Kismet: Chapter 1


kismet

The HIATUS IS OVER! I’m back. At may bago akong kwento.

Sana ay magustuhan n’yo. Enjoy!🙂

 

Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to real people and events are purely coincidental. Furthermore, unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this blog’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to PINOY M2M Stories with appropriate and specific direction to the original content. Thank you.

_________________________________________________

“And the winner for 2013 Artists Circle Best Performance by an Actor in a Drama Series is Tristan Galvez!”

Isa sa pinakasikat na artista ngayon si Tristan Galvez. At 23 years old, nakakuha na ng maraming awards si Tristan dahil na rin sa natural nitong talento sa pag-arte. At isa rin siya sa pinakatinitiliang artistang lalaki ngayon dahil na rin sa angkin nitong kagwapuhan.

Pero maraming mga hindi magandang balitang kumakalat tungkol sa kanya ngayon. Lumalabas na unprofessional daw siya at palaging late dumadating sa set ng ginagawa niyang drama series na Kismet.

Katambal niya sa series na ‘to si Andrea Martinez. Pero sa gabi ng awards night ay mag-isang pumunta si Tristan. Unang nabalita na sabay silang pupuna ni Andrea kaya nagtaka rin ang lahat kung bakit magkahiwalay silang dumating.

Nang tawagin ang pangalan nito bilang nanalo ng Best Actor award ay malakas ang palakpakan ng kanyang mga fans na nagpunta para suportahan ang idolo nila.

Habang naglalakad paakyat ng stage ay hindi kamayaw ang mga tagahanga nito sa pagsigaw at pagpalakpak.

“Thank you to the Artists Circle members for acknowledging my work for Ikaw Na Nga but I honestly don’t believe that I deserve this award. My co-nominees are more deserving than me,” maikling wika ni Tristan para sa kanyang acceptance speech.

Ikinagulat ng mga naroon ang sinabi ni Tristan.

“Why did you do that?!” halatang galit na sigaw ng manager ni Tristan na si Christian Fajardo, o Mommy Krista para sa mga talents niya. Kakatapos lang ng awards night at pabalik na sina Tristan at Mommy Krista sa condo unit ng artista.

“What? I was just being honest,” tugon nito sa taong nakadiscover sa kanya. Naglalakad lang noon sa mall si Tristan kasama ang mga kaibigan nito noong 19 years old pa lang ito.

Kung tutuusin, hindi naman na kailangan magtrabaho ni Tristan dahil mayaman naman ang pamilya nito. Kaya lang ay naging curious si Tristan sa buhay ng isang artista kaya sinubukan niya ito.

“Dahil sa ginawa mo, na-offend ang jury ng Artists Circle. Para mo na ring sinabi na hindi sila marunong mamili ng dapat manalo,” galit pa ring tugon ni Mommy Krista.

“Like I care,” nakangising sagot ni Tristan na lalong nagpagalit sa manager nito.

“Tristan! Sinasayang mo lahat ng pinaghirapan nating dalawa! Alam mo namang ang dami nang hindi magandang balita tungkol sa’yo tapos gagawa ka pa ng ganyan!”

“You know me Mommy. I can lose everything, all of this and I won’t even care. You are the only reason why I am staying in this fucked up business,” wika ni Tristan habang binabagtas nila ang kahabaan ng EDSA sakay ng personalized van na napundar nito mula nang mag-umpisa siya sa pag-aartista.

“Ayun na nga, anak. Nasisira ang credibility ko kapag nakikita nila na hindi kita mapatino,” malumanay na tugon ni Mommy Krista na halatang nawala na ang galit dahil sa sinabi ni Tristan.

“Alright Mommy, I’ll apologize to them tomorrow morning,” wika ni Tristan.

***

“Wala naman akong pakialam,” mayabang na sagot ni Rain sa kababata.

“Ewan ko talaga sa’yo. Kapag ikaw nasisante na naman diyan sa trabaho mo. Pangalawang trabaho mo na ‘yan ngayong taon! E March pa lang ngayon! Anong balak mo, buwan-buwan ibang trabaho?” sunud-sunod na litanya ni Jeric.

“Kasi naman, ang sabi sa akin, receptionist ako. Ibig sabihin noon, tagatanggap ng bisita. Hindi naman nila sinabi na buong araw akong mag-staple ng mga papeles nila!” halatang inis pa rin na sagot ni Rain.

“Buti nga may tumanggap pa sa’yo! Kung hindi mo naaalala, hindi kagandahan ang track record mo pagdating sa trabaho,” tugon ni Jeric.

“Kasalanan naman ‘yun ng lahat ng dati kong pinasukang kumpanya. Hindi kasi sila marunong magtrato ng mga empleyado nila,” sagot pa rin ni Joy.

“Bahala ka na nga. Ang hirap mo talaga pagsabihan,” tila naiinis na ring wika ni Jeric.

Magkababata sina Jeric at Rain. Pareho silang lumaki sa isang barangay sa Rosario, Cavite.  Kahit magkaiba ng hilig ang dalawa ay nagkasundo pa rin ito. Palibhasa ay sila lang ang dalawang batang lalaki sa lugar nila noon. Mahilig sa basketball at hiphop na music si Rain samanatalang mas gusto naman ni Jeric na manatili lang sa loob ng kanilang bahay at makinig sa mga lumang plaka na koleksyon ng tatay niya.

“O, bakit ka naiinis sa akin? Ikaw nga ‘tong dapat na kakampi ko,” wika ni Rain sa best friend.

“Kakampi mo naman talaga ako. Ang sa akin lang, hindi ka na bata para magmaktol diyan tungkol sa trabaho mo. Tandaan mo, ikaw na lang ang inaasahan ng mga magulang mo.” tugon ni Jeric.

“Oo na, oo na. Hindi na ako magre-resign. Kung sabagay, may maganda naman akong officemate. Siya na lang ang dahilan ko para pumasok araw-araw,” nakangiting wika ni Rain sabay tabig sa kaibigan na hindi napigilang mapatawa sa narinig.

“Umiral na naman ‘yang kalibugan mo, Rain a!” natatawang sagot ni Jeric.

“Wala namang masama dun! Single naman ako at gwapo pa,” maangas na tugon ni Rain.

May itsura naman talaga itong si Rain. Sumali nga ito noon sa reality show na Star Factor ng FBN-8 pero hindi ito pinalad na manalo.

“Ang yabang,” pang-aasar ni Jeric sa kaibigan.

“Huwag kang mag-alala, gwapo ka rin naman Jeric, e. Mas gwapo lang talaga ako,” nakangiting tugon ni Rain.

Ipinagpatuloy lang ni Jeric ang pagkumpuni sa taxi niya. Napundar ito ng tatay niya bago ito magkasakit at maratay sa kama. Si Jeric ang sumalo sa trabaho ng tatay niya na siya ring naging dahilan kung bakit hindi ito nakapagtapos ng kolehiyo.

“Alam mo, nag-aaksaya ka lang ng oras diyan sa taxi mong kakarag-karag. Panigurado, sira na namnan ‘yan bukas,” puna ni Rain.

“Tumahimik ka nga, baka marinig ka ni Papa,” sita ni Jeric sabay bato sa kaibigan ng yabe. “Tulungan mo na lang ako dito kaysa ‘yung kung anu-ano ‘yang sinasabi mo.”

Halos isang oras pa bago naayos nina Jeric at Rain ang taxi. Sa sobrang pagod ni Rain ay pinilit nito si Jeric na ilibre siya ng meryenda.

Nang makaligo at makapagbihis ay pumunta na sila ng mall gamit ang taxi para rin malaman kung talagang naayos na nga nila ito.

“May dinedate ka na bang bago?” usisa ni Rain sa kaibigan na nagmamaneho.

“Naalala mo ‘yung huli kong pinakilala sa’yo?” tanong ni Jeric kay Rain.

“Si Alexis? Anong meron dun?” balik na tanong Rain kay Jeric.

“May asawa na pala ‘yung gago. Kaya pala tuwing weekend lang kami nagkikita. Akala ko naman busy lang talaga sa trabaho. ‘Yun pala may asawa’t anak na,” natatawang kwento ni Jeric.

“Gago pala ‘yung lalaking ‘yun. Buti ngayon ko lang nalaman ‘yan, kung hindi baka nabugbog ko ‘yun. So siguro naman hiniwalayan mo na ‘yung gagong ‘yun?” tanong ni Rain.

“Oo naman. Ang tanga ko na lang kung hindi ko pa siya iniwan, ‘di ba?” tugon ni Jeric.

“Ikaw naman kasi Jeric, kilalanin mo muna ‘yung lalaki bago ka pumasok sa relasyon para hindi ka nasasaktan,” payo ni Rain sa kaibigan.

“Alam mo tama ka. Para hindi ako naloloko ng mga lalaking katulad niyo na puro libog lang ang alam sa katawan,” pang-aasar ni Jeric.

“Ang bait ko kaya! Pero seryoso, Jeric. Pang-ilan mo na bang relasyon ‘yan? Walang tumatagal kasi loko-loko mga napupunta sa ‘yo.”

“Okay lang ‘yun. Alam mo namang hindi rin ako pwedeng magseryoso dahil kailangan ko pang alagaan sina mama at papa,” tugon ni Jeric.

“Andun na ako. Pero sana ‘yung susunod na lalaking mamahalin mo, ‘yung seseryosohin ka naman para sumaya ka naman,” wika ng kaibigan.

Napatingin si Jeric kay Rain. “Best friend talaga kita.”

“Naman!” mabilis na tugon ni Rain. “Kaya gusto kong sumaya ka. Mahal kita Jeric. Kung bading nga lang sana ako edi sana tayo na lang para wala ka nang problema.”

“Baliw,” tugon ni Jeric sabay hampas sa balikat ng kaibigan.

Nalingat ng tingin si Jeric sa kalsada ng marinig niya ang malakas na sigaw ng kaibigan. “Jeric!”

Bigla itong napatingin sa kalsada at nakita ang babae sa harap nila. Agad niyang inapakan ang brake ng taxi pero natumba pa rin ang babae.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Jeric habang dali-dali silang lumabas ni Rain ng taxi upang tingnan ang kalagayan ng babae.

Nakahinga ng maluwag si Jeric nang makita na medyo malayo pa ang taxi niya sa kinalalagyan ng babae. Marahil ay natumba ito ng dahil sa takot.

“Ok lang po ba kayo?” tanong ni Jeric sa babae.

“Ayos lang ako,” mahinang tugon nito habang nakayuko.

“Natamaan po ba namin kayo?” tanong ni Rain.

“Hindi. Natakot lang ako kaya ako natumba,” tugon ng babae.

“Sorry po talaga. Hindi ko po kayo napansin. Pasensya na po talaga,” naiiyak na wika nio Jeric.

Bahagyang inangat ng babae ang mukha nito at tiningnan ang naluluhang si Jeric.

Biglang inangat ng babae ang kamay nito at pinahid ang luha sa mukha ni Jeric na ikinagulat naman ng binata.

“Huwag ka nang umiyak. Ayokong nakikitang umiiyak ang anak ko.”

9 thoughts on “Kismet: Chapter 1

    1. Pinoy M2M Stories Post author

      Meron pa. I still plan on finishing the story kaso wala talaga akong masulat sa kanya as of now kaya ibang story muna.

      Hindi naman karugtong ng Huling Awit ng Sisne itong Kismet kaya no need to worry.🙂

      Reply
  1. a_broken_boy

    This is my first time to comment on a blog but I’m doing so now just to say that I absolutely love your stories. I’ve been in a relationship for more than 3 years now but your stories have helped me appreciate more what I have with my boyfriend. Please continue writing. You inspire us all. Thanks!

    Reply
  2. bnil

    nabasa ko n rin sa wakas lahat ng mga entries mo bill.. bravo….
    cant wait sa kasunod ng Ang Huling Awit ng Sisne at Kismet..

    Reply
  3. val

    hi,
    ur stories inspired me, i hav a boyfriend wev beenl living together for 8 yrs,
    wv been tru ups and down..
    i knw ds kind of relationship is hard for us but just hve fait and trust to ur partner and then love comes nxt to it, everything will fallow.

    –val gwapo

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s