Plus One: Chapter 16


Dahil tinutupad ko ang promise ko, ito na ang next chapter. FINALLY! Hahaha. And I have to say, this is the most intense chapter I have written in any story. EVER!

I hope you enjoy.

Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to real people and events are purely coincidental. Furthermore, unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this blog’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to PINOY M2M Stories with appropriate and specific direction to the original content. Thank you.

_________________________________________________

 

“They are on their way,” wika sa akin ni Gab sa telepono.

“Papunta na rin kami diyan,” text naman sa akin ng mga pinakiusapan ko na tumulong sa akin.

Napagdesisyunan kong kailangan ko nang isang bold move para maconvince si Christian na kaya naming labanan si Camille at dapat naming ipaglaban ang kung anuman ang mayroon kami. Lalo na’t dahil alam ko na mas natatakot na si Christian ngayon dahil sa nangyari sa beach.

“Do you think this is going to work?” tanong sa akin ni Gab pagdating niya sa lugar. Kasama niya ang buong street dance club pati na ang ibang mga alumni nito.

“It has to work,” tugon ko rito. Kapag hindi ito gumana, hindi ko na alam kung ano pa ang pwede kong gawin.

“Captain, aayusin na ba namin ‘yung mga gamit?” tanong ng isa sa mga miyembro ng club.

“Oo. Salamat,” kabado kong tugon dito.

“Gab!” sigaw ni Claire na nakatayo sa malawak na dance floor. “Practice naman tayo. Kinakabahan ako, eh.”

Lumapit si Gab kay Claire at sinimulan nilang mag-ensayo ng sayaw na ilang araw din namin pinag-isipan nina Gab at Adrian. Ilang minuto pa ay sinamahan ko na rin sila sa pagsasayaw.

Habang nagsasayaw kami ay siya namang pagdating ng iba pang tao na pinakiusapan ko na tulungan ako.

“I’m sorry. Medyo nalate ako ng gising, eh,” paghingi ng paumanhin ni Justin, isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Christian. Sa kuwento sa akin ni Christian, nagkaroon din sila ng relasyon nito noong baby pa si Max pero naghiwalay sila dahil magkaiba ang priorities nila sa buhay.

“Okay lang, nagpapractice pa lang naman kami. Kasama mo sila?” tanong ko rito.

“Oo, may pinag-uusapan lang sa labas,” wika nito.

“Alam mo, Jeff. I wish everything turns out well for you two. I think Christian deserves to be happy,” kwento ni Justin. “I know he was only afraid na baka mawala sa kanya si Max, pero to be honest with you, sobrang mahal ka ni Christian. Simula nang bumalik si Camille, dumalas na ulit siyang makipagkita sa amin lalo na nung hindi na kayo nagkikita. And he would always cry whenever he told us kung gaano ka niya namimiss,” kwento ni Justin na nakapagpalungkot sa akin. Ngunit sa kabila ng nararamdaman kong lungkot, mas naging desidido akong gawin ang plano namin para mapasaya ko siya.

“He was never that in love with anyone,” patuloy ni Justin. “Not even with me.”

“Sorry, may pinag-usapan lang kami nitong si Migs sa labas,” pagputol ni Billy sa usapan namin ni Justin.

“Look, Jeff, I’ll be honest with you,” panimula ni Migs. “Hindi ako pabor sa balak mo. Not because I don’t like you or anything pero natatakot lang ako sa pwedeng maging repercussion nito kapag nalaman ni Camille. Alam naman natin kung gaano siya kasama.”

“Alam ko ‘yun, Jeff. Pero hindi ko din naman pwedeng hayaan na malungkot na lang habambuhay si Christian,” depensa ko.

“Iyan na nga din ang sinabi ko dito kay baby,” singit ni Billy. “And if magkaloko-loko man ang plano mo, andito naman kami to make sure na walang mangyayaring masama sa kaibigan namin.”

“Kaya ikaw baby,” wika ni Billy kay Migs, “suportahan mo na lang ‘tong si Jeff. Tandaan mo, ‘yung palpak mong grand surprise ang dahilan kung bakit naging tayo, ‘di ba?”

“Siyempre gusto ko rin namang sumaya si Christian,” tugon ni Migs. “And I think ikaw nga ang makakapagpasaya sa kanya, Jeff. I just hope and pray na maging successful nga ‘to,” patuloy nito.

Matapos ng maikli naming usapan ay naghanda na kaming lahat dahil isang oras na lang bago ang nakatakdang oras na pagsasagawa namin nito.

Taranta ang lahat na maiayos lahat ng kailangan. Si Gab ang nakatoka sa music kaya hanggang ngayon ay pinapakinggan niya ito para siguruhing kumpleto ito.

Ang ilan naman sa mga members ng street dance club ay abala sa pag-aayos ng ilaw. Dahil nga surprise ‘to, pagpasok nila mamaya ay nakapatay lahat ng ilaw.

“Friend, ito lang masasabi ko,” wika ni Claire sa akin habang nagpapahinga kami ng sandali, “kalevel mo na si Zoren Legaspi sa balak mong ‘to. Mob kung mob!”

“Because Christian deserves it,” maikli kong sagot.

“They’re here!” sigaw ni Adrian nang makita niya ang sasakyan ni Christian.

Dali dali kaming pumunta sa mga pwesto namin.

Ito na.

Wala na ‘tong atrasan.

Mommy,Tulungan mo ako, please. I really need your guidance right now. I hope Christian realizes how much I love him. Please let this be successful.

Ayaw tumigil nang pagpatak ng pawis ko habang kinakausap ko si Mommy sa isip ko. Alam kong binabantayan niya ako ngayon.

Kabadong kabado ako habang hinihintay ang pagbukas ng pinto tanda ng pagsisimula ng plano ko.

Isa…dalawa…tatlo…parang ang tagal ng oras. Parang ilang oras na akong nakatayo dito dahil sa kaba.

Sa wakas ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto. At kasabay nito ay ang pagsisimula ng tugtog na inayos ni Gab.

Matapos ang limang segundo ay sumunod na bumukas ang ilaw hudyat ng pagsisimula ng sayaw.

Tuluy-tuloy lang sa pagtugtog ang kanta.

Pero lahat kami ay hindi nakagalaw.

Nakatayo sa tapat ng pintuan si Max. Umiiyak.

Dali-dali akong tumakbo papalapit sa kanya. Pinatay naman ni Gab ang kanta.

“Tito Jeff,” humihikbing wika ni Max.

“What happened, Max?” tanong ko rito.

“I’m so sorry,” umiiyak pa rin nitong tugon.

“Stop crying, Max,” wika ko rito. Nilapit ko ito sa akin at niyakap.

“Ang lakas talaga ng loob mo, ano?”

“What are you doing here, Camille?” gulat kong tanong rito. Biglang luminaw sa akin ang lahat. Alam ko na ngayon kung bakit umiiyak si Max.

At alam ko na ngayon na hindi ko na makikita pa ulit si Christian.

“Well I’m here to set things straight. Akala ko malinaw na noon ang message ko na ayokong nasa buhay ka nina Christian and Max. Apparently, hindi lang pala matigas ang ulo mo, bobo ka pa dahil hindi mo naiintindihan ang gusto kong iparating,” mayabang na wika ni Camille.

“Ate, ano ba! Stop it,” pigil ni Gab sa kapatid.

“After all that happened, siya pa ang kinakampihan mo Gab?” galit na tanong ni Camille sa kapatid. “Kung sabagay, sino pa nga ba kakampi sa bakla kundi bakla din!”

“Hey! You better watch your mouth, bitch!” Galit na tugon ni Justin. “Ilan kaming bakla na nandito. At kayang kaya ka namin kalbuhin at bunutan ng kuko kaya kung ako sa’yo umayos-ayos ka. Pasalamat ka nandito si Max, kung hindi, kanina ka pa hindi humihinga!”

“Huwag n’yo na siya patulan,” pigil ko kina Gab at Justin.

“Hindi ako natatakot sa inyo. Hangga’t nasa akin si Max, hindi ako iiwan ni Christian,” sagot ni Camille. Kitang kita sa kilos at mukha nito na alam niyang siya ang lamang sa aming dalawa.

Dahil totoo nga. Kahit anong mangyari, si Max ang pipiliin ni Christian.

“Ate, don’t make me,” mahinang tugon ni Gab sa kapatid. Pansin kong pinipigil na lang ni Gab ang galit sa kapatid.

“What, Gab? You’ll ruin our family para lang diyan sa baklang ‘yan?” tanong ni Camille sa kapatid.

“TAMA NA!” sigaw ni Gab kay Camille. Akmang susuntukin na rin nito ang kapatid. Mabuti na lang at napigilan niya ang sarili niya.

Maagap din sina Migs at Billy na yakapin si Max kaya hindi niya nakita ang ginawa ni Gab. Pero mas lumakas ang iyak nito.

Tila natakot naman si Camille dahil namutla ang mukha nito.

“Ano bang problema mo sa aming mga bakla, Ate?! Alam mo, I’ve been trying my best to respect you dahil kapatid kita. But because of the way you’ve been treating me and the person I love, you do not deserve any of that respect. Ang tagal kong itinago ‘yang lihim mo dahil ayokong mapasama ka. Pero you leave me with no choice. And honestly, I don’t give a hell’s shit kung anuman ang mangyari sa’yo,” galit na galit na wika ni Gab sa kapatid.

At dito na tuluyang natakot si Camille. Hanggang ngayon ay wala akong ideya kung ano ba ang lihim ni Camille na alam ni Gab.

“Don’t you dare, Gab!” banta ni Camille.

“Or what? You know what, I think it’s time na malaman na rin ng lahat if it means na titino ka!” tugon ni Gab.

“What is it you’re not telling me,Camille?”

Nagulat ako nang makita ko si Christian nandito rin.

“What are you doing here?” tanong ni Camille kay Christian. “Hindi ka ba naniniwala na hihiwalayan kita kapag nakipagkita ka pa kay Jeff? At isasama ko talaga si Max!”

“Christian,” wika ni Gab.

“Gab, no!” sigaw ni Camille sa kapatid.

“Ate, I’m sorry pero you leave me with no choice,” tugon ni Gab.

“Please, Gab,” wika ni Camille. At iyon ang unang beses na nakita kong umiyak si Camille.

“Christian, you are not Max’s real father,” nakayuko at lumuluhang wika ni Gab.

Lahat ng tao sa loob ng dance studio ay nagulat sa sinabi ni Gab.

Wala nang nagawa si Camille kundi ang mapaluhod at umiyak.

Lahat kami ay napatingin kay Max. Naaawa ako kay Max. He shouldn’t have heard that. He shouldn’t be stuck in the middle of this mess.

Nilapitan ni Christian si Camille at hinila ito patayo. “Is that true?”

Tuluy-tuloy lang sa pag-iyak si Camille at hindi sumagot.

“IS THAT TRUE?” Sigaw ni Christian.

Nang hindi pa rin sumagot si Camille ay binitawan ito ni Christian. Naglakad ng mabilis si Christian papalapit kina Migs at Billy na kanina pa inaalo si Max.

“We’re going home, baby,” mahinang wika ni Christian kay Max habang niyayakap ito at pinapatahan.

Hindi naman ako makagalaw sa kinatatayuan ko nang makita ko si Christian na naglalakad papalapit sa akin habang buhat buhat sa Max na medyo humina na ang iyak. Nang nasa harap ko na ito ay hinawaka nito ang isa kong kamay.

“Please come with us,” wika nito sa akin. Kitang kita ko ang luha sa kanyang mukha. Hindi na ako sumagot pa at naglakad na lang kasabay nila.

Huminto kami ng nasa harap kami ni Camille.

“From now on, you don’t have say as to who I choose to be with,” mahina ngunit madiin na wika ni Christian kay Camille.

“And Max is my son.”

13 thoughts on “Plus One: Chapter 16

  1. theclosetchronicler

    I wonder if ire-reveal mo pa yung true father ni Max..

    In any case, Christian has been nothing but a terrific father figure sa kanya. And regardless, mas may paninidigan pa siya compared sa mga so-called straight guys na walang ginawa kundi magparami ng lahi.

    – Edmond

    Reply
    1. Pinoy M2M Stories Post author

      Naku mukhang hindi na. There will not be enough chapters para ibuild up yung character ng tatay. Haha.

      Reply
  2. Johnny

    Sobrang na-hook n aq s mga story mo.
    At first,i thought ung mga nagbbsa pocketbooks ay sobrang o.a kase nsasaktan din daw cla,pero totoo pla un.sana isunod sunod mo n ung story.ganda kasi . I wish maggawa k nang story about teenage identty crisis.
    Gling mo magsulat!wish you all d best!🙂

    Reply
  3. Ian

    HA! My guess is true that Max is not Christians’. Poor Max ang hirap ng sitwasyon niya eVen with Christian i guess. May mas karapatan parin si Camille kay Max. Hay. Ang gulo na! Hahaha

    Waaaah! Excited na ako sa next chapter. Cant get over with the revelations.

    Reply
  4. Pi Over Two

    Woah! Brilliant! I’m genuinely, pleasantly surprised. What an awesome twist. Off to the next chapter again…🙂

    Reply
    1. Pi Over Two

      And the grand reunion is awesome. I’ve been looking forward to it since last year! Sorry for flooding the comments section.

      Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s