Kismet: Chapter 5


kismet

Kamusta na kayong lahat?

Medyo madalang na talaga ako makapagpost at mukhang ganito na ang pacing ng pagpost ko from now on. I like how this story is going kasi hindi lang focused sa dalawang characters yung story. Mas marami kayong dapat abangan tungkol dito.

 

Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to real people and events are purely coincidental. Furthermore, unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this blog’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to PINOY M2M Stories with appropriate and specific direction to the original content. Thank you.

_________________________________________________

Previously on Kismet: Chapter 4:

Bago tumuloy sa kwarto ay dinaanan muna ni Jeric ang tatay nito at nagmano. Pagpasok niya sa kwarto aya agad siyang nagpalit ng damit at humiga sa kama.

Nakaidlip na ito nang tumunog ang telepono ni Jeric.

Pagtingin niya sa pangalan ng tumatawag sa kanya ay agad niya itong sinagot.

“Bakit ka tumawag?”

“Kita tayo,” wika ng kausap ni Jeric.

“Sa weekend na lang kung pwede,” tugon ni Jeric.

“Sige.”

“Magpapahinga na muna ako, Tristan. Kakagaling ko lang sa trabaho.”

“Alright, bye Jeric. See you.”

——

“Hi, I’m Andrea Martinez and I am auditioning for the role of Cassandra.”

“My name is Tristan Galvez. I’m auditioning for the part of Miko.”

 

Bagamat hindi ito ang unang beses nina Andrea at Tristan na gagawa ng isang primetime series ay kinailangan pa rin nilang mag-audition para makuha ang mga bidang papel sa bagong sieries na sisimulan ng FBN-8 na “Kismet” dahil na rin sa madaming contract stars ang network na nais magbida rito.

 

Nang i-announce ng network na si Tristan nga ang magiging bida sa series na ‘to ay marami ang nagsabi na siguradong mataas ang ratings na ‘to ngunit may ilan rin ang nangamba na baka mahirapan ang production dahil kalat naman sa industriya na hindi madaling katrabaho si Tristan. Pero hindi pa rin mapigil ang kasikatan nito dahil na rin sa mga tagahanga niya na talaga namang sobra kung ipagtanggol si Tristan. Dulot rin ito marahil ng katotohanan na mabait sa kanila si Tristan.

 

Maagang dumating si Tristan sa coffee shop na pagtatagpuan nila ni Jeric. Bagamat walang lumalapit sa kanya ay halatang halata sa mga iba pang nasa loob ng coffee shop na alam nilang may sikat na artistang naroon.

 

Halos kalahating oras pa naghintay si Tristan bago dumating si Jeric.

 

“Sorry, nahirapan akong sumakay ng train. Hindi ko alam na ang dami pa rin palang taong sumasakay dun kahit weekend,” paghingi ng pasensya ni Jeric kay Tristan pagkaupo nito.

 

“Bakit hindi mo na lang dinala ‘yung taxi n’yo?” tanong ni Tristan?

“Ayun, nasa pagawaan na naman,” tugon ni Jeric. Hindi mapigilan ni Jeric na ipagkumpara ang suot nilang dalawa ni Tristan. Pareho lang naman silang naka polo shirt at jeans pero iba ang dating ni Tristan kaya hindi mapigilan ni Jeric na mahiya ng kaunti.

 

Mukhang napansin iyon ni Tristan kaya nag-aya na itong umalis.

 

“Saan tayo pupunta?” tanong ni Jeric kay Tristan pagpasok nila ng sasakyan.

“If it’s okay with you, gusto ko sanang bisitahin si mommy,” wika ni Tristan.

 

Tahimik nilang tinahak ang papunta sa sementeryo kung saan nakalibing si Stella na mommy ni Tristan.

 

Paglabas nila ng sasakyan ay may kinuhang bulaklak si Tristan sa likod ng kotse nito bago naglakad papunta sa puntod ng mommy niya.

 

“Hi mommy,” wika ni Tristan sa tapat ng puntod ni Stella. Nasa tabi naman niya si Jeric na tahimik lang na pinagmamasdan si Tristan.

 

“Nga pala mommy, sinama ko si Jeric dahil alam kong miss mo na ang anak mo,” patuloy ni Tristan. Napatingin lang si Jeric sa tinuran ng katabi.

 

“I miss you so much, mommy. I’m so sorry,” wika ni Tristan. Hindi na nito napigilan na umiyak. Nabigla rin si Jeric na makitang ganito ka-emosyonal si Trista. Sa ilang beses kasi na nakasama niya ito noon ay palagi itong walang pinapakitang emosyon.

 

Kahit hindi sigurado sa gagawin ay marahang hinagod ni Jeric ang likod ni Tristan. Tila nahiya naman si Tristan kaya agad nitong pinahid ang mga luha. Tumingin ito kay Jeric at bahagyang ngumiti.

 

“I’m sorry,” wika ni Jeric kay Tristan.

“For what?” tanong ni Tristan.

“Dahil ako ‘yung inaakalang anak ni Ms. Stella,” sagot ni Jeric.

“It was not your fault,” maikling tugon ni Tristan.

“Alam mo, bilib ako sa’yo” ani Jeric. “Hindi ko siguro alam kung kakayanin ko kung mawala sa akin si mama o si papa,” patuloy nito.

“What choice do I have? It’s not like I have so many people that I can lean on,” tugon ni Tristan. “My father is too busy to even grieve my mom’s death. And kuya has his own family to deal with now.” paliwanag ni Tristan.

Napansin ni Tristan na wala nang maisagot si Jeric sa kanya kaya nag-aya na itong umalis.

 

“Thank you for coming with me,” wika ni Tristan pagsakay nila ng kotse.

“Wala ‘yun,” sagot ni Jeric.

“May rehearsal ako for our show tomorrow, gusto mo sumama?” tanong ni Tristan.

Nagulat si Jeric dahil hindi nito inaakala na aayain siya nito pumunta sa trabaho ni Tristan.

“Naku ‘wag na. Nakakahiya, wala naman akong gagawin dun,” pagtanggi ni Jeric.

“So, hatid na lang kita sa inyo?” alok ni Tristan.

Hindi na ito tinanggihan ni Jeric dahil kinakapos na rin siya sa pera dahil ipinapagawa pa niya ‘yung pampasada nilang taxi.

 

“Alam mo, ang laki ng nalulugi mo kung palagi mong ipinapagawa ‘yang taxi mo,” wika ni Tristan habang nagmamaneho.

“Wala naman akong choice. Mahihirapan akong maghanap ng ibang trabaho dahil hindi ko naman natapos ‘yung degree ko,” paliwanag ni Jeric.

“What if,” wika ni Tristan. “And I’m not saying this to offend you. What if ikaw na lang ang magmaneho sa akin sa mga shoot ko?”

“Wala ka bang driver?” tanong ni Jeric.

“Meron dati. Kaso nagresign bago ako umalis papuntang State. Kaya ngayon, I drive myself to work.”

“Naku, hindi ako sure. Tristan. Salamat sa pag-offer,” nag-aalangang wika ni Jeric.

“If sahod ‘yung problema, I’ll give you whatever you need. And I’ll even provide health and retirement benefits for you,” tugon ni Tristan. “And you don’t even have to worry about working odd hours, normal office hour ka lang magtatrabaho sa akin if ever. Alam ko namang kailangan mo din alagaan ‘yung daddy mo,” pagkukumbinsi pa ni Tristan kay Jeric.

Napangiti si Jeric sa sunud-sunod na pagsasalita ni Tristan. Sobrang bago ito para sa kanya na ganito siya kausapin ni Tristan.

“Sorry if I sounded too excited,” wika ni Tristan na medyo namula ang mukha dahil nahiya ito. Mas lalong napangiti si Jeric dahil mas lumutang ang kagwapuhan ni Tristan habang medyo namumula ang pisngi nito.

“Makakatanggi pa ba ako sa ganyang offer? So kailan ang simula ko, sir?” tugon ni Jeric.

“Nice. Ang hirap din kasi maghanap ng trustworthy na tao. Plus, I know my reputation na medyo mahirap pakisamahan kaya nahihirapan din akong makakuha ng matinong tao,” paliwanag ni Tristan.

 

Hindi rin maintindihan ni Tristan ang sarili kung bakit bigla nitong inalok ng trabaho si Jeric gayong may driver pa naman siya na nakaleave lang ngayong araw dahil nagbakasyon kasama ang mga kapatid. Mukhang mamomroblema pa tuloy siya ngayon kung paano niya sisisantihin ang kasalukuyan driver niya.

 

Marahil ay nagustuhan niya ang pakiramdam kapag kasama niya si Jeric. Hindi niya maipaliwanag kung bakit magaan ang loob niya kay Jeric at kahit papaano ay nagagawa nitong ngumiti. Ito ang pumasok na dahilan sa isip niya kung bakit ngayon ay may bago na siyang driver.

 

“Salamat ulit sa pagsama sa akin,” paalam ni Tristan kay Jeric.

“Salamat sa paghatid. At salamat din sa bagong trabaho,” nakangiting wika ni Jeric. “Punta na lang ako sa bahay n’yo ng Lunes.”

 

Pagpasok ng bahay ay sinalubong si Jeric ng nanay nito na si Blessy. “Kamusta naging lakad n’yo?”

 

“May bago na akong trabaho, mama. Ako na ang magiging driver ni Tristan,” wika nito sa ina.

“Teka, pano nangyari ‘yun?” nagtatakang tanong ni Blessy sa anak.

“Nakwento ko po kasi na sira na naman ‘yung taxi natin. Ayun, bigla akong inalok ng trabaho. E ang sabi niya, ibibigay naman daw niya kahit magkano hingin kong sweldo kaya tinanggap ko na para hindi na tayo mamroblema sa mga gamot ni papa.”

“Naku, ang buting balita niyan. Dali ikwento mo ‘yan sa papa mo at tiyak na matutuwa iyon.”

 

* * *

 

Natahimik ang lahat sa studio pagpasok ni Tristan. Hindi nila alam na nasa bansa na pala ulit ito.

 

“Bro!” bati ni Alex kay Tristan. Si Alex lang ang maituturing na kaibigan ni Tristan sa showbiz. Marahil ay madalas silang nagkakasama noon sa mga workshops at likas na palakaibigan itong si Alex. Bukod pa rito ay alam ni Alex na ayaw na ayaw ni Tristan na tinatanong siya tungkol sa mga personal niyang problema kaya naman nagkakasundo sila.

 

“Ang tagal kong walang balita sa’yo. Kailan ka pa nakabalik ng Pilipinas?” tanong ni Alex sa kaibigan matapos nitong yakapin.

“Just a few days ago,” wika ni Tristan.

“I’m so sorry to hear about what happened,” patuloy ni Alex.

“Kaya nga umalis muna ako para palipasin lahat ng mga nangyari.”

“Well, I’m just glad you’re back. Ang dami kong kwento sa’yo!” sabik na wika ni Alex.

“Ano na namang katarantaduhan ginawa mo?” tanong ni Tristan sa kaibigan.

 

“You really do know how to make me happy,” wika ng Chief Operating Officer ng FBN-8 na si Fernando M. Cabral, o FMC.

Isa na namng mainit at mapusok na gabi ang pinagsaluhan ni FMC at ni Alex.

“Hindi mo ba pwede kausapin si Victor na huwag na ako pakantahin at pasayawin sa ‘Groove?’ Napapahiya lang ako, e,” tanong ni Alex kay FMC. Si Victor ang kaisa-isang anak ni FMC. Isa rin itong opisyal ng network at ngayon nga ay siya ang tumututok sa bagonh musical variety show ng network.

“Sinubukan ko na pero hindi kasi tumitigil ‘yung mga tsismis tungkol sa atin kaya mainit talaga ang dugo nun sa’yo. I suggest you just let it go and hopefully, he’ll find another actor to bully.”

Napahinga na lang ng malalim si Alex.

“Enough with the talking. Ride me again,” utos ni FMC kay Alex.

 

“Tapos aasa ka pa talaga na hindi ka titigilan ni Victor e ayaw mo rin naman tigilan ‘yung tatay niya,” komento ni Tristan matapos marinig ang kwento ni Alex habang naghihintay sila sa dressing room.

“Anong magagawa ko e sa head over heels sa akin ‘yung tao,” tugon ni Alex.

“Seriously, bro. If you’re really comfortable about what you’re doing, bakit hindi ka na lang maghanap ng matinong lalaki diyan na kasing edad mo at hindi mo boss?” payo ni Tristan sa kaibigan.

“Bakit? Tingin mo ba si FMC lang ang kinikita ko? Tristan, hindi ko lang talaga siya maiwan because he’s giving me good jobs,” paliwanag ni Alex.

“So you mean you have multiple partners? May lahi ka bang kuneho” medyo natatawang tanong ni Tristan sa kaibigan.

“Huwag ka ngang maingay! Baka mamaya may makarinig sa’yo, matapos pa career ko. But I can’t help it if they keep coming to me,” pagyayabang pa ni Alex.

“Mag-ingat ka lang, bro.”

 

* * *

 

“Ano ba talaga ang real score sa inyo ni Tristan Galvez?” tanong ng isang reporter kay Andrea Martinez, ang katambal ni Tristan sa series na ‘Kismet.’

 

“I can say na he’s really special to me,” tugon ni Andrea.

 

“Pero bakit hindi kayo magkasabay na dumating ni Tristan sa awards night?”

 

“Siyempre, hindi pa rin maiiwasan na magkaktampuhan kami. But it was nothing serious,” sagot ni Andrea.

 

“Ano naman ang naramdaman mo nang biglang hindi sumipot si Tristan sa mga taping ninyo?”

 

“I was worried, of course. We all know what happened. Pero mabuti na lang at magaling ‘yung writers and directors namin na nagawan nila ng paraan na matuloy ‘yung story kahit wala si Tristan.”

 

Si Andrea ang nanalong Female Champion ng Star Factor ng FBN-8. Marami ang nagsabing hindi ito sisikat pero napatunayan naman niyang karapat-dapat siyang manalo. Bagamat hindi masyadong nag-rate ang mga una niyang palabas, napatunayan naman niyang marunong siyang umarte.

 

Kaya nga napakasaya niya nang malaman niyang siya ang makakatambal ni Tristan sa ‘Kismet’ dahil alam niyang maraming fans si Tristan. At hindi naman siya nagkamali dahil consistent top-rater ang palabas nila.

 

Mula sa may-kayang pamilya si Andrea. May-ari sila ng isang sikat na department store sa bansa. Sa katunayan ay hindi na nga nito kailangan pang magtrabaho ngunit hilig niya talaga ang pag-arte.

 

“Nabalitaan namin na bumalik na ng Pilipinas si Tristan, nagkita na ba kayo ulit?” usisa pa ng reporter.

 

“You know what, Tito, medyo busy talaga ako lately kaya wala ako masyadong free time but I know na nandito na siya and I’m sure magkikita kami ulit sa taping ng series namin,” sagot ni Andrea. Sanay na sanay na itong sumagot sa mga mahihirap na tanong ng mga reporters. Kahit na ang totoo ay ngayon lang niya nalaman na nakabalik na si Tristan, hindi naman niya ito ipinahalata sa reporter.

 

* * *

 

“Dad, can we talk?” tanong ni Victor sa ama nitong si FMC pag-uwi niya sa bahay nila.

 

Bagamat may sarili nang bahay si Victor ay paminsan-minsan, umuuwi pa rin ito sa bahay ng mga magulang niya upang bisitahin ang mga ito.

 

“I’m busy son. Pinag-aaralan ko ang ratings natin at ng kabilang network,” tugon ni FMC habang nakaupo sa office chair niya sa library nila at umiinom ng alak.

 

“It’s about Alex,” maikling wika ni Victor na nakapagpatigil sa ginagawa ni FMC.

 

Tiningnan ng masama ni FMC ang anak. “What about him?”

 

“I just got word that SBC gave him an offer to transfer to their network. Nalaman nila na kakatapos lang ng contract ni Alex sa atin,” ani Victor.

 

“He won’t transfer,” naka-ismid na tugon ni FMC.

 

“Kausapin mo ‘yang kabit mo, Dad. I won’t let him get away after all the shame that this family has gone through para lang sa katarantaduhan n’yong dalawa,” malakas na wika ni Victor.

 

Nagpanting ang tenga ni FMC at tumayo’t nilapitan ang anak. “Don’t you ever talk to me like that! Kahit anong gawin mo, ako pa rin ang masusunod dito! At huwag kang magmalaki! Kaya kitang patalsikin sa network kahit kailan ko gusto!”

 

Tila hindi natinag si Victor at ngumisi lamang sa harap ng ama. “I dare you. You don’t know how far I’m willing to go maibunyag ko lang sa lahat ‘yang kababuyan ninyo. I dare you, dad. I dare you.”

 

“Get out! Get out of my house!!” nakabibinging sigaw ni FMC.

 

* * *

 

“If we hire you, what can you contribute to our company?” tanong ng Human Resources specialist sa inaapplyang trabaho ni Rain.

 

“My love for music. So you can be confident that I will not only sell music, I will also let my customers feel that I know what I’m doing and I can share them information about songs ang singers,” hirap na sagot ni Rain.

 

Nag-aapply siya bilang sales staff sa record bar section ng Buy More Department Store na pagmamay-ari ng pamilya Martinez.

 

Tila na-impress naman ang HR specialist sa mga sagot ni Rain at binigyan na agad ito ng mga listahan ng kailangan niyang ipasa bago siya makapag-umpisa sa trabaho.

 

Tuwang tuwa si Rain na lumabas ng interview room. Kinuha nito ang telepono at tinawagan ang best friend na si Jeric.

 

“Uy, Jeric, hindi lang ikaw ang may bagong trabaho!” bungat ni Rain sa kaibigan.

“Talaga? Edi ayos. Saan ka magtatrabaho?” tanong ni Jeric.

“Sa Buy More, sa may record bar section nila. Sa wakas mapapakinabangan ko ‘yung hilig ko sa mga kanta,” nakangiting wika ni Rain na animo’y kaharap ang kausap.

“Buti naman. Kailan ka magsisimula?”

“Kailangan ko lang ibigay lahat ng requirements. Mukhang mayroon naman na ako ng lahat so kailangan ko na lang magpamedical exam,” tugon ni Rain.

 

Sa sobrang excited dahil sa wakas ay may bago na ulit itong trabaho ay abala si Rain na i-text ang iba pang mga kaibigan habang naglalakad palabas ng Department Store kaya hindi niya nakita na may kasalubong na siya.

 

“Ouch,” wika ng babae nang maapakan ni Rain ang paa nito.

Nagulat naman si Rain at biglang napatingin sa babae. “Naku, miss, sorry. Hindi kita nakita. Sorry talaga.”

“It’s fine. Just watch where you’re going next time,” wika ng babae.

 

Nang makalampas na sa kanya ‘yung babae ay tsaka lang niya naisip na parang kilala niya ito. At doon na nanlaki ang mga mata niya nang maisip niya kung sino ito.

“Naku! Si Andrea Martinez ‘yun! At inapakan ko ang paa niya! Nalintikan na,” wika nito sa sarili.

One thought on “Kismet: Chapter 5

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s