Ang Huling Awit ng Sisne: Chapter 1


Ang Huling Awit ng Sisne

Mula sa kwento nina Jeff at Christian, nakilala natin ang magkasintahang Adrian at Dylan. Sa kwentong ito, mas malalaman natin ang ugat at kwento ng kanilang pagmamahalan.

Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta sa mga sinusulat ko.🙂

Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to real people and events are purely coincidental. Furthermore, unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this blog’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to PINOY M2M Stories with appropriate and specific direction to the original content. Thank you.

_________________________________________________

Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na makasama pa ang taong mahal mo sa huling pagkakataon, ano ang gagawin mo?

“I never saw this day coming. One week ago, when he was admitted to the hospital, ang saya pa niya. He was so excited because he was always so anxious as to what I would do kapag naospital siya. Hindi ko alam kung alin dun para sa kanya ang natutuwa siya. As most of you know, sobrang nataranta ako when his mom called me that day. Ang sabi ng doctor he would be fine, na kaya pa daw daanin sa gamot. But they confined him anyway para mabantayan din. That was why I never thought that this day would come. I don’t know how I will live without him. We just finished paying for the unit that we are living in…”

We. Ang hirap tanggapin na hindi na kumpleto ang salitang ‘yan. Isang buwan pa lang mula nang matapos naming mabayaran ang condo unit na tinitirhan namin…na tinitirhan ko. Sobrang excited pa siya na dagdagan pa yung mga gamit namin dahil daw sigurado na siyang doon na kami tatanda.

And that was what I thought so too. Doon na kaming dalawa tatanda. Makakalimang aso siguro kami. Or magkakaroon ng isang baby. Lampas isang daang beses siguro namin mapapalitan yung pintura ng walls.

“But now, I have to grow old there alone. I don’t know if I can make it without him. Maybe I’ll do everything to be miserable. That way, he will be forced to visit me every night. I think I would want that. Na kahit sa panaginip ko lang, makakausap ko siya every night…”

Seventeen years old pa lang kami pareho nang maging kami. That was almost fifteen years ago. And every night since then, lagi kaming nag-uusap bago kami matulog. Every. Single. Night.

“I love you so much, baby. I know you’re doing better there now. I promise I’ll do my best to feel better as well. But please guide me. I need you. I need you now more than ever.”

At sa huling pagkakataon ay tiningnan ko siyang nakahimlay. Napakapayapa ng kanyang mukha. Hindi na siya naghihirap. ‘Yan na lang ang dapat kong isipin para maiwasan kong masiraan ng bait.

“Gusto mong sa amin na muna matulog, hijo?” Napakaswerte ko na tinanggap ng mga magulang niya ang relasyon namin. Isa siguro iyon sa mga dahilan kung bakit kami nagtagal. Saksi sila sa masasaya at malulungkot naming mga ala-ala.

Nang mahalin ko siya, hindi lang ako nagkaroon ng kabiyak. Nagkaroon din ako ng karagdagang pamilya.

“Hindi na po mama. Doon ako sa unit matutulog. Kailangan ko pa pong ayusin ang mga gamit niya.”

“Sigurado ka, hijo? Baka mas malungkot ka kapag mag-isa kang natulog doon?”

Nakakahiya sa mga magulang niya. Parang mas iniintindi pa nila ako gayong sila ang nawalan ng anak.

“Kaya ko po ‘to, mama. Kailangan kong kayanin dahil ito na ang buhay ko magmula ngayon.”

Just one week ago, this place was so noisy kahit na kaming dalawa lang ang nakatira. Most of the time, kapag uuwi ako ay narito na siya, either nagluluto or naglalaro ng Xbox niya. Kahit alin sa dalawa ang ginagawa niya, madadatnan ko siyang maingay dahil napaso siya or natatalo siya sa nilalaro niya.

Naiwang nakakalat yung Xbox niya sa sahig ng sala. Saturday morning nang biglang sumakit yung ulo niya. I was just flying home from a business trip sa Singapore. Mabuti na lang at nagawa niyang tawagan ang best friend niyang si Gab.

Kapag naririnig na niyang binubuksan ko ang pinto, tatakbo na ‘yan papalapit sa akin para salubungin ako ng yakap at halik. Minsan nga nakakalimutan pa niyang i-pause ‘yung game kaya natatalo siya pero hindi niya pinapansin iyon. Basta sasalubungin niya ako at hahalikan kahit lasang mantika ang labi niya kakakain niya ng chips habang naglalaro.

Isang linggo nang nakakalat dito yung Xbox niya pero hindi ko magawang ayusin. Alam kong imposible mangyari pero umaasa akong isa lang ‘to sa mga bathroom breaks niya at bigla siyang lalabas sa CR at babalik sa paglalaro.

Dumiretso agad ako sa kwarto namin at hindi ko mapigilang mapaluha dahil naaamoy ko pa ang paborito niyang pabango. Iyon lang ang ginagamit niya kahit na binilhan ko siya noon ng ibang pabango para naman maiba. Ang sabi niya, gusto niyang iyon ang signature scent niya para daw kahit nasaan ako, kapag naamoy ko ‘yun, alam kong nandoon lang siya at kasama ko siya.

“Andito ka ba ngayon baby? Thank you. At least hindi ako matutulog mag-isa,” bulong ko sa hangin.

Pagkahiga ko sa kama na siya mismo ang gumawa nang lumipat kami rito ay niyakap ko agad ang paborito niyang unan. Bigay iyon ng mama niya noong bata pa siya at hanggang ngayon ay ginagamat niya pa rin iyon.

Naalala ko noong sabihin niya sa akin na siya raw mismo ang gagawa ng kama namin five years ago.

“Baby, may naisip na akong design, hindi naman masyado mahirap gawin. Give me one week at may kama na tayo. For now, okay lang ba if sa sahig muna tayo matulog?”

Hindi ako nakatanggi sa kanya noon dahil nakita ko sa mga mata niya na sobrang excited siya sa paggawa nito.

Pagkatapos ng isang linggo, “Baby, bili na lang tayo ng kama. Sagot ko na. Ang pangit ng nagawa ko, eh.”

Pero hindi ako pumayag. Kahit na hindi pantay ang mga paa nung kama at gumegewang ito tuwing nahihiga kami, pinilit ko na iyon ang gamitin namin at tuwang tuwa naman siya.

“Good night, baby…”

“…I love you so much,” ang huli kong sambit bago tuluyang dapuan ng pagod at makatulog.

Alam kong nananaginip ako ngayon dahil imposible naman na kasama namin sa kwarto sina Zac Efron at Channing Tatum. Alam kong nananaginip ako dahil katabi ko siya at magkahawak pa kami ng kamay.

Nanonood daw kami ng movie na sina Zac at Channing ang bida. Apparently, mukhang premiere night ito dahil nandoon din sila sa sinehan at katabi pa namin.

Hindi namin maiwasang matawa dahil hindi kami makapaniwala na katabi naman ang dalawa sa mga hollywood crushes namin.

~ “Alam mo baby, mas gwapo ka pa sa kanila,” bulong niya sa akin.
~ “Tigilan mo nga ako. Huwag na tayong maglokohan. Mas gwapo sila sa ating dalawa,” tugon ko naman.

Matapos ang pelikula ay nagdagsaan ang mga tao sa labas ng sinehan upang makalapit sa dalawang artista. Dahil sa pagtutulakan ay nagkalayo kaming dalawa.

~ “Baby! Baby!” naririnig kong sigaw niya.
~ “Diyan ka lang, ako na lalapit sa’yo,” utos ko naman dito.
~ “Baby! Baby!” patuloy niyang tawag.

“Baby! Baby!”

Naalimpungatan ako dahil sobrang lakas ng uga ng kama. Nahirapan akong imulat ang mata ko dahil sa mataas na sinag ng araw na pumapasok sa kwarto mula sa bintana.

“Baby! Baby!”

Hindi ko alam kung nananaginip ako dahil naririnig ko pa rin ang boses niya na tinatawag ako.

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata para makita kung bakit umuuga ang kama.

“Baby! Ang tagal mo naman gumising! Kanina pa kita ginigising, eh! Nagluto na ako ng breakfast natin,” wika ng lalaking kahawig niya.

Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Andito siya? Pero imposible.

“Bakit ganyan itsura mo? Para kang nakakita ng multo!” patuloy niyang pagsasalita.

“Nanaginip ba ako?” ang tanging natanong ko. Pinalu-palo ko pa ang sarili para masiguro. Mukhang totoo ngang nangyayari ito.

“Ang aga mo magjoke baby. Dali na, lalamig ‘yung niluto ko.”

Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala na nandito siya.

Tila hindi pa sapat na nasa harap ko siya at nagsasalita, tumabi pa ito sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

“O ayan, hinalikan na kita. Siguro naman magigising ka na,” wika nito.

“Ikaw ba talaga ‘yan, Adrian?” tanong ko rito.

“Baby, ang weird mo, ah. Ako nga ‘to…”

“…kumilos ka na diyan, dali. Marami tayong gagawin ngayong araw. This is going to be the best day of your life,” nakangiting tugon ni Adrian.

8 thoughts on “Ang Huling Awit ng Sisne: Chapter 1

  1. theclosetchronicler

    Broken record, I know pero congratulations uli sa new story.

    Kakaiba premise niya ha. I wanna guess what happens next kaso baka ma-censor na naman comment ko. LOL

    Reply
    1. theclosetchronicler

      Wait up, so Plus One na ang last sa chain of stories mo?!

      I hope you start a new chain. New set of characters perhaps? (A basta, I’m not complaining. =D)

      Reply
  2. Socrates Tumaob jr

    This helps me believe that one day i could find my other half. Someone that I could share my life until we grow old.

    Reply
    1. Pinoy M2M Stories Post author

      We all hope for the same thing. I hope you never lose that desire to find that someone to spend the rest of your life with.

      Reply
  3. Niko

    I enjoyed reading your stories bro!🙂 ewan di ako basta basta nadadala sa mga ganitong stories but u got me there. hope u can entertain my stories too😉

    Reply
  4. zenki of kuwait

    Kinilabutan naman ako sa umpisahan ng kwento mo :)… Hayzzzz sana nga panaginip Lang Kung hindi I hate you na Mr. Author hahahaha ha….

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s