Kismet: Chapter 11 (FINALE)


IMG_0513

Previously:

“Spending time with you and your family makes me happy. Thank you for letting me be with you kahit this morning lang,” tugon ni Tristan. “After this, can we go out for a bit? I want to tell you something.”

Napaisip si Jeric kung ano ang nais sabihin ni Tristan sa kanya.

“I’ve made up my mind and I have Mommy Krista’s approval so you can’t do anything about it anymore.”

Kinabahan si Jeric sa narinig. Ano nga kaya ang gustong sabihin sa kanya ni Tristan?

“Mama, alis na po kami,” paalam ni Jeric. Lutang pa rin ito sa nangyari kani-kanina lang. Sa kanila nag-agahan si Tristan at ito pa mismo ang nagluto ng kinain nila. Hindi rin niya mapigilang hindi mapansin kung gaano kasaya ang mama niya.

“O sige, mag-ingat kayo ha!” tugon ng mama niya na kasalukuyang naglalaba.

Bahagyang natahimik sina Tristan at Jeric pagsakay nila sa kotse. Si Jeric ay napapaisip kung ano ang sasabihin sa kanya ni Tristan. Si Tristan naman ay tila tutok na tutok sa daan dahil siya ang nagmamaneho.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay pamilyar kay Jeric ang tinatahak nila.

“Pupunta tayong FBN?” tanong ni Jeric. Hindi siya pinansin nito. Bakas din sa mukha nito ang kaba. “Huy, okay ka lang?”

Bahagyang natauhan si Tristan. “Ah, yeah. Okay lang ako,” wika nito at ngumiti kay Jeric.

Pagkapark nila sa FBN ay agad lumabas ng sasakyan si Tristan. Binuksan nito ang pinto ni Jeric at marahan itong hinila palabas ng sasakyan. Nagtataka man si Jeric ay lumabas na rin ito. Nang akala niya ay bibitiwan na siya ni Tristan, nagulat si Jeric nang patuloy pa rin siyang hawak ni Tristan mula sa parking lot, sa elevator at hanggang paglabas nila sa tapat ng isang studio ng FBN.

Binitiwan lamang siya nito nang magsimula nang magsikuha ng litrato ang mga media na nasa loob ng studio.

Nalilitong nilibot ni Jeric ang kanyang mata sa loob ng studio at tsaka nito nalinawan na parang may press conference si Tristan.

Mabilis na naglakad si Tristan papunta sa stage kung saan may table at upuan para sa kanya. Si Jeric naman ay nahusto nang tumayo sa likuran malapit sa pintuan.

Patuloy pa rin ang pagkuha ng litrato ng mga media kay Tristan habang ang iba naman ay abala sa pagtingin kung maganda ang anggulo ng kanilang video recording.

Natahimik ang lahat nang may isang reporter ang nagtanong kay Tristan.

“Tristan, totoo bang kaya ka nagpatawag ng press con ngayon ay dahil magpapaalam ka na sa showbiz?” tanong ng isang reporter. Tila mga batang ilang araw na hindi pinakain naman lahat ng media na nakatanghod kay Tristan habang hinihintay ang sagot nito.

“Yes. Kismet will be my last show. I’ve talked with Mommy Krista and my FBN management and we all agreed amicably that this is what’s best for me.”

“Ano ang dahilan kung bakit ka nagpasya na magquit na? Dahil ba nababalitang may bagong boyfriend na si Andrea?”

“Masaya ako that Andrea found a new love. I know the guy and I’m sure that she will be very happy. But hindi iyon ang reason why I’m quitting,” pahayag ni Tristan. “In fact, I myself has found a new love.”

Rinig sa buong studio ang bulungan ng media habamg si Jeric naman ay nanlaki ang mata sa narinig.

“Sasabihin mo ba sa amin kung sino itong bagong nagpapasaya sa’yo?” tanong ng isang reporter.

Sa halip na sagutin ang reporter ay ngumiti lang si Tristan at tumayo sa kanyang upuan upang maglakad pababa ng stage.

***

Halos isang taon na mula nang magquit si Tristan sa showbiz. May bago nang superstar ang FBN-8 at iyon ay si Alex.

“Anak! Nandito na si Tristan!” sigaw ng nanay ni Jeric.

“Let’s go?” tanong ni Tristan pagbaba ni Jeric mula sa kwarto.

Habang nasa sasakyan ay kinumusta ni Jeric ang kasintahan. “Hindi mo ba namimiss mag-artista?”

“Babe, alam mo naman ang dahilan kung bakit ako nag-showbiz noon. I just don’t see any reason to continue it now. And I enjoy the privacy I have now–the privacy we enjoy now,” tugon ni Tristan na abala sa pagmamaneho.

“Nga pala, nagtext sa akin si Rain, magdinner naman daw tayo minsan nina Andrea,” pag-iiba ng topic ni Jeric. Bago pa man maging magkasintahan sina Tristan at Jeric ay nauna nang mapa-oo ni Rain si Andrea at kakacelebrate nga lang nila ng kanilang unang anniversary.

“How about this weekend? Sabihin mo sa place ko na lang, I’ll cook for them,” nakangiting tugon ni Tristan.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarating na din sila sa puntod ni Mommy Krista. Halos buwan buwan ay binibisita nila ito.

“Hi, Mommy Krista. How are you? I still miss you, you know. I just hope you’re happy there in the clouds and the sky,” nakangiti man si Tristan ay bakas pa rin ang lungkot nito.

Isang oras sila nanatili doon bago nagpasya ang dalawa na umalis na.

“Saan mo gusto maglunch?” tanong ni Tristan kay Jeric na hawak hawak ang kamay habang naglalakad pabalik ng sasakyan.

Totoo ngang may mga bagay na nangyayari hindi dahil gusto natin. May mga pagkakataong sinusubok tayo ng panahon para maging matatag at maging mas mabuting tao. At may mga taong dumadating sa buhay natin para itama ang mga mali at para ipadama sa atin na karapat-dapat tayong mahalin.

Iba-iba ang tawag natin dito. Tadhana. Destiny. Fate. Pero para sa buhay nina Tristan at Jeric, lahat ng nangyari sa kanilang mga buhay ay nangyari dahil sa…kismet.

One thought on “Kismet: Chapter 11 (FINALE)

  1. Jeff

    Hi Mr. Author! I am wondering why there is no continuation sa Sisne series. Sabi mo tapos mo na yun. Why it isn’t posted yet? It’s been almost 3 years. Inuna mo ba itong kismet kaya ganun?

    I really like and love your stories. You’re a brilliant writer. When I read your stories, I felt I was in a different world. I love the feeling it has brought me. Ang saya saya ko dahil parang nasa isang mundo ako na para lang sa mga bisexuals or gays at malaya silang nagmamahalan. Haaaaaaay. If that would exists, I’d love to be in there.😥

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s