Kismet: Chapter 7


kismet

Ito na ulit ang karugtong ng kwento ko. Salamat dahil may mangilan-ngilan sa inyo ang nagpapaalala sa akin na kailangan kong magsulat. Ang sarap sa pakiramdam.🙂

 

Enjoy! And have a great week ahead!

_________________________________________________

Previously on Kismet: Chapter 6:

Habang tinatahak nila ang daan pauwi sa bahay nina Jeric ay hindi nito maiwasan na mapatingin kay Tristan. Bukod kasi sa napagwapo nito ay may kung anong bagay na kahit sino ay mabibighani rito. Lalo na sa kanyang mga mata.

“Sir, gusto daw po kayong makausap ni Alex. Emergency daw po,” wika nito kay FMC.

 * * *

Lumabas si FMC ng meeting room at bumalik sa kanyang opisina upang kausapin si Alex.

“What is it? I am in the middle of a board meeting,” wika ni FMC kay Alex.

“Kailangan natin magkita. Today,” maikling sagot ni Alex.

“Busy ako. Next week na lang tayo magkita.”

“Hindi pwede. This is important,” pagpipilit ni Alex.

“Ano ba kasi ‘yun?” meyo naiinis na tanong ni FMC.

“I am HIV positive, FMC. This weekend ko lang nalaman.”

——

“Jeric, let’s go to FBN first. I think I need to sign a contract or something. Tapos magbreakfast tayo, bigla akong nagcrave ng pancakes,” wika ni Tristan pagsakay niya ng sasakyan.

 

“Ano po pipirmahan ninyo?” usisa ni Jeric. Palagay na ang loob ng dalawa sa isa’t isa kaya mas natatanong na ni Jeric si Tristan.

 

“Amendment doon sa existing contract ko with them. Apparently, isa sa condition ni Andrea para hindi lumipat ng network ay dapat laging kami ang magkapartner sa projects na gagawin namin. I said no at first pero sabi naman ni Mommy Krista, one year lang ‘yung clause na ‘yun.”

 

“Patok naman kasi talaga ‘yung love team ninyo,” komento ni Jeric.

 

“I just don’t like the publicity stunt of it all. I understand na we have to make our fans believe na we have chemistry pero hindi naman namin kailangan magsinungaling sa bawat interview na we are dating and all that shit,” mahabang litanya ni Tristan.

 

“Pero parang siya lang naman ang laging nagsasabi na parang may past kayo,” dugtong ni Jeric.

 

“Kasi wala naman talaga. Courtesy ko na lang sa network kaya hindi ko sinasabing sinungaling siya.”

 

Pagdating nila sa FBN tower ay pinirmahan na agad ni Tristan ang kontrata niya at agad ding umalis.

 

“Punta tayo ng BGC. Gusto ko subukan ‘yung IHOP,” wika ni Tristan pagbalik niya sa sasakyan.

 

“Hindi ko alam paano pumunta dun,” tapat na sagot ni Jeric.

 

“Hanapin na lang natin. Wala naman akong taping ngayon. Pwede tayong magtamad,” tugon ni Tristan na nakapagpangiti kay Jeric dahil tila ang pahiwatig ni Tristan ay mas matagal pa silang magsasama nito ngayon araw.

 

Hindi na maitanggi ni Jeric sa sarili na talagang nagugustuhan na niya si Tristan dahil sa buti ng pakikisama nito rito.

 

* * *

 

“You have to start taking these meds everyday. You will also undergo more tests today para malaman natin if the meds work on you dahil kung hindi, mag-iiba tayo ng prescription,” wika ni Dr. delos Santos kay Alex.

 

“Doc, let’s just make sure that no one else knows about this,” wika ni Alex na halatang wala pang matinong tulog.

 

“It is against the law to tell other people about a person’s condition without his consent so we assure you that your condition is confidential,” dagdag ng doktor.

 

Lumabas ng clinic na nakatulala si Alex. Halos hindi mo ito makilala sa laki ng suot na salamin, na sinabayan niya ng pagsusuot ng sumbrero at surgical mask.

 

* * *

 

“Sige po, sir. We’ll check if we have your size,” wika ni Rain sa customer na bumibili ng sapatos sa Buy More. Ilang buwan na rin si Rain sa Buy More at nagugustuhan naman niya ang trabaho niya rito kahit na buong araw siyang nakatayo. Management trainee talaga siya sa nasabing department store at kailangan niyang dumaan sa isang taong training bago malaman kung magiging isa siya sa mga bagong managers ng Buy More.

 

“Rain, pinapatawag ka sa admin,” wika ng isa sa mga katrabaho nito.

 

Bahagyang nagtaka si Rain kung bakit ito ipinapatawag bagama’t kampante siya na wala naman siyang nagagawang mali sa trabaho.

 

Pagpasok nito sa opisina ng supervisor nila ay nagulat ito sa babaeng nakaupo rin sa loob ng opisina.

 

“Rain, this is Ms. Andrea Martinez. Her parents own the store and she is also our brand ambassador,” bungad ng supervisor niya.

 

“Good morning po, ma’am,” nahihiyang wika ni Rain.

 

“Andrea na lang. Parang magkasing-edad lang naman tayo,” wika ni Andrea.

 

“Magkakaroon siya ng fans day dito next week and although kumpleto na ang security detail niya, kailangan pa rin niya nng mag-aassist sa kanya. And basing on the evaluation of all our trainees, ikaw ang napili namin na maging assistant niya for that day, okay?”

 

“Yes, sir.”

 

Hindi makapaniwala si Rain na magkakaroon siya ng pagkakataon na mapalapit kay Andrea. Hindi niya maitanggi sa sarili kung gaano niya kagusto ang artista.

 

Pagkatapos nito sa trabaho ay agad tinawagan ni Rain ang best friend na si Jeric.

 

“Nasaan ka? Kain tayo sa labas. May ikukwento ako sa’yo,” aya nito kay Jeric.

 

“Ihahatid ko lang si Tristan pauwi ngayon tapos okay na ako. Saan tayo magkikita?” tanong ni Jeric.

 

“Doon na lang sa may Cash & Carry.”

 

“Sino ‘yun?” tanong ni Tristan pagkababa ni Jeric ng telepono.

 

“Si Rain, nag-aayang makipagkita,” tugon ni Jeric.

 

“Kamusta na pala ‘yang best friend mo?” usisa ni Tristan.

 

“Hindi ko pa pala nakukwento sa’yo, dun siya sa Buy More nagtatrabaho ngayon. ‘Di ba kina Andrea ‘yun?”

 

“Ah, oo,” maikling tugon ni Tristan. “Oo nga pala, may thanksgiving party ‘yung crew ng Kismet dahil mataas ratings ng first season namin. Mukhang may balak mag out of town. Sama ka ha.”

 

“Naku, Tristan, huwag na. Nakakahiya lang sa kanila, wala naman akong kinalaman sa show,” pagtanggi ni Jeric.

 

“Anong wala? Kung hindi kita naging driver baka tinamad na lang ako pumunta sa mga shoot, edi nawalan sila ng gwapong bida,” nakangiting tugon ni Tristan.

 

Ngayon lang narinig ni Jeric na magbiro si Tristan kaya hindi nito mapigilan ang matawa. “Wow! Ang lakas ng hangin! Daig pa ang may bagyo!”

 

“Hindi ba totoo?”

 

“Hmmm…you have your days,” pang-asar na sagot ni Jeric.

 

“You’re mean, you know that?” tila napikon na tugon ni Tristan.

 

Biglang natakot si Jeric dahil baka minasama ni Tristan ang sinabi niya. “Uy, Tristan, sorry. Joke lang naman iyon.”

 

Hindi agad sumagot si Tristan. Bagkus ay tiningnan nito si Jeric. “See, hindi lang ako gwapo, convincing pa akong umarte. FBN is so lucky to have me”

 

At muli, napuno ng tawanan ang sasakyan.

 

Pagkahatid ni Jeric kay Tristan ay nagpunta na ito sa Cash & Carry upang kitain ang best friend.

 

“Ano ikukwento mo sa akin?” tanong ni Jeric kay Rain pagkaorder nila ng pagkain.

 

“‘Diba alam mong pamilya ni Andrea Martinez ‘yung may-ari ng Buy More? Next week kasi magkakaroon siya ng fans’ day doon at ako ang napili nila na maging assistant niya. Isipin mo ‘yun? Ilang oras kaming magkakasama ni Andrea!”

 

Halatang halata ang tuwa sa boses ni Rain.

 

“Tagabuhat ka lang naman ng mga damit niya o ‘di kaya ay tagahawi ng mga fans niya,” nang-aasar na tugon ni Jeric.

 

“Ang bait mo kahit kailan. Ang gusto mo lang yata ay ikaw lang ang malapit sa crush mo,” balik na pang-aasar ni Rain.

 

“Hindi ko crush si Tristan,” mariing pagtanggi ni Jeric.

 

“Hindi ko naman sinabing si Tristan, ah! Ikaw na mismo ang umamin,” natatawang sagot ni Rain.

 

Bahagyang naging busy ang dalawa sa kani-kanilang trabaho kaya bihira na silang magkita. Namiss ni Jeric ang ganitong pag-aasaran nilang dalawa.

 

* * *

 

“Hi Sir, here are your results. A doctor and counselor will be waiting for you in the next room. What ever the results will be, they will still need to talk to you to guide you after this process,” wika ng nurse na nag-assist kay FMC.

 

Sa tulong na rin ng mga koneksyon ay nagawang mas pribado pa ang pagkuha ng HIV test ni FMC.

 

Pagkaalis ng nurse sa kwarto ay huminga ng malalim si FMC.

 

“Damn you, Alex.”

 

* * *

 

“So, ilang condoms dinala mo?” nakangiting tanong ni Rain kay Jeric.

 

“Gago,” maikling sagot ni Jeric sabay bato ng unan sa best friend.

 

“Asus, kunwari ka pa! Malamang sa isang kwarto lang kayo ni Tristan tapos lalasingin mo siya at pagsasamantalahan,” patuloy na panloloko ni Rain.

 

“As if. Hindi ko kailangan lasingin ang isang tao. Parang wala kang bilib sa best friend mo,” balik ni Jeric.

 

“Yun na nga. Kilalang kilala kita,” natatawang banat ni Rain.

 

Naghahanda si Jeric para sa thanksgiving party ng “Kismet” dahil matagumpay ang unang season nito. Pinilit siya ni Tristan na sumama kahit na ayaw nito at nahihiya.

 

Ilang minuto pa ay dumating na si Tristan. Siya na ang sumundo kay Jeric dahil mas malapit sa bahay ng huli ang kitaan ng mga kasama nila.

 

Bahagyang natawa si Tristan nang makita ang dala ni Jeric.

 

“Wala ka na bang plano umuwi?”

 

“Ayokong kulangan ng dala,” medyo nahiyang tugon ni Jeric.

 

“Just kidding. Lagay mo na ‘yan sa likod para makaalis na tayo,” wika ni Tristan.

 

“Ako na magmaneho,” alok ni Jeric.

 

“Nah, it’s my turn. Come to think of it, I kind of missed driving.”

 

“Huwag, Tristan. Ayokong mawalan ng trabaho,” nakangiting wika ni Jeric.

 

Natawa silang pareho sa tinuran ni Jeric.

 

Nang makumpleto na sila ay nagtungo na sila sa beach kung saan sila mananatili buong weekend. Kahit na may coach naman para sa lahat ng cast and crew ay nagpasya pa rin si Tristan na dalhin ang sasakyan nito dahil gusto raw nitong magmaneho kaya sinamahan siya ni Jeric sa biyahe papuntang Batangas.

 

Bahagya silang naipit sa mabagal na daloy ng trapiko at napakinggan na rin nila ang tatlong album ng Silent Sanctuary kaya nagkuwentuhan ang dalawa.

 

“I hope you don’t mind me asking, pero bakit wala kang nakukwentong kahit sinong girl sa akin? Wala ka bang girlfriend ngayon?” tanong ni Tristan.

 

“Ah…eh…” Hindi alam ni Jeric kung ano ang isasagot. Aaminin na ba niya kay Tristan ang kanyang sexual preference? Paano kung sisantihin siya nito?

 

Sa hulli, naisip ni Jeric na marahil ay bukas ang isip ni Tristan dahil na rin sa mundong ginagalawan nito.

 

“Wala,” maikling tugon ni Jeric.

 

“Bakit wala? I mean gwapo ka naman, I’m sure may nagkakagusto sa’yo. Gusto mo ilakad kita sa isa mga crew?”

 

“I’m gay,” tugon ni Jeric.

 

“Oh, okay,” tila gulat na reaksyon ni Tristan.

 

Pareho silang natahimik matapos nito.

 

“Sana hindi ka galit dahil hindi ko sinabi agad,” pagbasag ni Jeric sa katahimikan.

 

Tumingin si Tristan kay Jeric, “Ano ka ba? Okay lang. I understand. I just didn’t expect it. But I’m totally cool with it.”

 

“Talaga? Salamat.” Nakahinga ng maluwag si Jeric. At least ngayon ay hindi na niya kailangan pang itago iyon kay Tristan.

 

“Totally,” pagtatapos ni Tristan sa kanilang pag-uusap.

 

Lingid sa kaalaman ni Jeric ay kinabahan si Tristan nang malaman nitong bading si Jeric. “I’m doomed,” wika nito sa sarili.

 

5 thoughts on “Kismet: Chapter 7

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s