Kismet: Chapter 6


kismet

Sorry dahil ngayon lang ako nakapagpost ulit after 3 months! ANg dami lang kasi talagang nangyayari sa akin personally kaya hindi ko muna naasikaso yung blog. Pero super thankful ako dahil ang dami pa rin sa inyo ang nag-aabang. Kaya ito na. Susubukan kong magpost ng 1 chapter per week.

Maraming salamat talaga sa pagtitiyaga sa paghihintay.

_________________________________________________

Previously on Kismet: Chapter 5:

“Alam mo, ang laki ng nalulugi mo kung palagi mong ipinapagawa ‘yang taxi mo,” wika ni Tristan habang nagmamaneho.

“Wala naman akong choice. Mahihirapan akong maghanap ng ibang trabaho dahil hindi ko naman natapos ‘yung degree ko,” paliwanag ni Jeric.

“What if,” wika ni Tristan. “And I’m not saying this to offend you. What if ikaw na lang ang magmaneho sa akin sa mga shoot ko?”

“Wala ka bang driver?” tanong ni Jeric.

“Meron dati. Kaso nagresign bago ako umalis papuntang State. Kaya ngayon, I drive myself to work.”

“Naku, hindi ako sure. Tristan. Salamat sa pag-offer,” nag-aalangang wika ni Jeric.

“If sahod ‘yung problema, I’ll give you whatever you need. And I’ll even provide health and retirement benefits for you,” tugon ni Tristan. “And you don’t even have to worry about working odd hours, normal office hour ka lang magtatrabaho sa akin if ever. Alam ko namang kailangan mo din alagaan ‘yung daddy mo,” pagkukumbinsi pa ni Tristan kay Jeric.

Napangiti si Jeric sa sunud-sunod na pagsasalita ni Tristan. Sobrang bago ito para sa kanya na ganito siya kausapin ni Tristan.

“Sorry if I sounded too excited,” wika ni Tristan na medyo namula ang mukha dahil nahiya ito. Mas lalong napangiti si Jeric dahil mas lumutang ang kagwapuhan ni Tristan habang medyo namumula ang pisngi nito.

“Makakatanggi pa ba ako sa ganyang offer? So kailan ang simula ko, sir?” tugon ni Jeric.

“Nice. Ang hirap din kasi maghanap ng trustworthy na tao. Plus, I know my reputation na medyo mahirap pakisamahan kaya nahihirapan din akong makakuha ng matinong tao,” paliwanag ni Tristan.

——

“Ano bang problema mo? Nakita mo nang nagmamadali ‘yung tao!” wika ng lalaki na lumabas sa kanyang sasakyan.

“Sir, kayo na nga po ‘yung wala sa lane n’yo. Muntikan na po kaming madisgrasya dahil sa inyo,” nagpipigil ng galit na sambit ni Jeric.

“Sumasagot ka pa? Mukha ka lang namang driver! Nasaan ba ‘yang amo mo? Pababain mo!” sumisigaw na tugon ng lalaki. Marami nang humintong mga tao upang panoorin ang nangyayaring kaguluhan.

“What seems to be the problem, Jeric?” tanong ni Tristan pagbaba nito ng sasakyan.

“Ikaw ba amo nito? Sisantihin mo na ‘yan!” maangas na wika ng lalaki na hindi pa namumukhaan si Tristan dahil na rin nakasalamin ito.

“I have a better idea. Why don’t we go to the traffic authorities and we will file a complaint. Besides, we have all the evidence we need. Kuhang kuha sa camera ng sasakyan namin na ikaw ang may kasalanan ng lahat,” mahinahon ngunit may paninindigang tugon ni Tristan. Nanatili namang nakayuko lang si Jeric.

Tila natigilan ang lalaki sa narinig. Ang buong akala nito ay masisindak niya ang mga nakasakay sa kotseng muntikan niya nang makabanggaan.

Bigla namang lumakas ang mga bulungan ng mga nakapaligid sa kanila. Namukhaan na nilang si Tristan ang lalaking nakasalamin. Nang marinig iyon ng lalaki, tumalikod ito at naglakad pabalik sa kanyang sasakyan.

“Kaya pala ang yabang mo, porke artista ka lang. Gago!” wika ng lalaki sabay pasok sa sasakyan. Agad rin nitong pinaandar ang kotse at mabilis na umalis sa lugar.

 

“Okay ka lang?” tanong ni Tristan kay Jeric. Halata kasing kinabahan talaga si Jeric sa nangyari. Kahit na sanay na siyang magmaneho sa daan, ngayon lang siya may nakaengkwentro.

“Ako na muna magmamaneho. Magpahinga ka na lang muna,” wika ni Tristan.

“Hindi na po, sir. Okay na po ako. Pasensya na, ngayon lang kasi ako may nakaaway sa daan,” nahihiyang tugon ni Jeric.

“Give me the keys. I’ll drive,” pagpupumilit ni Tristan. Nahiya na rin si Jeric kay Tristan kaya iniabot na lamang niya rito ang susi.

 

Habang tinatahak nila ang daan pauwi sa bahay nina Jeric ay hindi nito maiwasan na mapatingin kay Tristan. Bukod kasi sa napagwapo nito ay may kung anong bagay na kahit sino ay mabibighani rito. Lalo na sa kanyang mga mata.

 

“May dumi ba sa mukha ko?” tanong ni Tristan na ikinagulat ni Jeric.

“Ah..eh…” tarangang wika ni Jeric.

“Joke lang. Wala ba tayong bibilhin para sa parents mo bago tayo tumuloy sa inyo?” pag-iiba ng diskusyon ni Tristan.

“Ah sige, kung okay lang sa’yo, dumaan muna tayo dun sa kanto malapit sa amin. Bibilhan ko lang si mama ng litsong manok,” nahihiyang tugon ni Jeric na namumula pa rin ang mukha dala ng pagkahuli sa kanya ni Tristan.

Medyo mabagal and daloy ng trapiko kaya nagpatugtog muna si Tristan. Nagulat si Jeric sa kantang narinig niya.

“Mahilig ka din sa ‘Silent Sanctuary?’” tanong ni Jeric.

“Oo. Favorite ko ‘yung first album nila. Actually, medyo mababaw na dahilan pero kaya ko tinanggap yung project ko na ‘Kismet’ because that is also the same title of my favorite ‘Silent’ song,” sagot ni Tristan.

“Pareho pala tayo.”

“Gusto mo rin sila?” balik na tanong ni Tristan.

“Oo, pero mas marami akong gustong kanta doon sa pangalawa nilang album,” tugon ni Jeric.

 

Matapos ng pag-uusap ay tahimik na nakinig ang dalawa sa album ng paborito nilang banda.

 

“Ilan bibilhin natin para sa parents mo?” tanong ni Tristan kay Jeric pagdating nila sa litsunan malapit kina Jeric.

“Ako nang bahala,” tugon ni Jeric sabay labas ng sasakyan.

“Ate, pabili po ng isang buong litsong manok,” ani Jeric sa nagtitinda.

“Make that two, miss,” singit ni Tristan na parehong ikinagulat ni Jeric at ng nagtitinda.

“Junior, kunin mo ‘yung telepono ko, may artista sa atin! Dali,” wika ng tindera nang mamukhaan kung sino ang lalaking nasa harapan niya.

 

Magalang naman na pinaunlakan ni Tristan ang hiling ng ale na magpakuha ng litrato kasama niya. Matapos nito ay dali-dali silang bumalik ni Jeric sa loob ng sasakyan.

“Bakit?” tanong ni Jeric.

“Bakit ano?” balik na tanong ni Tristan.

“Bakit parang ang bait mo sa akin?” ulit na tanong ni Jeric.

Nangiti na lamang si Tristan sa narinig. “Mabait naman talaga ako. I try my best to be kind to everyone. I just couldn’t do it to the showbiz people, especially the reporters who assume that they have the right to pry into my private life. Doon lang talaga ako naiinis.”

“Bakit hindi ka pa magquit? Mayaman ka naman. Alam kong hindi mo na kailangan magtrabaho,” patuloy na usisa ni Jeric.

“Dahil kay Mommy Krista, my manager,” maikling tugon ni Tristan. “He still needs me as his talent that’s why I am still doing this.”

Hindi na nagtanong pa ulit si Jeric tungkol doon dahil baka hindi na gusto ni Tristan na magkwento pa. “Yung best friend kong si Rain, sumubok din siya sa Star Factor kaso hindi naman nakaabot sa finals.” pag-iiba ng usapan ni Jeric.

“He’s lucky. The industry looks glamorous from the outside lookers, but once you’re in, you would always wish that you can get out. Even if you’re not famous anymore, you still cannot get out.”

Pagdating nila sa bahay nina Jeric ay hindi na bumaba si Tristan. Nagpasalamat na lamang si Jeric at sinabing aagahan ang pagpunta sa bahay nina Tristan kinabukasan.

* * *

“Shit, are you sure?” wika ni Tristan.

“I wish I was just joking, man. Ano gagawin ko?” tugon ng balisang si Alex. Nakaupo sila sa living area ng condo ni Alex matapos nito papuntahin si Tristan. Kagagaling pa lang ni Tristan sa bahay nina Jeric.

 

“Kailan ka nagpatest?” tanong pa ni Tristan.

“This weekend lang. Fuck, I don’t know what I’ll do. Tapos na career ko nito,” nanghihinang tugon ni Alex.

“Have you informed FMC?”

“Hindi pa. Natatakot ako, Tristan.” Hindi na napigilan ni Alex ang luha niya. Niyakap naman siya ng kasama.

 

“Do you have an idea kung kanino mo nakuha ‘yan?” nag-aalalang wika ni Tristan. Isa si Alex sa mga naging totoong kaibigan niya sa trabaho. Alam rin nito kung anong klasend lifestyle mayroon si Alex kaya bagama’t nag-aalala, hindi na rin ito ikinabigla ni Tristan nang sabihin sa kanya ni Alex ang balita.

 

“Anong gagawin ko, Tristan?”

“Take the meds and as much as I know na mahirap, you have to inform everyone you had sex with. It’s your responsibility.”

“Paano si FMC?”

* * *

Isa-isa nang nagdadatingan ang mga board of directors ng FBN-8 sa ipinatawag na emergency creative meeting ni FMC.

“ZHA just surpassed us in the national ratings. What’s happening?” pambungad na tanong ni FMC.

“Naging super active sila sa on-site promotions sa Visayas and Mindanao. Sumabay pa na anniversary ng network nila kaya nagkaroon din sila ng raffle promo. If we really look at it, hindi ganoon kalaki ang lamang nila and I am confident enough na by next month, tayo na ulit ang number one,” sagot ni Vanessa Sanchez, and head for entertainment ng FBN.

“Let’s make sure na we’ll regain the top spot again. How is “Groove” doing in the ratings and ad loads?” patuloy ni FMC

“Groove still lags behind ZHA’s “Remix” but only by a fraction of a point. Pagdating sa ad loads, mas marami tayo compared to Remix thanks to Alex and Tristan who just recently signed a multiple-year endorsement contracts with several big brands,” pagtugon ng FBN head for musical, variety and talk na si Joey Fernandez.

“But Alex is showing poorly with the production numbers niya sa ‘Groove.’ Nakakahiya sa mga advertisers.” dagdag ni Victor, anak ni FMC at executive din ng network.

“Kaya nga dapat let’s just make him a host nang hindi siya napapahiya. Baka magsuffer pa ang career niya,” bulalas ni FMC.

“We pay him hundreds of thousands per episode tapos puro hosting lang gagawin niya? We have a lot of artists who can host better than him and are a lot more affordable. Kaya lumalaki gastos ng network, dahil sa mga artista na wala naman talagang talent pero ang laki magpabayad,” tugon ni Victor sa ama.

“Unless you forget, isa si Alex sa mga pinakasikat na artista ngayon. Mag-guest lang siya sa isang show, the ratings double! Kaya nga natin siya inaalagaan together with Tristan and Andrea,” ani FMC.

 

Ramdam sa kwarto ang tensyon sa pagitan ng mag-ama. Tahimik lang na nakikinig ang iba pang nasa loob ng meeting room.

 

“I just got word that Andrea has been receiving a number of offers from different networks. Her contract with us is about to expire next month and her manager is demanding that we increase her fee by 30% or they’ll negotiate with other networks,” dugtong ng isang executive para maiba ang usapan.

“Give her whatever she wants. She’s too popular to let go.” wika ni Victor na sinang-ayunan naman ng lahat.

Habang abala ang mga executives sa pag-iisip ng paraan upang mas lalong mapataas ang ratings ng network ay pumasok ang secretary ni FMC na si Zoila.

 

“Sir, gusto daw po kayong makausap ni Alex. Emergency daw po,” wika nito kay FMC.

 

Lumabas si FMC ng meeting room at bumalik sa kanyang opisina upang kausapin si Alex.

“What is it? I am in the middle of a board meeting,” wika ni FMC kay Alex.

“Kailangan natin magkita. Today,” maikling sagot ni Alex.

“Busy ako. Next week na lang tayo magkita.”

“Hindi pwede. This is important,” pagpipilit ni Alex.

“Ano ba kasi ‘yun?” meyo naiinis na tanong ni FMC.

“I am HIV positive, FMC. This weekend ko lang nalaman.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s