Kismet: Chapter 10


  

Previously on Kismet: Chapter 9:

“Does it look like I care? Ruin my career if that will make you sleep at night. I can even pay you for it! And don’t you think people won’t think bad of you for forcing me to say that I’m disgusted with Mommy Krista’s illness? I’m not! I will never be disgusted. At kung kailangan pa na ako ang mag-alaga sa kanya araw-araw, I’ll do it rather than wasting my time talking to people like you!”

TRISTAN, BINASTOS SI LADY GOMEZ SA SARILING SHOW! Bastos!

“Mommy Krista, I have to go. Pinapatawag daw kami ni Andrea ng management,” wika ni Tristan pagbalik niya sa kwarto.

“Tungkol daw saan?” pag-alala ni Mommy Krista. Medyo nakokonsensya na rin siya dahil hindi na niya matutukan ang careern ng mga alaga niya mula nang maconfine ito sa ospital.

Napansin ni Jeric na balisa si Tristan habang papunta sila sa FBN-8.

“Alam mo na kung ano pag-uusapan niyo, ano?” tanong ni Jeric.

“Ang dami daw nagpull-out na advertisers sa Kismet dahil sa ginawa ko sa Push!. Nagwoworry mga bosses na baka bumaba din ratings,” tugon ni Tristan.

___

“So I heard you’re the headline again,” wika ni Andrea nang magkasabay sila ni Tristan sa elevator papunta sa meeting room.

“I’m not in the mood, Andrea,” supladong tugon ni Tristan.

“Are you really that mean to women?” inis na tanong ni Andrea.

Biglang natauhan si Tristan. Walang ginagawa sa kanya si Andrea at alam niyang nais lang nitong tumulong.

“I’m sorry. I didn’t mean to offend you,” paghingi ng tawad ni Tristan.
“Kamusta si Mommy Krista? I plan on visiting her tomorrow sana,” wika ni Andrea.

“She’s doing okay. Medyo mahina pa rin katawan pero at least natreat na ‘yung penumonia niya.”

Pagpasok nila sa meeting room ay nandoon na ang bosses ng FBN-8 pati ang producers ng Kismet.

“We called both of you here today because our advertisers pulled out of your show,” paunang sabi ni Victor Cabral, Associate Vice President for Entertainment ng FBN-8 at siyang namamahala sa lahat ng entertainment shows ng istasyon. “We need to do something about it before our ratings go down.”

“It’s my fault. I’m sorry,” wika ni Tristan kahit na naniniwala siyang wala siyang ginawang mali. Alam nito na sa huli, mga boss pa rin niya ang kaharap niya at hindi makakatulong kung pati ang mga ito ay susuwayin niya.

“We understand what you did. We know how important Mommy Krista is to you,” patuloy ni Victor. “But we want to put an end to this as early as possible. Especially because Kismet and Push! are both FBN-8 shows. Hindi maganda tingnan na mismong mga talents natin ang magkakaaway.”

“I think, Sir Victor, you also need to talk to the Push! people,” kumento ni Andrea. “Tristan is not the only person to blame. Nasaktan siya sa ginawa sa kanya and he only reacted. I understand that Lady is trying to peg this as a verbal abuse against women. I’m willing to be interviewed and show my support from Tristan,” patuloy nito.

Tumingin si Tristan kay Andrea at binigyan ito ng ngiti tanda ng pasasalamat.

“That’s great, Andrea! I’m sure that will put an end to this,” tugon ng director ng Kismet na si Pancho.

“I agree. And don’t worry, we also set up a meeting with Lady and the staff of Push!,” tugon ni Victor.

“Since we’re all here,” wika ni Tristan, “I want to let you all know that Kismet will be my last show for now.”
Nagulat at natahimik lahat ng nasa kwarto.

“What are you saying, Tristan?” tanong ni Victor.

“I’ll take a rest first and take care of Mommy Krista. I also need the time to think of some personal decisions I have to make,” patuloy ni Tristan.

“You do understand that you are still under contract with FBN-8, right?” tanong ni Victor. “You are bound by the contract.”

“I know. The contract also states that I have the liberty to select shows as I see fit for my career. Sir Victor, I’ve never declined any of the projects you gave me. I’m just asking you this one time to allow me to take a break.”

“Alam ba ‘to ni Mommy Krista?” tanong ni Victor.

“She’s sick. I don’t want to bother her with my problems. I represent myself for now.”

Natapos ang meeting nila at nakumbinsi ni Tristan ang mga bosses niya na pagpahingahin muna siya.

Pagpasok niya ng sasakyan ay nakatingin laman sa kanya si Jeric.

“Kamusta? Ano napag-usapan niyo?” tanong ni Jeric.

“Kismet muna ang last show ko then I’ll take a break first to take care of mommy and decide on some things,” tugon ni Tristan.

Napabuntung hininga na lamang si Jeric sa narinig. Alam niya ang limitasyon niya at ayaw niyang mangialam sa mga desisyon ni Tristan.

“Balik na tayong ospital?” tanong ni Jeric kay Tristan.

“Yup. After you’ve dropped me off, pwede ka nang umuwi. Magpahinga ka na muna,” ani Tristan.

“Paano kung may mga pupuntahan ka? Okay lang naman ako. Nakakapagpahinga naman ako habang hinihintay kita.”

“One thing I’ve learned from the passing of my mother and with what’s happening with Mommy Krista now is that you can never have enough time to be with your family,” wika ni Tristan habang nakatingin kay Jeric.

Bakas na bakas sa mga mata ni Tristan ang lungkot na nadarama. Naiinis si Jeric dahil tila wala siyang magawa upang matulungan si Tristan. Lagi na lang niyang nakikitang malungkot ang taong importante sa kanya ngunit hindi naman niya alam kung ano ba talaga ang dapat niyang gawin upang kahit papano ay maibsan ang nararamdamang nitong lungkot.

Tahimik lang ang dalawa sa loob ng sasakyan habang pabalik sila sa ospital. Pareho silang tila may malalim na iniisip.

Si Jeric ay iniisip kung paano niya tutugunan ang nararamdaman niya kay Tristan. Sa dami ng problema at dinadala nito ngayon ay ayaw na niyang makadagdag pa dito. Pero habang mas tumatagal silang magkasama at mas lalo niya itong nakikilala ay mas lalo itong napapalapit sa kanya.

Si Tristan naman ay iniisip pa rin si Mommy Krista. Idagdag mo pa dito ang Kuya Patrick niya. At si Jeric. Alam niyang ayaw lang ni Jeric makadagdag sa mga inaalala niya pero hindi niya alam kung paano ipaparating dito na siya na lang ang nakakapagpalimot sa kanya kahit papaano ng mga problema niya.

Pagbaba ni Tristan ng sasakyan ay agad na tinawagan ni Jeric ang best friend niyang si Rain.

“Uy, nasan ka?” tanong ni Jeric.

“Nandito sa Buy More. Naextend shift ko e. Magclosing ako ngayon. Bakit?”

“Si Tristan.”

“Nabalitaan ko nga yung pagtataray niya. Ilang araw na kitang hindi nakikita. Inaalipin ka na ba niyan?”

“Hindi. Ano ka ba? Madami lang talaga siyang ginagawa. Ayaw ko din namang iwan. Pinilit na nga lang niya akong mag-off ngayon. Hindi ka ba talaga pwedeng umalis nang maaga diyan?”

“Tingnan ko kung may makakasalo ng shift ko. Text kita,” tugon ni Rain.

Hindi agad umalis si Jeric sa parking lot ng ospital. Gusto muna nitong hintayin ang sagot ni Rain para doon na lang siya didiretso kung nagkataon.

Nagpasya rin siya na maghintay na lang din doon kung sakaling kailanganin ulit siya ni Tristan.

Nakakuha ng text si Jeric kay Rain kaya umalis na siya sa ospital at dumiretso sa Buy More.

Medyo naipit pa sa traffic si Jeric kaya imbes na kalahating oras lang ang biyahe niya ay halos naging isang oras na ito.
Nadatnan niya si Rain na naghihintay sa entrance sa parking area ng department store.

“May nagbanggaan na naman ba sa EDSA?” tanong ni Rain pagpasok niya ng sasakyan.

“Wala, traffic lang talaga. Naabutan ako ng rush hour, e,” tugon ni Jeric.

“Kamusta na si Tristan?” tanong ni Rain.

“Malungkot pa din dahil kay Mommy Krista. Balak niyang magpahinga muna pagkatapos ng Kismet para maalagaan niya si Mommy Krista.”

“E kamusta kayo?” usisa ni Rain. Alam nito ang naging desisyon ni Jeric na wag ipagpatuloy ang kung anumang meron sila ni Tristan dahil ayaw nitong masira ang career ng huli.

“Wala na ‘yon. Hindi naman talaga pwede. Tsaka baka nangulila lang si Tristan dahil wala na ang mama niya tapos si may sakit pa si Mommy Krista. Ako lang din kasi ang palagi niyang kasama,” paliwanag ni Jeric.

“Pero inamin niyang bading siya at hinalikan ka niya. Malamang may gusto din yun sa’yo.”

“Ayokong masira career niya,” dahilan ko.

“Ang problema sa’yo Jeric, ikaw ang nagdedesisyon para sa buhay ng ibang tao. Matanda naman na si Tristan. Hayaan mo siyang magpasya kung ano gusto niyang gawin. Hindi naman bobo ‘yung tao,” kontra ni Rain na ikinabigla ni Jeric.

“Wow, ang lalim ng hugot. Saan mo napulot ‘yan?” biro ni Jeric.

“Seryoso kasi ako, Jeric. Ngayong may matinong tao na nagkakagusto sa’yo, ikaw naman ‘tong lumalayo. Ano ba talaga gusto mo, ‘yung mga gago lang?”

“Hindi naman sa ganun, Rain. Pero kasi, wrong timing talaga.”

Nagpunta sila sa isang fast food chain malapit sa ospital para maghapunan. Dun din sila dumiretso para kung sakaling kailanganin ni Tristan si Jeric ay mabilis niya itong mapupuntahan.

Pero halos maghahatinggabi na ay hindi pa siya tinatawagan o tinetext ni Tristan kaya nagpasya na silang umuwi ni Rain.

Kinabukasan ay nagising si Jeric sa mabangong amoy ng ulam na nagmumula sa kusina nila. Pupungas-pungas pa itong bumaba ng hagdan
nang salubungin siya ng mama niya.
“May bisita tayo, anak!” tila tarantang bungad ng nanay niya.

Napansin din niya na tila ang daming taong nakatanghod sa bakuran nila na tila may inaabangan. Dumiretso si Jeric sa kanilang kusina at tila nabuhusan ito ng malamig na tubig nang makita kung sino ang nagluluto sa bahay nila.

“Good morning!” bati nito sa kanya.

“Tristan, anong ginagawa mo dito?” gulat pa ring tugon ni Jeric.

“Dun ako sa hospital ni Mommy Krista nakatulog, ayoko namang umuwi sa bahay dahil mag-isa lang ako dun kaya dito na muna ako dumiretso. I hope you don’t mind,” nakangiting paliwanag ni Tristan habang abala sa pagluluto.

“Ah…eh…okay lang naman. Nagulat lang ako,” tila nahimasmasang tugon ni Jeric.
Bumaba ang nanay ni Jeric na may dalang kurtina at dali-daling nilagay sa bintana nila. “Baka kasi pati pagnguya n’yo, sir e panoorin ng mga kapitbahay namin. Nakakahiya naman.”

Natawa si Jeric sa sinabi ng mama niya. Hindi na siya nahihiya kay Tristan dahil alam nitong mabait naman talaga itong tao at hindi mapanghusga.

Nag-umpisa nang maghain si Tristan at tinulangan na ito ni Jeric. Habang naglalatag ng plato sa mesa ay bumuong si Tristan kay Jeric, “have you brushed your teeth? Or nagmumog ka man lang ba at least?”

Namula si Jeric sa hiya. “Ay sorry, nakalimutan ko. Ginulat mo kasi ako.”

“What if I decide to kiss you? I don’t want to taste your morning breath,” pabulong pa ring tugon ni Tristan na mas lalong nagpapula sa nahihiya nang si Jeric.

Nanlaki ang mata ni Jeric at hindi na nakasagot. Dali-dali na lang itong pumunta sa banyo. Natawa si Tristan sa itsura ni Jeric.

Pagbalik ni Jeric sa hapagkainan ay nakaupo na ang mama niya at si Tristan. Bago sila mag-umpisa kumain ay nagdasal muna si Jeric at mama nito.

“Maraming salamat Panginoon sa biyaya ninyong pagkain na pagsasaluhan namin ngayon. At maraming salamat din po dahil binigyan N’yo ng bagong kaibigan si Jeric na nakakapagpasaya sa kanya ngayon…” dasal ng mama ni Jeric.

Nagkatinginan sina Jeric at Tristan nang marining ang dasal. Nakangiti lang si Tristan habang nakakatitig ito sa taong naging karamay niya sa ilan sa mga mabibigat na pagsubok sa buhay niya kamakailan.

“Nawa ay pareho N’yo silang gabayan upang mas mapabuti pa ang kanilang buhay. Maraming salamat, po. Amen.”

“Amen,” wika nina Jeric at Tristan.

“Kain na tayo. Mukhang masarap itong luto mo, hijo,” wika ng mama ni Jeric habang sumasandok ng kanin.

Naging masaya at magaan ang usapan ng tatlo habang kumakain. Magkasundo si Tristan at mama ni Jeric habang pareho nilang inaasar ang huli. 

Hindi mapigilan ni Jeric na matuwa sa nangyayari. Kung sana ay iba lang ang sitwasyon nilang dalawa ni Tristan.
Matapos nilang kumain ay inihanda na ni Tristan ang niluto niyang agahan para sa tatay ni Jeric.

“Salamat, Tristan ha. Ngayon ko na lang ulit nakitang tumawa ng ganun kalakas si mama,” wika ni Jeric.

“My pleasure. Spending time with you and your family makes me happy. Thank you for letting me be with you kahit this morning lang,” tugon ni Tristan. “After this, can we go out for a bit? I want to tell you something.”

Napaisip si Jeric kung ano ang nais sabihin ni Tristan sa kanya.

“I’ve made up my mind and I have Mommy Krista’s approval so you can’t do anything about it anymore.”

Kinabahan si Jeric sa narinig. Ano nga kaya ang gustong sabihin sa kanya ni Tristan?

4 thoughts on “Kismet: Chapter 10

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s