Plus One: FINALE


Maraming maraming salamat sa pagsama niyo sa paglalakbay nina Jeff, Christian at Max.

Hindi naging madali para sa akin na isulat ito pero natutuwa ako na nagustuha niyo pa rin ito kahit papaano.

HANGGANG SA SUSUNOD NATING KWENTO!

Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to real people and events are purely coincidental. Furthermore, unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this blog’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to PINOY M2M Stories with appropriate and specific direction to the original content. Thank you.

_________________________________________________

“One tall mocha frappe to go, please,” wika ng isang customer sa Chill.

“May I know your name, ma’am?” tanong ni Max.

“Reigne,” tugon ng babae.

Limang taon matapos ng kasal namin ni Christian ay binili namin ang Chill mula sa may-ari nito. Binabalak na kasi niyang isara ang coffee shop dahil magmimigrate na ang pamilya nito sa US. Pinagpasyahan namin ni Christian na bilhin namin ito dahil ang Chill na ang naging buhay ko mula college. Naging business partner rin namin si Camille na ngayon ay may asawa at anak na.

At ngayon ngang medyo matanda na ako ay si Max na ang namamahala sa Chill. Nakagraduate na ito ng Business Administration and Accountancy sa UP kaya alam naming mapapamahalaan niya ng maayos ang Chill.

“Hey Max, hayaan mo na sila diyan, hinihintay na tayo ng daddy mo,” aya ko rito.

“Yes, Pa!” Tugon nito. Pumasok lang ito sa loob ng staff room at kinuha ang mga gamit nito.

“Ano sa tingin mong dapat nating dalhin?” tanong ko rito habang nagmamaneho papunta kay Christian.

“Actually, Papa, nagbake ako kanina ng lasagna. Do you think okay na ‘yun?” tanong sa akin nito.

“I’m sure he’ll love that,” nakangiti kong tugon dito.

“Kamusta na pala kayo ni Kimberly?” Mula nung bumukod ka, hindi ka na masyadong nagkukwento,” wika ko rito.

“Naku, Pa, wala na kami. Apparently, hindi enough sa kanya na coffee shop lang DAW ang minamanage ko. Feeling niya, hindi ako yayaman at makakaipon,” kwento nito.

“Kung alam lang niya,” natatawa kong tugon.

“‘Di ba? Kung alam lang niya na may trust fund ako na pwede ko namang galawin anytime pero ayoko lang dahil wala pa naman akong paggagamitan,” natatawa rin nitong sagot sa akin.

“Well at least maaga mo siyang nakilala ng totoo. You can still find the right woman for you,” payo ko rito.

“Twenty three pa lang naman ako, Papa. Hindi pa ako nagmamadali.”

“Eh, ‘yung Reigne kanina sa Chill? Iba tingin mo sa kanya, ah,” asar ko rito.

“Ang ganda naman kasi, Pa! Pero wala lang ‘yun, twice pa lang naman din siya nagpupunta sa Chill. Don’t worry, kapag bumalik pa sya ulit, makikipagkilala na ako,” wika nito.

Parang ang bilis dumaan ng panahon. Seven years old lang si Max nang makilala ko si Christian. Ngayon nga ay twenty three na siya. Nakakatuwa na itinuring na rin talaga niya akong tatay niya. At hindi rin siya nahihiya kapag may nagtatanog kung bakit dalawang lalaki ang magulang niya.

“Kamusta pala ‘yung dinner n’yo ng mommy mo?” pag-iiba ko ng usapan.

“Ayun, may bago na naman siyang boyfriend. Alam mo Papa, I wish makahanap na si Mommy ng lalaki na seseryosohin siya. Hindi naman na din siya bumabata, mas okay na may lalaking mag-aalaga sa kanya,” tugon ni Max patukoy kay Camille.

Habang lumalaki kasi si Max ay gusto ni Christian na kahit papaano ay maging malapit ito kay Camille kaya naman taun-taon pa ring umuuwi si Camille para makasama ang anak. Hindi man kami naging magkaibigan ay pareho naman naming gusto kung ano ang makabubuti kay Max. Kung minsan nga ay nagkakasama pa kami kapag magbabakasyon kami kasama sina Tito Greg, Tita Cindy at Gab.

“Wala na sila nung lawyer na nameet niya sa restaurant?” usisa ko rito.

“Apparently, that douchebag is married. Buti na nga lang nalaman agad ni Mommy,” tugon ni Max. “Kapag nakita ko ‘yun, naku Papa, uupakan ko talaga. How dare him play with my mom’s heart?”

Isa ‘yan sa mga ugali ni Max na talaga namang proud kami ni Christian. Sobra ang pagmamahal niya sa mga mahal niya sa buhay. Alam ko namang hindi niya tototohanin ang pagsapak sa lawyer na ‘yun. Sinasabi niya lang kung gaano siya kaconcerned sa mommy niya.

Marami pa kamig pinag-usapan ni Max habang nasa biyahe. As usual, hindi pwedeng hindi namin mapag-usapan ang tungkol sa toy collections namin. Hanggang ngayon kasi ay pareho pa rin kaming nangongolekta ng mga laruan.

Nang malapit na kami sa pagkikitaan kay Christian ay pareho kaming natahimik. Hindi namin maitanggi na pareho kaming kinakabahan at naeexcite na makita ulit si Christian. Isang buwan na kasi ang nakakalipas mula ng huli kaming nagkitakita.

Bago lumabas ng sasakyan ay tiningnan ko muna ang aking sarili sa rear-view mirror.

“Papa, you look great. Besides, you are the most good looking man in Daddy’s eyes kaya you don’t have to worry,” nakangiting wika ni Max.

“Sure?” tanong ko rito.

“Oo nga!” natatawang tugon ni Max. “Wala akong tatay na pangit!”

Pagbaba namin ng sasakyan ay hinawakan ni Max ang kamay ko at sabay kaming naglakad papunta kay Christian.

“Sana okay pa ‘yung lasagna. Kaninang umaga ko pa kasi niluto ‘to,” mahinang bigkas ni Max.

“Bakit parang kinakabahan ka rin?” tanong ko rito.

“Hindi, ah!”mabilis na pagtanggi naman ni Max.

Nang makita na namin si Christian ay pareho lang kaming napangiti ni Max.

“Babe, itong anak mo, kinakabahan dahil baka hindi na daw masarap ‘yung ginawa niyang lasagna,” nakangiti kong wika.

“Naku, Daddy, ‘yang si Papa, panay ang pagwapo sa sasakyan. As if naman hindi ka head over heels in love sa kanya,” bawi naman ni Max.

Pareho lang kaming natawa sa mga pinagsasasabi namin. Inilapag na ni Max ang tray ng lasagna sabay kinuha ang dalawang kandila sa bag nito at sinindihan.

Inilapag ko naman ang bulaklak na binili ko kanina bago ko daanan si Max sa Chill.

“Kamusta ka na, Babe?” tanong ko rito.

Christian R. Velez
Born: March 14, 1983
Died: April 23, 2028
“A loving father to Max and partner to Jeff.”

“Kain tayo, Papa,” aya ni Max nang makitang tumutulo na ang luha ko.

Tatlong taon na ng namaalam si Christian. Dinapuan ito ng pneumonia habang nasa isang business trip. Ilang linggo rin siyang nasa hospital pero hindi kinaya ng katawan niya ang naging komplikasyon ng sakit.

“Do you miss him, Papa?” tanong sa akin ni Max habang kinakain namin ang niluto niyang lasagna.

“Every single day,” mahina kong tugon dito na sinundan ko ng impit na ngiti.

“I’m sorry I had to get a place of my own,” tugon nito sa akin.

“Ano ka ba. Hindi rin naman pwede na forever na tayong magkasama. Makakaistorbo lang ako sa inyo ng magiging asawa mo,” wika ko rito.

“That will never happen,” tugon nito. “What do you say I go back to our house? I’ll just keep paying for my unit kahit walang tumitira dun. Doon na lang ako matutulog kapag talagang late na ako makakauwi,” dagdag nito.

“You don’t have to do that,” sagot ko kay Max.

“To be honest, Papa. I miss you and our home. And most of all, I miss your cooking,” tawa ni Max.

“So ‘yung luto ko lang pala ang namimiss mo. Matotouch pa naman sana ako,” balik ko rito.

“Syempre joke lang ‘yun Papa. Sige after natin dito, punta tayo sa unit ko then kunin na natin ‘yung iba kong damit. Mag-iiwan lang ako dun ng konti.”

“Narinig mo ‘yun Babe? Hindi rin ako natiis ng anak natin, babalik na sa bahay,” kausap ko kay Christian.

“You know what, Papa. It’s not too late to find another man. I’m sure there is someone out there who is secretly in love with you,” wika ni Max.

“Alam mo, I do feel lonely because I miss your dad. Hindi dahil I feel alone. And missing him won’t be cured by dating another men. Because they are not and they will never be Christian,” mahinahon kong tugon dito.

“I just want you to be happy, Papa,” sambit ni Max.

Tumayo ako at tumabi rito at inakbayan. “You are more than enough reason for me to be happy.”

“I love you, Papa.”

“I love you, too, Max.”

Tiningnan ko ang puntod ni Christian at inisip ko na malamang ay tumatawa ito dahil ang cheesy na naman namin ni Max. Ang sarap isipin ng mukha ni Christian na nakangiti at masaya.

Ganoon ko siya laging inaalala. Dahil sa kabila ng mga pinagdaanan ko sa buhay ko, ang mga ngiting iyon ang nagsasabi sa akin na magiging ayos din ang lahat.

At ngayong wala na siya, ang mga ngiting iyong ang laging magpapaalala sa akin na minsan ay may nagmahal sa akin ng buong buo at tunay sa kabila ng mga naging pagkukulang ko.

At ang lalaking katabi ko ngayon, ang anak namin na si Max, ang isang patunay na minsan, minahal ako ni Christian. Na hanggang ngayon ay mahal ako ni Christian.

“I love you so much, Christian.”

52 thoughts on “Plus One: FINALE

  1. theclosetchronicler

    Kinilabutan ako sa episode na ‘to, lalo na’t we’re reminded of our mortality and that someday we’re gonna leave this planet.

    What a way to end your series. Kahit na namatay si Christian, I don’t think this is a sad ending. What’s sad would be if hindi napanindigan yung love nila sa isa’t isa.

    Thanks Billie! So when do we expect your new series?

    – Edmond

    Reply
    1. Pinoy M2M Stories Post author

      Thanks, Edmond!

      This is by far the best ending I have written in my opinion. Hehe. And tama ka, yun talaga ang gusto kong ma-achieve. Yung hindi totally happy ending pero hindi rin naman sad ending.

      Well, tomorrow na ang start ng next series ko!🙂 Pero it is just a 3 or 4-part series.

      Reply
  2. Joshua

    nagulat ako namatay si christian sa end pero i still love it na lungkot ako ng kunti pero true love never dies sabe nga nila thanks sa kwento na ito talagang na complete na araw ko🙂

    Reply
  3. Ian

    Huhuhu! Anu ba yan! I never expected this ending. Naiyak ako ng sobra. But i love your ending kahit may namatay na isa. Naipaglaban nila ang kanilang pagmamahal. There may be one missing but still a happy ever after plus one

    Reply
  4. Ako toh

    huhuhu……mukha akong tanga sa office nung binabsa ko toh..sbrang nalungkot ako..pero hapi ako dhil alam ko d n kelangan mg hnp ng bgo ni jeff….spt n sa buhay nia n minahal at ngmahal sia ng 22o…tanging mga alala nila christian ang mgssbe n msrap p rin mbuhay s mundo kht wla s tbe mo ang dhilan kung paano k nging msaya,……KUDOS s author

    Reply
  5. Rexcer

    WOAH. This is a great story! Binasa ko yung whole series in one night, and it was worth the efforts! And I have to say, ang effective magsulat nung writer. Congrats!🙂

    Reply
  6. zac

    huhuhu .. Nagulat ako nung may pangalan ni christian , puntod pla un. Bigla naputol ung ngiti ko e. Huhuhuhu…

    Pero the best ending tlga.. At least naging masya sobarng saya nila jeff,max,and christian.. Pati nung ibang minor characters..

    Sana makagawa ka ulit kuya bille ng kasing ganda nito..

    Reply
  7. zac

    huhuhu .. Nagulat ako nung may pangalan ni christian , puntod pla un. Bigla naputol ung ngiti ko e. Huhuhuhu…

    Pero the best ending tlga.. At least naging masya sobarng saya nila jeff,max,and christian.. Pati nung ibang minor characters..

    Sana makagawa ka ulit kuya bille ng kasing ganda nito..

    Reply
    1. Pinoy M2M Stories Post author

      I am not a fan of happy endings sa mga stories ko. I don’t know why. Haha. Kaya hindi ko ‘to ginawa na super happy talaga

      Reply
  8. Anonymous

    thank you author for this womderful story! kahit na sad ako ng sobra T_T di ako mka move-on sa ending ng story T_T

    Reply
  9. Raven

    Ang tagal ko bAgo naBasa ang chapte 18 and the finale.

    Ang galing ng kwento, ang sarap sa pakiramdam.

    KeEp it up mr.auThor.

    Reply
  10. carlo

    Damn! I feel so moved even though I’m crying here all alone. You made me cry Mr. Author. Tsk.

    Why does Christian have to die? You really have a thing for sad endings.

    Standing ovation for you. tsk.

    Reply
  11. Enzo

    Hayyyy..
    After all and plus one lang ang binasa ko ng buo ng isang upuan…

    what a very nice story…im looking forward for your books 😀 bibili tlga ako ^_^

    continue posting!😀

    KUDOS!

    Reply
  12. Ervan

    This is insane! I love the story, I love all the characters and how they take part in each progress the story escalates and most of all, I love the writer of this story. You know what, I really got inspired with the way your mind thinks on how the story should go and with that, bumalik yung passion ko to write stories, Features/Literary writer pa man din ako. Kudos to you kuya Billy! :*

    Reply
    1. Pinoy M2M Stories Post author

      Hey! Sorry I just read this now! Sobrang thank you. And I hope I get to read your stories as well.🙂

      Reply
  13. von dexter

    napaka ganda ng story🙂 ilang ulit na akong nagbabasa at hindi nakakasawa basahin at minsan unuulit ko pa ang chapter dahil nakapakaganda ng bawat nangyayari🙂
    THUMBS UP sa writer ….

    Reply
  14. Anonymous

    This is so shocking! Hindi ko inexpect na biglang namatay si christian.. Yes, it was happy ending but.. mixed emotion, sad and happy.. well, all i can say is, you are the best writer! Napa-iyak mo ko ng ilang beses in just one day! i think i love you na.. I wish you make more stories pa just like this.. thank you so much!

    Reply
  15. sweetazukal

    OK! this so shocking! i didn’t expect na mamatay pala si christian, WOW! Yea, maganda ang ending i like it but it’s mixed emotion sad and happy.. Biruin mo ilang beses mo kong napaiyak in just a day?!? Well, all I can say is, you really did a good job, very talented writer.. I think i like you na, NO! I love you na! sana makagawa ka pa ng ganitong story.. and thank you very much!!

    Reply
  16. Alexfronda

    Beautiful ending. I can’t help but to cry for this ending. Naiisip ko pa lang this kind of ending with my partner, naiiyak na ako. Ngayon pa lang namimiss ko na siya.

    Reply
  17. ram

    I have already read your stories up to the ending but it did not stopped me from reading it again. i love how the story went through. until the end. all i can say is this is one of the best stories i have read. magnificently done.

    Reply
  18. Pi Over Two

    Lovely ending! It’s sweet-bitter. (Kasi it’s sweet, konti lang yung bitter) Kinda sad that Christian died young, pero we still see the eternal and enduring love nila.

    A few thoughts:
    -This is not just a love story. It’s a story showing how love between two men can be very true and enduring. :’)
    -Nice point that Max is (presumably) straight and very much well-adjusted. It’s a subtle shout out na hindi na-“taint” ang paglaki ni Max considering he grew up with two dads, contrary sa sinabi ni Camille before, na nasa isip din ng maraming taong naghuhusga ng gay couples.
    -I kinda wish na meron ding ginagawa si Jeff na letters for Christian just like doon sa deceased mom niya. Pero, I don’t see din how it would fit here, so ok lang. Haha
    -Ang cute nung callback ulit sa UP (Go UP!) and Chill!

    I regret not having read this on time. But, the story is as beautiful as ever. More power!

    Reply
  19. Stik-O Addict

    I never thought that the ending would be something like. This ending is a monster! I love it so much! I’ve learned a lot of lessons from reading this one. Thank you so much for sharing this story.

    Reply
  20. Anonymous

    Walang pagsidlan ng kasiyahan ng kalungkutan at kasiyahan ang puso ng mabasa ko ito…salamat sa isang magandang kwento… di ko makakalimutan si jeff, bry, at christian🙂

    Reply
  21. RF

    Just read the series 2014 na. Pero still worth it. Perfect timing. Congrats author. More stories pa sana ^_^ great job! Teary eyed ako sa finale🙂

    Reply
  22. Dave

    I hated Jeff for what he did to Bryan, but I learned to like him because of this series. Great job by the author!

    Napaiyak ako sa ending na to! Waahh!!

    Reply
  23. mateo miguel

    Love the story. a very great heart and Mind. so WONDERFUL & BRILLIANT. better na hindi masyadong “intimacy” but still all characters nabigyan ng justice. i gonna miss Max. sayang lang kc namatay si christian..

    Hamon naman kay Author paano mahihigitan to… ganitong may twist at exciting story.. hehe..

    more power mr. Brilliant Wonderful Author!!!

    Reply
  24. KhenKhen

    Wow, shocking ending. Mukha akong tanga habang nagbabasa ng mga naunang chapters dahil kinikilig ako tas bigla naman akong kinilabutan dito sa last, haha. Good job Mr. Author. nice nice. ü

    Reply
  25. carlo

    Its already november 2014
    First time to read m2m stories
    This is so great and inspiring from after all to plus one,, you could feel how every character is somewhat “alive”, most of it happened to me, it just feels so great reading this stories
    THANK YOU sooo much Mr. Writer :))

    Reply
  26. Cj

    Nakakatouch nmn ung ending… Nakakaiyak… Sayang lng at namatay c christian… Pero at least nging masaya cla until the end.

    Reply
  27. andre

    Story ni brian at mike, at jeff and christian pinagpuyatAn ko tlga!! Thank u author!! Bravo!! I love the way u write this two stories! More powers!

    Reply
  28. zenki of kuwait

    How sad😦 …I don’t like the ending so depressing…why you kill Christian Mr. Author huhuhuhu…so hanggang sa Huli pala bigo pa rin si Jepoy kasi hindi happy ang ending…ang after all kasi kahit pa paano naging si bry at Mike then not over you Mhigs and billy huhuhuhu Jeff and Christian plus one max…pero tnx Mr. Author kahit pa paano nalibang ako sa pag babasa sana marami ka pang story hehehehe tnx ulit…

    Reply
  29. zenki of kuwait

    How sad😦 …I don’t like the ending so depressing…why you kill Christian Mr. Author huhuhuhu…so hanggang sa Huli pala bigo pa rin si Jepoy kasi hindi happy ang ending…ang after all kasi kahit pa paano naging si bry at Mike then not over you Mhigs and billy huhuhuhu Jeff and Christian plus one max…pero tnx Mr. Author ang Ganda ng istorya eto ang gusto ko sa mga pinag dugtong-dugtong mo…sana may kasunod pa…

    Reply
  30. james

    “missing him won’t be cured by dating another men”. Thank you so much Mr. Author sa mga stories mo. I believe that every writer has their own sad story.

    Reply
  31. mike88

    grabe ilang days palang akong nagbabasa nito mula after all.. tulad ng dati.. not over you.. tinapos ko talaga..
    nakakarelate sa best friend parts..
    thumbs up sa story line medyo naguguluhan lang ako minsan dahil nagkakapalit ung names.. pero good job!! natouch talaga ako..
    a good place to feed my curiousity since mas maraming twist.. nakakasawa na yung kakornihan ng maraming palabas ngayon..
    marami rin akong natutunan.. just 17 though..🙂 keep up good writings.. sana maging teleserye .. daig na daig eh.. ang galing niyo po mr author..🙂

    Reply
  32. frank

    hi author, i hope mabasa mo eto.
    i really appreciate ur efforts doing this story. sa una gusto ko magkatuluyan sina bryan at jeff at nung binasa ko lahat ng series (hanggang 1 plus muna) parang naniniwala na talaga ako sa forever. nakaka confused rin minsan eh, may crush akong babae pero gusto ko naman maka xperience ng kapwa lalake. it make me more guts to have with a relationship between same sex and i hope makagawa ka nang isang story na iba ang sa mga series mo. 1 night ko lang binabasa ung mga series and it made my night awesome, full of joy, love and hope and faith. i think, this maybe the best story that i’d read. thanks sa inspirations author.

    love lots and kudos. MORE POWER !!

    Reply
  33. jhe

    just done reading plus one at dahil dto nabigyan ng justice ung ending ng after all dko kase gusto un haha. pero sana lang hinaba habaan mo lang kahit konti ung moment nila ni jeff bago namatay c christian.. pero kahit ganun thumbs up parin ako sa story mo mr. author🙂 keep it up!

    Reply
  34. elton

    Reading this kind of Love story makes my heart breaks a million times huhuhu and the plot of the story is not that common or let say usual for a romance/love story for a gay couple . I hope that the author will continue to write another brilliant story like this and I am looking forward to see you in person (AUTHOR ) cause I have a lot of question to ask about the way you write a story, hope you will replay to my email thank you again for sharing your talent ……

    Reply
    1. Hopeless Romantic

      I was in tears all over again. It was 2013 nung una kong mabasa ang mga stories mo and I can say na until now, I get emotional. Thanks for sharing these stories to us. Despite the fact that these are only “works” of your rich imagination, parang buhay na rin ang mga characters sa bawat story. I am hoping to read more stories from you. Sana may karungtong na ang “Huling Awit ng Sisne.” More power to you! ☺

      Reply
  35. Dan Dan Aquino

    I really appreciate the effort of mr.author just to write this kind of love story.. Sobrang naiyak ako.

    Reply
  36. Kaneki

    Mr. Author sana may kasunod Ito, si Bryan na ang makakatuluyuan ni Jeff. Maganda kasi chemistry nung dalawa eh.
    Thank you🙂

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s