Ang Huling Awit ng Sisne: Chapter 4


Ang Huling Awit ng Sisne

I hope you still know the story. And I hope you still read my blog.

Enjoy! And please keep reading, commenting and sharing!🙂

Disclaimer: This is a work of fiction. Any resemblance to real people and events are purely coincidental. Furthermore, unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this blog’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to PINOY M2M Stories with appropriate and specific direction to the original content. Thank you.

_________________________________________________

“Mama, papa!” sigaw ni Adrian pagbaba nito sa sasakyan. Mabuti na lang at wala masyadong traffic pa-Cavite.

“Adrian! Buti naman at nabisita ka. We missed you!” bati ni tita habang binubuksan ang gate.

I consider myself very lucky dahil supportive and accepting and parents ni Adrian. Nung unang beses niya akong ipinakilala sa kanila, sobrang kabado pa ako dahil alam ko namang hindi lahat ng magulang ay natatanggap na bakla ang kanilang anak.

“Pumasok na kayo dun, hijo. Tamang tama, nagluluto ang tito mo,” wika sa akin ni tita matapos niya akong yakapin.

“Naku, mukhang mapaparami kain natin, tita. Nagdala din po kami ng konting ulam, e,” tugon ko.

Pagpasok namin ng bahay nila ay dumiretso kami ni Adrian sa kusino upang batiin ang kanyang tatay na abalang naggagayat ng mga gulay. Si tito na siguro ang pinakacool na tatay na nakilala ko. He treated me like I was his own son. In the years that Adrian and I were–are–together, hindi niya nakalimutan ni isang beses na batiin ako sa birthday ko, at icelebrate ang mga achievements ko sa buhay.

Nagpasya akong tulungan si tito sa pagluluto habang si Adrian naman ay umakyat sa kwarto niya sa hindi ko alam na dahilan.

“Salamat anak at dinala mo dito si Adrian. Alam mo naman kami ng tita mo, hindi lang kami nangungulit pero siyempre namimiss din namin yang unico hijo namin,” paumpisang wika ni tito.

“Pasensya na po kayo, tito. Medyo busy lang po talaga kami pareho sa work. Pero wag kayo mag-alala, mas dadalasan na po namin dumalaw sa inyo,” nakangiti kong sagot.

Ito ang isang bagay na namimiss kong gawin kasama ang mga magulang ko. Parehong magaling magluto sina mama at papa. Madalas, ito ang bonding moment namin pero mula nang malaman nila ang tungkol sa amin ni Adrian ay unti-unti nang lumayo ang loob nila sa akin. Sinubukan ko pa noong una na mas mapalapit sa kanila, pero siguro ay napagod na lang din ako. Alam kong wala akong ginagawang masama pero bakit para akong nagmamakaawa para sa pagmamahal at pagtanggap nila? Sa Baguio na sila nakatira ngayon dahil nakabili si papa doon ng rest house. Ilang taon na rin mula nang huli ko silang makasama. Aaminin ko, masama ang loob ko dahil ang akala ko, mga magulang ko ang unang makakatanggap sa akin. But I still miss them everyday.

Narinig kong may pababa ng hagdan at nang mamasdan ko ang tila nag-aalalang mukha ni tita ay agad bumilis ang tibok ng dibdib ko. May masama bang nangyari kay Adrian?

“Dad, asan ba yung medicine kit natin? Medyo sumakit daw ‘yung ulo ni Adrian e. Paiinumin ko lang ng paracetamol,” tanong ni tita.

Hindi ko na narinig ang sagot ni tito dahil dali-dali akong umakyat at pumunta sa kwarto ni Adrian.

“Baby, anong problema? Halika, dalhin na kita sa ospital,” nag-aalala kong wika.

“OA mo, baby. Sumakit lang ng kaunti ang ulo ko. Paracetamol lang, okay na ‘to.”

Hindi maalis ang kaba sa isip ko dahil everything that has happened today seems like a weird dream. A great dream, yes, but weird nonetheless.

“Bumaba na lang tayo. Baka tapos na magluto si papa.”

Mula nang sumakit ang ulo ni Adrian, hanggang ngayon na mag-uumpisa na kaming kumain ay hindi na mawala sa akin ang pag-aalala. Nadagdagan pa ito ng ma-realize ko na matatapos na ang araw. Baka bukas…

“How’s work, hijo? I understand kagagaling mo lang ng Singapore?” tanong ni tita habang kami ay kumakain. Nakakatuwang pagmasdan si Adrian habang kumakain. Iisipin mong ang tagal niyang hindi nakakain ng masarap sa ikinikilos niya ngayon. Kung sa bagay, masarap naman talagang magluto si tito.

“Opo, tita. Medyo busy dahil may regional client kaming gustong makuha kaya I had to visit their office. I’m optimistic naman na we are able to secure them as a new client,” kwento ko sa kanila.

“Alam mo ba mama, sa sobrang sipag ni baby, I can retire right now and he will be able to provide for both of us,” natatawang komento ni Adrian.

“Na syempre hindi mo gagawin. Hindi kita pinag-aral para umasa lang sa iba,” balik na sagot naman ni tito. Natawa kaming tatlo sa tinuran niya. Palaging magaan ang mood kapag kasama ko ang pamilya ni Adrian.

“Pero dad, naaalala mo ba kung paanong nagkakilala ‘tong dalawa?” tanong ni tita.

Napahinto si Adrian sa pagsubo at akmang maghahanda sa pagkukwento. “Ayan na naman tayo, mama. Ako na magkukwento. Baka kung ano pa idagdag mo, e.”

 

“Mr. Samonte, if I were you maghahanap na ako ng tutor. At this rate, I maybe seeing you again next year,” wika ni Ma’am Flores kay Adrian pagkatapos ng kanilang Physics class. Graduating na si Adrian at handang handa nang magkolehiyo pero mukhang mabubulilyaso pa yata.

“Grabe naman, Ma’am Flores. Ipasa n’yo na ako,” pakiusap ni Adrian.

“Pass your final exam and makakagraduate ka. Otherwise, part ka lang ng audience sa graduation ceremony next month,” pagmamatigas ni Ma’am Flores.

Paglabas nila ng classroom ay agad nilapitan ni Gab si Adrian. “Best friend, ano na? Baka mamaya mauna pa akong grumaduate sa’yo!”

“Ano ka ba? Kapag ikaw nagdilang anghel, lagot ka sa akin. Tulungan mo na lang kasi ako.” Bakas sa mukha ni Adrian ang pagkabalisa. Hindi man siya ang pinakamatalino sa batch nila ay alam naman nitong may ibubuga talaga siya, kung hindi lang siya tamad mag-aral.

“E bakit ka lumapit sa isa sa mga nasa star section? I’m sure may papayag naman sa mga ‘yun na turuan ka,” ani Gab.

“Sino sa tingin mo ang papayag?” tanong ni Adrian.

“Mag-umpisa ka sa pinakamatalino. Doon ka sa running for valedictorian.” Dumiretso sila sa cafeteria upang kumain nang makasalubong nila ang kanina lang ay pinag-uusapan nila.

“Uy, pwede ba kitang makausap?” tanong ni Adrian sa nakasalubong.

“Tungkol saan?” balik na tanong nito.

Si Gab ay nasa tabi pa rin ni Adrian. Samantalang nagpatuloy lang sa paglalakad ang mga kasama nito. “Kuha na kami ng upuan, Kyle! Sumunod ka na lang.”

At dito na nagsimula ang kwento nina Adrian at Dylan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s