eh,” wika ko.

“Gab!!!!” sigaw ko nang makita kong tumatawid si Gab sa kalsada at may paparating na sasakyan.

Ang sumunod na nangyari ay parang isang malaking bangungot lang. Nakarinig ako ng isang malakas na ingay na sinundan ng pagratay ng katawan ni Gab sa kalsada. Tumakbo ako papalapit sa kanya at nakita ko itong walang malay.

Sunod na tumatakbong lumapit na hingal na hingal si Camille. Hinawi ako nito upang yakapin ang nakahandusay niyang kapatid.

“This is all your fault!” sigaw nito sa akin.

Dali-dali kong ginising sina Tito Greg at Tita Cindy para madali namin sa ospital si Gab. Lahat kasi kami ay nakainom kaya si Tito Greg lang ang pwedeng magmaneho. Mabuti na lang at hindi kalayuan ang ospital mula sa beach resort.

Lahat kami ay balisa habang hinihintay ang paglabas ng doktor mula sa operating room.

Mabuti na lang at nailigtas nila sa Gab pero commatose daw ito dahil sa pagkakabagok ng ulo sa kalsada. Sobra akong nakokonsensya sa nangyari.

“Ano ba kasi talaga ang nangyari?” tanong ni Tito Greg sa amin. Iyak pa rin ng iyak si Tita Cindy.

“It’s Jeff’s fault!” sigaw na Camille. Nakatungo lang ako dahil alam kong totoo ang sinasabi niya. Kasalanan kong lahat ito.

“Gab saw him kissing another guy kaya tumakbo siya palayo at nasagasaan,” patuloy na paliwanag ni Camille. “It is all his fault!”

Lumapit naman sa akin si Tito Greg.

“Is that true, Jeff?” mahinang tanong nito sa akin.

Hindi ko kayang magsinungaling sa kanila. Pero hindi ko magawang sumagot. Bagkus, mas lalo lang lumakas ang pag-iyak ko.

“I think it’s best for you to leave now,” mariin nitong tugon sa akin.

Nagkusa na si Dylan na ihatid ako pabalik ng Manila. Nagpa-iwan si Adrian upang bantayan ang best friend niya. Si Christian naman ay nakatungo lang habang paalis ako ng ospital.

“What really happened?” tanong sa akin ni Dylan habang nagmamaneho.

Kinwento ko sa kanya ang buong pangyayari, mula nang magkakilala kami ni Christian.

“I don’t judge you, Jeff. The situation you’re in is something I would never want to happen to me. It’s just sad that Gab go into this. He’s a really nice guy,” kumento ni Dylan.

“‘Yun na nga. Had I known that Gab is Camille’s brother, I never would’ve dated him,” tugon ko.

“Pero sina ba sa kanila ang talagang mahal mo?” tanong nito sa akin.

Mas nalungkot ako dahil alam ko na agad ang isasasgot ko. Si Christian. Si Christian talaga ang mahal ko. Pero kahit kay Gab ay hindi ko pa nasasabi ‘yun kaya patuloy ko siyang nasasaktan.

“I tried, Dylan. Because I promised Gab,” umiiyak kong tugon dito.

“You don’t force yourself to love someone just because you made a promise to that person. You love someone because that is really what you feel,” payo nito sa akin.

Hindi na ako sumagot pa pero patuloy pa rin ang pag-iyak ko hanggang sa makatulog na ako.

“Adrian, Adrian! Andito na tayo!” tapik ni Dylan sa akin.

“Adrian, Adrian! Andito na tayo!” tapik ni Claire sa akin.

Nakatulog pala ako sa bus papuntang ospital. Ako lang sana ang pupuntang mag-isa pero nagpumilit sa Claire na sumama para daw may kakampi ako kung sakaling awayin ulit ako ni Camille.

Kaninang umaga lang daw naialis sa Intensive Care Unit si Gab mula nang magising ito kahapon.

Pagpasok namin ay nadatnan kong naroon si Tita Cindy.

“Nakaidlip siya kakahintay sa’yo,” wika ni Tita Cindy.

“I’m sorry, Tita,” nahihiya kong tugon sa kanya.

“Nakaraan na ‘yun, Jeff. Gab told me everything and I understand you,” tugon nito na sinundan ng pagyakap niya sa akin.

Nadurog naman ang puso ko nang marinig ang sinabi ni Tita. Ibig sabihin ba nito ay pinapatawad na rin ako ni Gab?

“Jeff,” mahina at mabagal na tawag sa akin ni Gab.

“Maiwan muna namin kayo,” wika ni Tita Cindy at inaya na niya si Claire palabas ng kwarto.

“I’m so sorry, Gab,” umiiyako kong wika habang nakaupo sa tabi niya.

“You have nothing to be sorry about, Jeff. Kinausap ako ni Christian kahapon and he told me about what really happened that night,” wika ni Gab.

Hindi ako sumagot sa kanya. Hinawakan ko lang ang kamay nito.

“This is the first time that you’ve held my hand,” puna nito. “And unfortunately for me, this is also going to be the last,” pagpapatuloy ni Gab na ipinagtaka ko.

“I realize I have been selfish for making you promise that you must never leave me again. Hindi ko naisip kung ano talaga ang gusto mong mangyari,” sambit nito.

“Gab…”

“Let me finish, Jeff. Yes, I am sad and hurt because I love you. But I’ll get over it. When I saw you two kiss, that was an eye-opener for me. Na sobra namin kayong ino-oppress ni Christian. Inalisan namin kayo ng freedom to show how much you love each other…”

“Siguro dala na lang rin ng alak kaya ako nagalit sa inyo nun. But deep inside, though hard, I realized na you will never be able to love me because Christian still has your heart…”

“Nung hindi pa ako nagigising from the comatose, nanaginip ako na you and Christian never broke up and that we became really good friends. I saw how happy you were. I never saw that smile in you whenever we’re together. Siguro nga si Christian lang talaga ang makakapagpasaya sa iyo ng ganoon…”

“Don’t blame yourself, Jeff. Ako naman ‘yung nagpumilit na makipagdate ka sa akin. And I saw how much you tried. And for that, I am so thankful. Thank you for trying your best to make me happy…”

Tuluy-tuloy pa rin ako sa pag-iyak habang pinakikinggan ko siya. Hindi ako makapaniwala na ang taong nasaktan ko ay siya pa ang humihingi ng tawad sa akin.

“And because I love you, ayokong nakikita kang nasasaktan. I guess it’s time now for me to help you get what you truly deserve,” pagpapatuloy nito na sinagot ko naman ng isang nagtatakang ekspresyon sa mukha.

“I’m going to help you get Christian back.”

At ko na tuluyang ibinuhos lahat ng luha ko. Sobra akong nakokonsensya dahil alam ko kung gaano nasasaktan si Gab pero hindi lang niya pinapakita sa akin. At sobra akong humanga at nagpapasalamat sa kanya dahil nagawa niyang magparaya para sa akin.

* * *

“Tito Jeff!” sigaw na tawag ni Max habang tumatakbo papalapit sa akin.

Nagpaalam si Gab kay Camille na gusto niyang ipasyal si Max. Hindi niya sinabi rito na kasama niya ako dahil ang alam ni Camille ay hindi na kami nag-uusap na dalawa.

Nagpunta kami sa toy store nina Bryan. Nalaman ko na hindi pala pinapayagan ni Camille na magpunta si Max dito dahil baka daw mapabayaan nito ang pag-aaral kung puro laro ang aatupagin.

“Max!” bati ni Bryan nang makita nito si Max na tumatakbo papasok ng store.

“Hi Bry,” bati ko rito.

“Jeff, buti at nakabalik ka ulit. Asan ang daddy ni Max?” tanong nito sa akin.

“May event out of town. Siya nga pala, this is Gab, uncle ni Max,” pakilala ko kay Gab.

Tuwang tuwa si Max na umikot sa toy store at pumili ng mga laruan. Binili naman ni Gab lahat ng nagustuhan ng pamangkin niya.

“Kamusta na kayo ni Christian?” tanong ni Bry sa akin habang abala si Max at Gab na maglaro.

“Not okay. Dumating na from the States yung mom ni Max and he threatened Christian na ilalayo si Max if hindi niya ako hiwalayan,” kwento ko kay Bry.

“Oh my god! She’s so ruthless. Siguro siya rin ang dahilan kaya ngayon na lang ulit nakabalik si Max dito sa toy store,” gulat na tugon ni Bry.

“If there’s anything I can do to help you and Christian, do not hesitate to call me,” pagpapatuloy nito.

“Well, there is something you can do.”

6 thoughts on “Plus One: Chapter 15

  1. theclosetchronicler

    Thank you Google Reader kasi lumabas agad ‘to when I refreshed! Hahaha.

    Didn’t expect the turn of events kasi akala ko mabigat na naman ang chapter na ‘to. And for that, I’ll just go with the flow and enjoy your story. =)

    – Edmond

    Reply
  2. Pi Over Two

    Gab is such a wonderful person. Ang heartwarming, na may kasamang kurot, yung lines niya diyan. I hope he finds someone for himself. Maybe in the next chapters…🙂

    Reply
  3. james

    Where’s the next chapter? Sobrang bitin! Please Mr. Author, i-post mo na ung next chapter. Please………………………………………

    Reply
  4. Anonymous

    Wala pa bang chapter 16? Bitin… have to literally stop working somp i can concentrate on reading hahahah

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s