Plus One: Chapter 17


Nafifeel nyo na ba na parang puro intense scenes na ang mga nagaganap? Isa lang ang ibig sabihin niyan. Hehe.

I hope you enjoy.

Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to real people and events are purely coincidental. Furthermore, unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this blog’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to PINOY M2M Stories with appropriate and specific direction to the original content. Thank you.

_________________________________________________

 

“Where are we going?” tanong ko kay Christian habang tinatahak namin ang kahabaan ng South Luzon Expressway.

“Honestly, I don’t know. Basta gusto ko munang lumayo sa kanilang lahat,” seryosong sagot ni Christian.

Ilang oras pa lang ang nakararaan nang mangyari ang gulo sa dance studio na nirentahan ko para sana sorpresahin si Christian.

“Baka mamaya gumawa na naman ng gulo si Camille,” tugon ko rito. Mahimbing nang natutulog si Max sa likod ng kotse. Marahil ay napagod ito kakaiyak dahil sa nangyari.

“Pangalan ko ang nasa birth certificate ni Max. I am Max’s father,” diin ni Christian.

Hinawakan ko ang kamay nito na nakapatong sa gear shift para maiparamdam sa kanya ang aking suporta.

“Thank you, Jeff,” mahinang wika ni Christian. Nakatutok pa rin ito sa daan pero alam kong naiiyak na ito.

“Thank you for not giving up on me kahit na hindi kita pinili,” patuloy nito sabay ng pagtulo ng luha nito.

“You made the right choice, Christian. Hindi ko rin naman maaatim na iwan mo si Max nang dahil lang sa akin,” tugon ko rito.

“And I’m sorry you had to deal with Camille,” wika ni Christian.

“Ang liit din naman kasi ng mundo natin. Who would have thought…” wika ko.

“Na the person you are dating is the brother of my ex-girlfriend,” putol sa akin ni Christian.

Matapos nito ay pareho kaming natawa ng bahagya. Nakakatuwa na nakita ko na ulit na ngumiti at tumawa si Christian.

“Jeff,” putol ni Christian sa tawa namin. “Pwede bang from now on, even for just a few days, kalimutan natin everything that recently happened. For a few days, kalimutan natin sina Camille at Gab. For a few days, let us be a family,” wika nito sabay nang madaling tingin sa akin.

* * *

Tatlong araw na rin ang nakakalipas mula nang magpunta kami dito sa Batangas nina Christian at Max. Ayaw pa rin bumalik ng Manila ni Christian. Mabuti na lang at napakiusapan ko ang boss ko sa Chill na mag vacation leave muna ako kahit biglaan. Si Claire muna ang sumasalo sa akin sa coffee shop.

“Tito Jeff, wake up! Dad and I built a sand castle!” masayang wika ni Max habang tumatalun-talon sa kama ko.

“I’m up! I’m up!” pupungas kong tugon dito. Masaya ako na masigla na ulit si Max. Matapos kasi nang nangyari sa dance studio ay medyo tumamlay ito. Dahil nga bata pa ay hindi nito lubusang naintindihan ang tungkol sa totoo niyang ama. Ang sinabi na lang ni Christian ay mayroong dalawang daddy si Max.

Hindi na ako hinayaan ni Max na makapaghilamos man lang dahil hinila na niya agad ako palabas sa beach.

“Okay porma natin, ah” biro sa akin ni Christian nang makita niya akong naka boxer shorts lang at t-shirt.

“Si Max kasi, sobrang excited na ipakita sa akin ‘yung ginawa n’yo,” pagtatanggol ko sa sarili.

“So what can you say, Tito Jeff? Daddy built the foundation but I build the towers and the walls,” pagbibida ni Max sa ginawa nilang sand castle.

“No wonder the towers and the walls are so well-built, unlike the foundation,” wika ko na may halong pang-aasar kay Christian.

“Ah ganun, ah!” sagot ni Christian sabay kiliti sa akin. Tumakbo ako palayo kay Christian pero hinabol pa rin ako nito. Medyo nag-alala ako dahil baka makahalata si Max. Medyo kumalma lang ang pakiramdam ko nang makita ko si Max na humahabol na rin sa akin.

“Pinagkakaisahan n’yo akong mag-ama ah!” pigil ko sa dalawa.

Huminto naman si Christian sa pagtakbo. Hinila din nito si Max papalapit sa kanya at niyakap ng mahigpit patalkid. “Masaya lang kaming dalawa,” wika nito.

Ang sarap tingnan nina Christian and Max na masaya ulit. Ang tagal ko rin silang hindi nakasama ng ganito.

“Well I’m glad na pareho kayong masaya ulit. Masaya din naman ako pero mas nananaig ‘yung gutom ko, eh,” natatawa kong tugon sa kanila.

“Sige kain na tayo, Tito Jeff. But you might want to put on some pair of shorts,” wika ni Max na sinundan ng napaka-cute na bungisngis.

“Hinila mo kasi ako agad palabas ng kwarto, eh,” tugon ko rito na kunwari ay nagtatampo.

Lumapit ito sa akin at niyakap. “Huwag ka na magtampo, Tito Jeff,” nakangiti nitong wika. “I love you naman, eh.”

Nabigla ako sa narinig ko. Ang sarap pakinggan na mahal ako ni Max. Kung hindi lang corny, umiyak na ako kanina pa. Iba pala talaga kapag isang bata ang nagsabi sa’yo na mahal ka niya. Para bang nawawala bigla lahat ng problema mo.

Tumungo ako at tumingin sa kanya. “I love you, too, Max.”

Bumalik muna ako sa kwarto upang maghilamos, magtoothbrush at magpalit ng damit. Pagpasok ko ng dining area ng resort ay nag-uumpisa nang kumain si Max. Si Christian naman ay abala sa kanyang telepono.

“Sino tinetext mo?” tanong ko rito.

“Ah, wala. Officemate ko lang,” tugon ni Christian sabay tago ng phone sa bulsa.

“Sorry. I didn’t mean to pry,” paghingi ko ng paumanhin.

“Ano ka ba, okay lang. Ang cute nga, eh,” nakangiting tugon ni Christian.

Muli, kinabahan ako dahil baka makahalata na talaga si Max pero parang hindi na ito alintana ni Christian.

Matapos kumain ay bumalik kaming tatlo sa kwarto. Habang naliligo si Max ay pinag-usapan namin ni Christian ang tungkol sa gulo namin nina Camille.

“Buti naman at mukhang nakalimutan na ni Max ang nangyari,” wika ko kay Christian.

“Well, nung nag-usap kami two nights ago, ang dami niyang tanong. Nahirapan nga akong sagutin, eh. Basta ang sinabi ko na lang sa kanya, I am his dad and I won’t keep him from his mom. Alam ko naman kasing gusto rin niyang kahit papaano na mapalapit sa mommy niya,” paliwanag ni Christian.

“Ikaw, Jeff? Kamusta na kayo ni Gab?” tanong nito sa akin.

“I texted him when we arrived here na okay na kayo ni Max but I didn’t tell him where we are dahil nga ayaw mo muna silang makita,” tugon ko.

“You know what, these past three days have been nothing but great for me and Max. Kaya sobrang thank you, Jeff,” sabi ni Christian sabay halik sa aking pisngi. “Somehow nagpapasalamat na rin ako na everything that happened, happened. At least alam ko na ang totoo and magkasama na tayo ulit ngayon.”

Natahimik kaming dalawa. Marahil ay tulad ko, ginugunita rin ni Christian lahat ng nangyari sa aming dalawa. Mula sa hindi kanais-nais naming unang pagkikita hanggang sa pagtatago kay Max at ito ngang si Camille.

“I want to talk to you about something,” wika ko rito, pagputol sa pag-iisip naming dalawa. “Hindi ba nakakahalata si Max tungkol sa atin? I mean, I’m sure may idea na siya that I’m gay dahil sinabi na ni Camille nung nasa dance studio tayo, pero paano kung magtanong siya tungkol sa ating dalawa?”

“Hindi ‘yan,” pagtanggi ni Christian. “Manood na nga lang tayo ng TV,” biglang pag-iiba ni Christian ng usapan.

Buong maghapon lang kaming nakahilata sa kama. Nagsawa na din kasi sa beach si Max dahil wala siyang ginawa kahapon kundi ang lumubog sa tubig.

Nakatulog pala ako habang nanonood kami ng movie sa kwarto ng gisingin ako ni Christian bandang alas kwatro ng hapon.

“May pupuntahan lang kami ni Max, ah,” paalam ni Christian.

“Saan kayo pupunta? Sasama na lang ako,” wika ko rito.

“Huwag na, dito ka na lang, inaantok ka pa, eh. We’ll be back when you wake up,” pigil sa akin ni Christian.

Hindi na rin ako nagpumilit pa dahil baka gusto niyang makapagbonding sila ni Max ng sila lang.

Paggising ko ay nakita kong nakahiga si Max sa kama nila ni Christian habang nanonood ng cartoons sa TV.

“We are going home tomorrow. Are you excited to go back to school?” tanong ko kay Max.

“Well, I miss my friends there but I am having so much fun here with you and daddy. Besides, I am not that happy with the assignments and the quizzes,” seryosong sagot ni Max na nakapagpatawa sa akin.

“Where’s your dad?” tanong ko rito.

“Oh he already went to the hotel restaurant. He just asked me to fetch you here about an hour ago but you were still sleeping and I didn’t want to wake you up,” sagot ni Max.

Napatayo naman ako bigla sa kama. Ang tagal na palang naghihintay ni Christian sa restaurant.

“Wear something nice, Tito Jeff,” utos sa akin ni Max na ikinataka ko.

Paglabas ko ng CR ay nakita kong nakabihis na rin si Max. Hindi tulad ng lagi niyang suot na shirt at shorts ay naka polo ito at pantalon na pang beach.

“Tito Jeff, I said wear something nice. Why are you just wearing shorts?” tanong nito ng makita ang suot ko.

“Eh diyan lang naman tayo sa seaside restaurant kakain, ‘di ba?” tanong ko rito.

“Oo nga. Just wear something similar to mine. Dali, Tito Jeff. Daddy is already hungry na daw,” pagmamadali sa akin ni Max.

Nagpalit na nga lang ako sa tulad ng suot ni Max. Nang nakabihis na ako ay naglakad na kami ni Max papunta sa restaurant.

Pero nagtaka ako ng parang ang dilim ng paligid at walang katao-tao. Tanging mga lamp posts lang ang nakasindi.

“Hmmmmhmmmmhmmm” himig ni Max sa tono ng Ikaw at Ako ni Johnoy Danao.

“Saan mo narinig ‘yang kantang ‘yan?” tanong ko sa kanya habang naglalakad.

Parang nataranta naman si Max at tila hindi alam ang isasagot. “Ahhhh…I just heard it being played somewhere here earlier.”

Pagdating namin sa tapat ng restaurant ay parang sarado ito dahil walang ilaw at maging ang mga pinto ay nakasara.

“Bakit sarado? Are you sure na dito tayo kakain?” tanong ko kay Max.

“Yes, Tito Jeff. Halika na, pasok na tayo,” wika ni Max sabay hila sa akin papasok ng restaurant.

At pagbukas ng pinto ay siyang simula ng pagtugtog ng biyolin at pagkanta ng isang lalaki. Wala pa rin akong makita dahil madilim pa rin sa loob.

Ikaw at ako pinagtagpo
Nag-usap ang ating puso
Nagkasundong magsama habang-buhay

Isa-isang bumukas ang mga ilaw sa loob ng restaurant at hindi ako makapaniwala sa aking nakita.

Nagsumpaan sa Maykapal
Walang iwanan tag-init o tag-ulan
Haharapin bawat unos na magdaan

Nasa isang mesa sina Gab, Claire, Dylan at Adrian, Brian at Mike. Sa tabi naman nilang table ay ang mga kakilala ko sa street dance club.

Sa kabilang side ng restaurant ay nandoon sina Justin, Billy at Migs. Nagulat ako nang makita ko sa tabi nilang table sina Tita Cindy at Tito Greg.

Sana’y di magmaliw ang patingin
Kay daling sabihin kay hirap gawin
Sa mundong wang katiyakan
Sabay nating gawing kahapon ang bukas

“Let’s go, Tito Jeff,” hila sa akin ni Max papunta sa gitna ng restaurant.

“What’s happening, Max?” tanong ko rito habang nakatulala pa rin ako sa mga taong nakikita ko.

“Basta, don’t spoil the fun, Tito Jeff,” nakangiting tugon sa akin nito.

Ikaw at ako pinag-isa
Tayong dalawa may kanya-kanya
Sa isa’t isa, tayo ay sumasandal

Pagdating namin sa gitna ay biglang bumitaw sa akin si Max at tumakbo papunta sa kanyang lolo at lola.

Naiwan akong mag-isang nakatayo sa gitna ng restaurant ng gulat at hindi alam ang gagawin ng biglang makita ko si Christian sa may pintuan at may hawak na mic.

Bawat hangad kayang abutin
Sa pangamba’y di paaalipin
Basta’t ikaw, ako , tayo magpakailanman

Hindi ko na napigilang umiyak ng makita at marinig kong si Christian na ang kumakanta habang dahan-dahang naglalakad papalapit sa akin.

Parang nawala lahat ng tao sa paligid. Hindi maalis ang tingin ko kay Christian. At hindi rin tumitigil ang pagtulo ng luha ko.

Kung minsan ay di ko nababanggit
Pag-ibig ko’y hindi masukat ng anumang lambing
At kung magkamali akong ika’y saktan
Puso mo ba’y handang magpatawad

Nang nasa tapat ko na si Christian ay hinawakan nito ang kamay ko at lumuhod.

“Jeff, I know what happened recently is beyond words. Dinaig pa natin ang teleserye sa drama natin. But what’s important is that I have you again. Max and I have you again. And I won’t let you go ever again, not just for myself but for Max as well,” nakangiting wika ni Christian.

Lalo nang lumakas ang pag-iyak ko sa narinig.

“I love you so much, Jeff. And now, I am proud to say that to everyone. What we’ve been through in such a short time that we have known each other can be traumatic for others but it just made me realize how much I really love you. Mahal na mahal kita, Jeff,” patuloy ni Christian habang ang ngiti ay nadadagdagang mga luha.

Habang nakaluhod at patuloy kaming dalawa sa pag-iyak, tinanong ako ni Christian, “Jeffrey Santos, sa harap ng pamilya at mga kaibigan natin, at sa harap ni Max, will you marry me?”

Di ko alam ang gagawin kung mawala ka
Buhay ko’y may kahulugan tuwing ako’y iyong hagkan
Umabot man sa’ting huling hantungan
Kapit-puso kitang hahayaan, ngayon at kailanman, ikaw at ako

9 thoughts on “Plus One: Chapter 17

  1. Ian

    Waaaaaah! KALOKA! Ang haba ng hair. Hahahaha nakakakilig naman. Malapit na bang matapos? Sana may susunod sa Plus One! Hahaha🙂

    Reply
  2. zac

    omg .! Haha
    nkkakilig nmn.. Im so happy for jeff at last.. Sumaya rin sya. May next chapters pa ba toh? Haha

    hmm dami nilang pinagdaanan.. Hindi mo pla pedeng i judge ang tao sa konti mong nallaman about sa knya.. Kelangan mo syang makilala ng buo bago ka magjudge.

    Ang ganda ng buong story simula pa nung AFTER ALL.
    Whew.. Sana gawing indie film hahaha..

    :’)

    Reply
  3. theclosetchronicler

    Mukhang mas appropriate talaga ang title na “After All” dito, hehehe.

    “After All”? “Ikaw at Ako?” #ABeautifulAffair much lang? Hahaha.

    Reply
    1. Pinoy M2M Stories Post author

      Ginamit ba talaga yun sa A Beautiful Affair? Also, bakit mas bagay na title ang After All? Hehe

      Reply
  4. Pi Over Two

    Oh my God, naluluha ako. Hahaha

    What a beautiful sight.

    Agree ako kay Edmond, matinding “After All” ito. Beautiful!

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s