Ang Huling Awit ng Sisne: Chapter 3


Ang Huling Awit ng Sisne

It’s been what, two years since I last wrote Chapter to of Ang Huling Awit ng Sisne. I’m sorry kung super natagalan ang kasunod pero heto na.🙂 Enjoy!

Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to real people and events are purely coincidental. Furthermore, unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this blog’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to PINOY M2M Stories with appropriate and specific direction to the original content. Thank you.

_________________________________________________

11:30 AM

“Hey Gab! Buti nakarating ka kahit medyo short notice,” bati ni Adrian sa best friend nito. Inaya niya si Gab na samahan kaming maglunch sa may Cultural Center of the Philippines.

Naging sobrang malapit na rin sa akin si Gab. Noong una ay medyo pinagselosan ko pa siya nang bago pa lang silang magkakilala ni Adrian. Pero nung naglaon ay nakita ko naman na talagang magkaibigan lang ang turingan nilang dalawa.

“Kamusta, Dylan? Ang weird mo kanina,” bati nito sa akin.

“Nung tinawagan ka niya? Ano bang pinag-usapan n’yo?” usisa ni Adrian.

“He was telling something about…” sagot sana ni Gab pero inunahan ko na ito.

“I was just asking him tungkol dun sa isang recipe ni Tita Cindy. Gusto ko sana pag-aralan natin,” pagsisinungaling ko. Ayoko nang malaman muna ni Adrian ang tungkol sa gumugulo sa isip ko.

Hindi na rin sumagot si Gab. Marahil ay nakita niyang ayoko sabihin kay Adrian ang totoo.

“Kamusta ka na Gab?” tanong ko rito.

“Okay naman. I can finally say that I have moved on. While I won’t deny na special pa rin sa akin si Jeff, when I saw how happy he was during their union, doon ko narealize na baka he would never be that happy if he was with me.”

“I’m sure you’ll find the right person for you,” tugon ko rito.

Masaya ang naging lunch namin nina Adrian at Gab. Unti-unti ko nang nakakalimutan ang tungkol sa mga hindi kapani-paniwalang nangyari sa akin ngayong araw. Mas gusto ko na lang pagtuunan ng pansin ang mga nangyayari ngayon. Iyon lang naman talaga ang importante.

Matapos kumain ay umalis na rin si Gab dahil sa pakiusap na rin ni Adrian. Mas gusto kasi muna niyang kaming dalawa lang ang magkasama ngayon.

“So what now?” tanong ko rito.

Binigyan lang ako nito ng isang malaki at makahulugang ngiti.

2:00 PM

“Akala ko naman kung saan tayo pupunta,” sabi ko kay Adrian.

“Remember when we used to spend the whole afternoon and evening together, slouched in bed and watching our favorite series and movies?” tanong sa akin nito.

“Yup. Those were some of my fondest memories,” matipid kong sagot. While I enjoy being with him today, I still couldn’t remove the idea of seeing him in a coffin from my mind.

“So, what are we watching today?”

“Gusto ko yung medyo emo. How about ‘If Only’?” tanong ni Adrian sa akin.

“Huwag yun!” mabilis kong tugon. Hindi ko alam if nananadya ba talaga ang tadhana pero bakit sa lahat ng pelikulang gusto niya, iyon pa ang naisipan niyang panoorin ngayon.

Tungkol sa isang kasintahan na namatay na nabuhay ulit ang pelikula. So, is it really just a coincidence o may gusto talagang ipahiwatig sa akin ang tadhana? Naguguluhan na talaga ako. At kung magkatotoo nga ang ikinakatakot kong kahihinatnan ng mga pangyayari ngayon, hindi ko na kakayanin ang sakit.

“Baby, natulala ka na naman,” puna ni Adrian.

“I’m fine. But can we please choose another movie? I want something light lang,” pakiusap ko dito.

Nang makapili na kami ng papanoorin ay tumabi na si Adrian sa akin sa kama. Sumandal ito sa dibdib ko habang nakahiga sa aking balikat.

Kung alam niya lang kung gaano ko ipinagdasal na magawa ulit namin ito.

Sa kalagitnaan ng pelikula, hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako at napansin ito ni Adrian, nang taong kagabi lang ay hinihiling ko na makapiling ko muli.

“You’re being weird, kanina pa,” wika ni Adrian.

Pinahid ko ang mga luha sa aking mata at ngumiti sa kanya. “I’m just happy, baby. The past few days have been really stressful and I am just really thankful to be spending this day with you.”

“That busy at work, huh?” tanong ni Adrian. “Don’t think about it for now and just relax,” dagdag nito habang hinigpitan ang yakap nito sa akin.

Pagktapos ng pelikula ay may naisip akong gawin na tiyak ikatutuwa ni Adiran. “Baby, how about we visit your parents and have dinner there tonight?”

Mula nang bumukod kami ni Adrian ay bihira na itong makauwi sa kanila. Kahit na work from home siya ay madalas sa condo lang siya naglalagi dahil mahabang oras din ang kailangang igugol para sa trabaho niya. Madalas ay twice a month lang kami makabisita sa mga magulang niya.

“Sige! I am sure matutuwa sila!” reaksyon ni Adrian. Bigla itong tumayo mula sa kama at dumiretso sa banyo.

“Maliligo lang ako, baby, medyo nag-amoy araw ako nung nag Baywalk tayo, e,” sabi nito. “You can join me if you want,” mapang-akit nitong sambit.

“Baliw ka baby,” natatawa kong tugon. Tila hindi pinansin ni Adrian ang sinabi ko dahil inalis na nito ang mga suot habang papalapit sa akin at hinila ako papunta sa banyo.

“I love you so much baby,” bulong ko sa kanya. “Mahal na mahal kita. Mahal na mahal.”

10 thoughts on “Ang Huling Awit ng Sisne: Chapter 3

  1. Alex Fronda

    The time I read the first two chapters two years ago made me cry a lot. Then now, before I read the 3rd chapter, I chose to read back again the first chapters. And it gave me the same feeling I had two years ago. I can’t wait for the next chapter. Thanks for this author.

    Reply
    1. Ktistoff

      I remember this story Ito ung binabasa Namin Ng partner Ko Nong Buhay pa siya 2 yrs ago. Ito ung nagpapakalma sa kanya Ito ung pinabasa nya sa akin. Hubby asan k man now I will promise to read this ang wait for another chapter daily I miss u so much

      Reply
  2. Anonymous

    Hello 🙂 I’ve been reading your work at sobrang amazed ako of how you deliver the story. More power.

    Reply
    1. foreveralone

      Hello Mr. Author. I hope masundan na itong story mo..all your stories here are awesome. I am a fan since 2013. Been waiting for 3 years para sa mga new stories mo. Hopefully masulat mo na ang mga susunod na chapters nito. God Bless.

      Reply
  3. Anonymous

    Finally! I’ve been waiting for this update for over one year. I literally shouted when I saw this. It brought back my feels when I read the first two chapters. Thank you author, Kudos! Can’t wait for the next chapter!

    Reply
  4. Ardi Lee

    Finally! I’ve been waiting for this update for like over a year. I literally shouted when I saw this. It brought back such feels when I read the first two chapters again. Thank you author, Kudos! Can’t wait for the next update!

    Reply
  5. foreveralone

    Hello Mr. Author. I hope masundan na itong story mo..all your stories here are awesome. I am a fan since 2013. Been waiting for 3 years para sa mga new stories mo. Hopefully masulat mo na ang mga susunod na chapters nito. God Bless.

    Reply
  6. Kaneki Ken

    Hey author I’m a fan! thank you sa lahat🙂 I’ve been reading your stories last Friday (july 29) and now I just finished ‘Plus One’.
    Thank you? Because you inspired me at least ngayon nabawasan ang mga iniisip ko.
    Hindi ako nagvote kasi lahat naman maganda eh.
    You are now one of my favorite author, sa kabila ang iba hahaha. Thank you ulit and take care always🙂

    Hoping na mabasa mo Ito🙂

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s