Plus One: Chapter 18


Sorry dahil natagalan ‘to. I hope you enjoy this one and sana ma-touch kayo. I was teary-eyed while writing the whole chapter.

This is the second to the last chapter. Finally, matatapos na ang journey nina Jeff, Christian and Max.

Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to real people and events are purely coincidental. Furthermore, unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this blog’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to PINOY M2M Stories with appropriate and specific direction to the original content. Thank you.

_________________________________________________

“What do you want?” tanong ko sa katagpo ko. Nagulat ako ng tawagan ako ni Camille at gusto nitong makipagkita sa akin. Hindi sana ako papayag pero ang sabi niya ay importante raw na magkita kami dahil may sasabihin siya.

“Hindi ako nakipagkita para humanap ng gulo,” kalmado nitong tugon sa akin na ikinapanibago ko dahil dati, laging pasigaw at galit ang kanyang tono tuwing kausap ako. “I think I’ve had enough of that the last time we saw each other.”

Dahil nakita ko naman ang sinseridad sa kanyang pananalita ay hindi na rin ako nagmatigas sa pakikipag-usap sa kanya. “Ano ‘yung importante mong sasabihin sa akin?”

“Gab told me that you and Christian got engaged,” wika ni Camille.

“Yup, two days ago,” maikli kong tugon.

“Hindi na ako manggugulo sa inyo ni Christian. When I saw how Max was terrible crying noong nagkakagulo tayo, it crushed my heart. I maybe a ruthless woman to you and Christian, but I still try my best to be a good mother to Max. And I thought that trying to be a complete family would be good for him,” patuloy nitong pagpapaliwanag. “That was why I was willing to do whatever it takes para hindi kami iwan ni Christian.”

“Christian will never leave Max. I think he has already proven that to you,” tugon ko rito. Muli kong naalala ang gabi kung kailan ako sinabihan ni Christian na si Max ang pinipili niya sa aming dalawa.

“I know that now. But I also saw how terrible he was when he did that. And to my surprise, even Max was sad when you stopped seeing them,” pagsang-ayon ni Camille. “Alam mo ba Jeff kung gaano kahirap ‘yung araw-araw na lang akong tinatanong ni Max kung kailan ka niya pwedeng makita?”

Hindi ako agad nakasagot sa tinanong ni Camille. Naramdaman ko ang kirot na nararamdaman niya lalo na’t alam niya ang tungkol sa relasyon namin ni Christian.

“Nalaman na din nina mommy and daddy ‘yung tungkol sa totoong ama ni Max,” sambit ni Camille nang mapansin na hindi ako makasagot sa kanya.

“Anong sabi nila?” tanong ko rito.

“Of course they were mad at me. Pero hindi na rin sila interested na makilala kung sino ang tunay na ama ni Max. They figured that it would be too much for Max kung magkakaroon na naman ng panibagong gulo. Besides, they think that Christian is doing a great job,” tugon nito sa akin.

“It will kill Christian if you take away Max from him,” wika ko rito.

“I know,” tugon ni Camille.

“So what happens now?” tanong ko rito.

“I’m going back to the States,” sagot nito sa akin na ikinakaba ko. “Don’t worry. I won’t bring Max with me.”

“Hindi ko na lang matiis na makitang galit sa akin ang parents ko at si Gab. At sobrang nakonsensya ako sa pinagdadaanan ni Max. Besides, I don’t think he’ll miss me that much,” patuloy ni Camille.

At doon na tuluyang tumulo ang luha nito. Kahit papaano ay humanga ako sa pagmamahal nito sa anak. Siguro ay maaari siyang husgahan ng mga tao maraming bagay pero hindi mo maipagkakaila na iba ang pagmamahal niya bilang ina.

“Of course he’ll miss you. Ikaw ang nanay niya. And kahit ano pang mangyari, you will always be his mother and you will always be an important part of his life,” pag-aalo ko rito.

Nangiti naman si Camille sa sinabi ko at pinahiran ang kanyang luha. “Now I can see why Christian fell in love with you.”

“Jeff, please take care of my boys,” patuloy nito.

“Of course. You didn’t have to tell me that,” tugon ko rito.

Tahimik na naming inubos ang inorder naming pagkain matapos mag-usap. Nang palabas na kami ay muli akong kinausap ni Camille.

“I’m sorry Jeff for causing you pain. You didn’t deserve that,” wika nito.

“Wala na ‘yun, Camille. Besides, everyone is willing to go to the extreme just to protect the people they love,” tugon ko rito.

“You are just a person in love, Camille. People can judge your actions, but they cannot judge your intentions,” wika ko rito bago namin tinahak ang magkasalungat na daan.

* * *

“Are you ready?” tanong sa akin ni Bryan.

“Honestly? No. Kinakabahan ako!” nangangatal kong tugon dito na sinagot naman niya ng tawa.

“Normal lang ‘yan. You are about to get married,” tugon nito sa akin.

“Thank you for agreeing to be my best man, Bry,” wika ko rito.

“Magtatampo ako kapag hindi ako ang pinili mo!” nakangiti nitong tugon.

“It’s time. Let’s go?” aya sa akin ni Bry.

Paglabas ko ng kwarto ay sinalubong ako ni Manang Tina. Siya na ang nag-alaga sa akin mula pagkabata kaya nararapat lang na siya ang maghatid sa akin ngayong wala na ang parents ko.

“Ang gwapo mo, hijo,” naiiyak nitong wika sa akin.

“Huwag ka munang umiyak, manang! Baka masira make-up mo,” pagbibiro ko dito.

Humawak ito sa braso ko at sabay kaming naglakad papunta sa events area.

Sa isang hotel sa Cebu namin napagdesisyunan ni Christian na ganapin ang aming union. Isang dahilan ay ang magandang lugar dahil malapit ito sa beach. Isa pang dahilan ay ang events area nito kung saan may dalawang pintuan sa gilid. Ang gusto kasi namin ay sabay kaming maglalakad palapit sa altar.

Dahil nga may kalayuan ang paggaganapan ay pinili lang namin ang mga taong imbitado dahil na rin may kamahalan ang magagastos namin.

Simple lang ang naging motif para sa araw na iyon. Nothing fancy, kumbaga. Blue ang napili naming motif ng lugar dahil iyon ang pareho naming paboritong kulay. Silver naman ang suot namin at ng mga ninong at ninang, pati na ng mga abay dahil si Max ang pinapili namin. Nang tanungin namin ito kung bakit iyon ang pinili niyang kulay, symbol daw iyon ng mga laruan na kinokolekta naming dalawa.

Ang magsasagawa ng union namin ay isang ministro mula sa Metroplitan Community Church.

Nakatayo na kami ni Manang Tina sa tapat ng pintuan. Hindi ko maalis ang kaba sa dibdib ko. Magkahalong tuwa at takot ang nararamdaman ko. Natutuwa ako dahil sa wakas ay magkakaroon na ng katibayan ang pagmamahalan namin ni Christian. Pero natatakot din ako dahil kahit hindi namin gustuhin ay may karagdan itong responsibilidad sa amin.

Mommy,

Ito na! Kinakabahan ako. Pero masaya ako na finally, this is happening. I wish you and daddy are here right now, kahit na alam kong tutol siya rito. But I am so happy mommy.

I really love Christian and Max. And I know and I feel that this is the right thing to do.
Bumukas na ang pintuan at nagsimula nang tumugtog ang string quartet. Ito na talaga.

I have been waiting, for such a long time
For you to hear this song
The joy you bringing, no words could take place
You made may darkness bright

I feel so lonely until you owned me
I’m lost in cold here but you have found me
I have been waiting to share a lifetime with you

Nag-umpisa na kaming maglakad ni manang. Dahan-dahan kong tiningnan ang mga mukha ng aming mga bisita.

Si Bryan at Gab na mga best men namin na naluluha habang nag-aabang sa gilid ng altar.

Sina Claire at Mike na parehong titig na titig sa akin habang nakangiti.

Sina Adrian, Dylan, Mike, Billy, Justin at partner nito na pawang papalit-palit ng tingin sa amin ni Christian habang naglalakad kami papalapit sa altar.

Sina Tita Cindy at Tito Greg naman ay kanina pa pinupunasan ang mga luha sa kanilang mga mukha. Hindi ko mapigilang mapangiti ng makita ko silang dalawa. Napakaswerte namin ni Christian na pumayag sila maging ninong at ninang naming dalawa.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong saya nang makita ko silang lahat na nandito para samahan kami sa pinakaimportanteng araw sa buhay namin ni Christian.

I’ve been so lonely until you own me
I’m lost in cold here until you have found me
I have been waiting for such a long time
For you to hear this song

At doon napukaw ang tingin ko sa dalawang lalaking katulad namin ni manang ay dahan-dahang naglalakad papalapit sa altar.

Si Max na napakalaki ng ngiti sa mukha.

“Tito Jeff, smile!” basa ko sa mga labi nito.

At habang sinusubukan kong ngumiti ay sabay na tumulo ang aking mga luha. Hindi ko akalain na ng makilala ko si Christian ay makikilala ko rin ang batang magpapasaya sa akin, ang bata na magpupuno sa kawalan ko ng kakayanan na magkaroon ng anak. Ang bata na tatanggap sa akin ng buong puso.

The love we once shared is all that matters
Until this life is through
I’ve been so lonely until you own me
I’m lost in cold here but you have found me

At ang lalaking magbabago ng mundo ko. Ang lalaking magpaparamdam sa akin na sa kabila ng mga naging pagkakamali ko noon ay karapat dapat pa rin akong mahalin. Ang lalaking hindi ipinagkait sa akin ang pamilya niya.

Para na akong baliw na umiiyak habang nakangiti nang makita kong ganoon rin si Christian.

Sa dinami-rami ng pinagdaanan naming dalawa, sinong mag-aakala na sa huli ay kami rin palang dalawa ang magkakatuluyan.

I have been waiting, for such a long time
For you to hear this song
The joy you bringing, no words could take place
You made my darkness bright

Pagdating namin sa altar ay binitawan na ni Manang Tina ang braso ko at iniabot ang kamay ko kay Christian. Sa sandaling hinawakan ni Christian ang kamay ko at noon ko lang naramdaman kung gaano ako kasaya.

I feel so lonely until you owned me
Im lost in cold here but you have found me
I have been waiting, for such a long time

“This is it,” nakangiti nitong wika sa akin habang pinapahid ang luha nito sa mukha.

“This is it,” tugon ko.

Sabay kaming huminga ng malalim at humarap sa altar.

“We are gathered here today to witness the union of Jeff and Christian, two people in love and committed to being with each other for the rest of their lives…” panimula ng ministro.

“Take this ring as a sign of my love and loyalty to you and to our relationship, in sickness and in health, for richer or for poorer, till death do us part…”

“With your love and respect for each other, God has blessed you with this loving relationship and now that the union is over, I can now pronounce you as husband and husband,” pagtatapos ng ministro.

Isang malakas na palakpakan ang sumunod habang humarap kami sa mga bisita namin, sa mga taong naging parte ng aming pagmamahalan.

“Daddy, Tito Jeff, you still have to kiss each other!” Sigaw ni Max na ikinatawa naman ng lahat ng nasa loob ng area.

At doon ay humarap kami ni Christian sa isa’t isa at nagdampi ang aming labi.

“I love you, Jeff.”

“I love you, Christian. I love you so much.”

Clinton & Callum from Soda Films on Vimeo.

P & J’s Wedding from Jason Magbanua on Vimeo.

8 thoughts on “Plus One: Chapter 18

  1. theclosetchronicler

    So yung wedding ang nanalo sa poll mo? Hehehe.

    Di ko alam na meron na palang nag-administer ng gay marriage dito sa atin..

    Anyway, congratulations at matatapos na ang kwento mo. On to the next one.😉

    – Edmond

    Reply
    1. Pinoy M2M Stories Post author

      Hi Edmond,

      Hindi ko alam if napanood mo na yung videos pero pinaltan ko yung isang video and replaced it with two Vimeo videos na sobrang touching. I hope you can watch it.

      Reply
  2. ian

    OH MY GOD! KILALA KO YUNG ISANG LALAKI SA P & J’S VIDEO! YUNG P ANG KILALA KO! SHIT HINDI KO ALAM NA GANYAN SIYA AND KASAL NA! WAAAAAA! KALOKA! SHIT! WHY DO I FEEL STRANGE THAT SEEING SOMEONE YOU KNEW THAT HE’S GAY AND KINASAL NA. SO HAPPY FOR THE BOTH OF THEM! INGGIT AKO! HAHAHA

    Reply
    1. Ian

      Its anton paolo anternorcruz yung sumali sa x-factor. Oh my god! Its too young for a 20 years old para maikasal siya. Happy for both of them. Nakakaasar! Kung alam ko lang kauri ko siya sana matagal ko nang linigawan yan. Hahaha. Pero hindi niya alam na ganito ako. Wahahaha. Im still locked up in a tower este closet. Hehehe.

      Reply
  3. Kevin

    Sa totoo lang, after a years na nagbabasa ako ng m2m stories. Dito ako naiyak at kinilig. Binabasa ko to pag tulog na boyfriend ko. May insomia kasi ako. And now 3 yrs na kami this kaming summer. Leave in kami, ☺ ill try my best basahin yung ibang kwento hehe. Keep it up. More stories to come. I think ako lang nagpost this 2016 so 3 yrs mahigit na to ☺

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s