Ang Huling Awit ng Sisne: Chapter 2


Ang Huling Awit ng Sisne

Ito na ang second part ng mini series ko. Mga 3 or 4 chapters lang ‘to all in all. This is just to give me more time to think of my new longer story. I just hope na magugustuhan nyo pa rin ‘to kahit papaano.

 

Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to real people and events are purely coincidental. Furthermore, unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this blog’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to PINOY M2M Stories with appropriate and specific direction to the original content. Thank you.

_________________________________________________

 

7:30 AM

“Masarap ba ‘yung pagkakaluto ko?” tanong sa akin ni Adrian.

Hindi ako makasagot ng matino dahil naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari.

“Dinagdagan ko ‘yan ng tomatoes. Yung huli ko kasing luto parang walang lasa, eh,” patuloy nitong pagsasalita.

“Ah…eh…” nalilito ko pa ring tugon.

“Baby, kanina ka pa. Parang ang weird mo. Malapit na akong magtampo,” wika ni Adrian na sinamahan ng tila nagtatampong mukha.

“Anong araw ngayon?” tanong ko rito.

“Sabado. Kakabalik mo lang galing Singapore kahapon. Namiss nga kita, eh,” tugon nito sa akin.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Totoo bang buhay si Adrian?

7:45 AM

“Mag-CR lang ako saglit,” wika ko rito. Dali-dali akong tumayo at dumiretso sa kwarto para kunin ang cell phone ko.

Pagpasok ko ng banyo ay agad kong tinawagan si Gab.

“What’s up, bro?” tanong ni Gab sa akin sa kabilang linya.

“Si Adrian, nandito!” Halos nanginginig kong wika rito.

“Dapat lang. Last I heard, diyan sa nakatira ‘di ba? Unless may hindi kayo inaamin sa akin,” wika nito.

“Pero Gab, magkasama lang tayo kahapon, hindi ba? Hindi mo ba naaalala?” dagdag kong tanong rito.

“Kakagaling mo lang kayang Singapore kahapon. Kami ni Adrian ang magkasama kahapon. Nananaginip ka yata, bro,” natatawa nitong tugon sa akin.

“That’s exactly my point! Nanaginip yata ako!”

“Maghilamos ka bro para matauhan ka. And magbond kayo ni Adrian. Halos one week kang wala, namiss ka kaya ng best friend ko,” tugon pa nito.

At doon ako parang natauhan. Kahit na naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari, maaari ngang panahon na ‘to para makasama ko ulit si Adrian. Baka nga nananaginip lang ako na wala na siya at ito talaga ang katotohanan. Na nandito siya ngayon kasama ko.

Pero parang toto lahat ng nangyari kagabi. Ang pag-iyak ko. Ang mga luha sa mga magulang at mahal sa buhay ni Adrian. Parang totoo ang lahat.

“Dylan, huy!” wika ni Gab sa kabilang linya. “Masyado kang busy sa trabaho mo lately. This is now your chance to make it up to Adrian, okay?” tanong sa akin nito.

“Okay,” maikli kong tugon.

Pagkatapos naming mag-usap ni Gab ay lumabas na ako ng banyo at bumalik sa dining table. Doon ko lang napansin na nakakalat pa rin sa may living area namin ang Xbox niya. Ganung ganun ang itsura nito ng umuwi ako kagabi pagkagaling sa…sa libing niya.

“Ang tagal mo yata sa banyo, baby? Hindi ba maganda pakiramdam mo?” tanong sa akin nito.

“Ah hindi, okay lang,” wika ko rito at umupo na ulit sa msa upang kainin ang niluto nito para sa akin.

“Sabi ni Gab, namiss mo daw ako?” tanong ko rito.

“Siya kausap mo kanina? At sinumbong niya ako? Lagot ‘yun sa akin when I see him,” parang naiinis nitong tugon.

“I miss you, too, Adrian. I miss you so much. Kung alam mo lang,” mahina kong tugon dito. Tumungo rin ako dahil ayokong makita nito na naiiyak ako.

“Hey, hey, baby, are you crying?” tanong nito. Tumayo ito at tumabi sa akin.

“Magkasama na ulit tayo, so stop crying baby,” patuloy nito habang yakap yakap ako.

Sa muling pagdampi ng kanyang katawan sa akin ay mas lalong tumitibay ang katotohanan na totoo nga itong nangyayari. Napagpasyahan ko na kung panandalian man ito o pangmatagalan, lulubusin ko na ang mga sandaling kasama ko siya.

Pinahid ko ang mga luha sa aking mukha at ngumiti, “ano bang balak mo ngayon araw?”

Napangiti rin ito nang makitang nakangiti na ako. “Well, I feel kind of sentimental today. Balak ko puntahan ‘yung lagi nating pinupuntahan nung bago pa lang tayo.”

Biglang naglaro sa isip ko ang imahe nang madalas naming pagpunta sa lugar na iyon pagkatapos ng klase namin.

“Ano sa tingin mo ang sasabihin nila kapag nalaman nila?” tanong sa akin ni Adrian.

“I hope maiintindihan nila tayo. Besides, hindi talaga natin sila kaibigan kung bigla nila tayong iiwasan,” wika ko rito.

Nakaupo kami sa may Baywalk area at hinihintay ang paglubog ng araw. Hatid sundo kami pareho ni Adrian noong high school. Mabuti na lang at mabait ang driver nila kaya pumapayag na pumunta muna kami rito bago niya kami ihatid pauwi. Hindi na ako nagpapasundo sa driver namin dahil sinasabi ko sa parents ko na sasabay na lang ako kay Adrian.

Malapit sa kanila si Adrian pati na ang buong barkada namin dahil madalas sila tumambay sa bahay kapag weekend.

“Naisip mo ba na magiging tayo?” tanong ko rito. “Imagine, part ka ng basketball varsity tapos ako naman medyo geeky.”

“To be honest? Hindi ko nga naisip na magigng magkaibigan tayo, e. Kung hindi pa siguro dahil dun sa isang program noon United Nations Day noong sophomores tayo, hindi kita kakausapin,” wika nito. “But to answer your question, noong naging magkaibigan na tayo at nakilala na kita, naisip ko na sana katulad mo ang magiging una kong makarelasyon.”

“So you admit na ikaw ang unang nagkagusto sa akin?” wika nito ng nakangiti.

“Oo inaamin ko ‘yun. Pero tandaan mo, ikaw ang unang humalik sa akin,” bawi ko rito.

“Hey, natulala ka yata,” wika ni Adrian dahilan upang matigil ako sa aking pag-iisip.

“Naalala ko lang nung madalas pa tayo dito nung high school,” wika ko rito.

10:45 AM

“Ang laki na rin ng pinagbago nitong Baywalk. Mas malinis na compared dati,” puna nito sa lugar.

Bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Kung totoong nangyari nga iyon.

“I don’t know if I can make it without him. Maybe I’ll do everything to be miserable. That way, he will be forced to visit me every night. I think I would want that. Na kahit sa panaginip ko lang, makakausap ko siya every night.”

“Wala ka bang nararamdaman? Wala bang masakit sa’yo?” tanong ko rito.

“Wala naman. I’m perfectly fine,” tugon nito.

“Hindi ba sumasakit ulo mo? Maybe we should have you checked up. Minsan kasi may mga sakit na walang symptoms,” patuloy ko.

Mas lumapit naman ng pagkakaupo sa akin si Adrian at inakbayan ako. “Napapraning ka na naman, eh. I’m good. I’m great actually because we get to do this again.”

Huminga na lang ako ng malalim at isinandal ang ulo sa kanyang balikat.

“Alam mo, pangarap ko na makabili ng sariling yacht tapos maggagala lang tayo ng isang buong weekend,” magiliw nitong wika habang pareho kaming nakatitig sa dagat.

“I would love that,” tugon ko rito.

“I would love to do anything as long as I do it with you,” patuloy ko.

15 thoughts on “Ang Huling Awit ng Sisne: Chapter 2

  1. theclosetchronicler

    Is this a dream or nag-time travel ba kung sino or what? Hahaha.

    Abangan ko na lang ang next chapter. Billie, bumagal din update natin ha. If busy ka, I know the feeling hahaha.

    Reply
    1. Pinoy M2M Stories Post author

      What do you think? Is it a dream? Or baka naman may pagka “If Only” ‘to. Alam mo yung movie na yun?

      Reply
      1. theclosetchronicler

        I saw parts of it. J.Love right? And eto yung ni-ripoff ng “Sana Maulit Muli”, the first-ever Kimerald teleserye (except that dun happy ending sila). #Kapamilya

        Reply
  2. Xander Belchez

    Its been two years from now pero nawala na si mr.author anyaree na excite ako sa chater 3 kc imaginary eme eme ang kwento huhuhu mangungulit ako sa blog na to dahil once na nagustuhan to ng mga friend ko na book readers and social readers nako siguradong sisikat pa to at ma future sa television …… nice mr.author para nakka inspired ulit gumawa ng stories here

    Reply
  3. james

    Gusto ko ng basahin to pero baka mabitin na naman ako kasi wala pang update. Nasaan kana Mr. Author? Babalik ka pa ba? 😢😢😢

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s